Ang Makapangyarihang Diyos - Ebanghelyo ng Huling Araw

Kristo ng mga Huling Araw - Ang Makapangyarihang Diyos

Ang Isang Taong Nagkakamit ng Kaligtasan ay Yaong Nakahandang Isagawa ang Katotohanan

2019年11月06日 | Mga Patotoo


Noon pa man, ang pangangailangan ng pagkakaroon ng isang maayos na buhay-iglesia ay nababanggit sa mga sermon. Kaya bakit ang buhay ng iglesia ay hindi pa umuunlad at kagaya pa rin ng dati? Bakit walang isang ganap na bago at naiibang paraan ng pamumuhay? Magiging angkop ba para sa isang tao ng dekada nobenta na mabuhay kagaya ng isang emperador ng nakaraang panahon? Bagama’t ang pagkain at inumin ay maaaring masasarap na pagkain na madalang matikman sa nakaraang mga kapanahunan, walang malalaking pagbabago sa mga kalagayan sa iglesia. Kagaya lang ito ng paglalagay ng lumang alak sa bagong lalagyan. Ano sa gayon ang halaga ng pagsasalita nang napakarami ng Diyos? Ang mga iglesia sa karamihan ng mga lugar ay ni hindi nagbago. Nakita Ko ito mismo at malinaw ito sa Aking puso; bagama’t hindi Ko pa naranasan Mismo ang buhay ng iglesia, lubos Kong nalalaman ang mga kalagayan ng mga pagtitipon ng iglesia. Hindi sila gaanong umunlad. Babalik ito sa gayong kasabihang—kagaya lang ito ng paglalagay ng lumang alak sa bagong lalagyan. Walang nagbago, wala ni katiting! Kapag mayroong isa na nagpapastol sa kanila sila ay nagniningas na parang apoy, ngunit kapag walang sinumang sumusuporta sa kanila, para silang isang bloke ng yelo. Hindi marami ang makapagsasalita ukol sa praktikal na mga bagay, at totoong napakadalang na kunin ninuman ang timon. Bagama’t ang mga sermon ay matatayog, bihirang may sinumang nagkaroon ng anumang pagpasok. Kakaunti ang nagpapahalaga sa salita ng Diyos. Napapaluha sila kapag tinatanggap nila ang salita ng Diyos at nagiging masaya kapag isinasantabi nila ito; sila ay nanlulumo at nalulumbay kapag sila ay lumayo mula rito. Sa tapatang pananalita, hindi ninyo talaga pinahahalagahan ang salita ng Diyos, at hindi ninyo kailanman itinuturing ang mga salitang nagmumula sa Kanyang sariling bibig sa ngayon bilang isang yaman. Nababalisa lamang kayo kapag nagbabasa ng Kanyang salita, at napapagod kayo kapag isinasaulo ninyo ito, at pagdating sa pagsasagawa ng Kanyang salita, parang pagharap ito sa isang napakabigat na gawain—hindi ninyo ito magawa. Lagi kayong lumalakas kapag nagbabasa ng salita ng Diyos, ngunit malilimutin kayo kapag isinasagawa ninyo ito. Sa katunayan, ang mga salitang ito ay hindi na kailangang sambitin nang buong ingat at ulitin nang buong tiyaga; nakikinig lamang ang mga tao ngunit hindi isinasagawa ang mga ito, kaya ito ay naging balakid sa gawain ng Diyos. Hindi Ko maaaring banggitin ito, hindi Ako maaaring magsalita tungkol dito. Napipilitan Akong gawin ito; hindi dahil sa natutuwa Akong ibunyag ang mga kahinaan ng iba. Akala ba ninyo sapat na ang inyong pagsasagawa at akala ninyo kapag ang mga paghahayag ay nasa tugatog na, nakapasok na rin kayo sa tugatog na iyon? Napakasimple ba niyon? Hindi ninyo kailanman sinisiyasat kung saan nakatatag ang inyong mga karanasan sa dakong huli! Sa sandaling ito, ang inyong mga pagtitipon ay talagang hindi matatawag na isang angkop na buhay ng iglesia, ni hindi man lang ito isang angkop na espirituwal na buhay. Ito ay pagtitipon lamang ng isang pangkat ng mga tao na natutuwang magkuwentuhan at mag-awitan. Sa tuwirang pananalita, walang gaanong katotohanan dito. Para mas malinaw nang kaunti, kung hindi kayo nagsasagawa ng katotohanan, nasaan ang realidad? Hindi ba pagyayabang na sabihin na mayroon kayong realidad? Yaong mga palaging nagsasagawa ng gawain ay mayabang at mapagmataas, habang yaong mga palaging sumusunod ay nananahimik at nananatiling nakatungo ang ulo, nang walang anumang pagkakataon para magsagawa. Ang mga tao na gumagawa ng gawain ay walang ginagawa kundi magsalita, nagpapatuloy sa kanilang matatayog na pananalita, at ang mga tagasunod ay nakikinig lamang. Walang pagbabago na maaaring tukuyin; ang mga ito ay mga pamamaraan lamang ng nakaraan! Sa kasalukuyan, ang inyong pagpapasakop at hindi pangangahas na manghimasok o manahimik nang kusa ay dahil sa pagdating ng mga atas administratibo ng Diyos; hindi ito pagbabago na inyong pinagdaanan sa pamamagitan ng inyong mga karanasan. Ang katotohanan na maraming bagay kayong hindi gagawin sa ngayon na nagawa sana ninyo kahapon ay dahil napakalinaw ng gawain ng Diyos kaya nalupig nito ang mga tao. Tatanungin Ko ang isang tao, ilan sa mga natapos mo ngayon ang pinagpaguran mo talaga? Ilan doon ang tuwirang ipinagawa sa iyo ng Diyos? Paano ka sasagot? Matutulala ka ba at hindi makapagsasalita? Didila ka ba? Bakit nagagawang magsalita ng iba tungkol sa maraming aktuwal na karanasan nila upang pagkalooban ka ng panustos, samantalang tinatamasa mo lang ang pagkaing naluto ng iba? Hindi ka ba nahihiya? Hindi ka ba napapahiya?
Maaari kayong magpatupad ng isang pagsusuri sa paghahanap ng katunayan, na sinusuri ang mga taong medyo mabuti: Gaano karaming katotohanan ang inyong nauunawaan? Gaano karami ang inyong isinasagawa sa bandang huli? Sino ang mas mahal ninyo, ang Diyos o ang inyong sarili? Mas madalas ba kayong magbigay, o mas madalas kayong tumanggap? Sa ilang pagkakataon na mali ang inyong layunin ninyo nagawang talikuran ang inyong dating buhay at nabigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos? Ang ilang tanong na ito lamang ay makalilito na sa maraming tao. Para sa karamihan, kahit alam nila na mali ang kanilang layunin, sadya pa rin silang gumagawa ng mali, at hinding-hindi nila tatalikuran ang sarili nilang laman. Hinahayaan ng karamihan sa mga tao na lumaganap ang kasalanan sa kanilang kalooban, hinahayaang gabayan ng kanilang pagiging makasalanan ang bawat kilos nila. Hindi nila magawang lupigin ang kanilang mga kasalanan, at patuloy silang nabubuhay sa pagkakasala. Dahil umabot na sa kasalukuyang yugtong ito, sino ang hindi nakakaalam kung ilang masasamang gawa ang nagawa na niya? Kung sasabihin ninyong hindi ninyo alam, sasabihin Kong nagsisinungaling kayo. Sa tapatang pananalita, lahat ng ito ay pagtangging talikuran ang inyong dating buhay. Ano ang halaga ng pagsasabi ng napakaraming “salita [ng pagsisisi] mula sa puso” na walang halaga? Makakatulong ba ito sa paglago ninyo sa buhay? Masasabi na ang pagkilala sa inyong sarili ay buong-panahon ninyong gawain. Ginagawa Kong perpekto ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pagpapasakop at pagsasagawa sa mga salita ng Diyos. Kung isusuot lamang ninyo ang mga salita ng Diyos tulad ng pagsusuot ninyo ng damit, upang magmukha kayong matalino at kaakit-akit, hindi ba nililinlang ninyo ang inyong sarili at ang iba? Kung puro salita lang kayo at hindi naman ninyo ito kailanman isinasagawa, ano ang mapapala ninyo?
Maraming taong makapagsasalita nang kaunti tungkol sa pagsasagawa at sa mga personal na impresyon nila, ngunit karamihan doon ay pagpapalinaw na nakamit mula sa mga salita ng iba. Hindi man lang kabilang dito ang anumang nagmumula sa sarili nilang personal na mga pagsasagawa, ni hindi kabilang dito ang nakikita nila mula sa kanilang mga karanasan. Sinuri Kong mabuti ang usaping ito noong una pa man; huwag mong isipin na wala Akong alam. Mukha kang mapanganib pero mahina ka talaga, subalit nagsasalita ka tungkol sa paglupig kay Satanas, sa matatagumpay na patotoo, at sa pamumuhay ayon sa larawan ng Diyos? Walang kabuluhan ang lahat ng ito! Akala mo ba lahat ng salitang sinasabi ng Diyos sa ngayon ay para hangaan mo? Sinasabi ng iyong bibig na talikuran ang dati mong buhay at isagawa ang katotohanan, ngunit iba ang ginagawa ng iyong mga kamay at iba ang binubuong mga pakana ng iyong puso—anong klaseng tao ka? Bakit hindi pareho ang iyong puso’t mga kamay? Napakaraming pangaral ang naging hungkag na mga salita; hindi ba ito masakit sa damdamin? Kung hindi mo maisagawa ang salita ng Diyos, pinatutunayan nito na hindi ka pa nakapasok sa paraan ng pagkilos ng Banal na Espiritu, wala pa sa iyong kalooban ang gawain ng Banal na Espiritu, at hindi Ka pa Niya nagagabayan. Kung sasabihin mo na nauunawaan mo lang ang salita ng Diyos ngunit hindi mo ito isinasagawa, isa kang taong hindi nagmamahal sa katotohanan. Ang Diyos ay hindi pumaparito upang iligtas ang ganitong klaseng tao. Si Jesus ay nagbata ng matinding sakit nang ipako Siya sa krus upang iligtas ang mga makasalanan, iligtas ang maralita, iligtas ang mga mapagkumbaba. Inihatid ng pagpapako sa Kanya sa krus ang alay sa kasalanan. Kung hindi mo maisasagawa ang salita ng Diyos, dapat kang umalis sa lalong madaling panahon; huwag kang humila-hilata sa bahay ng Diyos na parang palamunin. Nahihirapan pa ang maraming tao na pigilan ang kanilang sarili na gumawa ng mga bagay na malinaw na lumalaban sa Diyos. Hindi ba sila nagpapakamatay? Paano sila nakakapagsalita tungkol sa pagpasok sa kaharian ng Diyos? May tapang kaya silang makita ang Kanyang mukha? Ang pagkain ng ipinagkakaloob Niya sa iyo, paggawa ng baluktot na mga bagay na kontra sa Diyos, pagiging malisyoso, mapanlinlang, at mapagpakana, kahit habang tinutulutan ka ng Diyos na matamasa ang mga biyayang ipinagkaloob Niya sa iyo—hindi mo ba nararamdaman na sinusunog ng mga ito ang iyong mga kamay kapag tinatanggap mo ang mga ito? Hindi mo ba nadarama na namumula ang iyong mukha? Ang paggawa ng isang bagay na laban sa Diyos, ang pagpapatupad ng mga pakana upang “maging tampalasan,” hindi ka ba natatakot? Kung wala kang nararamdaman, paaano ka nakapagsasalita ng anuman tungkol sa kinabukasan? Matagal ka nang walang kinabukasan, kaya ano pa ang mas malalaki mong inaasahan? Kung magsasalita ka ng isang bagay nang walang kahihiyan ngunit hindi ka sinusumbatan ng iyong budhi, at ang iyong puso ay walang kamalayan, hindi ba ito nangangahulugan na pinabayaan ka na ng Diyos? Naging likas na sa iyo ang magsalita at kumilos nang mapagpabaya at walang pagpipigil; paano ka magagawang perpekto ng Diyos nang ganito? Magagawa mo bang lakarin ang buong daigdig? Sino ang makukumbinsi mo? Yaong mga nakakakilala sa iyong likas na pagkatao ay lalayo. Hindi ba ito kaparusahan ng Diyos? Sa kabuuan, kung puro salita lang at walang pagsasagawa, walang paglago. Bagama’t maaaring iniimpluwensyahan ka ng Banal na Espiritu habang nagsasalita ka, kung hindi ka nagsasagawa, titigil ang impluwensya ng Banal na Espiritu. Kung patuloy kang magkakaganito, paaano magkakaroon ng anumang usapan tungkol sa kinabukasan o pagbibigay ng iyong buong pagkatao sa gawain ng Diyos? Sinasabi mo lang na ibibigay mo ang iyong buong pagkatao, ngunit hindi mo ibinibigay sa Diyos ang puso mo na tunay na nagmamahal sa Kanya. Ang natanggap lang ng Diyos ay ang buod ng iyong mga salita, at hindi ang buod ng iyong pagsasagawa. Ito kaya ang tunay mong katayugan? Kung magpapatuloy ka nang ganito, kailan ka magagawang perpekto ng Diyos? Hindi ka ba nababahala sa iyong madilim at malungkot na kinabukasan? Hindi mo ba nadarama na nawalan na ng pag-asa sa iyo ang Diyos? Hindi mo ba alam na ninanasa ng Diyos na gawing perpekto ang mas marami at mas bagong mga tao? Makakapanatili kaya ang mga lumang bagay? Hindi mo pinapansin ang mga salita ng Diyos sa ngayon: Naghihintay ka pa ba ng bukas?



最新の画像もっと見る

コメントを投稿