Tungkol sa kung paano tanggapin ang ikalawang pagdating ng Panginoon, sinabi minsan ng Panginoong Hesus , "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Pahayag 2:7). "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin" (Juan 10:27). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20). Malinaw na magsasalita ang ikalawang pagdating ng Panginoon at sasalubungin ng matatalinong birhen ang Kasintahang Lalaki dahil kaya nilang marinig ang tinig ng Diyos at pupunta sila sa pagkakasal ng Kordero. Lahat tayo ay handang maging matatalinong birhen at salubungin ang ikalawang pagdating ng Panginoon, kung ganoon ay magagawa ba nating makilala ang tinig ng Diyos? Paano natin kikilalanin ang Kanyang tinig?
______________________________________
Manood ng higit pa:Mahal na mga kapatid, natatandaan nyo pa ba ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus? Nais mo rin bang maging matalinong mga dalaga upang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon? Kaya, ano ang pagpapakita ng mga matatalinong dalaga? Ano eksakto ang tinutukoy na "langis"? Sa pamamagitan lamang ng pag-alam sa mga katanungang ito maaari tayong magkaroon ng mga paraan upang magsanay at makatagpo ang Panginoon.
※コメント投稿者のブログIDはブログ作成者のみに通知されます