Ang Makapangyarihang Diyos - Ebanghelyo ng Huling Araw

Kristo ng mga Huling Araw - Ang Makapangyarihang Diyos

Sa Aba sa mga Yaon na Muling Magpapako sa Diyos sa Krus

2020年03月14日 | Mga Patotoo
Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao sa China upang magtrabaho, at nagpahayag ng milyun-milyong salita, nanlulupig at nagliligtas sa isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang salita at nagpapasimula sa bagong kapanahunan ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Ngayon, ang paglaganap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay umabot na sa kasukdulan sa Mainland China. Karamihan sa mga tao sa Iglesiang Katoliko at lahat ng Kristiyanong denominasyon at sekta na naghahanap sa katotohanan ay nakabalik na sa harapan ng luklukan ng Diyos. Naisakatuparan ng Diyos na nagkatawang-tao ang gawain ng “lihim na pagparito ng Anak ng tao” na ipinropesiya sa Biblia, at di-maglalaon ay magpapakita sa publiko sa bawat bansa at lugar sa mundo. Lahat ng tao sa bawat bansa at lugar na nauuhaw sa pagpapakita ng Diyos ay aasamin ang pagpapakita ng Diyos sa publiko. Walang puwersang maaaring humadlang o sumira sa kaharian ng Diyos, at sinumang lalaban sa Diyos ay parurusahan ng galit ng Diyos, tulad ng sinabi sa mga salita ng Diyos: “Nahuhubog ang kaharian Ko sa buong sandaigdigan, at sinasakop ng Aking trono ang mga puso ng trilyun-trilyong mga tao. Sa tulong ng mga anghel, malapit nang matagumpay na maging ganap ang dakila Kong gawain. Sabik na hinihintay ng lahat ng Aking mga anak at ng Aking bayan ang Aking pagbabalik, inaasam nila ang muli Kong pakikisama sa kanila, na hindi na kailanman maghihiwalay muli. Sa pakikisalamuha Ko sa kanila, paanong hindi magdiriwang ang lahat ng mga tao sa Aking kaharian? Wala kayang halaga ang muling pagtitipon na ito? Marangal Ako sa mga mata ng lahat ng tao, ipinahahayag Ako sa mga salita ng lahat. Sa Aking pagbabalik, mas lalo Kong lulupigin ang lahat ng mga puwersa ng kaaway. Ang oras ay dumating na! Gusto Kong ipagpatuloy ang Aking gawain, gusto Kong magharing pinakadakila sa kalagitnaan ng tao! Babalik Ako! Aalis Ako! Ito ang inaasam ng lahat, ang kanilang inaasahan. Ang nais Ko ay tulutan ang lahat na makita ang pagdating ng Aking araw at malugod na salubungin ang pagdating ng Aking araw!” “Ang lahat ng Aking iniibig ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at ang lahat ng mga taong lumaban sa Akin ay tiyak na paparusahan Ko nang walang hanggan. Sapagka't ako'y ang naninibughong Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang ginawa. Babantayan ko ang buong lupa, at, magpapakita sa Silangan ng mundo nang may kabanalan, kamahalan, poot at kaparusahan, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!

Ang pambihirang gawain ng Diyos ay naihayag ang lahat ng anticristo, huwad na propeta, at manlilinlang. Inilantad nito ang mga huwad na mananampalataya na ang hinahangad lamang ay ang biyaya ng Diyos at ang makakain ng tinapay at mabusog. Ang salita ng paghatol ng Diyos ay parang matalas na tabak na may dalawang talim na bumabaon sa puso at espiritu ng tao, na nagdudulot sa mga may galit na masaway, ang mga napopoot sa dalisay na mga salita, at ang hindi nagmamahal sa katotohanan upang ipakita ang tunay na kulay nila.

Sa mga salitang ipinapahayag ng Diyos noong lihim Niyang pagparito, namamasdan natin ang katotohanan ng paglaban at paghihimagsik laban sa Diyos, na pangunahing naipakita sa tatlong aspetong ito

1. Na madalas magkasala at lumaban at maghimagsik ang sangkatauhan sa Diyos ay dahil, kasunod ng pagtiwali ni Satanas sa mga tao, kinubabawan ang kanilang pagkatao ng iba’t ibang kamandag ni Satanas, at lumaban at naghimagsik sila laban sa Diyos. Sa gayon ay nagkakasala sila araw-araw, at madalas nilang ikumpisal ang kanilang mga kasalanan, ngunit hindi pa rin sila makalaya sa pagkaalipin at gapos ng kanilang likas na kademonyohan. Ang likas na katangian ng tao na naghihimagsik laban sa Diyos ang ugat ng kanyang kasalanan.

2. Lubhang tiniwali ni Satanas ang sangkatauhan. Ang mga puso ng mga tao ay napuspos ng walang iba kundi mga pilosopiya ni Satanas, mga patakaran ni Satanas sa buhay, at mga paraan ng pag-iisip ni Satanas, kaya hindi na nila maunawaan o malaman na ang salita ng Diyos ay ang katotohanan. Kung hindi dahil sa pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, hindi matatanggap ng sangkatauhan ang katotohanan. Kahit naniniwala sa Diyos ang tiwaling sangkatauhan, kinikilala lamang ng mga tao na mayroong Diyos; hindi nila kinikilala na ang Diyos ang katotohanan. Dahil doon, madalas hatulan ng tiwaling sangkatauhan ang Diyos, inaatake nila ang Diyos, nilalabanan ang Diyos, at naghihimagsik sila laban sa Diyos.

    3. Lubhang tiniwali ni Satanas ang sangkatauhan. Kahit yaong mga naniniwala sa Diyos nang maraming taon ay hinding-hindi makikilala ang Diyos kung hindi dahil sa Kanyang paghatol at pagkastigo, o sa gawaing pagligtas ng nagkatawang-taong laman. Sa kanilang paniniwala sa Diyos, maaari lang nilang tamasahin ang biyaya ng Diyos at kilalanin na totoong mayroong Diyos. Hindi nila talaga kilala ang Diyos. Mapupuspos lang sila ng mga relihiyosong doktrina at palagay, at magiging mas mayayabang at mapagmagaling, at lakas-loob pang hahatulan ang Diyos, itatakwil ang Diyos, at lalapastanganin ang gawain ng Diyos. Ang mga bagay na ito ay hindi na bago, ngunit madalas mangyari sa relihiyosong mundo, na nangangailangan ng malalim na pag-iisip ng mga tao, at lubos na isinakatuparan ang mga salita ni Jesus: “Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.” Malinaw nating nakitang lahat na sa relihiyosong mundo, napakaraming taong kumikilos sa pangalan ng Panginoon ngunit lumalaban at isinusumpa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ang lahat ng naniniwala sa Diyos, ngunit kinikilala lamang na mayroong Diyos at hindi alam na ang Diyos ang katotohanan, ay malamang na labanan ang Diyos, atakihin ang Diyos, at lapastanganin ang Diyos. Sa kaunting kaalaman sa Biblia at doktrina ng relihiyon, naniniwala sila na taglay nila ang katotohanan at kilala nila ang Diyos. Umaamba pa silang lapastanganin ang gawain ng Banal na Espiritu at hinahamon ang Cristo na nagkatawang-tao. Ang naghihintay lang sa kanila ay ang matuwid, maringal, at galit na paghatol at pagkastigo ng Diyos. Sa araw ng pagdating ng Diyos sa publiko, ang lahat ay mabubunyag!

Mula sa mga taong nangangaral ng ebanghelyo sa iba’t ibang lugar, madalas nating marinig na marami sa mga yaon ang minsa’y lumaban sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, o pinakialaman at hinadlangan ang pagtanggap ng mga tao sa Makapangyarihang Diyos, ang pinarusahan at isinumpa sa iba’t ibang katindihan. Masasabi na medyo maganda ang papel na ginampanan nito sa pagganyak sa pangangaral natin ng ebanghelyo. Nang marinig ang gayong impormasyon, hindi namin mapigil na purihin ang kabutihan ng Diyos; higit pa riyan, pinasalamatan namin ang Diyos sa pagdinig sa aming mga dalangin. Dagdag pa rito, kusang nagkaroon ng pagpipitagan at paghanga sa Diyos sa aming puso. Hindi pababayaan ng Diyos ang mga tupang nabibilang sa Kanya, ni hindi Niya pababayaang makaalpas ang sinumang gumagawa ng kasamaan at nilalabanan Siya. Ang Diyos ay nasa lahat ng dako at makapangyarihan, at ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring hadlangan ng anumang kapangyarihan ng kaaway. Naipakita na sa atin ng Diyos ang napakaraming sitwasyon ng kasamaan na pinarurusahan. Naniniwala kami na tahimik na babala rin ito sa bawat isa sa atin. Sa gayon, nagtipon kami ng maraming pagkakataon na pinarurusahan ang mga tao, na ang lawak ay sumasakop sa Iglesiang Katoliko at iba’t ibang denominasyon at sektang Kristiyano. Ang haba ng panahon ay mula 1993 hanggang 2002 lamang, at ang mga lokasyon ay nasa paligid ng 24 na probinsya at lungsod. Sa kabuuan nakakolekta kami ng mahigit sampung libong kaso ng mga tao na pinarurusahan dahil sa paglaban sa Makapangyarihang Diyos, at sa kanila kami ay pumili ng mahigit walong daan at pitumpu na karaniwan. Ngunit ang mga kasong ito pa lamang ay sapat na para matuto ng leksyon ang lahat ng tao mula sa (cf. Mga Karaniwang Kaso ng Parusa dahil sa Paglaban sa Makapangyarihang Diyos).

Mula sa nakakagulat na mga kasong ito ng mga pinarusahan dahil sa paglaban sa Diyos, natukoy namin ang apat na pangunahing uri ng mga tao na medyo nagngangalit sa kanilang paglaban sa Diyos:

Ang una: Ang mga taong ito ay nilinlang ng iba o inalipin ng masasamang tagapaglingkod bunga ng hindi pagkaalam sa gawain ng Banal na Espiritu at hindi kakayanang kumilala. Sa gayon, sinunod nila ang mga ito sa paggawa ng kasamaan, at ginaya ang mga salita nila, na nangungusap ng maraming salita sa paglaban sa Diyos at paggawa ng kasamaan upang pigilan ang mga tao na tanggapin ang gawain ng Diyos. Kakaunti lang ang parusang inilapat ng Diyos sa mga taong ito, at hindi winakasan ang kanilang buhay. Ang ilan sa kanila ay nagkaroon ng kakaibang mga sakit, at ang ilan ay naaksidente o nadisgrasya ang kanilang mga kapamilya. Binigyan ng Diyos ng pagkakataong magsisi ang ganitong uri ng mga tao. Mangyari pa, may ilan din na lalong matitigas ang ulo na hindi pa rin nagigising matapos maparusahan; patuloy silang gumagawa ng kasamaan kaya sila pinalayas.

Ang pangalawa: Karamihan sa mga taong ito ay mga pinuno ng iba’t ibang denominasyon at sekta. Kinailangan nilang pumili sa pagitan ng kanilang kalagayan at ng Diyos. Alang-alang sa kanilang katungkulan, tinalikuran nila ang tamang daan, sadyang nilabanan ang gawain ng Diyos, at kinontrol ang mga tao na nasa kanilang mga kamay. Para malugod magpakailanman sa mga pakinabang na hatid ng kanilang katungkulan, nilinlang at binihag nila ang mga tao. Tila mawawala sa kanila ang kanilang katungkulan kung mawala sa kanila ang kanilang mga tao, at hindi sila mabubuhay nang wala ang kanilang katungkulan. Kaya nga, ginawa nila ang lahat para makipag-agawan sa Diyos para sa Kanyang mga piling tao, at tinawag ang mga tupa ng Diyos na kanilang mga tupa. Sila ay mga karaniwang anticristo. Ang pinagsilbihan nila ay ang kanilang katungkulan at kabuhayan. Mas lalong tumigas ang kanilang mga puso. Nagtamasa sila ng biyaya ng Diyos subalit nais din nilang pigilan ang mga piling tao ng Diyos, at ni hindi binigyan ng kalayaan ang mga ito na piliin ang nararapat sa kanila. Sila ang napakasasamang tagapaglingkod na ipinropesiya ng Panginoong Jesus. Pinarusahan din ng Diyos ang mga taong ito sa iba’t ibang katindihan ayon sa kanilang pag-uugali, at binigyan din sila ng pagkakataong magsisi. Ngunit ang ilan sa kanila ay higit pa roon ang ginawa, at mas ginustong mamatay kaysa magsisi. Kaya winakasan ng Diyos ang kanilang buhay. Para sa mga yaon na pinigilan ang kanilang sarili o itinigil ang paggawa ng kasamaan matapos maparusahan, hindi winakasan ng Diyos ang kanilang buhay at hinihintay pa rin sila ng Diyos na magsisi.

Ang pangatlo: Ang mga taong ito ay dating kinubabawan ng masasamang espiritu, o kaya, sa ilang pagkakataon, ay umasa na magpapakita ng di-pangkaraniwang kapangyarihan ang masasamang espiritu. Ang mga taong ito ay naniwala sa gawain ng masasamang espiritu sa kanilang kalooban, ngunit wala silang kaalam-alam sa gawain ng Banal na Espiritu. Dahil dito, nang ipangaral sa kanila ang bagong gawain ng Diyos, pumukaw ito ng malakas na pagkontra sa kanila. Ang ganitong uri ng mga tao ay mas napopoot sa gawain ng Banal na Espiritu, at higit sa lahat ay kinamuhian nila ang katotohanang ipinahayag ng Diyos. Sa lahat ng denominasyon at sekta, ang tinig ng pagkalaban nila sa Diyos ang pinakamalakas, pinakamasama ang kanilang mga kilos, at pinakamapusok at pinakamaalab ang kanilang pagkontra sa Diyos. Ang mga taong ito ang mga kasangkapan ng masasamang espiritu, ng mga kaaway ng Diyos, at ng mga kampon ni Satanas, kaya nga lahat sila ay isinumpa, at tiyak na mapapamahak at mawawasak.

Ang pang-apat: Ang mga taong ito na pinarusahan ang sandigan na sinanay ng Three-Self Church. Naglingkod sila at ibinigay ang kanilang buhay lalo na sa Communist Party at kaalitan ng mga yaon ang tunay na naniwala sa Diyos. Sa suporta ng kapangyarihan ng estado, inusig nila ang mga tunay na sumunod sa Diyos at nagpatotoo sa Diyos, at nagsilbing mga kasangkapan ng pamahalaan. Hawak nila ang “rice bowl” na iginawad ng Communist Party, nagsalita at ibinigay ang kanilang buhay para sa Communist Party, at naging tagapagsalita ng Communist Party sa relihiyosong mundo. Katunayan, ang Communist Party ang kanilang amo. Ang mga taong ito ay may mga katungkulan sa pamamahala sa mga iglesia sa halos lahat ng lugar, at kinontrol sa kanilang mga kamay ang maraming mangmang na nananalig. Ang mga taong ito ay walang iba kundi ang mga diyablong lumaban sa Diyos. Sila ay tunay na hindi naniniwala sa Kristiyanismo. Bagama’t naging laganap sila nang ilang panahon, tiyak silang isusumpa at wawasakin.

Ang bantog na mga taong ito sa Iglesiang Katoliko at iba’t ibang Kristiyanong denominasyon at sekta ay pinarusahang lahat ng Diyos, at isinumpa pa at namatay, dahil isinumpa nila ang gawain ng Diyos at pinatigil ang pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos. Hindi ba ito nararapat pag-isipang mabuti ng mga tao? Kung ang Isang nilabanan nila ay hindi Diyos, sino ang magpaparusa sa kanila at kikitil sa kanilang buhay? Kung talagang sila ay sa Diyos, sino ang may kapangyarihang kunin ang kanilang buhay mula sa kamay ng Diyos? Hindi mo ba kinikilala na ang Diyos ay makatarungan?

Mula sa mga kasong ito ng apat na uri ng mga tao at ng kanilang mga kilos, malinaw nating makikita, at likas ito sa kanila, na ayaw nila ang katotohanan. Galit sila sa gawain ng Diyos na iligtas at baguhin ang tao sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo, labis nilang kinamuhian ang salita ng Diyos na nagbubunyag sa likas na pag-uugali ng tao at tumitimo sa kaluluwa ng tao, at nagwala pa na para bang ang pagparito ng Diyos ay nakaabala sa kanilang masayang panaginip. Kaya nga ang kanilang puso ay nagrereklamo laban sa Diyos at ang kanilang likas na pag-uugaling maghimagsik laban sa Diyos ay lubos na nalantad. Kanila pang isinumpa, nilapastangan, at nilabanan ang Diyos nang walang habas, puno ng kayabangan at kahambugan. Mas masasama pa sila kaysa sa mga Fariseo na nang-usig sa Panginoong Jesus dalawnag libong taon na ang nakararaan. Dahil sa kanilang masasamang gawain, sila ay pinarusahan at isinumpa sa huli. Pagsapit lamang ng kamatayan na natanto ng marami sa kanila na ang disposisyon ng Diyos ay hindi dapat saktan. Ngunit humahagulgol lang sila at nagngangalit ang kanilang mga ngipin sa dilim. Pinatunayan ng mga tunay na pangyayari na yaong mga muling nagpako kay Cristo sa krus ay tiyak na mapapahamak!

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Lumalawak ang kaharian sa kalagitnaan ng sangkatauhan, nabubuo ito sa kalagitnaan ng sangkatauhan, ito ay tumatayo sa kalagitnaan ng sangkatauhan; walang puwersa ang maaaring magwasak sa Aking kaharian. Sa Aking mga tao na nasa kaharian ng kasalukuyan, sino sa inyo ang hindi tao na nakahalubilo sa mga tao? Sino sa inyo ang namamalagi sa labas ng kalagayan ng tao? Kapag inihayag sa sangkaramihan ang tandâ ng bago Kong panimula, ano kaya ang reaksyon ng sangkatauhan? Nakita ninyo mismo ng inyong sariling mga mata ang estado ng sangkatauhan; tiyak na hindi na kayo umaasa pa na magpakailanmang magtitiis sa mundong ito? Lumalakad Ako ngayon sa kalagitnaan ng Aking bayan, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng aking bayan. Ngayon, yaong may tunay na pag-ibig sa Akin, ang taong gaya nito ay mapalad; mapalad yaong mga nagpapasakop sa Akin, sila ay tiyak na mananatili sa Aking kaharian; mapalad yaong mga nakakakilala sa Akin, sila ay tiyak na hahawak ng kapangyarihan sa Aking kaharian; mapalad ang mga yaong naghahangad sa Akin, tiyak na makaliligtas sila mula sa mga gapos ni Satanas at matatamasa nila ang pagpapala sa Akin; mapalad ang mga yaong kayang talikuran ang kanilang mga sarili, tiyak na papasok sila sa Aking pag-aari, at mamanahin ang gantimpala ng Aking kaharian. Aalalahanin Ko ang mga yaong gumagawa para sa Aking kapakanan, yayakapin Ko nang may kagalakan ang mga yaong gumugugol para sa Aking kapakanan, bibigyan Ko ng mga kasiyahan ang mga yaong naghahandog sa Akin. Pagpapalain Ko ang mga yaong nasisiyahan sa Aking mga salita; tiyak na sila ang magiging mga haligi na magtataas sa ituktok ng Aking kaharian, tiyak na magkakaroon sila ng walang-kapantay na gantimpala sa Aking bahay, at walang maihahalintulad sa kanila. Tinanggap na ba ninyo ang mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Hinanap na ba ninyo ang mga ipinangako sa inyo? Sa ilalim ng paggabay ng Aking liwanag, tiyak na makakawala kayo mula sa pagkasakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, tiyak na hindi ninyo maiwawala ang ilaw na gumagabay sa inyo. Tiyak na kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilalang. Tiyak na kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, tiyak na tatayo kayo sa kalagitnaan ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Tiyak na magiging matatag at matibay kayo sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang pagpapalang nagmumula sa Akin, at tiyak na sisinagan ng Aking kaluwalhatian ang lahat sa loob ng sansinukob.


_______________________________________

Maraming tao ang nag-iisip na hangga't kinikilala natin ang Diyos sa ating mga bibig at nagtitiwala sa Kanya sa ating mga puso, kung gayon ay matatawag tayo na naniniwala tayo sa Diyos. Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ay tunay na kasing simple ng iniisip natin? Ano ang pananampalataya sa Diyos? Sa katunayan, ang "Paniniwala sa Diyos" ay nangangahulugang naniniwala tayo na pinanghahawakan ng Diyos ang soberanya sa lahat ng bagay. Batay dito, dapat nating maranasan ang gawain ng Diyos, mabago ang ating disposisyon at sa huli makilala ang Diyos.


最新の画像もっと見る

コメントを投稿