Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikatlong Bahagi)

2020-06-22 09:47:24 | Salita ng Diyos


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao” Ang nilalaman ng video na ito:
(II) Nakakamit ng Tao ang Awa at Pagpaparaya ng Diyos sa pamamagitan ng Tapat na Pagsisisi
Buod ng Kasaysayan ng Ninive
Umabot ang Ang Diyos Mismo na si Jehovah sa mga Taga-Ninive
Ang Payak na Pagkakaiba ng Reaksyon ng Ninive at Sodoma sa Babala ng Diyos na si Jehovah
Ang Pagsisisi ng Hari ng Ninive ang Pumukaw sa Papuri ng Diyos na si Jehovah
Nakita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng mga Puso ng mga Taga-Ninive
Kung ang Paniniwala Mo sa Diyos ay Totoo, Madalas Mong 
Matatanggap ang Kanyang Pagkalinga

————————————————

Gumagawa tayo ng mga panalangin ng pagsisisi sa kumpisal ng may luha, nguni madalas pa rin tayong nagkakasala. Ito ba ay tunay na pagsisisi sa Diyos? Mangyaring i-click at basahin ang: Ang Panalangin ng Pagsisisi sa Kumpisal Ba ay Tunay na Pagsisisi?


Matapos ang Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesus, Bakit Siya Nagpakita sa Tao?

2020-06-21 13:49:51 | Salita ng Diyos

Sa Biblia, nakatalang: “At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:36-43). Sa tuwing babasahin ko ang mga taludtod na ito, nakakaramdam ako ng inggit kina Pedro, Juan at sa iba pa. Habang isinasagawa ni Hesus ang Kanyang gawain sa Judea, palagi Niyang kasama ang Kanyang mga disipulo araw at gabi at, matapos Siyang mabuhay muli, inalagaan Niya ang mga ito gaya ng ginagawa Niya noon, at nagpakita Siya sa kanila, ipinaliwanag ang mga kasulatan sa kanila at pinangaralan sila. Si Pedro at ang iba pa ay mapalad na napili ng Panginoon upang maging Kanyang mga disipulo at nakarinig sila ng mga turo ng Panginoong Jesus sa kanilang sariling mga tainga—napakapalad nila! Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos, at naintindihan ko na ang kalooban ng Panginoong Hesus ay nasa likod ng Kanyang pagpapakita sa tao matapos ang Kanyang muling pagkabuhay, at na ang gawaing ito ay lalo pang napapaloob sa pagka-makapangyarihan ng Diyos at karunungan. Talaga ngang nakita ko na ang pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao matapos ang Kanyang muling pagkabuhay ay tunay ngang makahulugan!

Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Ang unang bagay na ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay upang tulutan ang lahat na makita Siya, upang matiyak na Siya ay umiiral, at upang matiyak ang katotohanan ng Kanyang muling pagkabuhay. Bukod dito, pinanumbalik nito ang Kanyang kaugnayan sa mga tao sa kaugnayang mayroon Siya sa kanila nang siya ay gumagawa pa sa katawang-tao, at Siya ang Kristo na nagagawa nilang makita at mahipo. Sa ganitong paraan, ang isang kalalabasan ay na ang mga tao ay walang pagdududa na ang Panginoong Jesus ay nabuhay mag-uli mula sa mga patay pagkatapos mapako sa krus, at walang pagdududa sa gawain ng Panginoong Jesus na tubusin ang sangkatauhan. At ang isa pang kalalabasan ay ang katotohanan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay at pagtulot sa mga tao na makita at mahipo Siya ay tiniyak ang katiwasayan ng sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya. Mula sa oras na ito, ang mga tao ay hindi na makabalik sa nakaraang kapanahunan, ang Kapanahunan ng Kautusan, dahil sa ‘pagkawala’ o ‘paglayo’ ng Panginoong Jesus, ngunit sila ay magpapatuloy, susundin ang mga turo ng Panginoong Jesus at ang gawain na Kanyang ginawa. Kaya, isang bagong yugto sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ang pormal na binuksan, at ang mga tao na nasa ilalim ng kautusan ay pormal na lumabas mula sa kautusan mula noon, at pumasok sa isang bagong panahon, na may isang bagong pasimula. Ito ang sari-saring mga kahulugan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan pagkatapos ng muling pagkabuhay” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”).

Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, sa wakas ay naunawaan ko na may dalawang kahulugan sa likod ng pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao sa loob ng 40 araw pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Ang isa ay dumating Siya upang sabihin sa tao na isinasara na ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan, at na inumpisahan na Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at magdadala sa sangkatauhan patungo sa bagong panahon. Ang iba pang kahulugan ay ginawa ito ng Diyos upang pakilusin ang mga tao na magpatunay na ang Panginoong Hesus ay ang Diyos na nagkatawang-tao, at sa gayon ay tumitibay ang kanilang pananampalataya sa Diyos.

1. Nabuhay Muli ang Panginoong Hesus at Nagpakita sa Tao upang Pamunuan Sila Tungo sa Bagong Panahon at upang Matatag Silang Itayo sa Kapanahunan ng Biyaya

Inumpisahan ng Panginoong Hesus ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Ipinahayag niya ang paraan ng “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17), at nagsagawa ng maraming himala gaya ng pagpapagaling ang mga may sakit, pagpapalayas ng mga demonyo, pagpapalakad sa pilay at makakita ang bulag, at iba pa, upang matamasa ng mga tao ang napakaraming biyaya na nagmula sa Diyos. Ngunit ang mga tao noong panahong iyon ay hindi alam ang gawain ng Diyos, at wala silang tunay na pang-unawa na si Hesus ang Diyos na nagkatawang-tao. Nang ipako sa krus ang Panginoong Hesus, hindi alam ng mga tao na ipinapahayag nito na ang Diyos ay natapos na sa gawain ng pagtubos, at kaya naman sa halip ay nahulog sila sa pagiging negatibo at kahinaan. Ang mga tao ay nagsimulang magduda sa pagkakakilanlan ng Panginoong Hesus, at ang ilan ay bumalik sa templo at nagsimulang obserbahan ang batas ng Lumang Tipan. Sa ganitong paraan, ang mga tao ay nasa panganib pa rin na mamatay sa batas dahil sa kanilang mga kasalanan, at ang gawain na ginawa ng Panginoong Hesus upang tubusin ang sangkatauhan ay nananatiling hindi tapos. Sinuri ng Panginoong Hesus ang kaloob-loobang puso ng tao at lubos Niyang naintindihan ang kanilang mga pangangailangan at ang kanilang mga pagkukulang. Kaya naman, matapos ang Kanyang muling pagkabuhay, nagpakita Siya at unang kinausap ang Kanyang mga disipulo, tunay na nakikipag-ugnayan sa kanila at hinahayaan silang makita na tunay nga Siyang nagbalik mula sa kamatayan, at na natapos na Niya ang Kanyang gawain upang tubusin ang sangkatauhan at nag-umpisa na ng panibagong kapanahunan. Pagkatapos noon, iniwan ng sangkatauhan ang kautusan at pumasok sa bagong panahon—ang Kapanahunan ng Biyaya. Sa ilalim ng patnubay ng gawa at mga salita ng Panginoong Hesus, ang mga tao ay nagsimulang magsanay alinsunod sa Kanyang mga turo, pinasan nila ang krus at sumunod sa Panginoon at sinunod nila ang Kanyang pagtuturo ng “Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Marcos 16:15). Kaya, sinimulan nilang ipalaganap ang ebanghelyo ng makalangit na kaharian at nagpatotoo sila sa ngalan ng Panginoong Hesus upang ang lahat ng tao ay tanggapin ito at matamo ang Kanyang kaligtasan. Sa ngayon, ang ebanghelyo ng Panginoong Hesus ay pinalawak sa buong mundo at ito ay ganap na resulta ng pagpapakita ni Hesus sa tao pagkatapos na Siya ay bumalik mula sa mga kamatayan. Mula dito, makikita natin kung gaano kahalaga ang Kanyang pagpapakita sa tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay!

2. Ang Pagpapakita ng Panginoong Hesus sa Tao Matapos ang Kanyang Muling Pagkabuhay ay Hinayaan Sila na Makumpirma na Siya Mismo ang Nagkatawang-taong Diyos, Sa Gayon ay Pinalalakas ang Kanilang Pananampalataya sa Kanya

Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Sa panahong gumawa ang Panginoong Jesus sa katawang-tao, ang karamihan sa Kanyang mga tagasunod ay hindi magawang ganap na matiyak ang Kanyang pagkakakilanlan at ang mga bagay na Kanyang sinabi. Nang Siya ay umakyat sa krus, ang saloobin ng Kanyang mga tagasunod ay yaong naghihintay; nang Siya ay ipinako sa krus hanggang sa Siya ay inilagak sa libingan, ang saloobin ng mga tao tungo sa Kanya ay pagkadismaya. Sa panahong ito, ang mga tao ay nagsimula nang kumilos sa kanilang mga puso mula sa pagdududa hanggang sa pagkakaila sa mga bagay na sinabi ng Panginoong Jesus sa Kanyang panahon na nasa katawang-tao. At nang Siya ay lumabas mula sa libingan, at nagpakita sa mga tao isa-isa, ang karamihan sa mga tao na nakakita sa Kanya sa kanilang sariling mga mata o nakarinig sa balita ng Kanyang muling pagkabuhay ay unti-unting nagbago mula sa pagkakaila hanggang sa pag-aalinlangan. Nang panahong mapadaiti ng Panginoong Jesus ang kamay ni Tomas sa Kanyang tagiliran, nang panahong ang ating Panginoong Jesus ay nagpuputol-putol ng tinapay at kinain ito sa harap ng madla pagkatapos na Siya ay muling mabuhay, at pagkatapos noon ay kinain ang inihaw na isda sa harap nila, noon lamang nila tunay na natanggap ang katotohanan na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo sa katawang-tao. Maaari ninyong masabi na parang ang espirituwal na katawan na ito na may katawan at dugo na nakatayo sa harap ng mga taong iyon noon ay ginigising ang bawat isa sa kanila mula sa isang panaginip: Ang Anak ng tao na nakatayo sa kanilang harapan ay Yaong umiiral na nang napakatagal na panahon. Mayroon Siyang isang anyo, at laman at mga buto, at Siya ay namuhay na at nakasamang kumain ng sangkatauhan sa mahabang panahon…. Sa panahong ito, naramdaman ng mga tao na ang Kanyang pag-iral ay talagang totoo, tunay na nakamamangha; sila din ay talagang nagagalak at maligaya, at kasabay nito ay napuno ng emosyon. At ang Kanyang muling pagpapakita ay nagtulot sa mga tao na tunay na makita ang Kanyang kababaang loob, upang madama ang Kanyang pagiging malapit, at ang Kanyang pananabik, ang Kanyang pagkagiliw para sa sangkatauhan. Ang maigsing muling-pagkikita na ito ang nagbigay-daan sa mga taong nakakita sa Panginoong Jesus na madama na parang isang habambuhay na ang nakalipas. Ang kanilang ligaw, nalilito, natatakot, nababahala, naghahangad at manhid na mga puso ay nakasumpong ng kaaliwan. Hindi na sila nag-aalangan o nadidismaya sapagkat naramdaman nila na ngayon ay mayroon ng pag-asa at isang bagay na maasahan. Ang Anak ng tao na nakatayo sa harapan nila ay nasa likod nila magpakailanman, Siya ang kanilang magiging matatag na tore, kanilang kanlungan sa lahat ng oras” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”).

Tinutukoy ng mga salita ng Diyos ang isa pang kahulugan sa pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Ang Panginoong Hesus ay nagkatawang-tao sa gitna ng tao at ginanap ang Kanyang gawain sa loob ng tatlo at kalahating taon, at marami ang tumanggap ng Kanyang kaligtasan at sumunod sa Panginoon. Gayunman, karamihan sa mga tao ay hindi ganap na maintindihan na ang Panginoong Hesus ay si Kristo at na Siya Mismo ang Diyos. Samakatuwid, nang malapit nang ipako sa krus ang Panginoong Hesus, pinanood nila ang mga pangyayari at nagsimula silang mag-alinlangan sa kanilang mga puso, at tinanong nila ang kanilang sarili: Tunay bang Diyos ang Panginoong Hesus? Kung Siya si Kristo at Siya mismo ang Diyos, kung gayon ay paano Siya nahuli ng mga awtoridad ng Roma, binugbog at kinutya ng mga sundalo at pagkatapos ay ipinako sa krus? Lalo na, nang ipinapako sa krus ang Panginoong Hesus, nakaramdam sila ng labis na panghihinayang sa Kanya at itinatwa nila na Siya Mismo ang nagkatawang taong Diyos at tinatwa ang mga salitang Kanyang ipinahayag, sa halip ay naniniwala na mamamatay si Hesus gaya ng isang ordinaryong tao at siguradong hindi Siya makaliligtas. Alam ng Panginoong Hesus na ganoon kaunti ang pananampalataya ng mga tao, na hindi nila kilala ang Panginoon, at na lalong mas marami pang tao ang magiging mahina at malungkot dahil ipinako Siya. Kaya naman, matapos magbalik ng Panginoong Hesus mula sa kamatayan, nagpakita Siya sa Kanyang mga disipulo at kinausap sila, ipinaliwanag Niya ang mga kasulatan at nanalangin ng taimtim kasama nila, kumain Siya kasabay ng mga ito, at hinayaan Niya si Tomas na hawakan ang Kanyang mga kamay at Kanyang tagiliran, at iba pa. Mula sa mga salita na sinabi ng Panginoong Hesus at ang mga gawa na ginawa Niya pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, pinatotohanan ng Kanyang mga disipulo na si Hesus ay tunay na muling nabuhay, at alam nila na Siya ay iisang Panginoon na kumain, sumunod at nagbahagi ng buhay sa kanila noon, na Siya ay ang parehong Panginoon na nangaral sa kanila, naglaan at namatnubay sa kanila, na nagmahal sa kanila gaya ng ginawa Niya noon, na inalagaan Niya sila at hindi iniwan, at Siya ay naroroon kasama nila. Ang Panginoong Hesus ang nagkatawang-taong Diyos Mismo, ang walang hanggang buhay, ang habambuhay na suporta ng tao, ang matatag na tore ng tao at kanlungan. Kahit na ipinako sa krus ang Panginoong Hesus, Siya ang may hawak ng mga susi sa kabilang buhay at mayroon Siyang kapangyarihan na mabuhay muli, dahil Siya Mismo ang natatanging Diyos … Pagkatapos noon, hindi na nakaramdam ang tao ng pagkawala o pagkalito at hindi na sila nag-alinlangan sa Panginoong Hesus, ngunit sa halip ay naniwala at umasa kay Hesus mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Ito ay ganap na resulta ng pagpapakita ng Panginoong Hesus sa Kanyang mga alagad at pakikipag-usap sa kanila pagkatapos na Siya ay bumalik mula sa kamatayan.

Mula sa dalawang kahulugang ito na may kinalaman sa pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao matapos ang kanyang muling pagkabuhay, nakita ko sa wakas na binuhay Niya ang mga puso ng tao sa pamamagitan ng pagpapakita Niya sa kanila at hinayaan din Niya tayo na maranasan ang pag-aalaga at pagmamahal ng Diyos sa atin. Ang ganitong uri ng pag-aalaga at pagmamahal ay hindi lamang isang alamat—totoo ang mga ito. Mula rito ay mararamdaman din natin na ang turing sa atin ng Diyos ay Kanyang pamilya; Siya ay palagi nang kasama ng tao at hindi tayo kailanman iniwan, sapagkat nilikha ng Diyos ang tao upang matamo tayo, at inaasahan Niya na maririnig natin ang Kanyang mga salita, susunod sa Kanya at sumamba sa Kanya ng ganap, at maging isa ang isip natin sa Kanya. Samakatuwid, kung ang Panginoong Hesus ay ginagawa ng Kanyang mga gawain at nagsasalita ng Kanyang mga salita sa katawang-tao o kung Siya ay nagpapakita sa tao sa Espiritu pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, palagi Niyang inaalagaan ang sangkatauhan, at Siya ay lalong nag-aalala sa mga sumunod sa Kanya. Ito ay dahil walang kakayahan ang tao na malagpasan ang kasalanan, at kung wala ang paggabay ng Diyos at wala ang pagkakaloob ng katotohanan, walang paraan ang tao upang itaboy ang kanilang kasamaan at matamo ang tunay na kaligtasan ng Diyos. Sa ating maling paniniwala, naniniwala tayo na iniwan tayo ng Diyos matapos Niyang magawa ang gawain ng pagtubos at na hindi na tayo binigyan ng atensiyon ng Diyos matapos noon. Ngunit ang katotohanan ay hindi gaya ng iniisip natin. Natapos ng Panginoong Hesus ang kanyang gawain ng pagtubos ng sangkatauhan, ngunit hindi Niya iniwan ang tao. Kasama pa rin Niya ang tao, gaya kung paano Siya noon, inaalagaan tayo, nagbibigay sa atin at ginagabayan tayo; ang Panginoon ang ating tulong at suporta tuwing kinakailangan, at kahit sa paanong paraan pa man Siya magpakita sa atin, palagi natin Siyang kasama! Ito ay gaya ng sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot at mawawalan ng pag-asa, at yaong tumanggap sa Kanya bilang handog sa pagkakasala ay hindi na matatali sa kasalanan” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”).

Ang totoo, bawa’t isa sa atin na naniniwala sa Panginoong Hesus ay makikita na, sa daan ng paniniwala sa Diyos, kapag nakakatagpo tayo ng mga tukso tulad ng pera, katanyagan o kapalaran, pinoprotektahan tayo ng Panginoon at nagbibigay-daan sa atin na lumayo at madaig ang mga ito; tuwing makakatagpo tayo ng mga dagok at kabiguan, pinapatnubayan tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, binibigyan Niya tayo ng pananampalataya at lakas, na nagpapalakas sa atin; sa tuwing makakatagpo tayo ng paghihirap sa ating buhay, ang Panginoon ang palaging tumutulong sa atin kapag kinakailangan, nagbubukas ng mga daan para sa atin; kapag nagkakaroon tayo ng mga pagsubok at nakakaranas tayo ng paghihirap, ang mga salita ng Panginoon ay nagpapaliwanag at nagbibigay gabay sa atin, na nagbibigay-daan sa atin na maunawaan ang kalooban ng Diyos at para sa atin na makadama ng kapayapaan at kagalakan sa ating espiritu … Tunay na mararamdaman natin na nasa tabi natin ang Diyos, gumagabay at sinasamahan tayo sa bawa’t araw, dahilan upang maintindihan natin ang katotohanan at maintindihan ang Kanyang kalooban …

Labis akong nagalak sa pag-ibig ng Panginoon, at mas lalo ko nang naiintindihan ngayon kung bakit nagpakita sa tao ang Panginoong Hesus sa loob ng 40 araw matapos Niyang mabuhay muli, kumakain kasama ng Kanyang mga disipulo, ipinaliliwanag ang mga kasulatan at nananalangin ng taimtim kasama nila, maraming hinihingi sa kanila, at iba pa. Bawa’t isang bagay na sinabi o ginawa ng Panginoong Hesus ay napupuno ng labis na pangangalaga at pagpapahalaga, at lahat ng Kanyang mga gawa at mga salita ay labis na makahulugan. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, mas malalim na ang pang-unawa ko sa pagpapakita ni Hesus sa tao matapos Niyang mabuhay muli. Papuri sa Diyos!

Rekomendasyon:


——————————————————

Juan 20:29, sinabi ng Panginoong Jesus sa kanya, "Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya." Ano ang sinasabi sa atin ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng mga salitang ito na sinabi Niya kay Tomas?
Alamin ang higit pang mga detalye: Pagninilay sa Juan 20:29—Paano Maiwasan ang Pagkabigo ni Tomas’


Paano magpapakita at gagawa ang Panginoon kapag Siya ay bumalik?

2020-06-20 08:51:37 | Mga Pagbasa
Kaugnay na mga Talata sa Biblia:

“Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25).

Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

“Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya’y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15).

“Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang panahon at pagtatapos ng isang panahon. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang simbolo, isang larawan, isang himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang prosesong pangrelihiyon. Ito ay isang tunay at makatotohanang kaalaman na maaaring hawakan at makita. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi upang sumunod lamang sa isang pamamaraan, o para sa isang panandaliang gawain; ito, sa halip, ay para sa kapakanan ng isang yugto sa gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makabuluhan, at laging kaugnay ng Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakitang ito ay lubos na naiiba sa pagpapakita ng patnubay ng Diyos, pamumuno, at pagliliwanag sa tao ng Diyos. Isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng dakilang gawain sa tuwing inihahayag Niya ang Sarili Niya. Ang gawaing ito ay naiiba sa anumang gawain sa alinmang ibang kapanahunan. Hindi ito maiisip ng tao… at hindi rin ito naranasan kailanman ng tao. Ito ay gawain na nagsisimula ng bagong kapanahunan at nagwawakas ng lumang panahon, at ito ay isang bago at pinahusay na anyo ng gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan; bukod dito, ito ay gawaing pagdadala sa sangkatauhan sa bagong kapanahunan. Iyan ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos.

Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis, ngunit nalalaman mo ba ang tunay na kahulugan ng Kanyang mga salita? Nasabi ba Niya talaga sa iyo? Nalalaman mo lamang na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis sa isang ulap ngunit nalalaman mo ba talaga kung paano ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain? Kung talagang nakikita mo, kung gayon paano maipaliliwanag ang mga salita ni Jesus? Sinabi Niya, “Kapag ang Anak ng tao ay dumating sa mga huling araw, hindi Niya malalaman sa ganang Kanyang Sarili, hindi malalaman ng mga anghel, hindi malalaman ng mga sugo sa langit, at hindi malalaman ng lahat ng mga tao. Tanging ang Ama ang makakaalam, iyon ay, ang Espiritu lamang ang makakaalam.” Kung may kakayahan kang makaalam at makakita, kung gayon hindi ba mga salitang hungkag ang mga ito? Hindi nalalaman maging ng Anak ng tao sa ganang Kanyang Sarili, ngunit nagagawa mong makita at malaman? Kung nakita mo gamit ang iyong sariling mga mata, ang mga salita bang iyon ay hindi sinabi nang walang kabuluhan? At ano ang sinabi ni Jesus ng panahong iyon? “Ngunit tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang. At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. … Mangagpuyat nga kayo: sapagkat hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.” Kapag dumating ang araw na yaon, hindi ‘yon malalaman ng Anak ng tao Mismo. Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa nagkatawang-taong laman ng Diyos, na magiging isang normal at karaniwang tao. Maging Siya Mismo ay hindi alam, kayo paano mo nalaman?

“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” … Napakaraming taong kakatwa na naniniwala na ang mga salita ng Banal na Espiritu ay dapat bumaba mula sa kalangitan patungo sa mga tainga ng tao. Sinuman ang nag-iisip ng ganito ay hindi kilala ang gawain ng Diyos. Sa katotohanan, ang mga pagbigkas na binanggit ng Banal na Espiritu ay ang mga binigkas ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi maaaring direktang magsalita ang Banal na Espiritu sa tao, at si Jehova ay hindi direktang nagsalita sa mga tao, kahit na sa Kapanahunan ng Kautusan. Hindi ba mukhang malamang na hindi Niya gagawin ito sa kapanahunan ngayon? Para magwika ang Diyos ng mga pagbigkas upang ipatupad ang gawain, dapat Siyang magkatawang-tao, kung hindi ang Kanyang gawain ay hindi makapagkakamit ng Kanyang hangarin. Yaong mga nagkakaila na ang nagkatawang-tao ang Diyos ay ang mga hindi kilala ang Espiritu o ang mga panuntunan kung paano gumagawa ang Diyos.

Ang Diyos ay walang imik, at hindi kailanman nagpakita sa atin, ngunit ang Kanyang gawain ay hindi huminto. Binabantayan Niya ang lahat ng lupain, at inuutusan ang lahat ng bagay, at pinagmamasdan ang lahat ng mga salita at gawa ng tao. Ang Kanyang pamamahala ay isinasagawa sa bawat hakbang at alinsunod sa Kanyang plano. Ito ay tahimik na nagpapatuloy, hindi masigabo, ngunit ang Kanyang mga yapak ay sumusulong nang palapit sa sangkatauhan, at ang Kanyang upuan sa paghatol ay lumawak hanggang pandaigdigan na kasing-bilis ng kidlat, kasunod nito ang pagpanaog ng Kanyang trono sa ating kalagitnaan. Isang makahari na tanawin yaon, isang marangal at taimtim na larawan. Katulad ng isang kalapati, at katulad ng umaatungal na leon, ang Espiritu at dumating sa ating kalagitnaan. Siya ay matalino, Siya ay matuwid at makahari, Siya ay tahimik na dumarating sa ating kalagitnaan na may angking awtoridad at puno ng pagmamahal at awa. Walang nakakaalam sa Kanyang pagdating, walang sumasalubong sa Kanyang pagdating, at higit sa lahat, walang nakakaalam sa lahat ng Kanyang gagawin. Ang buhay ng tao ay nananatiling hindi nagbabago; gayundin ang kanyang puso, at ang mga araw ay dadaan gaya ng dati. Ang Diyos ay namumuhay sa ating kalagitnaan katulad ng isang karaniwang tao, katulad ng isang hamak na tagasunod at karaniwang mananampalataya. Siya ay may sariling mga gawain, Kanyang sariling mga layunin, at higit sa lahat, Siya ay may pagka-Diyos na wala sa kahit na sinong karaniwang tao. Walang sinuman ang nakapansin sa Kanyang pagka-Diyos, at walang sinuman ang nakaramdam ng kaibahan ng Kanyang diwa at sa kung ano ang sa tao. Tayo ay namumuhay na kasama Siya, malaya at walang takot, dahil nakikita natin Siya bilang hindi hihigit sa isang hamak na mananampalataya.

Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Ako ay tinawag ding ang Mesias, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagka’t minahal at iginalang nila Ako. Subali’t ngayon hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon—Ako ang Diyos na bumalik sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa katapusan. Ako ang Diyos Mismo na tumatayo sa mga dulo ng mundo, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. Kailanman ay hindi nakikipag-ugnayan sa Akin ang mga tao, kailanma’y hindi Ako nakikilala, at palaging walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isang tao ang nakakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa panahon ng mga huling araw nguni’t nakatago sa gitna ng tao. Siya ay naninirahan kasama ng tao, tunay at totoo, tulad ng isang nagniningas na araw at lumalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Walang isa mang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng mga bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at madudurog din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng mga tao sa panahon ng mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan, at para sa tao Ako ay minsang ang alay sa kasalanan, subali’t sa mga huling araw Ako rin ay magiging ang mga ningas ng araw na sumusunog sa lahat ng mga bagay, gayundin ay ang Araw ng pagkamatuwid na nagbubunyag ng lahat ng mga bagay. Ganoon ang Aking gawain sa mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at angkin Ko ang disposisyong ito upang maaaring makita ng lahat ng mga tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay maaaring sumamba sa Akin, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos—Ako ang Diyos ng lahat ng mga nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan.

Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’s naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

________________________________________
"Ngayon na ang huling panahon ng mga huling araw. Yaong mga taimtim na nananampalataya sa Panginoon ay naghihintay lahat na bumalik ang Panginoon at ma-rapture sila sa makalangit na kaharian. Kung gayon kailan babalik si Jesus? Paano natin malalaman kung ang Panginoon ay nakabalik na?



Ang Layuning Dapat Taglayin ng Tao sa Kanilang Pananalig sa Diyos

2020-06-19 00:58:04 | Hymn Videos

Tunay na pananalig sa Diyos
ay pagtanggap na salita Niya’y realidad ng buhay mo
at pagkilala sa Diyos mula sa Kanyang salita
para maging tunay pagsinta sa Kanya.
Para mas malinaw: Pananalig sa Diyos
ay para masunod mo at mahalin mo Siya,
pagganap sa tungkulin ng mga nilalang.
Yan ang layon ng pananalig sa Diyos.

Para malaman, Kanyang kariktan,
kung ga’no S’ya dapat pagpitaganan,
pa’no Niya ‘nililigtas Kanyang nilalang
at ginagawa silang perpekto—
yan ang pinakamaliit
na dapat taglayin sa ‘yong pananalig.

Pananalig sa Diyos di lamang dapat para makita,
mga tanda at himala,
ni para lamang sa iyong sariling laman.
Iyo’y para makilala ang Diyos at masunod Siya,
masunod Siya hanggang kamatayan.
Ito ang nais nitong makamtan.

Pananalig sa Diyos ang paraan para magbago ang buhay mo
mula sa makamundong buhay tungo
sa pagmamahal sa Diyos;
mula sa likas na buhay
tungo sa buhay na tulad ng Diyos.
Paglaya ito sa dominyon ni Satanas
para mabuhay sa ilalim ng proteksyon
at pangangalaga ng Diyos,
para masunod ang Diyos,
at hindi sundin ang laman.

Para matamo ng Diyos ang buong puso mo,
tulutan S’yang gawin kang perpekto,
at palayain ang sarili mo
sa satanikong disposisyon.
Pananalig sa Diyos ay
para makita kapangyarihan Niya sa ‘yo.

Pananalig sa Diyos di lamang dapat para makita
mga tanda at himala,
ni para lamang sa iyong sariling laman.
Iyo’y para makilala ang Diyos at masunod Siya,
masunod Siya hanggang kamatayan.
Ito ang nais nitong makamtan.

Iyo’y para makita kapangyarihan ng Diyos sa ‘yo,
para kalooban Niya’y gawin mo
at matupad Kanyang plano.
Diyos mapapatotohanan mo sa harap ni Satanas.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

——————————————————————


Ang mga Pagpapala ng Diyos

2020-06-18 09:21:43 | Salita ng Diyos
Genesis 17:4–6 Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa. At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; sapagka’t ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa. At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga bansa; at magbubuhat sa iyo ang mga hari.

Genesis 18:18–19 Si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa. Sapagka’t siya’y aking kinilala, upang siya’y magutos sa kaniyang mga anak at sa kaniyang sangbahayan pagkamatay niya, na maingatan nila ang daan ni Jehova, na gumawa ng kabanalan, at kahatulan; upang padatnin ni Jehova kay Abraham ang kaniyang ipinangako tungkol sa kaniya.

Genesis 22:16–18 Sa aking sarili ay sumumpa ako, anang Jehova, sapagka’t ginawa mo ito, at hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak; Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway; At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagka’t sinunod mo ang aking tinig.

Job 42:12 Sa gayo’y pinagpala ni Jehova, ang huling wakas ni Job na higit kay sa kaniyang pasimula: at siya’y nagkaroon ng labing apat na libong tupa, at anim na libong kamelyo, at isang libong tuwang na baka, at isang libong asnong babae.

Ang Natatanging Paraan at mga Katangian ng mga Pagbigkas ng Lumikha ay Simbolo ng Natatanging Pagkakakilanlan at Awtoridad ng Lumikha

Marami ang nag-aasam na hanapin, at matamo, ang mga pagpapala ng Diyos, nguni’t hindi lahat ay makakatamo ng mga pagpapalang ito, dahil may sariling mga prinsipyo ang Diyos, at pinagpapala ang tao sa Kanyang sariling paraan. Ang mga pangakong ginagawa ng Diyos sa tao, at ang dami ng biyaya na Kanyang ipinagkaloob sa tao, ay inilalaan batay sa mga kaisipan at pagkilos ng tao. At kaya, ano ang ipinakikita ng mga pagpapala ng Diyos? Ano ang nakikita ng mga tao sa kanila? Sa puntong ito, isinasantabi natin ang pagtalakay tungkol sa kung anong uri ng mga tao ang pinagpapala ng Diyos, o ang mga prinsipyo ng pagpapala ng Diyos sa tao. Sa halip, tingnan natin ang pagpapala ng Diyos sa tao nang may layunin na kilalanin ang awtoridad ng Diyos, mula sa pananaw ng pagkilala sa awtoridad ng Diyos.

Ang apat na talata ng kasulatan sa itaas ay mga tala lahat tungkol sa pagpapala ng Diyos sa tao. Nagbibigay ang mga ito ng detalyadong paglalarawan ng mga tumatanggap ng mga pagpapala ng Diyos, tulad nina Abraham at Job, gayundin ng mga dahilan kung bakit ipinagkaloob ng Diyos ang Kanyang mga pagpapala, at kung ano ang mga nakapaloob sa mga pagpapalang ito. Ang tono at paraan ng mga pagbigkas ng Diyos, at ang pananaw at posisyon mula kung saan Niya binigkas, ay nagpapahintulot sa mga tao na pahalagahan na Siyang nagkakaloob ng mga pagpapala at ang tumatanggap ng gayong mga pagpapala ay malinaw na magkaiba ang pagkakakilanlan, katayuan at diwa. Ang tono at paraan ng mga pagbigkas na ito, at ang posisyon mula sa kung saan binigkas ang mga iyon, ay bukod-tangi sa Diyos, na nagtataglay ng pagkakakilanlan ng Lumikha. Mayroon Siyang awtoridad at lakas, pati na rin ang karangalan ng Lumikha, at kamahalan na hindi hinahayaan ang pagdududa mula sa sinumang tao.

Una, tingnan natin ang Genesis 17:4–6: “Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa. At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; sapagka’t ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa. At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga bansa; at magbubuhat sa iyo ang mga hari.” Ang mga salitang ito ay ang kasunduan na itinatag ng Diyos kay Abraham, gayundin ang pagpapala ng Diyos kay Abraham: Gagawin ng Diyos si Abraham na ama ng mga bansa, gagawin siyang labis na masagana, at uusbong ang mga bansa mula sa kanya, at magmumula ang mga hari sa kanya. Nakikita mo ba ang awtoridad ng Diyos sa mga salitang ito? At paano mo nakikita ang gayong awtoridad? Aling aspeto ng diwa ng awtoridad ng Diyos ang iyong nakikita? Mula sa masusing pagbabasa sa mga salitang ito, hindi naman mahirap matuklasan na ang awtoridad at pagkakakilanlan ng Diyos ay malinaw na nabubunyag sa mga salitang ginamit ng mga pagbigkas ng Diyos. Halimbawa, kapag sinasabi ng Diyos “ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging … ikaw ay ginawa kong … ikaw ay aking gagawing…,” ang mga parirala na tulad ng “ikaw ang magiging” at “aking gagawing,” kung saan ang mga salitang ginamit ay nagtataglay ng pagpapatunay ng pagkakakilanlan at awtoridad ng Diyos, na sa isang aspeto, ay pagpapahiwatig ng katapatan ng Lumikha; sa isa pang aspeto, ang mga iyon ay mga espesyal na mga salita na ginamit ng Diyos, na nagtataglay ng pagkakakilanlan ng Lumikha—gayundin bilang bahagi ng nakasanayang talasalitaan. Kung may sinumang nagsasabi na umaasa sila na ang isa pang tao ay magiging labis na masagana, na magmumula ang mga bansa sa kanila, at magmumula ang mga hari sa kanila, samakatwid iyon ay walang-dudang isang uri ng pagnanais, at hindi isang pangako o isang pagpapala. At kaya, hindi nangangahas ang mga tao na sabihing “gagawin kitang ganito ganyan, ikaw ay magiging ganito at ganyan…,” dahil alam nila na hindi sila nagtataglay ng ganyang kapangyarihan; hindi nakasalalay sa kanila, at kahit pa sabihin nila ang ganyang mga bagay, walang-kabuluhan ang kanilang mga salita, at walang-saysay, bunsod lamang ng kanilang pagnanasa at hangarin. May nangangahas bang magsalita sa ganyang kadakilang tono kung sa tingin nila ay hindi nila kayang tuparin ang kanilang mga inaasam? Ang lahat ay nag-aasam ng mabuti para sa kanilang mga inapo, at umaasa na sila’y mangunguna at magtatamasa ng malaking tagumpay. “Anong laking kapalaran ito kung isa sa kanila ay magiging emperador! Kung magiging gobernador ang isa, maganda rin iyon—basta maging mahalagang tao lamang sila!” Ang mga ito ang inaasam ng lahat ng tao, nguni’t maaari lamang silang magnais ng mga biyaya sa kanilang mga inapo, at hindi kayang tuparin o gawing totoo ang anuman sa kanilang mga pangako. Sa kanilang mga puso, malinaw na alam ng lahat na wala silang taglay na kapangyarihan upang makamit ang naturang mga bagay, dahil hindi nila kontrolado ang lahat sa kanila, at kaya paano nila mauutusan ang kapalaran ng iba? Samantalang ang dahilan kung bakit masasabi ng Diyos ang mga salitang gaya ng mga ito ay dahil taglay ng Diyos ang naturang awtoridad, at may kakayahan sa pagtupad at pagtanto sa lahat ng pangako na ginagawa Niya sa tao, at kaya Niyang gawin na magkatotoo ang mga pagpapalang ipinagkakaloob Niya sa tao. Nilikha ng Diyos ang tao, at napakagaan para sa Diyos na gawing labis na masagana ang isang tao; kailangan lamang ng isang salita mula sa Kanya para gawing masagana ang mga inapo ng isang tao. Hindi Niya kailanman kailangang pagurin ang Sarili Niya para sa naturang bagay, o pagurin ang Kanyang isipan, o isuong ang Sarili Niya sa kagipitan para sa gayong bagay; ito ang mismong kapangyarihan ng Diyos, ang mismong awtoridad ng Diyos.

Matapos basahin ang “Si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa” sa Genesis 18:18, mararamdaman ba ninyo ang awtoridad ng Diyos? Madarama ba ninyo ang pagiging pambihira ng Lumikha? Madarama ba ninyo ang pangingibabaw ng Lumikha? Ang mga salita ng Diyos ay tiyak. Sinasabi ng Diyos ang mga naturang salita hindi dahil, o sa pagkatawan, sa Kanyang tiwala sa tagumpay; ang mga iyon, sa halip, ay katibayan ng awtoridad ng mga pagbigkas ng Diyos, at utos na tumutupad sa mga salita ng Diyos. May dalawang pagpapayahag na kailangan ninyong pagtuunan ng pansin dito. Kapag sinasabi ng Diyos na “Si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa,” may anumang elemento ba ng kalabuan sa mga salitang ito? Mayroon bang anumang elemento ng pag-aalala? Mayroon bang anumang elemento ng takot? Dahil sa mga salitang “tunay na” at “magiging” sa mga pagbigkas ng Diyos, ang mga elementong ito, na partikular sa tao at laging nakikita sa kanya, ay hindi kailanman nagkaroon na ng kaugnayan sa Lumikha. Walang sinuman na mangangahas na gamitin ang mga ganitong salita kapag nagnanais ng mabuti sa iba, walang sinumang mangangahas na basbasan ang isa pa ng isang dakila at makapangyarihang bansa nang may gayong katiyakan, o mangako na ang lahat ng bansa sa mundo ay pagpapalain sa kanya. Habang mas tiyak ang mga salita ng Diyos, mas may pinatutunayang bagay ang mga iyon—at ano ang isang bagay na ito? Pinatutunayan ng mga iyon na ang Diyos ay may gayong awtoridad, na kaya ng Kanyang awtoridad na tuparin ang mga bagay na ito, at hindi maiiwasan ang kanilang katuparan. Ang Diyos ay tiyak sa Kanyang puso, nang walang katiting na pag-aalinlangan, sa lahat ng Kanyang pagpapala kay Abraham. At saka, matutupad ang kabuuan nito alinsunod sa Kanyang mga salita, at walang kahit anong kapangyarihan ang maaaring makapagpabago, humadlang, sumira, o gumambala sa katuparan nito. Kahit ano pa man ang nangyari, walang makakapagpawalang-bisa o makakaimpluwensiya sa katuparan at pagsagawa ng mga salita ng Diyos. Ito ang mismong kapangyarihan ng mga salitang binigkas mula sa bibig ng Lumikha, at ang awtoridad ng Lumikha na hindi nagpapahintulot sa pagtatanggi ng tao! Sa pagkabasa sa mga salitang ito, nakakaramdam ka pa rin ba ng padududa? Binigkas ang mga salitang ito mula sa bibig ng Diyos, at may kapangyarihan, kamahalan, at awtoridad sa mga salita ng Diyos. Ang gayong kapangyarihan at awtoridad, at ang di-maiwasang katuparan ng katunayan, ay hindi naaabot ng sinumang nilikha o di-nilikhang kabuuan at hindi nalalampasan ng sinumang nilikha o di-nilikhang kabuuan. Tanging ang Lumikha lamang ang kayang makipag-usap sa sangkatauhan nang may gayong tono at intonasyon, at napatunayan ng mga katunayan na ang Kanyang mga pangako ay hindi mga salitang walang-laman, o mga walang-kwentang kayabangan, kundi ang pagpapahayag ng natatanging awtoridad na di-nalalampasan ng sinumang tao, bagay, o layon.

Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng mga salita na binibigkas ng Diyos at ng mga salita na binibigkas ng tao? Kapag binabasa mo ang mga salitang ito na binigkas ng Diyos, dama mo ang kapangyarihan ng mga salita ng Diyos, at ang awtoridad ng Diyos. Ano ang nararamdaman mo kapag naririnig mong sinasabi ng mga tao ang mga gayong salita? Sa tingin mo ba ay lubhang mapagmataas, at mayabang, at ipinamamarali ang kanilang mga sarili? Sapagka’t wala sila ng kapangyarihang ito, hindi nila taglay ang gayong awtoridad, at kaya lubos na wala silang kakayahan para makamit ang gayong mga bagay. Na sila ay napaka-sigurado sa kanilang mga pangako ay nagpapakita lamang ng kapabayaan sa kanilang mga pahayag. Kung may isang nagsasabi ng gayong mga salita, kung gayon walang-duda na mapagmataas sila, at sobrang mapangahas, at ibinubunyag ang kanilang mga sarili bilang isang klasikong halimbawa ng disposisyon ng arkanghel. Ang mga salitang ito ay nagmula sa bibig ng Diyos; nakakadama ka ba rito ng anumang elemento ng pagmamataas? Nararamdaman mo ba na biro lamang ang mga salita ng Diyos? Ang mga salita ng Diyos ay awtoridad, ang mga salita ng Diyos ay katunayan, at bago pa binibigkas ng Kanyang bibig ang mga salita, na ang ibig sabihin, kapag nagpapasya Siya na gawin ang isang bagay, ang bagay na iyon ay natupad na. Masasabing ang lahat ng sinabi ng Diyos kay Abraham ay isang kasunduang itinatag ng Diyos kay Abraham, at isang pangako na ginawa ng Diyos kay Abraham. Ang pangakong ito ay isang naitatag na katunayan, at gayundin ay isang natupad na katunayan, at ang mga katunayang ito ay unti-unting natupad sa kaisipan ng Diyos ayon sa plano ng Diyos. At kaya, ang pagsasabi ng Diyos ng mga salitang iyon ay hindi nangangahulugang mayroon Siyang mapagmataas na disposisyon, dahil kayang makamit ng Diyos ang gayong mga bagay. Mayroon Siyang gayong kapangyarihan at awtoridad, at lubos na may kakayahan para makamit ang mga gawaing ito, at ang katuparan ng mga iyon ay buong nasa loob ng sakop ng Kanyang kakayahan. Kapag ang mga salitang gaya nito ay binibigkas mula sa bibig ng Diyos, ang mga iyon ay pagbubunyag at pagpapahayag ng totoong disposisyon ng Diyos, isang perpektong pagbubunyag at pagpapamalas ng diwa at awtoridad ng Diyos, at wala nang iba na mas angkop at akma bilang patunay ng pagkakakilanlan ng Lumikha. Ang paraan, tono, at mga salitang ginamit ng gayong mga pagbigkas ay tiyak na mga marka ng pagkakakilanlan ng Lumikha, at perpektong tumutugma sa pagpapahayag ng sariling pagkakakilanlan ng Diyos, at sa mga iyon ay walang pagkukunwari, o karumihan; ang mga iyon ay, kumpleto at lubusan, ang perpektong pagpapakita ng diwa at awtoridad ng Lumikha. Hinggil sa mga nilalang, hindi nila taglay ang awtoridad na ito, ni ang substansyang ito, mas lalo nang wala sila ng kapangyarihang ibinibigay ng Diyos. Kung ipinagkakanulo ng tao ng naturang asal, kung gayon ito’y tiyak na magiging paglalabas ng kanyang tiwaling disposisyon, at hahantong ito sa epekto ng pakikialam ng pagiging mapagmataas at malupit na ambisyon ng tao, at ang pagkalantad ng masasamang hangarin ng walang-iba kundi ang diyablo, si Satanas, na gustong manlinlang ng mga tao at akitin sila para itakwil ang Diyos. At paano tinitingnan ng Diyos yaong ibinubunyag ng gayong pananalita? Sasabihin ng Diyos na nais mong agawin ang Kanyang lugar at nais mo Siyang gayahin at palitan. Kapag ginagaya mo ang tono ng mga pagbigkas ng Diyos, ang intensiyon mo ay palitan ang lugar ng Diyos sa puso ng mga tao, para kunin ang sangkatauhang talagang pagmamay-ari ng Diyos. Ito si Satanas, ito talaga at kitang-kita; ito ang mga pagkilos ng mga inapo ng arkanghel, hindi matiis ng Kalangitan! Sa inyo, may sinuman bang gumaya na sa Diyos sa isang partikular na paraan sa pamamagitan ng pagsasalita ng ilang salita, nang may intensiyon na ilayo o linlangin ang mga tao, at nagpaparamdam sa kanila na parang ang mga salita at pagkilos ng taong ito ay dala ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, na para bang ang diwa at pagkakakilanlan ng taong ito ay natatangi, at maging ang tono ng mga salita ng taong ito ay pareho sa Diyos? Nakagawa na ba kayo kailanman ng ganito? Sinubukan na ba ninyong gayahin ang tono ng Diyos sa inyong pananalita, nang may kilos na animo’y kumakatawan sa disposisyon ng Diyos, nang may pagkukunwaring kapangyarihan at awtoridad? Karamihan ba sa inyo ay madalas na kumikilos, o nagpaplanong kumilos, sa gayong paraan? Ngayon, kapag tunay ninyong nakikita, nararamdaman, at nakikilala ang awtoridad ng Lumikha, at magbalik-tanaw sa dati ninyong ginawa, at nakasanayan ninyong ibunyag ang tungkol sa inyong mga sarili, nasusuklam ba kayo? Tanggap ba ninyo ang inyong pagiging kasuklam-suklam at pagiging kahiya-hiya? Yamang nasuri na ang disposisyon at diwa ng gayong mga tao, masasabi bang sila ay isinumpang anak ng impyerno? Masasabi ba na ang lahat ng gumagawa ng mga gayong bagay ay nagdadala ng kahihiyan sa kanilang mga sarili? Kinikilala ba ninyo ang pagiging seryoso ng kalikasan nito? At gaano ba kaseryoso ito? Ang intensyon ng mga tao na kumikilos sa ganitong paraan ay upang gayahin ang Diyos. Gusto nilang maging Diyos, at pasambahin ang mga tao sa kanila bilang Diyos. Gusto nilang buwagin ang lugar ng Diyos sa puso ng mga tao, at alisin ang Diyos na gumagawa sa gitna ng tao, para makamit ang layuning kontrolin ang mga tao, at lamunin ang mga tao, at angkinin sila. Ang lahat ay may ganoong di-namamalayang mga pagnanasa at mga ambisyon, at ang lahat ay namumuhay sa ganoong tiwaling substansya ni Satanas at namumuhay sa ganoong kalikasan ni Satanas na kung saan sila ay salungat sa Diyos, at ipinagkakanulo ang Diyos, at nagnanais na maging Diyos. Kasunod ng Aking pagbabahagi sa paksa ng awtoridad ng Diyos, ninanais o hinahangad pa rin ba ninyong gayahin ang Diyos, o tularan ang Diyos? At ninanasa pa rin ba ninyong maging Diyos? Ninanais pa rin ba ninyong maging Diyos? Ang awtoridad ng Diyos ay hindi magagaya ng tao, at ang pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos ay hindi magagaya ng tao. Kahit na kaya mong gayahin ang tono ng Diyos sa pagsasalita, hindi mo nagagaya ang substansya ng Diyos. Kahit na kaya mong tumayo sa lugar ng Diyos at gayahin ang Diyos, kailanman hindi mo kayang gawin kung ano ang hinahangad na gawin ng Diyos, at hindi kailanman makakayang maghari at mag-utos sa lahat ng bagay. Sa mga mata ng Diyos, ikaw ay magiging munting nilalang magpakailanman, at kahit pa gaano kagaling ang iyong mga kasanayan at abilidad, kahit pa gaano karaming kaloob ang mayroon ka, ang kabuuan mo ay nasa ilalim ng kapamahalaan ng Lumikha. Bagaman kaya mong magsalita ng ilang mapagmataas na salita, ni hindi ito nagpapakita na mayroon ka ng diwa ng Lumikha, ni kumatawan na ikaw ay nagtataglay ng awtoridad ng Lumikha. Ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay ang diwa ng Diyos Mismo. Hindi natutuhan ang mga ito, o idinagdag sa labas, kundi ang likas na substansya ng Diyos Mismo. At kaya ang relasyon sa pagitan ng Lumikha at ng mga nilalang ay hindi kailanman mababago. Bilang isa sa mga nilalang, kailangang panatilihin ng tao ang kanyang sariling posisyon, at mag-asal nang tapat, at matapat na bantayan kung ano ang ipinagkakatiwala sa kanya ng Lumikha. At hindi dapat kumilos ang tao nang wala sa lugar, o gawin ang mga bagay-bagay na labas sa saklaw ng kanyang kakayahan o gawin ang mga bagay na kasuklam-suklam sa Diyos. Hindi dapat subukan ng tao na maging dakila, o bukod-tangi, o mataas sa lahat, ni maghangad na maging Diyos. Ito ang hindi dapat nasain ng tao. Katawa-tawa ang paghahangad na maging dakila o bukod-tangi. Ang paghahangad na maging Diyos ay lalo pang mas kahiya-hiya; ito ay karima-rimarim at kasuklam-suklam. Kung ano ang kapuri-puri, at kung ano ang dapat panghawakan ng mga nilalang nang higit pa sa anumang mga bagay, ay ang maging tunay na nilalang; ito lamang ang tanging mithiin na dapat hangarin ng lahat ng tao.

Hinango mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

—————————————————————