Ang Makapangyarihang Diyos - Ebanghelyo ng Huling Araw

Kristo ng mga Huling Araw - Ang Makapangyarihang Diyos

Dapat Paghandaan ng mga Mananampalataya sa Diyos ang Kanilang Hantungan nang May Sapat na …

2019年11月02日 | Mga aklat ng ebanghelyo

Dapat Paghandaan ng mga Mananampalataya sa Diyos ang Kanilang Hantungan nang May Sapat na Mabubuting Gawa


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang Aking awa ay nahahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatakwil ng kanilang mga sarili. At ang kaparusahang sumapit sa masama ay tiyak na patunay ng Aking matuwid na disposisyon at, higit pa, patotoo sa Aking poot. Kapag dumarating ang sakuna, ang taggutom at salot ang sasapitin ng lahat niyaong sumasalungat sa Akin at sila ay tatangis. Silang nakagawa na ng lahat ng paraan ng kasamaan, subali’t nakasunod na sa Akin ng maraming taon, ay hindi makakatakas sa pagbabayad ng kanilang mga kasalanan; sila man, na nahuhulog sa sakuna, na ang katulad ay bihirang nakita na sa milyon-milyong taon, ay darating sa pamumuhay sa palagiang kalagayan ng sindak at takot. At yaon lamang Aking mga tagasunod na nakapagpakita na ng katapatan sa Akin ang magagalak at magpupuri sa Aking kapangyarihan. Mararanasan nila ang di-mailarawang kapanatagan at mabubuhay sa isang kagalakan na kailanman ay hindi Ko pa naipagkaloob sa sangkatauhan. Dahil itinuturing Kong kayamanan ang mabubuting gawa ng mga tao at kinasusuklaman ang kanilang masasamang gawa. Mula nang una Kong sinimulang pangunahan ang sangkatauhan, umasa Ako nang husto na makamit ang isang grupo ng mga taong may kaisipang katulad ng sa Akin. Hindi Ko kailanman nalimutan yaong mga hindi Ko kaisa sa pag-iisip; nasuklam na Ako sa kanila sa Aking puso, naghihintay lamang ng pagkakataon para gantihan Ko sila, at matutuwa Kong makita iyon. Ang araw Ko ay dumating na ngayon sa wakas, at hindi Ko na kailangan pang maghintay!

Ang huling gawain Ko ay hindi lamang para parusahan ang tao kundi para din sa kapakanan ng pagsasaayos ng hantungan ng tao. Higit pa rito, ito ay para sa kapakanan ng pagtanggap ng pagkilala mula sa lahat para sa lahat ng nagawa Ko. Nais Kong makita ng bawat isang tao na ang lahat ng nagawa Ko na ay tama, at ang lahat ng nagawa Ko na ay kapahayagan ng Aking disposisyon; hindi ito gawain ng tao, lalong hindi ng buong kalikasan, na nagbunga ng sangkatauhan. Bagkus, Ako ang nag-aalaga sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa sangnilikha. Kung wala Ako, mapapahamak lamang ang sangkatauhan at sasailalim sa hampas ng kalamidad. Walang taong makakakitang muli kahit kailan ng magandang araw at buwan o ng luntiang mundo; ang mararanasan lamang ng sangkatauhan ay ang maginaw na gabi at hindi natitinag na lambak ng anino ng kamatayan. Ako lamang ang kaligtasan ng sangkatauhan. Ako ang tanging pag-asa ng sangkatauhan at, lalo na, Ako ang Siyang dahilan kung bakit umiiral ang buong sangkatauhan. Kung wala Ako, ang sangkatauhan ay agad na darating sa ganap na pagtigil. Kung wala Ako, ang sangkatauhan ay daranas ng malawakang kapahamakan at tatapakan ng lahat ng uri ng mga multo, kahit na walang nakikinig sa Akin. Nakagawa na Ako ng gawaing walang sinuman ang makagagawa, ang tangi Kong pag-asa ay mababayaran Ako ng tao ng ilang mabubuting gawa. Kahit na yaong makakabayad sa Akin ay napakaunti, tatapusin Ko pa rin ang Aking paglalakbay sa mundo ng tao at uumpisahan ang susunod na hakbang ng Aking gawaing nalalantad, dahil lahat ng Aking pagmamadaling pagparoo’t parito sa gitna ng tao nitong maraming taon ay naging mabunga, at lubos Akong nasisiyahan. Ang Aking iniintindi ay hindi ang bilang ng mga tao bagkus ang kanilang mabubuting gawa. Gayon pa man, umaasa Ako na naghahanda kayo ng sapat na mabubuting gawa para sa inyong hantungan. Saka Ako masisiyahan; kung hindi, wala sa inyo ang makatatakas sa sakunang darating sa inyo. Ang sakuna ay nagmumula sa Akin at mangyari pa ay isinasaayos Ko. Kung hindi kayo makapagpapakita bilang mabuti sa Aking mga mata, kung gayon hindi ninyo matatakasan ang paghihirap ng sakuna. Sa gitna ng kapighatian, ang inyong mga pagkilos at mga gawa ay hindi itinuring na lubusang karapat-dapat, dahil ang inyong pananampalataya at pag-ibig ay hungkag, at ipinakita lamang ninyo ang inyong mga sarili na alinman sa duwag o matigas. Tungkol dito, gagawa lamang Ako ng paghatol ng mabuti o masama. Ang Aking patuloy na pinahahalagahan ay ang paraan kung saan bawat isa sa inyo ay kumikilos at inihahayag ang kanyang sarili, ang batayan kung saan pagpapasyahan Ko ang inyong wakas. Datapwa’t, kailangang gawin Ko itong malinaw: hindi na Ako magbibigay ng awa sa mga hindi nagbigay sa Akin kahit katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, sapagka’t ang awa Ko ay hanggang doon lamang. Bukod diyan, wala Akong pagkagusto kaninuman na minsan na Akong naipagkanulo, lalong hindi Ko gusto na makisama roon sa mga nagkakanulo ng mga hinahangad ng kanilang mga kaibigan. Ito ang disposisyon Ko, sinuman ang taong iyan. Kailangang sabihin Ko ito sa inyo: Sinumang dumudurog sa Aking puso ay hindi tatanggap ng kaawaan mula sa Akin sa ikalawang pagkakataon, at sinumang naging matapat sa Akin ay mananatili sa puso Ko magpakailanman.

—mula sa “Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Umaasa lamang Ako na sa huling yugto ng Aking gawain, makagaganap kayo nang buong husay, lubos ang pamimintuho at hindi na kayo mananamlay. Mangyari pa, umaasa rin Ako na lahat kayo ay magkaroon ng isang magandang hantungan. Gayon pa man, mayroon pa rin Akong sariling itinakdang hinihingi, at ito ay ang makagawa kayo ng pinakamahusay na pasya na ihandog sa Akin ang inyong natatangi at huling pamimintuho. Kung may isang tao na walang ganyang natatanging pamimintuho, tiyak na magiging napakahalaga kay Satanas ng taong iyan, at hindi Ko na ipagpapatuloy ang paggamit sa kanya. Pauuwiin Ko siya para alagaan ng kanyang mga magulang.

—mula sa “Hinggil sa Patutunguhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kailangan ninyong gawin ang inyong tungkulin hanggang sa inyong makakayanan nang bukas at matuwid ang inyong mga puso, at kailangang handa kayong gawin ang anumang kinakailangan. Gaya nga ng sinabi ninyo, pagdating ng araw na iyon, hindi pakikitunguhan nang masama ng Diyos ang sinumang nagdusa o nagbayad nang malaki para sa Kanya. May halaga ang pagkapit sa ganitong uri ng paniniwala, at hindi ninyo ito kailanman dapat kalimutan. Sa ganitong paraan Ko lamang mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo. Kung hindi, hindi Ko kailanman mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo, at magpakailanman kayong magiging mga layon ng Aking kapaitan. Kung masusunod ninyong lahat ang inyong konsiyensya, at ibibigay ang lahat para sa Akin, walang hindi pagsusumikapan para sa Aking gawain, at mag-uukol ng buong buhay ng pagsusumikap sa Aking gawain ng ebanghelyo, hindi ba’t laging lulukso sa tuwa ang Aking puso para sa inyo? Hindi ba’t lubos Kong mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo?

—mula sa “Hinggil sa Patutunguhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kung ang paghahanap sa daan ng katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa na laging nananahan sa liwanag. Kung galak na galak kang maging isang tagapagsilbi sa tahanan ng Diyos, masipag at matapat na gumagawa nang nakakubli, laging nagbibigay at hindi kailanman kumukuha, kung gayon ay sinasabi Ko na ikaw ay isang tapat na banal, sapagkat hindi ka naghahanap ng gantimpala at isang matapat na tao lamang. Kung handa kang maging lantad, kung handa kang gugulin ang iyong lahat-lahat, kung kaya mong isakripisyo ang iyong buhay para sa Diyos at tumayong saksi, kung ikaw ay matapat hanggang sa punto na ang alam mo lamang ay bigyang-kasiyahan ang Diyos at hindi isaalang-alang ang iyong sarili o kumuha para sa sarili, kung gayon ay sinasabi Ko na ang mga taong ito ay yaong pinalulusog sa liwanag at siyang mabubuhay magpakailanman sa kaharian.

—mula sa “Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Sa isang banda ang mabubuting gawa ay isang patotoo sa ating kaligtasan, at sa kabila naman ay isang pagpapakita ng ating pagpasok sa katotohanan at ang katotohanan ng salita ng Diyos. Ganoon din, kung naghahanda tayo ng maraming mabubuting gawa, ipinapakita din nito na tayo ay naipanganak na muli sa harap ng Diyos at tayo ay may tunay na patotoo ng pagiging isang tao. Ang ating mabubuting gawa ang pinakamabuting pagpapakita na tunay na nagsisi tayo at naging bagong mga tao. Kung tayo ay may maraming mabubuting gawa, nagpapatunay ito na tayo ay kawangis ng isang tunay na tao. Kung naniwala kayo sa Diyos sa loob ng maraming taon pero wala kang ginawang maraming mabubuting gawa, kung gayon, nagtataglay ng anyo ng tao? May konsensya at pakiramdam ba kayo? Kayo ba ay taong nagsusukli sa pag-ibig ng Diyos? Nasaan ang inyong tunay na pananampalataya? Nasaan ang inyong pag-ibig sa Diyos? Nasaan ang inyong pagkamasunurin sa Diyos? Nasaan ang katotohanan na inyong pinasok? Wala kayo ng alinman sa mga ito. Samakatwid, ang isang taong walang ginagawang mabubuting gawa ay isang taong walang natatanggap, isang taong hindi makakuha ng kaligtasan mula sa Diyos, isang taong ang kasamaan ay malalim at hindi man lang nabago kahit kaunti. Kaya nga ang mabubuting gawa ang pinakanaglalantad sa isang tao.

—mula sa “Ang Mahalagang Kahulugan ng Paghahanda ng Mabubuting Gawa” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay II



最新の画像もっと見る

コメントを投稿