Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Sino ang may-akda ng Bibliya? Ano ang relasyon sa pagitan ng Bibliya at ng Diyos?

2020-06-16 09:59:40 | Tanong at Sagot ng Ebanghelyo
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39–40).

“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang Biblia ay isang tala ng kasaysayan ng gawain ng Diyos sa Israel, at nakasulat dito ang marami sa mga panghuhula ng mga sinaunang propeta gayundin ang ilan sa mga pagbigkas ni Jehova sa Kanyang gawain sa panahong iyon. Kaya, tinitingnan ng lahat ng tao ang librong ito na banal (sapagkat ang Diyos ay banal at dakila). Sabihin pa, ang lahat ng ito ay resulta ng kanilang paggalang kay Jehova at ng kanilang pagsamba sa Diyos. Ang mga tao ay sumasangguni sa aklat na ito sa ganitong paraan dahil lamang sa ang mga nilalang ng Diyos ay lubhang sumasamba sa kanilang Lumikha, at mayroon pa nga yaong mga tumatawag sa aklat na ito na isang makalangit na aklat. Sa katunayan, ito ay isa lamang tala ng tao. Ito ay hindi personal na pinangalanan ni Jehova, ni hindi rin personal na ginabayan ni Jehova ang paglikha nito. Sa ibang salita, ang may-akda ng aklat na ito ay hindi ang Diyos, kundi mga tao. Ang Banal na Biblia ay ang kagalang-galang na pamagat lamang na ibinigay dito ng tao. Ang pamagat na ito ay hindi pinagpasiyahan ni Jehova at ni Jesus matapos Silang magtalakayan; ito ay isa lamang ideya ng tao. Sapagkat ang aklat na ito ay hindi sinulat ni Jehova, lalong hindi ni Jesus. Sa halip, ito ay ang mga salaysay ng maraming sinaunang propeta, mga apostol, at mga nakakakita ng pangitain, na tinipon ng mga sumunod na henerasyon bilang isang libro ng sinaunang mga kasulatan na, para sa mga tao, ay tila lubhang banal, isang libro na sa tingin nila ay naglalaman ng maraming hindi-maarok at malalalim na misteryo na naghihintay matuklasan ng susunod na mga henerasyon. Dahil dito, ang mga tao ay naging mas lalong nakaayong maniwala na ang aklat na ito ay isang makalangit na aklat. Dahil sa karagdagan ng Apat na Ebanghelyo at ng Aklat ng Pahayag, ang saloobin ng mga tao hinggil dito ay partikular na naiiba mula sa anumang iba pang libro, at kaya walang sinumang naglalakas-loob na himay-himayin itong “makalangit na aklat”—dahil ito ay masyadong “sagrado.”

—mula sa “Tungkol sa Biblia (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Dati-rati, Lumang Tipan lang ang binabasa ng mga tao ng Israel. Ibig sabihin, sa simula ng Kapanahunan ng Biyaya binasa ng mga tao ang Lumang Tipan. Lumitaw lamang ang Bagong Tipan sa Kapanahunan ng Biyaya. Walang umiral na Bagong Tipan nang isagawa ni Jesus ang Kanyang gawain; itinala ito ng mga tao matapos Siyang mabuhay muli at umakyat sa langit. Noon lamang nagkaroon ng Apat na Ebanghelyo, kung saan karagdagan ang mga sulat nina Pablo at Pedro, gayundin ang Aklat ng Pahayag. Makalipas ang tatlong daang taon matapos umakyat si Jesus sa langit, nang tipunin ng sumunod na mga henerasyon ang kanilang mga talaan, at saka lamang nagkaroon ng Bagong Tipan. Nagkaroon lang ng Bagong Tipan nang makumpleto ang gawaing ito; wala ito dati. Natapos ng Diyos ang lahat ng gawaing iyon, nagawa ni apostol Pablo ang lahat ng gawaing iyon, at pagkatapos ay pinagsama ang mga sulat nina Pablo at Pedro, at ang pinakadakilang pangitaing itinala ni Juan sa isla ng Patmos ang inihuli, sapagkat ihinula nito ang gawain ng mga huling araw. Lahat ng ito ay isinaayos ng sumunod na mga henerasyon, at iba ito kaysa mga binigkas sa ngayon. Ang nakatala ngayon ay ayon sa mga hakbang ng gawain ng Diyos; ang pinagkakaabalahan ng mga tao ngayon ay ang gawaing personal na ginagawa ng Diyos, at ang mga salitang personal Niyang binigkas. Hindi mo kailangang makialam—ang mga salita, na direktang nagmula sa Espiritu, ay naisasaayos nang paisa-isang hakbang, at naiiba sa pagsasaayos ng mga talaan ng tao. Masasabi na ang kanilang itinala ay ayon sa antas ng kanilang pinag-aralan at kakayahan ng tao. Ang kanilang itinala ay mga karanasan ng mga tao, at bawat isa ay may sariling paraan ng pagtatala at pagkaalam, at bawat talaan ay naiiba. Kaya, kung sinasamba mo ang Biblia bilang Diyos napakamangmang at napakabobo mo!

—mula sa “Tungkol sa Biblia (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Pagkatapos ng lahat, alin ang mas dakila: ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangang maging ayon sa Biblia ang gawain ng Diyos? Maaari kaya na walang karapatan ang Diyos na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaring lumayo ang Diyos sa Biblia at gumawa ng ibang gawain? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo ang araw ng Sabbath? Kung mangingilin Siya sa araw ng Sabbath at magsasagawa ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Sabbath nang dumating Siya, kundi sa halip ay naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, naghati-hati ng tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba wala itong lahat sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung iginalang ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya sinuway ang mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Bilang Panginoon ng Sabbath, hindi ba Siya maaaring maging Panginoon din ng Biblia?

—mula sa “Tungkol sa Biblia (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Maraming tao ang naniniwala na ang pag-unawa at kakayahang magpakahulugan sa Biblia ay tulad ng pagkasumpong sa totoong landas—ngunit sa katunayan, ganoon ba talaga kasimple ang mga bagay-bagay? Walang sinumang nakakaalam sa realidad ng Biblia: na ito’y walang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, at isang testamento sa sinundang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pagkaunawa sa mga minimithi ng gawain ng Diyos. Alam ng lahat na nakabasa na sa Biblia na idinodokumento nito ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Isinasalaysay sa Lumang Tipan ang kasaysayan ng Israel at gawain ni Jehova mula sa panahon ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa lupa, na nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo; hindi ba mga talaan ng kasaysayan ang mga ito? Ang pagbanggit ngayon sa mga bagay na nakalipas ay gumagawa sa mga ito na kasaysayan, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi magpapatungkol sa kasalukuyan. Sapagkat ang Diyos ay hindi lumilingon sa kasaysayan! At kaya, kung iyo lamang nauunawaan ang Biblia, at walang naiintindihan sa gawain na nilalayong gawin ngayon ng Diyos, at kung naniniwala ka sa Diyos nguni’t hindi hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ay hindi mo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng hanapin ang Diyos. Kung binabasa mo ang Biblia upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng kalangitan at kalupaan, kung gayon ay hindi ka naniniwala sa Diyos. Ngunit ngayon, dahil naniniwala ka sa Diyos, at hinahabol ang buhay, dahil hinahabol mo ang pagkakilala sa Diyos, at hindi hinahabol ang mga walang-buhay na titik at doktrina, o ang pagkaunawa ng kasaysayan, dapat mong hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon, at dapat hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang arkeologo maaari mong mabasa ang Biblia—ngunit ikaw ay hindi, ikaw ang isa sa mga yaon na naniniwala sa Diyos, at pinakamainam na hanapin mo ang kalooban ng Diyos sa ngayon.

—mula sa “Tungkol sa Biblia (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Diyos Mismo ay ang buhay, at ang katotohanan, at ang Kanyang buhay at katotohanan ay sabay na umiiral. Silang mga walang kakayahang makamtan ang katotohanan ay di-kailanman makakamtan ang buhay. Kung wala ang patnubay, tulong, at pagtustos ng katotohanan, ang makakamtan mo lang ay mga titik, mga doktrina, at, bukod diyan, kamatayan. Ang buhay ng Diyos ay laging naririyan, at ang Kanyang katotohanan at buhay ay umiiral nang sabay. Kung hindi mo mahahanap ang pinagmulan ng katotohanan, sa gayon hindi mo makakamtan ang pagkain ng buhay; kung hindi mo makakamtan ang panustos ng buhay, sa gayon tiyak na hindi ka talagang magkakaroon ng katotohanan, at sa gayon bukod sa mga imahinasyon at mga pagkaintindi, ang kabuuan ng iyong katawan ay magiging walang iba kundi laman lang, ang iyong umaalingasaw na laman. Alamin mo na ang mga salita ng mga aklat ay hindi itinuturing na buhay, ang mga talaan ng kasaysayan ay hindi maaaring ipagdiwang na katotohanan, at ang mga doktrina ng mga nakalipas na panahon ay hindi maaaring magsilbing paglalarawan ng sinambit ng Diyos sa kasalukuyan. Ang tanging mga inihahayag ng Diyos kapag Siya ay pumaparito sa lupa at namumuhay kasama ng mga tao ay ang katotohanan, ang buhay, ang kalooban ng Diyos, at ang Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa. Kapag iyong ginamit ang mga itinalang mga salita na binigkas ng Diyos noong mga sinaunang panahon hanggang sa ngayon, sa gayon isa kang arkeologo, at ang pinakamainam na itawag sa iyo ay isang dalubhasa sa mga minanang kasaysayan. Iyon ay dahil lagi kang naniniwala sa mga bakas ng mga gawain ng Diyos noong unang panahon, pinaniniwalaan lang ang aninong iniwan ng Diyos noong dati Siyang gumawa kasama ng mga tao, at pinaniniwalaan lang ang mga paraan na ibinigay ng Diyos sa Kanyang mga tagasunod noong lumipas na panahon. Hindi ka naniniwala sa direksiyon ng gawain ng Diyos ngayon, hindi naniniwala sa maluwalhating anyo ng Diyos ngayon, at hindi naniniwala sa daan ng katotohanan na inihayag ng Diyos ngayon. Sa gayon hindi maipagkakaila na isa kang nangangarap nang gising na lubos na malayo sa realidad. Kung ngayon ay nananatili ka pang nakakapit sa mga salitang walang kakayahang magbigay buhay sa tao, sa gayon tulad ka ng isang walang silbing piraso ng patay na kahoy,[a]dahil ikaw ay masyadong makaluma, masyadong suwail, masyadong hindi naaapektuhan ng pangangatuwiran!

—mula sa “Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang mga taong nagawang tiwali na, ay namumuhay lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit lahat sila ay sumasamba sa mga malabong diyos-diyosan. Bagaman kinikilala nila ang Aking pangalan bilang banal, sila ay tumatahak sa landas na taliwas sa Akin, at ang kanilang mga salita ay puno ng pagmamataas at pagtitiwala sa sarili, dahil, sa pinag-ugatan, silang lahat ay laban sa Akin, at lahat ay hindi kaayon sa Akin. Araw-araw silang naghahanap ng Aking mga bakas sa Biblia, at walang layong nakatatagpo ng kahit na anong mga “angkop” na sipi na binabasa nila nang walang katapusan, at kanilang binibigkas bilang mga kasulatan. Hindi nila alam kung paano maging kaayon sa Akin, hindi nila alam ang ibig sabihin ng pakikipag-alitan sa Akin, at basta lamang nagbabasa ng mga kasulatan nang walang taros. Pinipilit nila sa Biblia ang malabong Diyos na hindi nila kailanman nakita, at walang kakayahang makita, at saka lamang nila tinitingnan kapag sila ay may libreng oras. Naniniwala sila sa Aking pag-iral ngunit sa loob lamang ng saklaw ng Biblia. Para sa kanila, Ako ay kapareho ng Biblia; kung wala ang Biblia wala rin Ako, at kung wala Ako, walang Biblia. Hindi nila pinapansin ang Aking pag-iral o mga pagkilos, kundi sa halip ay pinag-uukulan ng sobra at espesyal na pansin ang bawat isang salita ng Kasulatan, at marami pa nga sa kanila ang naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban kung ito ay hinulaan sa Kasulatan. Sobra ang pagpapahalaga nila sa Kasulatan. Masasabi na itinuturing nilang napakahalaga ang mga salita at pahayag, hanggang sa gumamit sila ng mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang Aking sinasabi, at upang tuligsain Ako. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang paraan para makaayon sila sa Akin, o ang paraan para makaayon sila sa katotohanan, kundi ang paraan para makaayon sila sa mga salita ng Biblia, at naniniwala sila na anumang hindi umaayon sa Biblia, nang walang itinatangi, ay hindi Ko gawain. Hindi ba ang gayong mga tao ang masunuring mga inapo ng mga Fariseo? Ginamit ng mga Fariseong Judio ang batas ni Moises upang tuligsain si Jesus. Hindi nila hinangad na maging kaayon ni Jesus noong panahong iyon, kundi masigasig nilang sinunod nang perpekto ang batas, hanggang sa ipinako nila ang walang-salang si Jesus sa krus, pinagbintangan Siyang hindi sumusunod sa batas ng Lumang Tipan at na hindi Siya ang Mesiyas. Ano ang kanilang diwa? Hindi kaya na hindi nila hinanap ang paraan para makaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat isang salita ng Kasulatan, habang hindi nila pinapansin ang Aking kalooban at ang mga hakbang at pamamaraan ng Aking gawain. Hindi sila mga taong naghangad sa katotohanan, kundi mga taong mahigpit na sumunod sa mga salita ng Kasulatan; hindi sila mga taong nanalig sa Diyos, kundi mga taong naniwala sa Biblia. Ang totoo, mga tagapagbantay sila ng Biblia. Upang pangalagaan ang mga interes ng Biblia, at pagtibayin ang dangal nito, at protektahan ang reputasyon nito, ipinako pa nila ang maawaing si Jesus sa krus. Ginawa nila ito para lamang ipagtanggol ang Biblia, at mapanatili ang katayuan ng bawat isang salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya mas pinili nilang pabayaan ang kanilang kinabukasan at ang handog para sa kasalanan upang tuligsain si Jesus, na hindi tumalima sa doktrina ng Kasulatan, hanggang kamatayan. Hindi ba sila mga alipin sa bawat isang salita ng Kasulatan?

At paano naman ang mga tao ngayon? Pumarito si Cristo upang ilabas ang katotohanan, ngunit mas gusto pa nilang paalisin Siya sa gitna ng mga tao upang makapasok sa langit at tumanggap ng biyaya. Mas gusto pa nilang lubusang itanggi ang pagdating ng katotohanan para pangalagaan ang mga interes ng Biblia, at mas ginusto pa nilang muling ipako sa krus ang Cristong nagbalik sa katawang-tao upang matiyak ang walang hanggang pag-iral ng Biblia. Paano matatanggap ng tao ang Aking pagliligtas, kung napakasama ng kanyang puso, at nilalabanan Ako ng kanyang likas na pagkatao? Ako ay namumuhay kasama ng mga tao, ngunit hindi pa rin nalalaman ng tao ang Aking pag-iral. Nang pinagniningning Ko ang Aking liwanag sa tao, nananatili pa rin siyang mangmang sa Aking pag-iral. Nang pinakakawalan Ko ang Aking galit sa tao, itinatanggi niya ang Aking pag-iral nang may mas higit pang lakas. Naghahangad ang tao ng pagiging kaayon sa mga salita, sa Biblia, ngunit wala ni isang tao ang lumalapit sa harap Ko upang hanapin ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan. Tinitingala Ako ng tao sa langit, at naglalaan ng partikular na malasakit sa Aking pag-iral sa langit, subalit walang may pakialam sa Akin sa katawang-tao, dahil Ako na namumuhay kasama ng mga tao ay sadyang masyadong walang halaga. Ang mga naghahanap lamang ng pagiging kaayon sa mga salita sa Biblia at naghahanap lamang ng pagiging kaayon sa malabong Diyos ay kahabag-habag sa Aking paningin. Iyon ay dahil ang kanilang sinasamba ay mga patay na salita, at isang Diyos na may kakayahang magkaloob sa kanila ng napakalaking kayamanan. Ang kanilang sinasamba ay isang Diyos na inilalagay ang sarili sa pagsasaayos ng tao, at hindi umiiral. Ano, kung gayon, ang matatamo ng gayong mga tao sa Akin? Ang tao ay sadyang masyadong mababa para sa mga salita. Silang mga laban sa Akin, silang walang katapusang humihingi sa Akin, mga walang pagmamahal sa katotohanan, mga mapanghimagsik laban sa Akin—paano sila magiging kaayon sa Akin?

—mula sa “Dapat Mong Hanapin ang Paraan para Makaayon kay Cristo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang katunayan na Aking ipinaliliwanag dito ay ito: Ang kung ano at kung anong mayroon ang Diyos ay magpakailanmang di-nauubos at walang-hangganan. Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay at lahat ng bagay. Ang Diyos ay hindi maaaring maarok ng anumang nilalang. Panghuli, dapat Ko pa ring ipaalala sa lahat: Huwag muling limitahan ang Diyos sa mga aklat, mga salita, o Kanyang nakaraang mga pagbigkas. Mayroon lamang iisang salita para sa katangian ng gawain ng Diyos—bago. Ayaw Niyang tahakin ang lumang mga landas o ulitin ang Kanyang gawain, at higit pa ayaw Niyang sambahin Siya ng mga tao sa pamamagitan ng paglilimita sa Kanya sa loob ng isang tiyak na sakop. Ito ang disposisyon ng Diyos.

—mula sa Pangwakas na Pananalita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

——————————————————————

Alam mo ba kung paano ang pagbabasa ng Bibliya upang makakamit ng higit na kaliwanagan at gabay ng Diyos? Ang 3 pangunahing punto na ito ay magiging malaking tulong.

Dumating na ang Panginoong Jesus, Kaya Paano Natin Iyon Malalaman?

2020-06-12 09:12:17 | Tanong at Sagot ng Ebanghelyo


Sabi mo nagbalik na ang Panginoong Jesus, pero bakit hindi pa natin Siya nakikita? Maniwala tayo kapag nakita natin Siya. Kung hindi pa natin Siya nakikita, ibig sabihin niyan, hindi pa Siya nakakabalik; maniniwala ako kapag nakita ko Siya. Sabi mo nagbalik na ang Panginoong Jesus, pero nasaan Siya ngayon? Anong gawain ang ginagawa Niya? Anong mga salita na ang nasabi ng Panginoon? Maniniwala ako kapag pinatotohanan mo nang malinaw ang mga bagay na ito.

Sagot:

Ang pagpapakita at gawain ng Diyos para sa mga huling araw ay katulad ng ipinropesiya ng Panginoong Jesus, na hinati sa lihim na pagdating at hayagang pagdating. Tinutukoy ng lihim na pagdating ang pagkakatawang-tao ng Diyos bilang Anak ng tao, sa gitna ng mga tao, upang ipahayag ang Kanyang tinig at ang Kanyang mga salita, gawin ang Kanyang gawain para sa mga huling araw, at ito ang lihim na pagdating. Para sa hayagang pagdating, darating ang Panginoon nang hayagan sa mga ulap, ibig sabihin, darating ang Panginoon kasama ang libu-libong santo, upang makita ng lahat ng bansa at ng lahat ng tao. Kapag tayo ay sumasaksi sa gawain ng paghatol ng Diyos para sa mga huling araw, maraming tao ang may pag-aalinlangan: “Sinasabi ninyo na nagpakita ang Diyos at Siya ay gumawa, paanong hindi namin ito nakita? Kailan ipinahayag ng Diyos ang Kanyang tinig? Paano ipinahayag ng Diyos ang Kanyang tinig? Mayroon bang nagtala kung ano ang sinabi ng Diyos nang sinasabi Niya ang mga ito? O direkta bang dinala ng Diyos ang mga salitang iyon sa atin? Bakit ipinahayag ng Diyos ang Kanyang tinig sa inyo? Paanong hindi namin narinig ang Kanyang tinig? Paanong hindi namin nakita?” Mabuti ba ang mga tanong na ito? Medyo mabuti ang mga tanong na ito. … Nagpakita ang Diyos sa China sa Silangan, ipinapahayag Niya ang Kanyang tinig at gumagawa sa imahe ng nagkatawang-tao na Anak ng tao, at walang kahima-himala. Nagpapakita ang Diyos bilang karaniwang laman, ang Kanyang hitsura ay tulad ng isang karaniwang tao, at ipinapahayag Niya ang Kanyang tinig at mga gawain sa atin. Mayroon bang anumang kahima-himala tungkol sa lahat ng ito? Walang kahit anong kahima-himala. Sinasabi ng isang tao: “Kung ito ay hindi man katiting na kahima-himala, Siya ba ay Diyos o hindi? Kung nagpapakita at gumagawa ang Diyos, dapat ay kahima-himala ang Kanyang pagpapakita at gawain.” Hayaan mong tanungin kita, ang Panginoong Jesus na pinaniniwalaan mo sa iyong relihiyon, Siya ba ay kahima-himala nang Siya ay gumawa? Nang Siya ay nakikipag-usap kay Pedro, nakita ba ng iba? Nakita ba ng mga tao na nasa kung saan? Nang Siya ay nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan sa isang lugar, nakikita ba ng ibang tao mula sa ibang mga lugar? Hindi. Bakit hindi nila nagawa? Dahil ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na nagkatawang tao bilang Anak ng tao, at ang Kanyang gawain at ang Kanyang mga salita ay hindi kahima-himala; bukod sa Kanyang mga pagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, walang kahit anong kahima-himala. Samakatuwid, walang sinuman mula sa ibang lugar ang nakarinig ng Kanyang mga salita at nakakita ng Kanyang gawa, habang tanging yaong mga nasa Kanyang tabi ang nakakita, nakarinig, at nakaranas ng mga ito. Ito ang tunay at karaniwang aspeto ng gawain ng Diyos. Nauunawaan na ba ninyo ngayon? Samakatuwid, hindi alam ng ibang mga relihiyon, ng ibang mga iglesia, at ng ibang mga sekta ang gawain ng Diyos na ginawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa China. Bakit hindi nila alam? Hindi gumagawa ang Diyos sa mga kahima-himalang paraan. Tanging yaong mga taong siyang ginawan Niya ng Kanyang gawain ang nakakita, ang nakarinig; yaong mga taong hindi Niya ginawan ng Kanyang gawain ay hindi nakarinig. Nang gawin ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa mga taong Hudyo, tayo ba, mga taong Intsik, ay nagawang makita, marinig? Ang mga Briton at mga Amerikano sa Kanluran ay nagawa bang makita at marinig? Hindi. Bakit ang mga taga-Kanluran at ang mga Oriental Chinese sa huli ay natanggap ang gawain ng Panginoong Jesus? Iyan ay dahil mayroong isang tao na sumaksi, mayroong isang tao na nagpalaganap ng ebanghelyo sa atin, at nagbigay sa atin ng Biblia na ito na nagtala ng mga salita ng Panginoong Jesus at ang gawain ng Panginoong Jesus. Nang magdasal tayo sa Panginoong Jesus, dapat gawin ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain, at dapat kasama natin ang Banal na Espiritu, at pagpalain tayo ng biyaya, sa gayon tayo ay naniwala na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos at ang Tagapagligtas. Hindi ba’t ganito kung paano tayo naniwala? Ganito kung paano tayo naniwala. Sinasabi ng mga taga-Kanluran na “Nagpakita at gumawa ang Diyos sa China, paanong hindi natin nalaman? Paanong hindi natin nakita at narinig?” Maipaliliwanag ba ang tanong na ito? Oo, maipaliliwanag ito.

Ipinropesiya ba ng Diyos ang gawain ng mga huling araw sa Biblia? Oo. Sinabi ito ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). “Kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran”, ano ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin nito na ang gawain ng Diyos ng mga huling araw ay tulad ng kidlat, na nagmumula sa Silangan, at pagkatapos na ang kidlat na ito ay lumabas mula sa Silangan, kaagad din itong nagliliwanag sa Kanluran, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Ano ang ibig sabihin ng “gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao”? Gaya ng kidlat, Siya ay gumagawa sa Silangan, binibigyang-daan ang mga taga-Silangan na makita muna ang pagpapakita ng dakilang liwanag, na makita ang pagpapakita ng tunay na liwanag, na makita ang pagpapakita ng Diyos, at pagkatapos kaagad na magliliwanag ang dakilang liwanag na ito sa Kanluran tulad ng kidlat. Ibig sabihin, pagkatapos na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay lumabas mula sa Silangan, nailathala ang mga ito sa online, kaya kumalat sa Kanluran. Kailan nailathala ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa online? Nailathala ito sa online, ang pinakabago, noong 2007, o mas maaga noong 2005. Maaaring naisalin ito sa Ingles noong 2010. Ang mga salita ng Diyos ay kumalat na sa online sa napakaraming taon, subalit ilang tao mula sa relihiyosong komunidad ang nagsiyasat na sa mga ito sa online? Hindi marami, napakakaunti ang nagsiyasat ng mga ito sa online. Ang paraan ng Diyos at ang mga salitang ipinahayag ng Diyos ay matagal nang nasa online. Nakikita ng ilan ngayon na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nasa online, subalit bakit yaong mga tinatawag na debotong tao na naniniwala sa Panginoong Jesus ay hindi sinisiyasat ang mga ito? Sabihin ninyo sa akin, ano ang problema rito? Ang paraan ng Diyos ay nasaksihan na ng lahat ng tao mula sa lahat ng bansa. Kung hindi pa rin sinisiyasat ng tao ang mga ito, sa gayon ay nababawasan at nalilipol, kaninong responsibilidad iyon? Kaninong pagkakamali ito? Ito ba ay pagkakamali ng Diyos o ng tao? Ito ay sa tao. Bakit ko sinasabi na ang pagkakamaling ito ay sa tao? Dahil matagal nang sinabi ng Panginoong Jesus, “Mangagpuyat nga kayo: sapagka’t hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon” (Mateo 24:42), “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6), “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig” (Juan 10:27). Sinabi rin nang maraming beses ng Panginoong Jesus ang mga naturang bagay: “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan” (Mateo 7:7; Lucas 11:9). Hindi ba may ganitong mga salita sa Biblia? “Magsihanap kayo at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan.” Ito ang pangako ng Diyos, at sinabi ng Panginoong Jesus ang mga bagay sa ganitong uri nang maraming beses. Ayon sa mga salita ng Panginoong Jesus, kung hindi kailanman hinanap ng tao ang Diyos, at hindi kailanman siniyasat nang marinig niya na may isang tao na sumasaksi sa pagbabalik ng Diyos, at sa halip ay walang taros na isinusumpa ang ganoong tao, sinasabi ang mga bagay tulad ng “Lahat yaong dumarating upang sumaksi sa pagdating ng Diyos ay mga maling pananampalataya, lahat sila ay masasamang kulto,” kaya ang mga ganoong tao, kapag hindi nila tinanggap ang gawain ng Diyos maging hanggang sa wakas, ay dapat mahuli sa malalaking kapahamakan at malipol ng mga kaparusahan na kanilang dinaranas. Sino ang dapat sisihin? Maraming tao mula sa relihiyosong komunidad ang nagdududa sa bagay na ito. Ano ang pinagdududahan nila? “Bakit hindi nagpapakita sa atin ang Diyos? Bakit nagtatago ang Diyos sa atin? Bakit hindi Niya ipinaaalam sa atin?” Sinabi na ba ng Diyos “Kapag lihim akong dumating para isagawa ang gawain, magpapakita Ako at magbibigay ng mga pagbubunyag sa lahat ng tao”? Ano ang sinabi ng Diyos? “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo” (Pahayag 3:3). Sinabi ito sa Pahayag. Samakatuwid, tungkol sa gawain ng Diyos para sa mga huling araw, kung tayo, yaong mga naniniwala sa Panginoon, ay marinig na nasaksihan ng isang tao na “dumating na ang kasintahang lalake, bumalik na ang Panginoon,” pero hindi tayo aktibong nagsisiyasat, at tayo ay inabot ng malalaking kapahamakan at nilipol ng mga kaparusahan na ating dinaranas, hindi natin dapat sisisihin ang Diyos. Dapat nating hanapin ang mga problema mula sa ating mga sarili, upang makita kung sa anong mga paraan tayo nagkulang. Patas lang ito. Sa paglingon sa nakaraan, kung walang sumaksi sa Panginoong Jesus para sa iyo, papaano mo natanggap ang Panginoon? Pumunta ba sa iyo ang Panginoong Jesus? Nagpakita ba sa iyo ang Panginoon? Ang paniniwala sa daan ay nagmumula sa pakikinig tungkol sa daan, habang ang pakikinig tungkol sa daan ay nagmumula sa mga salita ng Diyos. Ngayon may isang tao na nakasaksi sa ebanghelyong ito at ang katotohanang dumating ang Diyos upang isagawa ang gawain sa iyo, at ito ang pag-ibig ng Diyos, ito ang awa at malasakit ng Diyos sa iyo, kaya hindi mo ba tatanggapin ang mga iyon? Kaya dapat tanggapin ang mga iyon ng isang taong tapat. Samakatuwid, huwag maging mapagmataas sa harap ng Diyos, huwag mong isipin na masyadong mataas ang iyong sarili, huwag lamang isipin “Dapat munang magbigay ng mga pagbubunyag ang Diyos sa akin kapag Siya ay dumating. Kung darating Siya at hindi ito ipinakita sa akin, hindi Siya ang Diyos, at hindi ko Siya kikilalanin.” Mayroon bang ganoong mga tao? Oo, mayroon. At anong uri ng tao ang mga ito? Anong mga pagkakamali ang nagawa nila? May nakilala na akong ilang kagaya nito nang ako ay nagpapalaganap ng ebanghelyo, at sasabihin nila: “Dapat ipakita ito sa akin ng Diyos kapag Siya ay dumating. Dapat muna Niyang ipakita ito sa akin, o kung hindi ay hindi ko kikilalanin na Siya ay Diyos.” Sa ganito, sinabi ko: “Sigurado ka ba na dapat ipakita ito ng Diyos sa iyo kapag dumating Siya? Ano ang basehan na mayroon ka para rito? Sinabi ba sa iyo ng Diyos ‘Ipapakita Ko muna ito sa iyo kapag Ako ay dumating’? Sinabi ba Niya sa iyo ang mga ganoong salita? Sa palagay mo ba ikaw ay higit sa lahat sa mundo, na ikaw ang pinakamahalaga, na ikaw ang pinakanagmamahal sa Diyos? Higit ka ba sa kaninuman? Ikaw ba ay espesyal na nilikha ng Diyos? Madali bang maililigtas ang ganoong mga tao? Hindi, hindi maaari. Bakit kailangan ng Diyos na isagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Iyon ay dahil ang tiwaling sangkatauhan ay hindi nararapat na makita ang Diyos. Lahat ng tiwaling sangkatauhan ay may disposisyon ni Satanas; sila ay partikular na mapagmataas at palalo, lahat sila ay may labis na marangyang pagnanais para sa Diyos. Inilalagay nilang lahat ang kanilang mga sarili na mas mataas sa lahat, kaunti lang sa ibaba ng kalangitan, at higit na mataas sa tao, na parang sila ay napaboran ng Langit. Sa gayong tiwaling disposisyon ng tao, kung hindi niya natanggap ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, angkop ba siyang makita ang Diyos?

Makikita mo na maraming mga tao, kabilang ang mga relihiyosong pigura, ang nagsasabi: “Kung ang Diyos ay dumating, bakit hindi ko Siya nakita? Dahil hindi ko Siya nakita iyon ang nagpapatunay na ang Diyos ay hindi dumating.” Paano ang dating noon sayo? Ito ay katawa-tawa at balintuna. Nakikita mo ba Siya? Kung nakita mo ang totoong anyo ng Diyos ikaw ay patay na! Kaya, paano dumarating ang Diyos? Siya ay nagkakatawang-tao sa Sarili Niya sa anyo ng Anak ng tao, na nagsasalita upang iligtas ang sangkatauhan. Makakaya mo bang makilala ang Diyos na nagkatawang-tao kung makita mo Siya? Makakaya mo ba? (Hindi.) Hindi mo kaya. Noong Siya ay dumating bilang ang Panginoong Jesus, maraming mga tao ang nakakita sa Panginoong Jesus. Subalit, ilan sa kanila ang nakilala Siya bilang Cristo, ang Anak ng Diyos? Isang tao lamang: Si Pedro, at iyon ay dahil sa ang Banal na Espiritu ay niliwanagan siya. Ano ang pinatutunayan nito? Ito ay nagpapatunay na ang tiwaling sangkatauhan ay walang pagkakataon na makita ang espirituwal na katawan ng Diyos habang sila ay may mga pisikal na katawan. Kung makikita mo ang espirituwal na katawan ng Diyos ay mamamatay ka, kaya huwag isipin na makikita mo iyon kailanman. Para ang tiwaling sangkatauhan ay makita ang Diyos, ano ang maaari nilang makita? Kung maaari nilang marinig ang tinig ng Diyos, iyon ay medyo tagumpay na para sa kanila, tama? (Oo.) Noong ang Diyos ay gumawa sa Kapanahunan ng Kautusan, ilang tao ang maaring nakarinig sa tinig ng Diyos? Mayroon kayang isang dakot man lang na maaaring nakarinig sa tinig Niya? Wala, wala kahit man lang isang dakot. Alam natin na si Job ay narinig ang tinig ng Diyos, ngunit nakita ba niya ang Kaniyang mukha? Hindi, narinig lamang niya ang Diyos na Jehova na nagsasalita sa kaniya mula sa loob ng ipu-ipo, kaya maaari ba nating masabi na ang pakikinig sa tinig ng Diyos ay katumbas sa pagkatagpo sa Kaniya? (Oo, maaari.) Narinig ni Moises ang Diyos na tinatawag siya, ngunit nakita ba niya ang mukha ng Diyos? (Hindi, hindi niya nakita.) Kinalaunan ay nakita ni Moises ang likod ng Diyos, ngunit hindi ang Kaniyang mukha. Kaya kung marinig mo ang isang tao na magsabi: “Ang ilang mga tao ay sumasaksi sa pagdating ng Diyos. Sinasabi nila na ang Diyos ay dumating, ngunit paanong hindi ko Siya nakita? Paanong ito ay wala sa pambansang TV o radyo?” Ano naman ang ganitong uri ng pananalita? Ito ay labis na isip bata! Sino ang nakakita sa pagdating ng Panginoong Jesus? Ang mga Hudyo. Ang mga iyon na, sa salita ng Panginoong Jesus, narinig ang tinig ng Diyos at narinig ang awtoridad at kapangyarihan ay sumunod sa Kaniya. Ngunit sa wakas, ilan talaga ang naniwala sa Panginoong Jesus, talagang sumunod sa Kaniya? Sobrang kaunti, sa gitna ng sangkatauhan. Kaya kapag ang Diyos na nagkatawang-tao ay darating sa panahon ng mga huling araw bilang isang karaniwang tao, hindi natin kailangang makita ang mukha ng tao na ito upang makita ang mukha ng Diyos. Sa halip, kapag naririnig natin ang Kaniyang tinig at nakikita ang mga katotohanan na Kaniyang inihahayag, dapat natin tanggapin ang mga iyon, sundin ang mga iyon, at isagawa ang mga iyon. Ang mga tao na gumagawa nito ay matatamo ang katotohanan at buhay, at makakamit ang pagliligtas ng Diyos. Ang mga taong iyon na nagsasabi: “Kinakailangan kong makita ang mukha ni Cristo bago ko Siya tatanggapin,” sila ba ay may katuturan? (Hindi, sila ay walang katuturan.) Maaari bang ang nagkatawang-tao na larawan ng Diyos ay kumatawan sa espirituwal na katawan ng Diyos? Maaari ba na ang larawan ng Panginoong Jesus ay kumatawan sa totoong larawan ng Diyos? (Hindi.) Hindi ito maaari. Kaya ang larawan na kinuha ng nagkatawang-tao na laman ay pansamantala upang muling tiyakin sa mga tao na Siya ay isa lamang normal, ordinaryong tao. Para matanggap ng tao ang Diyos na nagkatawang-tao, ang pinakamahalagang bagay ay makinig sa Kaniyang mga salita at tanggapin lahat ang mga katotohanan na Kaniyang ipinapahayag. Ito ang daan upang makuha ang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos! Kung hindi ka makikinig sa Kaniyang mga salita at tatanggapin lahat ang mga katotohanan na Kaniyang ipinapahayag kung ganoon hindi ka magkakaroon ng relasyon sa Diyos, hindi mo matatamo kailanman ang komendasyon ng Diyos, tama? (Tama.) Kaya ang mga katotohanan na inihahayag ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ay mga katotohanan na maaaring magpadalisay at magligtas sa mga tao, at dahil dito, ang mga ito ang pinakamahalagang mga katotohanan. Ang mga taong hindi tumatanggap sa mga ito at isinasagawa ang mga ito ay tiyak na hindi makakamit kailanman ang pagliligtas ng Diyos.

______________________________________________

Alam mo ba kung kailan babalik si Jesus? Dadalhin sa iyo ng pahinang ito ang balita ng pagbabalik ni Jesucristo at gagabayan ka upang masalubong Siya. Mangyaring i-click at 

Daan Tungo sa Pagsisisi Mula sa Kapanahunan ng Biyaya at ng

2020-06-04 20:54:06 | Tanong at Sagot ng Ebanghelyo
 Ang mga Kaibhan sa Pagitan ng Daan Tungo sa Pagsisisi Mula sa Kapanahunan ng Biyaya at ng Daan Tungo sa Buhay na Walang Hanggan sa mga Huling Araw

1. Ang mensaheng ipinalalaganap ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang daan lamang tungo sa pagsisisi

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17).

“Sapagka’t ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:28).

“Nang magkagayo’y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan; At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw; At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem” (Lucas 24:45–47).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa simula, ipinakalat ni Jesus ang ebanghelyo at ipinangaral ang paraan ng pagsisisi, pagkatapos ay nagbautismo ng tao, nagpagaling ng karamdaman, at nagpalayas ng mga demonyo. Sa katapusan, tinubos Niya ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kinumpleto ang Kanyang gawain para sa buong kapanahunan.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang gawaing ginawa ni Jesus ay naaayon sa mga pangangailangan ng tao sa kapanahunang iyon. Ang Kanyang tungkulin ay tubusin ang sangkatauhan, patawarin ang kanilang mga pagkakasala, kaya’t ang Kanyang disposisyon ay ganap na isang kapakumbabaan, pagpapasensya, pag-ibig, kabanalan, pagtitiis, awa, at konsiderasyon. Nagdala Siya ng saganang biyaya at mga pagpapala sa sangkatauhan, at lahat ng bagay na maaaring tamasahin ng mga tao, Kanyang ibinigay sa kanila para sa kanilang kasiyahan: kapayapaan at kaligayahan, ang Kanyang pagpaparaya at pagmamahal, Kanyang awa at konsiderasyon. Noon, ang saganang mga bagay na nakasisiya na naranasan ng mga tao—ang damdamin ng kapayapaan at seguridad sa kanilang kalooban, ang damdamin ng kapanatagan sa kanilang espiritu, at ang kanilang pag-asa kay Jesus na Tagapagligtas—ay umiral na lahat sa kapanahunan na nabuhay sila. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagawa nang tiwali ni Satanas ang tao, kaya para magawa ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan, kinailangan ang saganang biyaya, walang-katapusang pagtitiis at pagpapasensya, at higit pa rito, isang handog na sapat para magbayad-sala para sa mga kasalanan ng sangkatauhan, upang magkaroon ito ng epekto. Ang nakita ng sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya ay yaon lamang handog Kong pagbabayad-sala para sa mga kasalanan ng sangkatauhan: si Jesus. Ang alam lamang nila ay na maaaring maging maawain at matiisin ang Diyos, at ang nakita lamang nila ay ang awa at konsiderasyon ni Jesus. Ito ay dahil lamang sa nabuhay sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya nga, bago sila maaaring tubusin, kinailangan nilang matamasa ang maraming uri ng biyaya na ipinagkaloob ni Jesus sa kanila upang makinabang sila rito. Sa ganitong paraan, maaari silang mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatamasa nila ng biyaya, at maaari din silang magkaroon ng pagkakataong matubos sa pamamagitan ng pagtatamasa ng pagtitiis at pagpapasensya ni Jesus. Sa pamamagitan lamang ng pagtitiis at pagpapasensya ni Jesus sila nagkakaroon ng karapatang tumanggap ng kapatawaran at magtamasa ng saganang biyaya na ipinagkaloob ni Jesus. Sabi nga ni Jesus: Ako ay pumarito hindi upang tubusin ang matuwid kundi ang mga makasalanan, upang tulutan ang mga makasalanan na mapatawad sa kanilang mga kasalanan. … Habang lalong minahal ni Jesus ang sangkatauhan, na pinatatawad ang kanilang mga kasalanan at pinagkakalooban sila ng sapat na awa at konsiderasyon, lalong nagkaroon ng karapatan ang sangkatauhan na mailigtas ni Jesus, na matawag na mga nawawalang tupa na binili ni Jesus sa napakalaking halaga. Hindi maaaring makialam si Satanas sa gawaing ito, dahil pinakitunguhan ni Jesus ang Kanyang mga alagad na parang pakikitungo ng isang mapagmahal na ina sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Hindi Siya nagtanim ng galit sa kanila ni hindi Niya sila hinamak, kundi Siya ay puno ng kaaliwan; hindi kailanman sumiklab ang Kanyang galit sa kanila, kundi tiniis Niya ang kanilang mga kasalanan at nagbulag-bulagan sa kanilang mga kahangalan at kamangmangan, at sinabi pang, “Patawarin ninyo ang iba nang pitumpung pitong beses.” Binago ng puso Niya nang ganoon ang puso ng iba, at sa ganoong paraan lamang natanggap ng mga tao ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang pagtitiis.

—mula sa “Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nang panahong iyon, nagsalita lamang ni Jesus sa Kanyang disipulo ng magkakasunod na pangangaral sa Kapanahunan ng Biyaya, tulad ng kung paano magsagawa, kung paano magtipong sama-sama, kung paano humingi sa panalangin, kung paano ituring ang iba, at iba pa. Ang gawain na Kanyang isinakatuparan ay yaong sa Kapanahunan ng Biyaya, at Kanyang ipinaliwanag lamang ang tungkol sa kung paano dapat magsagawa ang mga disipulo at iyong mga sumusunod sa Kanya. Ginawa lamang Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya at wala na sa huling mga araw. … Nagsalita lamang ni Jesus tungkol sa mga patalandaan ng huling mga araw, kung paano maging mapagpasensya at kung paano maligtas, kung paano magsisi at mangumpisal, pati na rin kung paano pasanin ang krus at tiisin ang pasakit; hindi Siya kailanman nagsalita kung paano dapat pumasok ang tao sa huling mga araw o kung paano hanapin na makapagbigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos.

—mula sa “Paano Makatatanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Limitado ang Pagkaintindi tungkol sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang gawain ni Jesus ay para lamang sa kapakanan ng pagtubos sa tao at ang pagpako sa krus. Kaya, hindi Niya kailangang higit pang mangusap upang malupig ang sinumang tao. Ang karamihan sa Kanyang mga itinuro sa tao ay mula sa mga salita sa Banal na Kasulatan, at kahit na ang Kanyang gawain ay hindi higit sa Banal na Kasulatan, naisagawa pa rin Niya ang gawaing pagpapapako sa krus. Ang Kanyang gawain ay hindi gawain ng salita, ni para sa kapakanan ng paglupig sa sangkatauhan, sa halip ito ay upang matubos ang sangkatauhan. Gumanap lang Siya bilang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan, at hindi gumanap bilang mapagkukunan ng mga salita para sa sangkatauhan.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nang ginagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, ang pagkakilala ng tao sa Kanya ay malabo pa rin at hindi maliwanag. Ang tao ay laging naniniwala na Siya ay anak ni David at ipinahayag na Siya ay isang dakilang propeta at ang mabuting Panginoon na tumubos sa mga kasalanan ng tao. Ang ilan, batay sa pananampalataya, ay gumaling sa pamamagitan lamang ng paghipo sa laylayan ng Kanyang damit; ang bulag ay maaaring makakita at kahit ang patay ay maaaring maibalik ang buhay. Gayunman, hindi natuklasan ng tao ang tiwaling maka-satanas na disposisyon na malalim na nakatanim sa kalooban niya at hindi rin alam ng tao kung paano iwaksi ito. Ang tao ay nakatanggap ng labis na biyaya, tulad ng kapayapaan at kasiyahan ng laman, ang pagpapala ng buong pamilya dahil sa pananampalataya ng isa, at ang pagpapagaling ng mga sakit, at iba pa. Ang natitira ay ang mga mabuting gawa ng tao at kanilang maka-Diyos na itsura; kung ang tao ay maaaring mabuhay batay sa ganito, siya ay itinuring na isang mabuting mananampalataya. Ang mga mananampalatayang tulad lamang nito ang maaaring pumasok sa langit pagkamatay, na nangangahulugan na sila ay nailigtas. Nguni’t, sa kanilang buong buhay, hindi nila lubos na naunawaan kahit kailan ang daan ng buhay. Sila ay nakakagawa lamang ng mga kasalanan, pagkatapos ay nangungumpisal ng kasalanan nang paulit-ulit na walang anumang daan tungo sa isang nabagong disposisyon; ganyan ang kalagayan ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang tao ba ay nakatanggap ng ganap na kaligtasan? Hindi!

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaaring ituring lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali’t, kapag ang tao na namumuhay sa laman, at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang paghahayag ang kanyang maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka’t ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ipinangaral ng Kapanahunan ng Biyaya ang ebanghelyo ng pagsisisi, at kapag ang tao ay naniwala, kung gayon siya ay maliligtas. Sa kasalukuyan, sa halip na kaligtasan, mayroon lamang pag-uusap ukol sa paglupig at pagkaperpekto. Hindi kailanman sinabi na kapag nananampalataya ang isang tao, ang kanilang buong pamilya ay pagpapalain, o ang kaligtasan ay minsanan lamang. Sa kasalukuyan, walang sinuman ang nagsasabi sa mga salitang ito, at ang gayong mga bagay ay lipas na. Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng lahat ng naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay pinawalang-sala sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Nguni’t sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangan pang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

______________________________________________

Sinabi ng Panginoong Jesus, "Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit" (Mateo 4:17). Tanging ang tunay na pagsisisi ang makapagdadala sa atin sa makalangit na kaharian. Maraming mga kapatid ang naniniwala na ang kanilang mga panalangin ng pagsisisi sa kumpisal ng may luha ay tunay na pagsisisi kaya maaari silang ma-rapture sa makalangit na kaharian sa pagbabalik ng Panginoon. Gayunman, iniisip ng iba na kahit na gumawa sila ng mga panalangin ng pagsisisi sa kumpisal, madalas pa rin silang nagkakasala, kaya nalilito sila: Ito ba ay tunay na pagsisisi? Maaari ba talaga tayong ma-rapture sa kaharian ng langit? Ano ang tunay na pagsisisi? Sa isang pulong sa pag-aaral sa Bibliya, natagpuan ng mga katrabaho ang mga sagot sa pamamagitan ng talakayan. Basahin natin ang artikulo sa ibaba.

Nakikita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng mga Puso ng mga Taga-Ninive

2020-06-03 10:24:12 | Tanong at Sagot ng Ebanghelyo
Ano ang ibig sabihin ng mapabagsak? Sa pangkaraniwang termino, ang ibig sabihin nito ay paglaho. Ngunit sa anong paraan? Sino ang makakapagpabagsak sa isang buong lungsod? Siyempre, imposibleng magawa ng isang tao ang gayong gawain. Hindi mga hangal ang mga taong ito; sa sandaling narinig nila ang pahayag na ito, nakuha na nila ang ideya. Alam nila na mula ito sa Diyos; alam nila na isasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain; alam nila na ang kanilang kasamaan ang nagpasiklab sa poot ng Diyos na si Jehova at nagdala ng Kanyang galit sa kanila, kaya sila ay malapit nang puksain kasama ng kanilang lungsod. Paano kumilos ang mga mamamayan ng lungsod matapos nilang marinig ang babala ng Diyos na si Jehova? Inilarawan ng Biblia ang malinaw na detalye kung paano tumugon ang mga tao, mula sa kanilang hari hanggang sa pangkaraniwang tao. Batay sa tala ng Kasulatan: “At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Dios; at sila’y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila. At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya’y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo. At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig; Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa’t isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay. …”

Matapos marinig ang pahayag ng Diyos na si Jehova, ang mga mamamayan ng Ninive ay nagpakita ng pag-uugali na lubos na kabaliktaran ng mga tao sa Sodoma—ang mga mamamayan ng Sodoma ay hayagang kinalaban ang Diyos, nagpapatuloy mula sa kasamaan hanggang sa kasamaan, ngunit matapos marinig ang mga salitang ito, hindi binalewala ng mga taga-Ninive ang bagay na ito, ni tinanggihan man; sa halip, naniwala sila sa Diyos at nagpahayag ng pag-aayuno. Ano ang tinutukoy ng “naniwala” dito? Ang salitang ito ay nagpapahiwatig ng pananampalataya at pagpapasakop. Kung gagamitin natin ang mismong ginawa ng mga taga-Ninive upang ipaliwanag ang salitang ito, nangangahulugan ito na naniwala sila na gagawin at kayang gawin ng Diyos ang Kanyang sinabi, at nakahanda silang magsisi. Ang mga taga-Ninive ba ay nakadama ng takot sa harap ng nalalapit na panganib? Ang kanilang paniniwala ang nagdulot ng takot sa kanilang mga puso. Pero ano ang magagamit natin upang patunayan ang paniniwala at takot ng mga taga-Ninive? Tulad ng sinasabi sa Biblia: “at sila’y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila.” Ito ang magsasabi na ang mga taga-Ninive ay tunay na naniwala, at nagdulot ng takot ang paniniwalang ito, na humantong sa pag-aayuno at pagsusuot ng sako. Ganito nila ipinakita ang simula ng kanilang pagsisisi. Sa lubos na kabaliktaran sa mga taga-Sodoma, hindi lamang sa hindi nilabanan ng mga taga-Ninive ang Diyos, malinaw din nilang ipinakita ang kanilang pagsisisi sa pamamagitan ng kanilang pag-uugali at mga pagkilos. At siyempre, hindi lamang ito para sa mga karaniwang mamamayan ng Ninive; maging ang kanilang hari ay hindi natatangi.

Ang Pagsisisi ng Hari ng Ninive ang Pumukaw sa Papuri ng Diyos na si Jehova

Nang marinig ng hari ng Ninive ang balitang ito, tumayo siya mula sa kanyang trono, hinubad ang kanyang balabal, nagdamit ng sako at umupo sa abo. Pagkatapos ay kanyang ipinahayag na wala kahit isa ang papayagang tumikim ng anuman, at walang mga hayop, mga tupa at baka ang kakain o iinom ng tubig. Pareho na ang tao at ang hayop ay magdadamit ng sako; lahat ng mamamayan ay magmamakaawa sa Diyos. Ipinahayag din ng hari na bawat isa sa kanila ay tatalikod na sa kanilang masasamang gawain at tatalikdan ang karahasan ng kanilang mga kamay. Sa paghatol sa sunod-sunod na mga gawaing ito, ipinakita ng hari ng Ninive ang kanyang taos-pusong pagsisisi. Ang sunod-sunod na mga pagkilos na kanyang ginawa—pagtayo mula sa kanyang trono, paghubad sa kanyang balabal ng pagiging hari, pagdamit ng sako at pag-upo sa abo—ang nagpahayag sa mga tao na isinantabi ng hari ng Ninive ang kanyang katayuan bilang hari at nagdamit ng sako kasama ang mga pangkaraniwang mamamayan. Masasabi natin na ang hari ng Ninive ay hindi nanatili sa kanyang pagiging hari para ipagpatuloy ang kanyang masamang gawa o ang karahasan sa kanyang mga kamay matapos marinig ang balita mula sa Diyos na si Jehova; sa halip, isinantabi niya ang awtoridad na kanyang hawak at nagsisi sa harap ng Diyos na si Jehova. Sa pagkakataong ito, hindi nagsisisi ang hari ng Ninive bilang hari; humarap siya sa Diyos upang magkumpisal at magsisi sa kanyang mga kasalanan bilang isang pangkaraniwang nilalang ng Diyos. Bukod pa dito, sinabihan din niya ang buong lungsod na magkumpisal at magsisi sa kanilang mga kasalanan sa harap ng Diyos na si Jehova tulad ng ginawa niya; dagdag pa dito, may tiyak siyang plano kung paano isasagawa ito, tulad ng makikita sa Kasulatan: “Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig: … at magsidaing silang mainam sa Diyos: oo, talikdan ng bawa’t isa ang kanyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay.” Bilang tagapamahala ng lungsod, ang hari ng Ninive ay nagtataglay ng pinakamataas na katayuan at kapangyarihan at makakaya niyang gawin ang anumang bagay na kanyang naisin. Nang matanggap ang pahayag ng Diyos na si Jehova, maaari naman niyang balewalain na lang ito o nangumpisal na lamang at nagsisi sa kanyang mga kasalanan nang nag-iisa; kung pipiliin ng mga tao sa lungsod ang magsisi o hindi, maaari naman niyang pabayaan na lamang nang lubusan ang bagay na ito. Ngunit hindi kailanman ito ginawa ng hari ng Ninive. Hindi lamang siya tumayo mula sa kanyang trono, nagdamit ng sako at naupo sa abo at nangumpisal at nagsisi sa kanyang mga kasalanan sa harap ng Diyos na si Jehova, inutusan din niya ang lahat ng tao at mga hayop sa buong lungsod na gayon din ang gawin. Inutusan pa niya ang mga tao na “buong taimtim na tumawag sa Diyos.” Sa pamamagitan ng mga sunod-sunod na gawaing ito, tunay na nagampanan ng hari ng Ninive kung paano maging tagapamahala; ang kanyang mga ginawa ay isang bagay na mahirap gawin ng sinumang hari sa kasaysayan ng tao, at isang bagay din na walang nakagawa. Ang mga gawaing ito ay maaaring tawagin na wala pang nakagagawa noon sa kasaysayan ng sangkatauhan; sila ay karapat-dapat na parehong alalahanin at tularan ng sangkatauhan. Simula sa pagsisimula ng tao, pinangunahan ng bawat hari ang kanyang mga nasasakupan na tanggihan at labanan ang Diyos. Wala kahit isa ang pinangunahan ang kanyang mga nasasakupan na magsumamo sa Diyos upang tubusin sila sa kanilang kasamaan, tanggapin ang pagpapatawad ng Diyos na si Jehova at maiwasan ang nalalapit na kaparusahan. Subalit ang hari ng Ninive ay nakayang pangunahan ang kanyang mga nasasakupan na manumbalik sa Diyos, iwan na ang kanilang makasalanang mga gawa at layuan na ang karahasan sa kanilang mga kamay. Bukod pa dito, nagawa rin niyang iwanan ang kanyang trono, at bilang ganti, nagbago ang isip at nag-iba ang damdamin ng Diyos na si Jehova at binawi ang Kanyang poot, at hinayaan ang mga mamamayan ng lungsod na maligtas at malayo mula sa pagkawasak. Ang mga ginawa ng hari ay maaari lamang matawag na isang pambihirang himala sa kasaysayan ng tao; at maaari din silang matawag na isang modelo ng tiwaling sangkatauhan na mangumpisal at magsisi sa kanilang mga kasalanan sa harap ng Diyos.

Nakikita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng mga Puso ng mga Taga-Ninive

Pagkatapos mapakinggan ang pagpapahayag ng Diyos, ang hari ng Ninive at ang kanyang mga nasasakupan ay nagsagawa ng serye ng mga pagkilos. Ano ang kalikasan ng kanilang asal at mga gawa? Sa madaling salita, ano ang diwa ng kabuuan ng kanilang pag-uugali? Bakit nila ginawa ang kanilang nagawa? Sa mata ng Diyos, matapat ang kanilang pagsisisi, hindi lamang dahil buong sikap silang nagsumamo sa Diyos at nangumpisal sa kanilang mga kasalanan sa harap Niya, kundi dahil na rin sa iniwan na nila ang kanilang masamang pag-uugali. Ginawa nila ang ganito dahil matapos nilang marinig ang mga salita ng Diyos, labis silang natakot at naniwala na gagawin Niya ang Kanyang sinabi. Sa pamamagitan ng pag-aayuno, pagdadamit ng sako at pag-upo sa abo, ninais nilang ipahayag ang kanilang pagpayag na baguhin ang kanilang mga pamamaraan at tumigil na sa kasamaan, upang manalangin sa Diyos na si Jehova na pigilin ang Kanyang galit, upang magsumamo sa Diyos na si Jehova na bawiin ang Kanyang pasya, gayundin ang malaking kapahamakan na malapit nang dumating sa kanila. Sa pamamagitan ng pagsiyasat sa lahat ng kanilang pag-uugali, makikita natin na naunawaan na nila na ang kanilang nakaraang masasamang gawa ay kasuklam-suklam sa Diyos na si Jehova at naunawan nila ang dahilan kung bakit malapit na Niya silang puksain. Dahil sa mga katwirangf ito, ninais nilang lahat na lubusang magsisi, talikuran ang kanilang masasamang gawa, at iwanan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Sa madaling salita, nang maunawaan na nila ang pahayag ng Diyos na si Jehova, ang bawat isa sa kanila ay nakadama ng takot sa kanilang mga puso; hindi na nila ipinagpatuloy ang kanilang masamang pag-uugali ni hindi na nagpatuloy na gawin ang mga gawaing kinamumuhian ng Diyos na si Jehova. Dagdag pa dito, nagsumamo sila sa Diyos na si Jehova na patawarin ang kanilang mga nakaraang kasalanan at huwag silang parusahan batay sa kanilang mga nakaraang ginawa. Nakahanda silang hindi na kailanman muling mamumuhay sa kasamaan at gagawa na sila ayon sa mga ipinag-uutos ng Diyos na si Jehova, hindi na nila kailanman muling pasisiklabin ang galit ng Diyos na si Jehova. Tapat at ganap ang kanilang pagsisisi. Galing ito sa kaibuturan ng kanilang mga puso at hindi nagkukunwari, ni hindi ito pansamantala.

Sa sandaling nalaman ng mga taga-Ninive, mula sa kataas-taasang hari hanggang sa kanyang mga nasasakupan, na nagagalit sa kanila ang Diyos na si Jehova, ang bawat isa sa kanilang mga gagawin, ang kanilang buong asal, maging ang bawat pagpapasya at pagpili ay malinaw at lantad sa paningin ng Diyos. Nagbago ang puso ng Diyos ayon sa kanilang pag-uugali. Ano ang nasa isip ng Diyos ng mga sandaling iyon? Kayang sagutin ng Biblia ang tanong na iyan para sa iyo. Ayon sa nakatala sa Kasulatan: “At nakita ng Diyo ang kanilang mga gawa, na sila’y nagsihiwalay sa kanilang masamang lakad; at nagsisi ang Dios sa kasamaan, na Kaniyang sinabing Kaniyang gagawin sa kanila; at hindi Niya ginawa.” Bagaman binago ng Diyos ang Kanyang isip, walang bagay na magulo tungkol sa kalagayan ng Kanyang kaisipan. Binago lamang Niya ang kalagayan mula sa paghahayag ng Kanyang galit tungo sa pagpapakalma ng Kanyang galit, at pagkatapos ay nagpasya na huwag nang dalhin ang malupit na kapahamakan sa lungsod ng Ninive. Ang dahilan kung bakit napagpasyahan ito ng Diyos—na iligtas ang mga taga-Ninive mula sa malupit na kapahamakan—nang napakabilis ay napagmasdan ng Diyos ang puso ng bawat tao sa Ninive. Nakita Niya ang kanilang itinatago mula sa kalaliman ng kanilang mga puso: ang kanilang tapat na pangungumpisal at pagsisisi sa kanilang mga kasalanan, ang kanilang tapat na paniniwala sa Kanya, ang kanilang malalim na pakiramdam kung paano na ang kanilang masasamang gawa ay lubos na nagpagalit sa Kanyang disposisyon, at nagdulot ng takot sa nalalapit na kaparusahan ng Diyos na si Jehova. At gayundin naman, narinig din ng Diyos na si Jehova ang mga panalangin mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso na taimtim na nakiusap na pigilin Niya ang Kanyang galit laban sa kanila upang makaiwas sila sa parating na kapahamakan. Nang mapansin ng Diyos ang lahat ng pangyayaring ito, unti-unting naglaho ang Kanyang galit. Kahit gaano kalaki ang Kanyang galit sa nakaraan, nang makita Niya ang tapat na pagsisisi sa kaibuturan ng mga puso ng mga taong ito, nabagbag nito ang Kanyang puso, kaya’t hindi Niya makayang dalhin ang kapahamakan sa kanila, at humupa na ang Kanyang galit sa kanila. Sa halip, patuloy Niyang ipinadama ang Kanyang awa at pagpapaubaya sa kanila at patuloy silang ginabayan at tinustusan.


—mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

_______________________________________________

Gumagawa tayo ng mga panalangin ng pagsisisi sa kumpisal ng may luha, nguni madalas pa rin tayong nagkakasala. Ito ba ay tunay na pagsisisi sa Diyos?


Paano Natutupad ang mga Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoon

2020-05-30 00:29:51 | Tanong at Sagot ng Ebanghelyo
Minamahal na mga kapatid:

Kamusta sa lahat, masayang masaya akong makita kayo rito. Una, pasalamatan natin ang Diyos sa paghahanda ng pagkakataong ito para sa atin, at nawa’y gabayan tayo ng Diyos at kumilos Siya sa atin.

Mga kapatid, pagkatapos ng muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit ng ating Panginoong Jesus, lahat tayong naniniwala sa Panginoon ay nagnanais na bumalik Siya sa lalong madaling panahon nang sa gayon ay matupad ang ating mga hinihiling sa loob ng maraming taon, at nang sa gayon ay matanggap natin ang Kanyang pangako at matamasa ang Kanyang mga pagpapala. Lalo na sa mga huling araw, ang pagnanais nating makita ang pagbabalik ng Panginoon ay higit pang mahalaga. Ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus ay halos naisakatuparan na sa ngayon, at nakita at narinig na nating lahat ang madalas na pagdating ng lahat ng uri ng sakuna sa lahat ng bansa sa mundo. Higit pa, ang mga ito ay hindi pa nangyari sa kasaysayan, at mayroong mga sakuna sa lahat ng dako, gaya ng mga pagbaha, tagtuyot, lindol, epidemya, at digmaan. Nasa matinding kaguluhan rin ang mundo, at madalas na mayroong mga giyera at pag-atake ng terorismo. Dagdag pa, ang mga sermon ng mga pastor at pinuno sa simbahan ay pawang mga lumang kasabihang hindi nagtataglay ng bagong liwanag. Maraming mananampalataya ang nakakarinig ng mga sermon na ito at hindi nakakaramdam ng pagkaaliw, at napapalitan ng desolasyon ang kanilang pananampalataya at pag-ibig. Hindi ba’t ito ang tiyak na sitwasyon kung kailan maisasakatuparan ang propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus? Sinabi ng Panginoong Jesus: “Sa puno nga ng igos ay pag-aralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw; Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya’y malapit na, nasa mga pintuan nga” (Marcos 13:28–29). Alam nating lahat na ang sipi ng kasulatan na ito ay tumutukoy sa muling paglitaw ng Israel. Muling lumitaw ang Israel ilang dekada na ang nakakalipas, ang puno ng igos ay nagsupling ng maliliit na dahon, at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus ay halos naisakatuparan na. Mga kapatid, dahil ang mga propesiyang ito ay halos naisakatuparan na, bakit hindi pa natin nakikita ang Panginoong Jesus na bumababang nasa puting alapaap? Nakalimutan kaya Niya ang Kanyang pangako dalawang libong taon na ang nakakaraan? Tiyak na hindi, dahil tapat ang Diyos at ang Kanyang mga salita ay tapat at mapagkakatiwalaan; kapag nagsambit Siya ng salita, kinakailangan itong maisakatuparan nang naaayon sa Kanyang mga plano at sa pangakong Kanyang binitawan sa tao. Tulad ng nakatala sa Bibliya: “Siyang pumaparito ay darating, at hindi magluluwat” (Mga Hebreo 10:37). Sa katunayan, ang Panginoong Jesus, mahabang panahon na ang nakakalipas, ay nagkatawang-tao at lihim na nakipamuhay sa atin nang naaayon sa Kanyang pangako, at sa ngayon ay nagsasagawa Siya ng bagong gawain. Ngunit naniniwala ang ilang kapatid na malinaw itong nakatala sa Bibliya: “Itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Naniniwala sila na, dahil ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay at umakyat sa langit nang nasa puting alapaap, sa kanyang pagbabalik, tiyak na bababa rin Siyang nasa puting alapaap sa himpapawid at makikita Siya ng lahat. At kaya naman, tinatanong nila kung paano nasabing nagkatawang-tao at lihim na bumaba na sa lupa ang Panginoon? At kung ganito nga, tinatanong nila kung gayon, kung paano maisasakatuparan ang propesiyang bababa sa lupa ang Panginoon nang nasa puting alapaap? Atin na ngayong ang usaping ito.

Sa katunayan, nangako ang Panginoon na Siya ay bababang nasa alapaap, at tiyak na mangyayari ito. Ngunit maraming sipi sa Bibliya ang nagsasaad ng propesiya ng pagbabalik ng Patatalakayin nginoon. Sa pamamagitan ng maingat na pag-aaral ng Bibliya, madaling makitang mayroong dalawang pangunahing bahagi ang mga propesiyang hinggil sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw. Ang isang bahagi ay naglalaman ng mga propesiyang nauugnay sa lihim na pagbaba ng Panginoon, at ang isa namang bahagi ay naglalaman ng mga propesiyang nauugnay sa pagbaba ng Panginoon nang nasa alapaap at hayag na pagsisiwalat ng Kanyang sarili. Tingnan muna natin ang mga propesiyang hinggil sa lihim na pagdating ng Panginoon. Mangyaring pumunta sa kapitulo 16, talata 15 ng Aklat ng Pahayag: “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw.” Ngayon, tingnan natin ang kapitulo 3, talata 3: “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.” At naroon din ang Ebanghelyo ng Mateo, kapitulo 24, talata 44 na nagsasabing: “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.” Ilang halimbawa lamang ang mga ito. Mga kapatid, ang mga salitang “gaya ng magnanakaw” at “sa oras na hindi ninyo iniisip” na nakasulat sa mga siping ito ay katunayang nagsasabi na, kapag bumalik ang Panginoon, Siya ay lihim na bababa, at tahimik na darating. Tiyak na tumutukoy ang “Anak ng tao” sa isang isinilang na tao at laman na nagtataglay ng normal na pagkatao. Tiyak na hindi maaaring tawaging Anak ng tao ang Espiritu; tanging ang laman lamang ng Diyos na nagkatawang-tao ang maaaring tawaging Anak ng tao na, tulad ng Panginoong Jesus, ay isinilang sa laman ng tao, kapwa nahahawakan at nakikita. Mula sa mga propesiyang ito, magagawa nating matiyak sagayon, na bumalik ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng lihim na pagbaba tulad ng pagkatawang-tao ng Anak ng tao, upang isagawa ang Kanyang mga gawain at magpakita sa sangkatauhan.

Tingnan naman natin ngayon ang mga propesiyang hinggil sa pagbabang nasa alapaap at hayag na pagpapakita ng Panginoon. Mga kapatid, mangyaring pumunta sa kapitulo 1, talata 7 sa Pahayag: “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.” At sa Mateo kapitulo 24, talata 30, isinasaad: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.” Mula sa dalawang siping ito ng kasulatan, makikita nating kapag nakita ng lahat ang Panginoon na dumarating kasama ng alapaap, hindi sila magsasaya at magagalak, sa halip ay luluha ang lahat ng kaanib. Mga kapatid, lahat tayo ay nag-aasam sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, ngunit bakit luluha ang mga tao kapag nakabalik na Siya? Dahil naipangaral na ang bagay na ito, may tiwala akong mauunawaan nating lahat ito. Sapagkat natapos na ng Diyos na nagkatawang-tao ang lihim na pagligtas sa tao, makikita ng lahat ng tumangging tanggapin ang gawain ng Diyos habang lihim na gumagawa ang Kanyang pagkakatawang-tao, at ng lahat ng humusga at lumaban sa Kanya, na ang kanilang tinuligsa at nilabanan ay siya ngang Panginoong Jesus na bumalik, at samakatuwid ay papaluin nila ang kanilang mga dibdib at lalatiguhin ang kanilang mga likod, at sila’y luluha at ngangalutin nila ang kanilang ngipin, at doon maipapamalas sa daigdig ang pangitain ng pagluha ng lahat ng kaanib. Samakatuwid, ang panahon kung kailan makikita natin ang Panginoon na hayag na magpapakita nang nasa alapaap ay ang panahon kung kailan gagantimpalaan ng Diyos ang mabuti at paparusahan ang balakyot.

Sa puntong ito, tiyak na mayroong ilang kapatid na magtatanong: “Ibig bang sabihin, ang mga propesiyang hinggil sa pagbabalik ng Panginoon ay kapwa tumutukoy sa pagkakatawan ng Diyos bilang Anak ng tao at lihim na pagdating, at sa Kanyang hayag na pagbabang nasa alapaap—ay hindi isang kontradiskyon? Paano maisasakatuparan ang mga propesiyang ito?” Totoong tila may pagsasalungatan ang mga propesiyang ito, ngunit hindi ganito ang sitwasyon, dahil umiiral dito ang karunungan ng Diyos. Mula sa dalawang uring ito ng propesiya, makikita nating mayroong mga plano at yugto sa gawain ng Diyos; nagkakatawang-tao muna ang Diyos at lihim na gumagawa upang iligtas ang sangkatauhan at, kapag tapos na ang gawain, saka hayag na isisiwalat ng Diyos ang Kanyang sarili sa lahat ng tao at lahat ng bansa, at doon Niya gagantimpalaan ang mabuti at paparusahan ang balakyot. Upang higit na maunawaan ito ng lahat, basahin natin ang sipi ng Bibliya. Mangyaring pumunta sa Lukas kapitulo 17, talata 26 hanggang 30. Aking babasahin: “At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao. Sila’y nagsisikain, sila’y nagsisiinom, sila’y nangagaasawa, at sila’y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat. Gayon din naman kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Lot; sila’y nagsisikain, sila’y nagsisiinom, sila’y nagsisibili, sila’y nangagbibili, sila’y nangagtatanim, sila’y nangagtatayo ng bahay. Datapuwa’t nang araw na umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre, at nilipol silang lahat: Gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag.” Mga kapatid, ang paglalarawan ng sipi na ito ng kalagayan ng sangkatauhan sa araw ng pagpapakita ng Anak ng tao ay eksaktong katulad ng kalagayan ng sangkatauhan noong nabubuhay pa sina Noah (Noe) at Lot. Tulad ng alam nating lahat, bago dumating ang pagbaha, lihim na sinabi ng Diyos kay Noah ang tungkol sa pagbahang wawasak sa mundo, at nagpagawa Siya kay Noah ng arko. Habang binubuo ni Noah ang arko, ipinakalat niya sa iba ang tungkol sa pagbahang wawasak sa mundo. Ngunit dahil hindi mismong nasaksihan ng mga tao noong panahong ito ang katotohanang ito, hindi nila pinaniwalaan si Noah, at tinuligsa at tinuya pa nila ito, at sinabing siya ay nababaliw. Ngunit noong nakita nilang dumarating ang pagbaha, na siyang araw ng pagpaparusa ng Diyos sa tao, sila ay nagulantang at kinamuhian nila ang kanilang mga sarili sa hindi paniniwala sa ebanghelyong ipinangaral ni Noah. Ngunit sa oras na ito, huli na ang lahat. Ang panahon kung kailan namuhay si Lot ay pareho din lamang. Bago mahulog mula sa langit ang apoy at asupre, lihim na sinabihan ng Diyos si Lot, sa pamamagitan ng dalawang anghel, tungkol sa napipintong pagkawasak ng Sodom at Gomorrah at, matapos mapagtanto ito ni Lot ay sinabi niya ang balita sa kanyang mga manugang na lalaki. Ngunit dahil hindi nila mismong nakita ang katotohanang ito, hindi nila pinaniwalaan si Lot. At noong nahulog ang apoy at asupre mula sa langit, pinagsisihan nila ang kanilang mga kilos at kinamuhian nila ang kanilang mga sarili sa hindi paniniwala sa sinabi sa kanila ni Lot. Mga kapatid, makikita natin mula sa mga araw nina Noah at Lot na kapag lihim na kumilos ang Diyos, gingawa Niya ito upang iligtas ang sangkatauhan, at kapag nangyari ang kanyang mga babala, saka ipapataw sa sangkatauhan ang kaparusahan ng Diyos. Sa katulad na paraan, ganito rin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng tao. Sa huling mga araw, muling dadamitan ng Diyos ang Kanyang sarili ng laman at lihim Siyang darating, tangan ang likas na disposisyon at lahat ng katangian Niya, nagkatawang-tao Siya bilang Anak ng tao, at ipinahahayag Niya ang Kanyang mga salita upang pangibabawan, gawing perpekto, at makamit ang isang grupo ng tao, habang ginagamit ang grupong ito ng tao upang ipangaral ang Kanyang pagliligtas sa mga huling araw. Sa yugtong ito, hindi natin makikita ang eksena ng hayag na pagpapakita ng Panginoon nang nasa alapaap. Kapag nakumpleto na ng Diyos ang isang grupo ng mga nagtagumpay, at kapag natapos na ang gawain ng lihim na pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao, agarang darating ang matitinding sakuna at hayag na magpapakita ang Diyos upang parusahan ang balakyot at gantimpalaan ang mabuti, at ihihiwalay Niya ang bawat tao ayon sa kanilang uri. Kung sasabihin sa ibang paraan, ang lihim na yugto ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ang iligtas at gawing perpekto iyong mga tinatanggap ang katotohanan, at kapag Siya ay hayag na nagpakita, paparusahan Niya iyong mga hindi tinatanggap ang katotohan. Ang lahat ng mapagkumbabang naghahanap ng katotohanan at kayang tanggapin ang katotohanan ay tatanggap ng gawain ng pagliligtas ng mga huling araw ng Diyos sa panahon ng lihim na gawain ng Diyos, babalik sila sa trono ng Diyos, at gagawin silang mga nagtagumpay ng Diyos. Iyong mga hindi tinatanggap ang katotohanan, sa kabilang banda, at iyong, sa yugto ng lihim na gawain ng Diyos, ay nakakiling sa kanilang sariling hambog at mapagmataas na ugali at bulag na tumutuligsa at lumalaban sa gawain ng Diyos, sa punto ng pag-atake at blaspemya laban sa Diyos, ihahanay sila ng Diyos kasama ang mga balakyot, at ang karampatang kaparusahan ng Diyos ang sa kanila’y naghihintay.

Mga kapatid, nakita na nating ang mga propesiya sa Bibliya hinggil sa pagbabalik ng Panginoon ay halos naisakatuparan na. Ang Makapangyarihang Diyos ay si Jesus na nagbalik; Siya ang Korderong nagbukas ng pergamino gaya ng nasa propesiya ng Pahayag, at Siya ang tunay na Kaisa-isang inaasam natin nang napakatagal. Matagal na Niyang binuksan ang pitong selyo, at isiniwalat Niya sa tao ang lahat ng misteryong walang sinuman sa lahat ng panahon ang nakaunawa. Malapit nang matapos ang gawain ng lihim na pagdating ng Makapangyarihang Diyos, at hayag na Siyang magpapakita sa lalong madaling panahon—malapit nang marating ng gawain ng Diyos ang maluwalhati nitong konklusyon. Kung magagawa nating hanapin, aralin, at tanggapin ang gawain ng mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos sa paraang positibo at aktibo, at makasabay sa mga hakbang ng Kordero, mayroon pang pagkakataong tayo ay maligtas at magawang perpekto ng Diyos. Kung hindi natin magagawang tanggapin ang gawain ng pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos, kapag nakita natin ang Panginoon na bumababang nasa puting alapaap, magiging huli na ang lahat para sa pagsisisi. Basahin natin ngayon ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakinggan ang Kanyang mga babala! Ang Makapangyarihang Diyos ay nagwika, “Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayon ay napadalisay na, ay makakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at makakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya maaari lamang silang pakitunguhan ni Jesus kapag hayagan Siyang bumabalik sa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano magagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga kayang tumanggap ng katotohanan, nguni’t para sa mga hindi kayang tumanggap ng katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mapagmataas na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang” (“Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
_______________________________________________