Tagalog Christian Movie - Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China | "Isang Kabataang Puno ng Pagdurusa"
Mula noong naluklok sa kapangyarihan sa kalakhang China noong 1949, ang Chinese Communist Party ay walang humpay sa pag-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Inaresto at pinatay nito ang mga Kristiyano, pinalayas at inabuso ang mga misyonero na nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang di mabilang na mga kopya ng Biblia, ipinasara at winasak ang mga gusali ng simbahan, at walang tigil sa pagtatangkang alisin ang lahat ng mga bahay-iglesia. Ang dokumentaryo na ito ay nagsasalaysay ng totoong kuwento ng pag-uusig na pinagdusahan sa mga kamay ng CCP ng pamilya ng Kristiyanong Chinese na si Christian Lin Haochen. Sinundan ni Lin Haochen ang mga yapak ng kanyang ama at naniwala sa Panginoon, at bilang resulta, habang sinasaksihan ng isang bata ang mga kadre ng nayon na madalas na pumunta sa kanyang tahanan upang pagbantaan at takutin ang kanyang mga magulang para talikuran ang kanilang pananampalataya at pagsisikap na ipalaganap ang ebanghelyo. Matapos tanggapin ng pamilya ni Lin Haochen ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, mas matinding pag-uusig at pag-aresto ang ginawa sa kanila ng pamahalaan ng CCP. Ang ina ni Lin Haochen ay nasawi sa karamdaman nang siya ay tumakas, at si Lin Haochen, ang kanyang ama, at ang kanyang nakatatandang kapatid ay napilitang lisanin ang bahay nila, at halos imposible nang makapabalik pa. Ang isang dating masaya at magandang pamilya ay nagkahiwalay at nagkawatak-watak nang dahil sa pagpapahirap ng CCP...
※コメント投稿者のブログIDはブログ作成者のみに通知されます