Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa nakalipas, nakagawa ang ilang tao ng mga hula tungkol sa “limang matatalinong dalaga, limang mangmang na dalaga”; bagaman hindi tumpak ang hula, hindi naman ito maling-mali, kaya mabibigyan Ko kayo ng ilang paliwanag. Ang limang matatalinong dalaga at limang mangmang na dalaga ay tiyak na hindi parehong kumakatawan sa bilang ng mga tao, ni kumakatawan sila sa isang uri ng mga tao ayon sa pagkakabanggit. Nangangahulugan ng bilang ng mga tao ang limang matatalinong dalaga, kinakatawan ang isang uri ng mga tao ng limang mangmang na dalaga, nguni’t alinman sa dalawang ito ay hindi tumutukoy sa mga panganay na anak, at sa halip kinakatawan nila ang sangnilikha. Ito ang dahilan kung bakit hiningi sa kanilang maghanda ng langis sa mga huling araw. (Hindi nagtataglay ng Aking katangian ang sangnilikha; kung gusto nilang gumawa ng matatalinong tao kung gayon kailangan nilang maghanda ng langis, at sa gayon ay kailangang masangkapan sila ng Aking mga salita.) Kinakatawan ng limang matatalinong dalaga ang Aking mga anak at Aking bayan sa gitna ng mga tao na Aking nilikha. Ang pagtawag sa kanila na[a] “mga dalaga” ay dahil bagama’t isinilang sila sa lupa, natatamo Ko pa rin sila; maaaring sabihin ng isa na naging banal sila, kaya tinatawag silang “mga dalaga.” Ang nabanggit na “lima” ay kumakatawan sa bilang ng Aking mga anak at Aking bayan na naitadhana Ko. Ang “limang mangmang na dalaga” ay tumutukoy sa mga taga-silbi. Gumagawa sila ng serbisyo sa Akin na hindi nagpapahalaga ng kahit katiting sa buhay, hinahabol lamang ang mga panlabas na bagay (dahil hindi sila nagtataglay ng Aking katangian, anumang gawin nila ito ay isang panlabas na bagay), at hindi nila kayang maging Aking mga may-kakayahang katulong, kaya tinatawag silang “mga mangmang na dalaga.” Ang nabanggit na “lima” ay kumakatawan kay Satanas, at ang pagkakatawag sa kanila na[b] “dalaga” ay nangangahulugang nalupig Ko sila at kayang gumawa ng serbisyo para sa Akin, nguni’t hindi banal ang ganitong uri ng tao, kaya tinatawag silang taga-silbi.
—mula sa “Kabanata 116” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa ngayon, lahat niyaong sumusunod sa kasalukuyang mga salita ng Diyos ay nasa daloy ng Banal na Espiritu; yaong mga estranghero sa mga salita ng Diyos ngayon ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu, at ang gayong mga tao ay hindi pupurihin ng Diyos. … Ang “pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu” ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga hinihingi ng Diyos, ang magawang sumunod at sundan ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ay ang isang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang may kakayahan na tanggapin ang papuri ng Diyos at nakikita ang Diyos, nguni’t makakaya ring malaman ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakahuling gawain ng Diyos, at makakaya ring malaman ang mga pagkaintindi at pagsuway ng tao, at kalikasan at diwa ng tao, mula sa Kanyang pinakahuling gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod. Ang mga tao lamang na kagaya nito ang nagagawang kamtin ang Diyos, at tunay na nakasumpong sa tunay na daan. Ang mga taong inaalis sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu ay mga tao na walang kakayahan na sundin ang pinakahuling gawain ng Diyos, at mga naghihimagsik laban sa pinakahuling gawain ng Diyos. Na ang gayong mga tao ay hayagang kinakalaban ang Diyos sapagkat ang Diyos ay gumawa ng bagong gawain, at sapagkat ang larawan ng Diyos ay hindi kagaya ng sa kanilang mga pagkaintindi—bilang resulta nito hayagan nilang kinakalaban ang Diyos at hinahatulan ang Diyos, na humahantong na sila ay kasuklaman at itakwil ng Diyos. Ang pagtataglay ng kaalaman ukol sa pinakahuling gawain ng Diyos ay hindi magaan na bagay, ngunit kung pinipili ng mga tao na sumunod sa gawain ng Diyos at hangarin ang gawain ng Diyos, magkakaroon sila ng pagkakataon na makita ang Diyos, at magkakaroon ng pagkakataon na kamtin ang pinakabagong paggabay ng Banal na Espiritu. Yaong mga sinasadyang kalabanin ang gawain ng Diyos ay hindi makakatanggap ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu o ng paggabay ng Diyos. Kaya, matatanggap man o hindi ng mga tao ang pinakahuling gawain ng Diyos ay nakasalalay sa biyaya ng Diyos, nakasalalay ito sa kanilang paghahangad, at nakasalalay ito sa kanilang mga layunin.
Lahat niyaong nakakasunod sa kasalukuyang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Hindi alintana kung paano sila dati, o kung paano dating gumawa ang Banal na Espiritu sa loob nila—yaong mga nagkamit na sa pinakahuling gawain ng Diyos ay ang mga pinakapinagpala, at yaong mga hindi nakakasunod sa pinakahuling gawain sa kasalukuyan ay inaalis. Nais ng Diyos yaong nakakatanggap sa bagong liwanag, at nais Niya yaong mga tumatanggap at nakakaalam sa Kanyang pinakahuling gawain. Bakit sinabi na dapat kang maging isang dalagang malinis? Nagagawa ng isang dalagang malinis na hangarin ang gawain ng Banal na Espiritu at nauunawaan ang mga bagong bagay, at higit sa rito, nagagawang isantabi ang dating mga pagkaintindi, at sinusunod ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan.
—mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa mga Yapak ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Silang nabibilang kay Satanas ay hindi nakakaintindi ng mga salita ng Diyos, at silang nabibilang sa Diyos ay maririnig ang tinig ng Diyos. Lahat silang nakakatanto at nakakaunawa ng mga salita na Aking binibigkas ay silang mga maliligtas, at magpapatotoo sa Diyos; lahat silang hindi nakakaunawa ng mga salitang Aking binibigkas ay hindi makakapagpatotoo sa Diyos, at sila ang siyang mga aalisin.
—mula sa “Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang layunin ng pagpapakita ng Diyos, malaya mula sa mga paninikil ng kahit na anong anyo o bansa, ay upang makaya Niyang matapos ang gawain alinsunod sa Kanyang plano. Gaya lamang ito nang ang Diyos ay nagkatawang-tao sa Judea, ang Kanyang pakay ay tapusin ang gawain ng pagpapapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Nguni’t naniwala ang mga Judio na imposibleng magawa ito ng Diyos, at inisip nila na imposibleng magiging katawang-tao ang Diyos sa anyo ng Panginoong Jesus. Ang kanilang “imposible” ang naging batayan ng kanilang paghatol at pagkontra sa Diyos, at sa kahuli-hulihan ay humantong sa pagkawasak ng Israel. Ngayon, maraming tao ang nakagawa na ng parehong pagkakamali. Buong-kalakasan nilang ipinahahayag ang nalalapit na pagpapakita ng Diyos, nguni’t sila rin ang bumabatikos sa Kanyang pagpapakita; ang kanilang “imposible” ang muling nagkukulong ng pagpapakita ng Diyos sa loob ng mga hangganan ng kanilang imahinasyon. At sa gayon nakita Ko na ang maraming tao na bumubunghalit sa pagtawa matapos matagpuan ang mga salita ng Diyos. Nguni’t hindi ba ang pagtawang ito ay walang ipinagkaiba sa pambabatikos at pagsalangsang ng mga Judio? Hindi kayo nagpipitagan sa harap ng katotohanan, lalong hindi ninyo hinahangad ang katotohanan. Ang ginagawa lamang ninyo ay nagsusuri nang walang pakundangan at walang-pakialam na naghihintay lamang. Ano ang mapapala ninyo sa pagsusuri at paghihintay nang ganito? Maaari kayang makuha ninyo ang personal na patnubay ng Diyos? Kung hindi mo matatalos ang mga pagbigkas ng Diyos, paano ka magiging karapat-dapat na saksihan ang pagpapakita ng Diyos? Kung saan man nagpapakita ang Diyos, naroon ang pagpapahayag ng katotohanan, at naroroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga makakatanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos.
—mula sa “Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:
Ang tinatawag na mga “matalinong dalaga” ay kumakatawan sa yaong mga nakakakilala sa tinig ng Diyos at nakakarinig sa tinig ng “kasintahang lalaki” at siyang samakatuwid ay tumatanggap at nagpapasakop kay Cristo, na nagreresulta sa pag-uwi sa praktikal na Diyos. At dahil hindi kilala ng mga “mangmang na dalaga” ang tinig ng “kasintahang lalaki” at hindi makilala ang tinig ng Diyos, kanilang tinatanggihan si Cristo. Umaasa pa rin sila sa malabong Diyos, kaya sila’y iniwan at inalis. Kaya makikita natin na napakahirap na matanggap si Cristo nang walang tunay na pananalig sa paniniwala sa Diyos. Yaong mga tumatanggi na tanggapin si Cristo ay hindi makakapunta sa “piging ng kasalan ng Minamahal,” at sila’y hindi maaaring madala ng Panginoon pabalik sa kanilang tahanan sa kaharian ng langit, at hindi sila makakapasok sa lugar na ihinanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Kaya, kung matatanggap ng mga tao o hindi ang Cristo ng mga huling araw at magpapasakop sa Kanyang gawain ay isang mahalagang salik sa pagpapasya kung ang mga tao ay magtatagumpay o mabibigo sa kanilang pananalig sa Diyos.
—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas
Ipinropesiya ng Panginoong Jesus sa Biblia na sa oras ng Kanyang pagbabalik ay magkakaroon ng dalawang uri ng mga tao—ginamit Niya ang matatalinong dalaga at mga mangmang na dalaga bilang isang talinghaga para sa lahat ng mananampalataya noong Kapanahunan ng Biyaya: Lahat ng nakaririnig sa tinig ng Diyos at nagagawang tanggapin at sundin ito ay matatalinong dalaga; lahat ng hindi nakaririnig sa tinig ng Diyos, na nakikinig subalit hindi naniniwala at itinatatwa pa rin ito, ay mga mangmang na dalaga. Maaari bang madala ang mga mangmang na dalaga? Hindi, hindi maaari. Kung gayon paano mailalantad ang mga mangmang at matatalinong dalagang ito? Inilalantad sila sa pamamagitan ng paggamit ng salita ng Diyos, at sa kanilang saloobin matapos nilang basahin ang mga pagbigkas ng Diyos sa mga huling araw—Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Matapos itong basahin ng ilang mananampalataya, sinasabi nilang, “Napakalalim na mga salita—ang mga salitang ito ay naglalaman ng katotohanan.” Matapos nila itong muling basahing mabuti, sinasabi nilang, “Hindi maaaring manggaling ang mga salitang ito sa isang karaniwang tao; mukhang galing ito sa Diyos.” Muli nila itong binabasang mabuti at sinasabing, “Tinig ito ng Diyos; hindi maaaring manggaling sa isang tao ang mga salitang ito!” Pinagpala ang taong ito, isa siyang matalinong dalaga. Tungkol sa mga mangmang na dalaga, ang ilan ay mga pastor, ang ilan ay mga elder, ang ilan ay mga mangangaral, at ang ilan ay nalilitong mga mananampalataya na gustong magpakabusog. Ano ang saloobin nila matapos basahin ang salita ng Diyos? “Hmm, hindi umaayon ang mga salitang ito sa mga haka-haka’t imahinasyon ko, hindi ako sang-ayon.” At matapos itong muling basahin nang maingat, sinasabi nilang: “Parang makatwiran ang ilan sa mga salitang ito, pero hindi iyan posible; hindi maaaring ito ang gawain ng Diyos.” Kaya’t minsan pa, hindi ito umaayon sa kanilang mga haka-haka’t imahinasyon. Sa huli, habang lalo nila itong binabasa, lalo itong hindi umaayon sa kanilang mga haka-haka. Sinasabi nila: “Hindi ito ang salita ng Diyos—hindi ko ito matatanggap. Ito ay isang huwad, isang huwad na Cristo na sinusubukang linlangin ang mga tao. Hindi ko ito maaaring paniwalaan!” Anong klaseng tao ito? Ito ay isang Fariseo, isang mangmang na dalaga. Ang matatalinong dalaga at ang mga mangmang na dalaga ay inihahatid sa liwanag ng salita ng Diyos. Ang salita ng Diyos sa mga huling araw ang nag-uuri at naghahati-hati sa kanila sa mga kategoryang kinabibilangan nila, at pagkatapos ay sisimulan ng Diyos na gantimpalaan ang mabubuti at parusahan ang masasama.
—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay
makilala ng matatalinong dalaga ang tinig ng Panginoon, pangunahin dahil ang matatalinong dalaga ay mga tao na nagmamahal sa katotohanan at naghahanap sa katotohanan. Nauuhaw sila sa pagpapakita ng Diyos, kaya nakakaya nilang hangarin at siyasatin ang pagdating ng Panginoon, at nakakaya nilang makilala ang tinig ng Panginoon. Dahil hindi minamahal ng mga mangmang na dalaga ang katotohanan, hindi nila hinahangad o sinisiyasat ang pagdating ng Panginoon. Ang tanging kaya nilang gawin ay ang magmatigas sa pagsunod sa mga patakaran. Ilan sa mga taong ito ang hindi tumatanggap o sumisiyasat maliban kung Siya ay ang Panginoon na dumarating sa isang ulap. Ang ibang mga tao ay ganap na nagpapasakop sa mga pagmamanipula ng mga pastor at elder ng relihiyosong mundo. Anuman ang sasabihin ng mga pastor at elder, makikinig at susunod sila. Naturingan lang silang naniniwala sa Panginoon, ngunit sa katunayan, sumusunod at tumatalima sila sa mga pastor at elder na ito. Sila mismo ay hindi nagsisiyasat sa tunay na daan at hindi nila nakikilala ang tinig ng Panginoon. Mas hangal pa ang ilang mga tao. Dahil may mga huwad na Cristo na lumalabas sa mga huling araw, hindi nila hinahanap o sinisiyasat ang totoong Cristo. Sa halip, ikinakaila at kinokondena Siya. Hindi ba ito ay ang hindi pagkain dahil sa takot na mabulunan? Ito rin ay palatandaan ng isang mangmang na dalaga.
—mula sa Mga Sagot sa mga Tanong sa Screenplay
________________________________________________________
Ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus ay isang paalaala sa atin sa mga huling araw. Inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging matalinong mga birhen upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon.
※コメント投稿者のブログIDはブログ作成者のみに通知されます