Ang Makapangyarihang Diyos - Ebanghelyo ng Huling Araw

Kristo ng mga Huling Araw - Ang Makapangyarihang Diyos

Ano ang Tunay na Kabuluhan ng Pagtubos ng Panginoong Jesus?

2020年03月04日 | Mga aklat ng ebanghelyo


Ang pagbanggit sa "Pagtubos ni Jesus" ay palaging nagpupuno sa atin ng pasasalamat sa Panginoon. Dalawang libong taon ang nakararaan, upang matubos tayo mula sa mga kamay ni Satanas, ipinako ang Panginoong Jesus sa krus at isinakripisyo para sa mga kasalanan ng sangkatauhan, para sa kapatawaran ng lahat ng ating mga kasalanan. Kapag tayo’y nagkasala, hangga’t tayo ay nagsisisi at nangungumpisal ng ating mga kasalanan sa Panginoon, ang ating mga kasalanan ay mapapatawad, at tatamasahin natin ang kapayapaan at kagalakan. Nguni’t kamakailan lamang, may mga kapatiran na nalilito: Bagama’t ang ating mga kasalanan ay pinatawad na ng Panginoon, hindi pa tayo lubos na nakatakas sa pagkaalipin ng kasalanan, madalas tayong magsinungaling at mandaya, nananatili tayo nang paulit-ulit sa kasalanan at pangungumpisal, at hindi natin iniingatan ang mga pangaral ng Panginoon. Malinaw na sinasabi sa atin ng Bibliya, "Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan" (Mga Hebreo 10:26). Malinaw na alam natin na maaari tayong magkasala nang hindi sinasadya sa kabila ng kaalaman na ang ating mga gawain ay labag sa kalooban ng Diyos, at kapag tayo ay nagsisi lang nang walang pagbabago, ang sakripisyo para sa ating mga kasalanan ay walang silbi. Katulad nito, tunay nga bang diretso tayong madadala sa kaharian ng langit kapag dumating ang Panginoon? Nguni’t may mga kapatiran na naniniwala din na bagama’t madalas tayong magkasala, pinatawad na ng Panginoon ang ating mga kasalanan at hindi na Niya tayo tinitingnan bilang mga makasalanan, at kapag nagbalik ang Panginoon, tayo’y madadala sa kaharian ng langit! Kaya nga, tayo ba ay madadala sa kaharian ng langit? Tayo na’t sama-sama nating saliksikin ang isyu.

————————————————
Malaman ang higit pa: Ang Plano ng Diyos


最新の画像もっと見る

コメントを投稿