Lahat ng bagay sa mundong ito ay mabilis na nagbabago kasabay ng mga iniisip ng Makapangyarihan sa lahat at habang Siya’y nakamasid. Biglang dumarating ang mga bagay na kailanma’y hindi pa naririnig ng sangkatauhan, samantalang hindi nila alam na ang mga bagay na matagal na nilang taglay ay unti-unting naglalaho. Walang nakakaarok sa kinaroroonan ng Makapangyarihan sa lahat, lalo nang walang nakakaramdam sa kahusayan at kadakilaan ng Kanyang impluwensya. Siya ay walang-katulad dahil nadarama Niya ang hindi nadarama ng tao. Siya ay dakila dahil Siya Yaong tinatalikuran ng sangkatauhan subalit inililigtas Niya sila. Alam Niya ang kahulugan ng buhay at kamatayan, at higit pa riyan, alam Niya kung anong mga panuntunan ang angkop sa pamamahala sa pag-iral ng sangkatauhang Kanyang nilikha. Siya ang pundasyon ng pag-iral ng tao, at Siya ang Manunubos na bumubuhay na muli sa sangkatauhan. Pinalulungkot Niya ang masasaya at pinasasaya ang malulungkot, lahat alang-alang sa Kanyang gawain, at alang-alang sa Kanyang plano.
—mula sa “Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Gaano karaming nilalang ang naroong namumuhay at nagpaparami sa malawak na kalawakan ng sansinukob, paulit-ulit na sumusunod sa batas ng buhay, sumusunod sa isang palagiang alituntunin. Yaong mga namamatay ay dinadalang kasama nila ang mga kwento ng nabubuhay, at yaong mga nabubuhay ay inuulit ang kaparehong kalunus-lunos na kasaysayan niyaong mga namatay. Kaya’t hindi mapipigil ng sangkatauhan na itanong sa kanilang sarili: Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay? Sino ang namamahala sa mundong ito? At sino ang lumikha nitong sangkatauhan? Ang sangkatauhan ba ay tunay na nilikha ng Inang Kalikasan? Ang sangkatauhan ba talaga ang kumukontrol sa kanyang sariling kapalaran? … Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagkat sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang nagtataglay ng kapangyarihan sa lahat ng bagay. Siya Yaong hindi pa namasdan ng tao kailanman, Yaong hindi nakilala ng tao kailanman, na ang pag-iral ay hindi napaniwalaan ng sangkatauhan kailanman, gayunma’y Siya Yaong huminga ng hininga sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya Yaong tumutustos at nangangalaga sa sangkatauhan para sila mabuhay, at gumagabay sa sangkatauhan hanggang sa ngayon. Higit pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa pananatiling buhay nito. Tinataglay Niya ang kapangyarihan sa lahat ng bagay at namamahala sa lahat ng nilalang na may buhay sa ilalim ng sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, hamog na nagyelo, niyebe, at ulan. Siya ang nagbibigay ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasapit ng gabi. Siya ang naglatag ng mga kalangitan at lupa, nagkakaloob sa tao ng mga kabundukan, lawa at ilog at ng lahat ng nabubuhay na bagay sa loob nila. Ang Kanyang gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Ang bawat isa sa mga batas at patakarang ito ang pagsasakatawan ng Kanyang gawa, at ang bawat isa sa mga ito ay nagbubunyag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang makakapagpalaya sa kanilang sarili mula sa Kanyang kapangyarihan? At sino ang makakaalpas mula sa Kanyang mga plano? Lahat ng bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang pagmamasid, at higit pa rito, lahat ng bagay ay nabubuhay sa ilalim ng Kanyang kapangyarihan. Ang Kanyang gawa at ang Kanyang kapangyarihan ay pumipilit sa sangkatauhan na kilalanin ang katunayan na Siya ay talagang umiiral at may kapangyarihan sa lahat ng bagay. Wala nang iba pa bukod sa Kanya ang maaaring mag-utos sa sansinukob, at lalong walang makakatustos nang walang-humpay sa sangkatauhang ito. Kaya mo mang kilalanin ang gawa ng Diyos, at naniniwala ka man sa pag-iral ng Diyos, walang duda na ang iyong kapalaran ay nakasalalay sa pagtatalaga ng Diyos, at walang duda na ang Diyos ay laging magtataglay ng kapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang Kanyang pag-iral at awtoridad ay hindi nakabatay sa kung ang mga ito ba ay makikilala at mauunawaan ng tao o hindi. Siya lamang ang nakakaalam sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ng tao, at Siya lamang ang maaaring makaalam sa kapalaran ng sangkatauhan. Hindi alintana kung ikaw man ay may kakayahang tanggapin ang katunayang ito, hindi na magtatagal bago masaksihan ng tao ang lahat ng ito sa sarili niyang mga mata, at ito ang katunayan na malapit nang ipapatupad ng Diyos. Ang sangkatauhan ay nabubuhay at namamatay sa ilalim ng mga mata ng Diyos. Nabubuhay ang sangkatauhan para sa pamamahala ng Diyos, at kapag ang kanyang mga mata ay pumikit sa huling sandali, iyan ay para din sa mismong parehong pamamahala. Paulit-ulit nang paulit-ulit, ang tao ay dumarating at umaalis, paroon at parito. Lahat ng ito ay bahagi ng kapangyarihan at mga plano ng Diyos. Ang pamamahala ng Diyos ay palaging pasulong at hindi kailanman tumigil. Ipamamalay Niya sa sangkatauhan ang Kanyang pag-iral, magtitiwala sa Kanyang kapangyarihan, ipakikita ang Kanyang gawa, at babalik sa Kanyang kaharian. Ito ang Kanyang plano, at ang gawain na Kanya nang isinasagawa sa loob ng libu-libong taon.
—mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Iyon ay dahil maaari lang magmula sa Diyos ang buhay, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng tubig na nagbibigay-buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, marami ang nagawa na ng Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, marami na ang nagawa na nagbibigay ng buhay sa tao, at nagbayad na ng napakalaking halaga upang maaaring makamtan ng tao ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan kung saan ang tao ay nabubuhay na mag-uli. Hindi kailanman nawawala ang Diyos sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng panahon. Siya na ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mayamang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan. Siya ang nagsasanhi upang ang tao ay maipanganak na muli, at tinutulungan siyang mahigpit na mabuhay sa kanyang bawat papel na ginagampanan. Salamat sa Kanyang kapangyarihan, at Kanyang di-mapapatay na puwersa ng buhay, nabuhay na ang tao sa salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, sa buong panahon kung saan ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay naging pangunahing sandigan sa pag-iral ng tao, kung saan nagbayad na ang Diyos sa halagang walang karaniwang tao ang kailanman ay nakapagbayad. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay kayang manaig sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Ang Kanyang buhay ay walang hanggan, ang Kanyang kapangyarihan ay pambihira, at ang puwersa ng Kanyang buhay ay hindi madaling madaig ng kahit na anong nilikhang nilalang o puwersa ng kaaway. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay umiiral, at nagniningning ang makinang na liwanag nito, kahit na saang panahon o dako. Ang buhay ng Diyos ay nananatiling di-nagbabago magpakailanman sa buong panahon ng mga kaguluhan sa langit at lupa. Lahat ng bagay ay lumilipas, ngunit ang buhay ng Diyos ay nananatili pa rin, sapagkat ang Diyos ay ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay, at ang ugat ng kanilang pag-iral. Ang buhay ng tao ay nanggagaling sa Diyos, ang pag-iral ng kalangitan ay dahil sa Diyos, at ang pag-iral ng mundo ay nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang bagay na nagtaglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang kapangyarihan ng Diyos, at walang bagay na may lakas ang kayang humiwalay sa nasasakupan ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, kahit na sino pa sila, lahat ay dapat magpasakop sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, lahat ay dapat mamuhay sa ilalim ng utos ng Diyos, at walang kahit isa ang makatatakas sa Kanyang kontrol.
—mula sa “Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Bago nalikha ang sangkatauhang ito, ang kosmos—ang lahat ng planeta, ang lahat ng bituin sa kalangitan—ay umiiral na. Sa malawakang antas, ang mga bagay na ito sa kalangitan ay regular na umiikot, sa ilalim ng pagkontrol ng Diyos, sa kabuuan ng kanilang pag-iral, gaano man karami ang mga taon na iyon. Kung anong planeta ang pupunta sa kung saan sa kung anong partikular na oras; anong planeta ang gagawa ng anong gawain, at kailan; anong planeta ang iikot kasabay ng kung anong orbit, at kailan mawawala o mapapalitan—ang lahat ng bagay na ito ay nagaganap nang wala ni katiting na pagkakamali. Ang mga posisyon ng mga planeta at ang mga agwat sa pagitan nila ay sumusunod sa mahigpit na mga disenyo, na maisasalarawan lahat sa tumpak na mga datos; ang mga landas na kanilang tinatahak, ang bilis at mga disenyo ng kanilang mga orbit, ang mga oras ng kanilang iba’t ibang posisyon ay tumpak na mabibilang at maisasalarawan ng espesyal na mga batas. Sa loob ng napakahabang panahon, ang mga planetang ito ay sumunod sa mga batas na ito, hindi kailanman lumilihis kahit kaunti. Walang kapangyarihan ang maaaring magpalit o magputol ng kanilang mga orbit o ng mga disenyong kanilang sinusundan. Sapagkat ang espesyal na mga batas na namamahala sa kanilang galaw at ang tumpak na mga datos na naglalarawan sa kanila ay itinadhana na ng awtoridad ng Lumikha, kusa nilang sinusunod ang mga batas na ito, sa ilalim ng kapangyarihan at pagkontrol ng Lumikha. Sa malawakang antas, hindi mahirap para sa tao ang matagpuan ang ilang disenyo, ilang datos, ganoon din ang ilang naiiba at di-maipaliwanag na mga batas o di-karaniwang kaganapan. Bagaman hindi tinatanggap ng sangkatauhan na ang Diyos ay umiiral, hindi tinatanggap ang katotohanan na ang Lumikha ang gumawa at may kapamahalaan sa lahat ng bagay, at bukod pa rito ay hindi kinikilala ang pag-iral ng awtoridad ng Lumikha, mas higit na natutuklasan ng mga taong siyentipiko, mga astronomo, at mga pisiko na ang pag-iral ng lahat ng bagay sa sansinukob, at ang mga prinsipyo at mga disenyo na nagdidikta ng kanilang mga pagkilos, ay lahat pinamamahalaan at kinokontrol ng malawak at di-nakikitang madilim na enerhiya. Ang katotohanang ito ang nag-uudyok sa tao na harapin at tanggapin na may Isang Makapangyarihan sa gitna ng mga disenyong ito ng pagkilos, nagsasaayos sa lahat ng bagay. Ang Kanyang kapangyarihan ay di-pangkaraniwan, at bagaman walang sinuman ang nakakakita sa Kanyang tunay na mukha, Siya ang namamahala at kumukontrol sa lahat ng bagay sa bawat sandali. Walang tao o puwersa ang maaaring makalampas sa Kanyang kapangyarihan. Dahil nahaharap sa ganitong katotohanan, dapat tanggapin ng tao na ang mga batas na ito na namamahala sa pag-iral ng lahat ng bagay ay di-maaaring kontrolin ng mga tao, di-maaaring baguhin ninuman; at kasabay nito dapat tanggapin ng mga tao na di-maaaring ganap na maunawaan ng mga nilalang na tao ang mga batas na ito. At ang mga ito’y hindi natural na nangyayari, kundi ipinag-uutos ng isang Panginoon at Maestro. Ang lahat ng ito ay pagpapahayag ng awtoridad ng Diyos na maaaring maunawaan ng tao sa malawakang antas.
Sa pangmaliitang pananaw, lahat ng bundok, ilog, dagat, at malalaking lupain na nakikita ng tao sa lupa, lahat ng panahon na nararanasan niya, lahat ng bagay na naninirahan sa mundo, kasama na ang mga halaman, hayop, mikroorganismo, at mga tao, ay napapailalim sa kapangyarihan ng Diyos, at kontrolado ng Diyos. Sa ilalim ng kapangyarihan at pagkontrol ng Diyos, lahat ng bagay ay mabubuhay o mawawala ayon sa Kanyang mga iniisip, ang kanilang mga buhay ay pinamamahalaan lahat ng ilang batas, at sila’y lumalago at dumarami ayon sa mga ito. Walang tao o bagay na hindi saklaw ng mga batas na ito.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, gumuhit Siya ng mga hangganan para sa mga bundok, kapatagan, disyerto, burol, ilog, at lawa. Sa lupa ay may mga bundok, kapatagan, disyerto, burol, gayundin ang iba’t ibang anyo ng tubig. Hindi ba iba’t ibang tanawin ang mga ito? Ang Diyos ay gumuhit ng mga hangganan sa pagitan ng lahat ng iba’t ibang tanawing ito. Kapag binabanggit natin ang pagguhit ng mga hangganan, nangangahulugan ito na ang mga bundok ay may mga balangkas, ang mga kapatagan ay may mga sarili at kani-kanyang mga balangkas, ang mga disyerto ay may tiyak na saklaw, at ang mga burol ay may isang tiyak na dako. Mayroon ding tiyak na dami ng mga anyo ng tubig gaya ng mga ilog at mga lawa. Iyon ay, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay hinati-hati Niya ang lahat nang buong linaw. … Sa loob ng iba’t ibang tanawing ito at heograpikal na mga kapaligiran na nilikha ng Diyos, pinamamahalaan Niya ang lahat ng bagay sa planado at maayos na paraan. Kaya lahat ng heograpikal na mga kapaligirang ito ay umiiral pa rin nang ilang libong taon, nang libu-libong taon pagkatapos malikha ito ng Diyos. Ginagampanan pa rin nito ang bawat mga papel nito. Bagama’t may tiyak na mga panahon na pumuputok ang mga bulkan, may mga tiyak na panahon na nangyayari ang paglindol, at mayroong mga malakihang pagpapalit ng lupa, tiyak na hindi hahayaan ng Diyos ang anumang uri ng kalupaan na mawala ang likas na kaukulan nito. Ito ay dahil lamang sa pamamahalang ito ng Diyos, ang Kanyang pamamahala at mahigpit na pagkaunawa sa mga batas na ito, na ang lahat ng ito—lahat ng ito na tinatamasa ng sangkatauhan at nakikita ng sangkatauhan—ay mabubuhay sa lupa sa maayos na paraan. …
…………
… maliban sa pagtatatag ng mga hangganan para sa iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran, gumuhit din ang Diyos ng mga hangganan para sa iba’t ibang ibon at hayop, isda, mga insekto, at lahat ng halaman. Nagtatag din Siya ng mga batas. Dahil sa pagkakaiba sa pagitan ng iba’t bang pangheograpiyang kapaligiran at dahil sa pag-iral ng iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran, ang iba’t ibang uri ng mga ibon at hayop, isda, insekto, at halaman ay may iba’t ibang mga kapaligiran para sa pamumuhay. Ang mga ibon at ang mga hayop at ang mga insekto ay namumuhay kasama ng iba’t ibang halaman, ang isda ay naninirahan sa tubig, at ang mga halaman ay tumutubo sa lupa. … lahat ng nilalang na nilikha ng Diyos—nakapirmi man sila sa isang lugar o nakakahinga sa kanilang ilong—lahat sila ay may mga batas na susundin para mabuhay. Bago pa man nilikha ng Diyos ang buhay na mga nilalang na ito nakapaghanda na Siya para sa kanila ng sarili nilang mga tahanan, sarili nilang kapaligiran para sa pamumuhay. Ang buhay na mga nilalang na ito ay may sariling nakapirming mga kapaligiran para mabuhay, sarili nilang pagkain, sarili nilang permanenteng mga tahanan, sarili nilang permanenteng mga lugar na angkop para sa kanilang ikabubuhay, mga lugar na may mga temperatura na angkop para sa kanilang pamumuhay. Sa gayong paraan hindi na sila gagala kung saan o pahinain ang pamumuhay ng sangkatauhan o makaapekto sa kanilang mga buhay. Sa ganito pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng nilalang. Ito ay upang ipagkaloob sa sangkatauhan ang pinakamabuting kapaligiran para sa pamumuhay. Ang buhay na mga nilalang sa loob ng bawat isa ay lahat mayroong pagkaing panustos-buhay sa loob ng kanilang sariling mga kapaligiran para sa pamumuhay. Sa pamamagitan ng pagkaing iyon, sila ay nakapirmi sa loob ng kanilang katutubong kapaligiran para sa pamumuhay. Sa gayong uri ng kapaligiran, sila ay nabubuhay pa rin, nagpaparami, at nagpapatuloy alinsunod sa mga batas na itinatag ng Diyos para sa kanila. Nang dahil sa ganitong uri ng mga batas, dahil sa pagtatalaga ng Diyos, ang lahat ng nilalang ay nakikipag-ugnayan na may pagkakasundo sa sangkatauhan, at ang sangkatauhan at ang lahat ng nilalang ay nagtutulungan.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinisimulan mong gawin ang iyong tungkulin. Sa pagganap mo sa iyong papel sa plano ng Diyos at sa Kanyang ordinasyon, sinisimulan mo ang iyong paglalakbay sa buhay. Anuman ang iyong pinagmulan, at anumang paglalakbay ang nasa iyong harapan, walang makakaiwas sa mga pagsasaayos at plano ng Langit, at walang sinumang may kontrol sa sarili nilang tadhana, dahil Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahang gawin iyon. Mula nang umiral ang tao, iyon na ang ginagawa ng Diyos, pinamamahalaan ang sansinukob, pinangangasiwaan ang mga panuntunan ng pagbabago para sa lahat ng bagay at kung paano gagalaw ang mga ito. Tulad ng lahat ng bagay, tahimik at hindi alam ng tao na pinalulusog siya ng tamis at ulan at hamog mula sa Diyos; tulad ng lahat ng bagay, hindi alam ng tao na nabubuhay siya sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso’t espiritu ng tao ay nasa kamay ng Diyos, lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man dito o hindi, anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay.
Habang tahimik na sumasapit ang gabi, walang malay ang tao, dahil hindi mahiwatigan ng kanyang puso kung paano sumasapit ang dilim, ni kung saan ito nagmumula. Habang tahimik na lumilipas ang gabi, sinasalubong ng tao ang liwanag ng araw, ngunit tungkol sa kung saan nagmula ang liwanag, at kung paano nito naitaboy na ang dilim ng gabi, mas hindi ito alam ng tao, at lalong wala siyang malay diyan. Ang paulit-ulit na pagsasalitan ng araw at gabi ay dinadala ang tao mula sa isang panahon tungo sa isa pa, mula sa isang konteksto ng kasaysayan tungo sa sumunod, habang tinitiyak din na ang gawain ng Diyos sa bawat panahon at ang Kanyang plano para sa bawat kapanahunan ay isinasagawa.
—mula sa “Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Simula sa paglikha ng mundo nasimulan Ko nang paunang itadhana at piliin itong grupo ng mga tao, na ngayon nga ay kayo. Ang inyong pag-uugali, kakayahan, anyo, tayog, pamilya kung saan ka isinilang, ang iyong trabaho at pag-aasawa, ang kabuuan mo, maging ang kulay ng iyong buhok at balat, at ang oras ng iyong kapanganakan ay isinasaayos lahat ng Aking mga kamay. Maging ang mga bagay na ginagawa mo at ang mga taong nasasalubong mo bawat araw ay isinasaayos ng Aking mga kamay, huwag nang banggitin ang katunayang ang pagdadala sa iyo sa Aking presensiya ngayon sa totoo lang ay Aking pagsasaayos. Huwag guluhin ang iyong sarili; dapat magpatuloy ka nang mahinahon.
—mula sa “Kabanata 74” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang mga kapalaran ng sangkatauhan at ng sansinukob ay malapit na nakaugnay sa kapangyarihan ng Lumikha, di-maihihiwalay na nakatali sa mga pagsasaayos ng Lumikha; sa katapusan, sila ay hindi maaaring maihiwalay mula sa awtoridad ng Lumikha. Sa pamamagitan ng mga batas ng lahat ng bagay nagsisimulang maunawaan ng tao ang mga pagsasaayos ng Lumikha at ang Kanyang kapangyarihan; sa pamamagitan ng mga patakaran ng pagkakaligtas nararamdaman niya ang pamamahala ng Lumikha; mula sa mga kapalaran ng lahat ng bagay kumukuha siya ng mga konklusyon tungkol sa mga paraan ng paggamit ng Lumikha sa Kanyang kapangyarihan at pagkontrol sa kanila; at sa mga siklo ng buhay ng mga tao at lahat ng bagay, tunay na nararanasan ng tao ang pagsasaayos at paghahanda ng Lumikha para sa lahat ng bagay at mga nabubuhay na nilalang at tunay na nasasaksihan kung paano pinapalitan ng mga pagsasaayos at paghahandang iyon ang lahat ng batas, patakaran, at mga institusyon, lahat ng iba pang kapangyarihan at puwersa sa lupa. Dahil dito, napipilitan ang sangkatauhan na tanggapin na hindi maaaring labagin ng sinumang nilalang ang kapangyarihan ng Lumikha, na walang puwersa ang maaaring makialam o magpalit sa mga pangyayari at mga bagay na itinadhana ng Lumikha. Sa ilalim ng mga banal na batas at mga patakarang ito na nabubuhay at nagpaparami ang mga tao at lahat ng bagay, sa bawat salinlahi. Hindi ba ito ang tunay na kumakatawan sa awtoridad ng Lumikha?……
Buong Teksto:https://tl.kingdomsalvation.org/almighty-god-is-the-only-true-god-who-rules-over-all-things.html
——————————————————————————————
Ano ang katotohanan? Ang katotohanan ay gabayan para sa atin upang mamuhay bilang nilalang na tao, kumilos, at sumamba sa Diyos. Ito ay pundasyon ng ating pag-iral. Hangga’t sa kumikilos tayo ng naaayon sa katotohanan, tayo ay maaaring sang-ayunan ng Diyos at mamuhay sa liwanag ng Diyos.
※コメント投稿者のブログIDはブログ作成者のみに通知されます