The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (4)
Mula noong naluklok ito sa kapangyarihan sa kalakhang lupain ng China noong 1949, walang-humpay na ang Chinese Communist Party sa pang-uusig nito sa pananampalatayang panrelihiyon. Parang baliw nitong inaresto at pinatay ang mga Kristiyano, pinatalsik at inabuso ang mga misyonerong nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang hindi mabilang na mga kopya ng Biblia, ipinasara at sinira ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang lipulin ang lahat ng tahanang iglesia. Ikinukuwento ng dokumentaryong pelikulang ito ang kuwento ni Gao Yufeng, isang Kristiyano sa kalakhang lupain ng China, na inaresto ng mga pulis ng CCP at isinailalim sa lahat ng uri ng hindi makataong pagpapahirap na sa bandang huli ay humantong sa kanyang pagpapakamatay sa kampo ng paggawa dahil sa paniniwala sa Diyos at pagsasagawa ng kanyang tungkulin. Tunay na sinasalamin ng pelikula ang mga napakabigat na pang-aabuso at hindi makataong pang-uusig na tinamo ng mga Kristiyano sa pagkakabilanggo matapos maaresto sa ilalim ng masamang pamahalaan ng CCP, inilalantad ang mala-demonyong diwa ng pagkamuhi ng CCP sa Diyos at pagpatay sa mga Kristiyano.
Higit pang pansin: Maraming tao ang nagtitiwala na ang pagdurusa at pagbabayad, ang pagpapalaganap ng ebanghelyo, at pangangalaga sa simbahan ng Panginoon - lahat ng mga bagay na ito ay nangangahulugang ng pagsunod sa kalooban ng Diyos. Kapag ang Panginoon ay dumating, tayo ay madadala sa kaharian ng langit, ngunit ang katotohanan ba ang nangyari?