Ang grupo ng mga tao na gustong makamit ng Diyos ngayon—sila yaong nagsisikap na makipagtulungan sa Diyos, na magagawang sundin ang Kanyang gawain, na naniniwala na ang mga salitang sinasalita ng Diyos ay totoo, at magagawang isagawa ang mga kinakailangan ng Diyos. Sila yaong mga mayroong tunay na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Sila yaong maaaring gawing perpekto, at sila yaong walang pagsalang lalakaran ang landas ng pagiging perpekto. Yaong mga walang isang malinaw na pagkaunawa sa gawain ng Diyos, yaong mga hindi umiinom at kumakain ng mga salita ng Diyos, yaong mga hindi pumapansin sa mga salita ng Diyos, at yaong mga walang anumang pag-ibig para sa Diyos sa kanilang mga puso—ang mga taong kagaya nito ay hindi maaaring gawing perpekto. Yaong mga nag-aalinlangan sa Diyos sa katawang-tao, yaong mga nananatiling hindi nakatitiyak tungkol sa Kanya, yaong mga hindi kailanman naging seryoso tungkol sa mga salita ng Diyos, at yaong mga palaging nililinlang ang Diyos, ang mga taong ito ay lumalaban sa Diyos at panig kay Satanas—walang paraan upang gawing perpekto ang gayong mga tao.
Kung ninanais mong gawing perpekto, kailangan munang panigan ka ng Diyos, sapagkat ginagawang perpekto ng Diyos yaong Kanyang pinapanigan at kaayon ng Kanyang puso. Kung ninanais mong maging kaayon ng puso ng Diyos, ang iyong puso ay dapat maging masunurin sa Kanyang gawain, dapat kang magsikap na hangarin ang katotohanan, at dapat mong tanggapin ang pagmamasid ng Diyos sa lahat ng bagay. Ang lahat ba ng iyong ginagawa ay sumailalim sa pagmamasid ng Diyos? Ang hangarin mo ba ay tama? Kung ang hangarin mo ay tama, sasang-ayunan ka ng Diyos; kung ang iyong hangarin ay mali, pinatutunayan lang nito na ang iniibig ng iyong puso ay hindi ang Diyos, kundi ang laman at si Satanas. Kung gayon, dapat mong gamitin ang panalangin bilang isang paraan upang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa lahat ng bagay. Kapag ikaw ay nananalangin, bagamat hindi Ako personal na nakatayo sa harap mo, ang Banal na Espiritu ay kasama mo, at parehong nananalangin ka sa Akin Mismo at sa Espiritu ng Diyos. Bakit ka naniniwala sa katawang-taong ito? Sapagkat taglay Niya ang Espiritu ng Diyos. Maniniwala ka ba sa personang ito kung wala sa Kanya ang Espiritu ng Diyos? Kapag naniwala ka sa personang ito, naniniwala ka sa Espiritu ng Diyos. Kapag natatakot ka sa personang ito, natatakot ka sa Espiritu ng Diyos. Ang pananampalataya sa Espiritu ng Diyos ay pananampalataya sa personang ito, at ang pananampalataya sa personang ito ay pananampalataya rin sa Espiritu ng Diyos. Kapag ikaw ay nananalangin, nararamdaman mo ang Espiritu ng Diyos na kasama mo, at ang Diyos ay nasa harapan mo, samakatuwid nananalangin ka sa Espiritu ng Diyos. Sa panahong ito, ang karamihan sa mga tao ay masyadong takot na dalhin ang kanilang mga pagkilos sa harap ng Diyos, at samantalang maaari mong linlangin ang Kanyang katawang-tao, hindi mo malilinlang ang Kanyang Espiritu. Ang anumang hindi makakayanan ang pagmamasid ng Diyos ay hindi kaayon ng katotohanan at dapat na isantabi, kundi ito ay isang kasalanan sa Diyos. Kaya, hindi alintana maging ito man ay kapag nananalangin ka, kapag ikaw ay nakikipag-usap o nakikibahagi sa iyong mga kapatid na babae at mga kapatid na lalaki, o kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin at ginagawa ang iyong gawain, kailangan mong ilaan ang iyong puso sa harap ng Diyos. Kapag natupad mo ang iyong tungkulin, ang Diyos ay kasama mo, at hangga’t ang iyong hangarin ay tama at ito ay para sa gawain ng bahay ng Diyos, tatanggapin Niya ang lahat ng ginagawa mo; dapat buong taimtim mong ialay ang iyong sarili sa pagtupad ng iyong tungkulin. Kapag ikaw ay nananalangin, kung mayroon kang pag-ibig para sa Diyos sa iyong puso at kung ikaw ay naghahangad sa malasakit, pag-iingat, at pagmamasid ng Diyos, kung ito ang iyong mga hangarin, ang iyong mga panalangin ay magiging mabisa. Halimbawa, kapag ikaw ay nananalangin sa mga pagtitipon, kung bubuksan mo ang iyong puso at mananalangin sa Diyos at sasabihin sa Diyos kung ano ang nasa iyong puso nang hindi mangungusap ng mga kasinungalingan—kung gayon ang iyong mga panalangin ay magiging mabisa. Kung masugid mong iniibig ang Diyos sa iyong puso, kung gayon ay gumawa ng panunumpa sa Diyos: “Diyos, na nasa mga kalangitan at lupa at sa lahat ng bagay, isinusumpa ko sa Iyo: Nawa ang Iyong Espiritu ay siyasatin ang lahat ng aking ginagawa at ingatan at magmalasakit para sa akin sa lahat ng sandali. Gawing itong posible sa lahat ng aking ginagawa na makapanindigan sa Iyong harapan. Kung ang aking puso ay tumigil kailanman sa pag-ibig sa Iyo o pagtaksilan Ka, ibigay sa akin ang Iyong pinakamabigat na pagkastigo at sumpa. Patawarin mo ako hindi sa mundong ito ni hindi sa susunod!” Nangangahas ka bang gumawa ng gayong panunumpa? Kung hindi ka makagagawa, pinatutunayan nito na ikaw ay duwag, at na iniibig mo pa rin ang iyong sarili. Taglay ba ninyo ang ganitong paninindigan? Kung ito talaga ang inyong paninindigan, dapat mong gawin ang panunumpang ito. Kung mayroon kang paninindigan na gumawa ng gayong panunumpa, pasisiyahin ng Diyos ang iyong paninindigan. Kapag ikaw ay nanunumpa sa Diyos, nakikinig ang Diyos. Pinapasyahan ng Diyos kung ikaw ay makasalanan o matuwid sa pamamagitan ng iyong mga panalangin at iyong pagsasagawa. Ito ngayon ang proseso sa pagperpekto sa inyo, at kung mayroon ka talagang pananampalataya sa Diyos sa pagka-perpekto sa iyo, dadalhin mo ang lahat ng iyong ginagawa sa harap ng Diyos at tatanggapin ang Kanyang pagsisiyasat; kung gagawa ka ng isang bagay na labis na mapanghimagsik o kung pagtataksilan mo ang Diyos, kung gayon dadalhin Niya ang iyong panunumpa sa katuparan, at kung gayon maging anuman ang mangyari sa iyo, maging ito man ay paglipol o pagkastigo, ito ay sarili mong suliranin. Ginawa mo ang panunumpa, kaya dapat mong isakatuparan ito. Kapag gumawa ka ng panunumpa, ngunit hindi ito tinupad, ikaw ay mamamatay. Dahil ikaw ay gumawa ng panunumpa, dadalhin ng Diyos ang iyong panunumpa sa katuparan. Ang ilan ay natatakot matapos nilang manalangin, at sinasabi, “Oh hindi, ang aking pagkakataon sa kabuktutan ay nawala, ang pagkakataon ko na gumawa ng mga napakasamang bagay ay nawala, ang aking pagkakataon na hangarin ang aking makamundong kasakiman ay nawala!” Ang mga taong ito ay umiibig pa rin sa mundo at pagkakasala, at tiyak na sila ay mamamatay.
Upang maging isang mananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan na ang lahat ng iyong ginagawa ay dapat dalhin sa harap ng Diyos at isailalim sa pagmamasid ng Diyos. Kung ang iyong ginagawa ay maaaring dalhin sa harap ng Espiritu ng Diyos ngunit hindi sa harap ng katawang-tao ng Diyos, pinatutunayan nito na hindi mo pa isinasailalim ang iyong sarili sa pagmamasid ng Espiritu ng Diyos. Sino ang Espiritu ng Diyos? Sino ang personang pinatotohanan ng Diyos? Hindi ba Sila iisa at pareho? Karamihan ay nakikita Sila bilang dalawa, naniniwalang ang Espiritu ng Diyos ay sa Kanya lamang, at ang persona na pinatotohanan ng Diyos ay isang tao lamang. Ngunit ikaw ay mali, hindi ba? Sa kaninong pangalan gumagawa ang personang ito? Yaong mga hindi nakaaalam sa Diyos na nagkatawang-tao ay hindi taglay ang pagkaunawang espirituwal. Ang Espiritu ng Diyos at ang Kanyang nagkatawang-taong laman ay iisa, sapagkat ang Espiritu ng Diyos ay natutupad sa katawang-tao. Kung ang personang ito ay hindi mabuti sa iyo, magiging mabuti ba ang Espiritu ng Diyos? Hindi ka ba nalilito? Sa araw na ito, wala sa mga hindi maaaring tumanggap sa pagmamasid ng Diyos ang makatatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos, at sinuman ang hindi nakakakilala sa Diyos na nagkatawang-tao ay hindi magiging perpekto. Tingnan ang iyong sarili at itanong kung lahat ng iyong ginagawa ay maaaring dalhin sa harapan ng Diyos. Kung hindi mo madadala ang lahat ng iyong ginagawa sa harapan ng Diyos, ipinakikita nito na ikaw ay manggagawa ng masama. Ang mga manggagawa ba ng masama ay maaaring gawing perpekto? Ang lahat ng iyong ginagawa, bawat pagkilos, bawat layunin, at bawat tugon ay dapat na dalhin sa harapan ng Diyos. Kahit ang iyong pang-araw-araw na buhay espirituwal—ang iyong mga panalangin, ang iyong pagiging malapit sa Diyos, ang pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos, ang pakikibahagi sa iyong mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae, ang pamumuhay ng buhay sa iglesia, at ang iyong paglilingkod sa iyong tambalan—ay dapat dalhin sa harapan ng Diyos at mamasid Niya. Ito ang uri ng pagsasagawa na makatutulong sa iyo na umunlad sa buhay. Ang proseso ng pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos ay ang proseso ng pagdadalisay. Habang lalo mong tinatanggap ang pagmamasid ng Diyos, mas lalo kang dinadalisay, at lalo kang umaayon sa kalooban ng Diyos, kaya hindi ka maaakit sa kabuktutan, at ang iyong puso ay mabubuhay sa harap Niya. Mas lalo mong tinatanggap ang pagmamasid Niya, mas lalong nahihiya si Satanas at mas nakakaya mong talikdan ang laman. Kaya, ang pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos ay isang landas na dapat isagawa ng mga tao. Maging anuman ang iyong ginagawa, maging sa panahon ng iyong pagbabahagi sa iyong mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae, kung dadalhin mo ang iyong mga pagkilos sa harap ng Diyos at hahangarin ang Kanyang pagmamasid, at kung ang iyong hangad ay upang sundin ang Diyos Mismo, ang iyong pagsasagawa ay magiging mas tama. Kung dinadala mo lamang ang lahat ng iyong ginagawa sa harapan ng Diyos at tinatanggap ang Kanyang pagmamasid saka ka pa lamang magiging isang tao na tunay na nabubuhay sa harapan ng Diyos.
Yaong mga walang pagkaunawa sa Diyos ay hindi kailanman lubos na makasusunod. Ang mga taong kagaya nito ay mga anak ng pagsuway. Sila ay masyadong ambisyoso, at mayroong masyadong paghihimagsik sa kanila, kaya inilalayo nila ang kanilang mga sarili sa Diyos at ayaw nilang tanggapin ang pagmamasid ng Diyos. Ang mga taong kagaya nito ay hindi maaaring kaagad-agad gawing perpekto ng Diyos. Ang ilang tao ay mapili kung paano nila kakainin at iinumin ang salita ng Diyos at sa pagtanggap nila nito. Tinatanggap nila ang mga bahagi ng mga salita ng Diyos na umaayon sa kanilang mga pagkaunawa habang itinatakwil yaong mga hindi. Hindi ba sila tahasang naghihimagsik at lumalaban sa Diyos? Kung ang isang tao ay naniniwala sa Diyos sa maraming taon nang hindi nagkakamit maging ng kaunting pagkaunawa sa Diyos, siya ay isang hindi sumasampalataya. Yaong mga nakahandang tanggapin ang pagmamasid ng Diyos ay yaong mga naghahangad ng pagkaunawa sa Diyos, na nakahandang tanggapin ang mga salita ng Diyos. Sila yaong makatatanggap ng mana at mga pagpapala ng Diyos, at sila yaong pinakapinagpala. Sinusumpa ng Diyos yaong mga walang puwang para sa Kanya sa kanilang mga puso. Kanyang kinakastigo at iniiwan ang gayong mga tao. Kung hindi mo iniibig ang Diyos, iiwanan ka ng Diyos, at kapag hindi ka nakinig sa Aking sinasabi, ipinangangako Ko na iiwanan ka ng Espiritu ng Diyos. Subukin ito kung hindi ka naniniwala! Sa araw na ito sinasabi Ko sa iyo ang isang landas sa pagsasagawa, ngunit nasa sa iyo kung ito ay isasagawa mo. Kung ikaw ay hindi nananampalataya, kung hindi ka magsasagawa, makikita mo kung ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa iyo o hindi! Kung hindi mo hahangarin ang pagkaunawa sa Diyos, ang Banal na Espiritu ay hindi gagawa sa iyo. Ang Diyos ay gumagawa sa kanila na naghahangad at pinahahalagahan ang mga salita ng Diyos. Habang lalo mong pinahahalagahan ang mga salita ng Diyos, lalong mas gagawa sa iyo ang Espiritu ng Diyos. Habang lalong pinahahalagahan ng isang tao ang mga salita ng Diyos, lalong mas lalaki ang kanyang pag-asa na gagawing perpekto ng Diyos. Ginagawang perpekto ng Diyos yaong tunay na umiibig sa Kanya. Ginagawa Niyang perpekto yaong ang mga puso ay panatag sa harapan Niya. Kung pinahahalagahan mo ang lahat ng gawain ng Diyos, kung pinahahalagahan mo ang kaliwanagan ng Diyos, kung pinahahalagahan mo ang presensiya ng Diyos, kung pinahahalagahan mo ang pagmamalasakit at pangangalaga ng Diyos, kung pinahahalagahan mo kung paanong ang mga salita ng Diyos ay maging iyong realidad at panustos sa iyong buhay, higit mong hinahangad na kaayon ng puso ng Diyos. Kung pinahahalagahan mo ang gawain ng Diyos, iyon ay, kung pinahahalagahan mo ang lahat ng gawain na ginawa ng Diyos sa gitna mo, pagpapalain ka ng Diyos at itutulot na ang lahat ng sa iyo ay dumami. Kung hindi mo pahahalagahan ang mga salita ng Diyos, hindi gagawa ang Diyos sa iyo, tutulutan ka lang Niya ng mga sandali ng biyaya para sa iyong pananampalataya, o pagpapalain ka ng kaunting materyal na kayamanan o ng kaligtasan para sa iyong pamilya. Dapat mong pagsikapang gawin ang mga salita ng Diyos na iyong realidad bigyang-kasiyahan Siya at maging kaayon ng Kanyang puso, at hindi ka lamang dapat magsikap upang tamasahin ang biyaya ng Diyos. Wala ng iba pang lalong mahalaga sa mga mananampalataya kaysa sa pagtanggap sa gawain ng Diyos, makamit ang pagka-perpekto, at maging isang tao na gumagawa sa kalooban ng Diyos. Ito ang layunin na dapat mong hangarin.
Ang lahat ng hinangad ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay lipas na, sapagkat mayroon ngayong isang mas mataas na pamantayan ng paghahangad, isang paghahangad sa isang bagay na kapwa mas nakahihigit at mas praktikal, kung anong hinahangad ay mas mapapalugod kung ano ang kinakailangan ng tao sa loob. Para sa kanila sa mga lumipas na kapanahunan, hindi ginawa ng Diyos ang gawain sa araw na ito para sa kanila, hindi Siya nakipag-usap sa kanila ng ganoon kadalas gaya ng nakikipag-usap Siya sa araw na ito, ni ang Kanyang mga kinakailangan sa kanila ay kasing taas tulad sa ngayon. Ang pagsasabi ng Diyos sa mga bagay na ito sa inyo ngayon ay nagpapatunay na ang sukdulang layunin ng Diyos ay upang ituon sa inyo, ang grupong ito. Kung tunay mong ninanais na gawing perpekto ng Diyos, kung gayon ay hangarin ito bilang iyong pinakasentrong layunin. Hindi alintana maging ikaw man ay tumatakbo, gumugugol sa iyong sarili, tumutupad ng isang tungkulin, o kung natanggap mo na ang tagubilin ng Diyos, ang layunin ay palaging maging perpekto at upang mapalugod ang kalooban ng Diyos, Dapat mong hangarin ito sa lahat ng iyong ginagawa. Kung sinasabi ng isang tao na hindi siya naghahangad ng pagperpekto ng Diyos o pagpasok sa buhay, ngunit hinahangad lamang ang kapayapaang panlaman at kagalakan, kung gayon siya ay masyadong bulag. Yaong mga hindi naghahangad sa realidad ng buhay, ngunit hinahangad lamang ang buhay na walang hanggan sa kabilang buhay at kaligtasan sa mundong ito ay masyadong bulag. Kaya, ang lahat ng iyong ginagawa ay dapat gawin para sa layuning maging perpekto at makamit ng Diyos.
Ang gawain na ginagawa ng Diyos sa mga tao ay upang maglaan para sa kanila batay sa kanilang magkakaibang mga kinakailangan. Habang mas lumalaki ang buhay ng isang tao, mas lalo siyang mangangailangan, at mas lalo siyang maghahangad. Kung sa yugtong ito ay wala kang mga paghahangad, pinatutunayan nito na iniwanan ka na ng Banal na Espiritu. Yaong lahat ng naghahangad sa buhay ay hindi kailanman iiwanan ng Banal na Espiritu—sila ay palaging maghahangad, at palaging mananabik. Ang mga taong kagaya ng mga ito ay hindi kailanman napapanatag na magpahinga kung nasaan sila. Ang bawat yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay naglalayon na makamtan ang isang resulta sa iyo, ngunit kapag ikaw ay nagiging kampante, kung hindi ka na nangangailangan, kung hindi mo na tinatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu, iiwan ka Niya. Kinakailangan ng mga tao ang pagmamasid ng Diyos sa araw-araw, kinakailangan nila ang masaganang pagtustos mula sa Diyos sa araw-araw. Makagagawa ba ang tao nang walang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos sa araw-araw? Kung nararamdaman ng isang tao na hindi siya makakakain at makakainom nang sapat sa salita ng Diyos, kung palagi niya itong hinahangad at nagugutom at nauuhaw para dito, ang Banal na Espiritu ay palaging gagawa ng gawain sa gitna nila. Habang lalong nananabik ang isang tao, mas maraming praktikal na bagay ang maaaring lumabas sa kanyang pagababahagi. Habang lalong tumitindi ang paghahangad ng isang tao sa katotohanan, mas lalong mabilis na umuunlad ang kanyang buhay, magbibigay sa kanya ng mayamang karanasan at gagawin siyang mayaman sa bahay ng Diyos.
——————————————————
Anong uri ng mga tao ang maaaring madala sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit."(Mateo 7:21). Mula sa salita ng Panginoon, makikita natin na tanging yaong mga pagsunod sa kalooban ng Diyos ay makakapasok sa kaharian ng langit. Kaya, alam mo ba kung paano sumunod sa kalooban ng Diyos?
※コメント投稿者のブログIDはブログ作成者のみに通知されます