Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Asawa sa Paniniwala sa Diyos

7290-01-01 00:00:00 | Mga Pagbasa
Espiritwal na Labanan: Ang Paghilig sa Diyos ay Nagbibigay sa Akin ng Landas Nung Ako ay Sinubukang Pigilan ng Aking Asawa sa Paniniwala sa Diyos (I)

Ni Grace, Malaysia


Naniniwala akong maraming mga kapatid na tinanggap ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ay dumanas ng pagharang ng ating mga di-mananampalatayang kapamilya. Kapag hinaharap ang ganitong mga pangyayari, nakakaramdam tayo ng kawalan ng kakayahan, kahinaan, at walang malingunan. Gayunpaman, huwag mag-alala; Bibigyan tayo ng Diyos ng landas ng pagsasanay. Minsan, umasa ako sa Diyos upang mapagtagumpayan ang pagharang ng aking asawa …


Binalaan Ako ng aking Asawa na Huwag Maniwala sa Makapangyarihang Diyos Dahil sa Paniniwala sa mga Sabi-sabi

Hawak ang aking telepono sa kanyang kamay, ang aking asawa ay pagalit na tinanong ako, “Naniniwala ka sa Makapangyarihang Diyos? Paanong mayroong apps ng Ang Iglesiya ng Makapangyarihang Diyos sa iyong cellphone? Nakita mo ba kung paano kondenahin ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa online? Sinasabi dito na ang mga mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay iniiwanan ang kanilang mga pamilya. Binabalaan kita, huwag kang maniwala sa Makapangyarihang Diyos; kung hindi ay mawawala ang ating pamilya.”

Bago pa man ako makasagot, binura na niya ang apps ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at lahat ng mga kontaks ng aking mga kapatid sa iglesiya.

Nakaramdam ako ng parehong pagkabalisa at galit. Hindi kailanman niya ako sinigawan sa loob ng 10 taon ng aming pag-aasawa, ngunit ngayon ay ginawa nya dahil sa paniniwala sa mga alingawngaw online. Paano ako makikipag-usap sa kanya upang maalis ang maling pag-intindi niya tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?


Isang Paraan Upang Makita ng Malinaw ang mga Sabi-sabi ay Ang Pagkilatis sa Kakanyahan ng CCP

Naalala ko na habang nasa pagpupulong, ang mga kapatid ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagbahagi na ang mga alingawngaw online ay gawa-gawa ng CCP upang pasinungalingan at siraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang CCP ay ateyistang gobyerno, at sa kakanyahan ay isang satanikong rehimen laban sa Diyos. Kinamumuhian nito ng labis ang Diyos at ng mga tao na naniniwala sa Diyos. Simula pa man nang makuha ang kapangyarihan, hindi ito tumigil sa pag-usig ng relihiyosong pananalig, at lubhang inuusig partikular,ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

Simula 1991 nang magpakita ang Makapangyarihang Diyos upang gumawa ng Kayang gawain sa Tsina, upang lubusang maipagbawal ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, ang CCP ay inangkin na ang itim ay puti at nag gawa-gawang mga insidente upang pabulaanan at atakihin ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isa pa, nagmamadali nitong inaresto ang mga Kristiyano, na nagresulta sa maraming mga Kristiyano na nabilanggo—ang ilan ay pinarusahan; ang ilan ay nagdusa ng malupit na pagpapahirap; ang ilan ay ginulpi hanggang sa mabaldado o mamatay. Sa ilalim ng mga sitwasyong ito, ang mga Kristiyanong kabilang sa Ang Iglesiya ng Makapangyarihang Diyos ay dapat na iiwas ang kanilang sarili at magtago mula sa isang lugar papunta sa isa pang lugar; ang kanilang mga pamilya ay nagkawatak-watak at hindi sila makakabalik sa kanilang mga tahanan; ang ilan ay napilitang tumakas sa ibang bansa. Kaya’t hindi dahil iniwanan nila ang kanilang mga pamilya, ngunit sa halip ay dahil sa pang-uusig ng CCP na wala silang pagpipilian kundi tumakas sa kanilang mga tahanan. Gayunpaman, inilalagay ng CCP ang bintang sa mga biktima nito, gumagawa-gawa ng mga alingawngaw, dinudungisan, at sinabi na ang mga Kristiyano ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi nagmamalasakit sa kanilang pamilya. Hindi ba ito nakaliligaw sa mga katotohanan, binabaliktad ang tama at mali? Ang CCP ay ang masamang pasimuno na nagdulot ng pagkawatak-watak ng maraming pamilya ng mga Kristiyano, at nagdulot sa kanila na takasan ang kanilang mga tahanan at mabuhay bilang mga palaboy.

——————————————————
Ibinabahagi sa inyo ng bahaging Kahulugan ng Buhay ang mga artikulo ng mga Kristiyano na natagpuan at naunawaan ang tunay na kahulugan ng buhay sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Diyos.

Ano ang Bumubuo sa Totoong Espirituwal na Debosyon?

7290-01-01 00:00:00 | Mga Pagbasa

Ni Li Cheng

Naniwala Ako na ang Espirituwal na Debosyon ay Binubuo ng Paulit-ulit na Pagbabasa ng Biblia, Pananalangin at Pag-awit ng mga Himno
Naaalala ko ang unang beses na nagsimba ako at nakinig sa pagbibigay ng sermon ng pastor at, kalaunan, nagkaroon ako ng kaalaman tungkol sa kaligtasan ng Panginoong Jesus at noon mismo ay ipinahayag ko ang kagustuhan kong manampalataya sa Panginoon. Habang paalis ako, pinaalala sa akin ng pastor na, “Upang mamuhay bilang isang Kristiyano, dapat isagawa ng tao ang espirituwal na debosyon.” Tinanong ko ang pastor, “Ano ang espirituwal na debosyon? Paano natin iyon isinasagawa?” Noon sinasabi sa’kin ng pastor, “Ang espirituwal na debosyon ay pagbabasa ng Biblia, pananalangin at pag-awit ng mga himno ng papuri araw-araw. Kapag nanalangin tayo, dapat nating ipagdasal ang ating mga pamilya, ipagdasal ang mga mahihinang kapatid sa ating iglesia, at ipagdasal ang mga lingkod ng Diyos. Dapat ding paulit-ulit tayong magbasa ng Biblia at umawit rin ng mga himno araw-araw, at dapat patuloy nating gawin ito nang walang gumagambala. Hangga’t masigasig mong isinasagawa ang esprirituwal na debosyon araw-araw, kung ganoon ay patuloy na yayabong ang iyong espirituwalidad at mapapalapit ka nang mapapalapit sa Panginoon, at pagkatapos ay matutuwa ang Diyos.”
Noon ako nag-umpisang isagawa ang sinabi ng pastor. Tuwing saktong alas-singko ng umaga ay gumigising ako at inuumpisahan ang aking espirituwal na debosyon. Una, magbabasa ako ng dalawang kabanata ng Biblia, pagkatapos ay aawit ako ng mga himno, at pagkatapos ay mananalangin ako tulad ng sinabi sa akin ng pastor. Pinanatili ko ang gawaing ito sa lahat ng panahon, at hindi ako tumigil sa pananalangin ko kahit na minsan ay nangangalay na ang mga binti ko mula sa pagluhod ng matagal. Ilang taon ang lumipas, at naniwala ako na magagawa kong matamo ang higit na kaliwanagan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng espirituwal na debosyon ko. Na higit kong maiintindihan ang mga salita ng Panginoon, at lalo akong mapapalapit sa Panginoon. Ngunit ang totoo, kahit na nagagawa kong bigkasin ang mga klasikong bersikulo sa Biblia at naaalala ang mga salitang madalas kong gamitin sa pananalangin, wala pa rin akong naiintindihan tungkol sa mga salita ng Panginoon, ang kalooban ng Panginoon o Kanyang mga kinakailangan. Umabot iyon sa punto na nakakaidlip o nakakatulog ako habang gumagawa ng espirituwal na debosyon, at ni hindi ko maramdaman ang presensiya ng Panginoon.
Tinanong ko ang ilan sa mga mangangaral gayundin ang marami sa mga kapatid tungkol sa kung paano isagawa ang espirituwal na debosyon ng isang tao upang mapalapit sa Panginoon, ngunit kapareho lang din nang pagsasagawa ko ang kanilang espirituwal na debosyon. Gumigising sila nang maaga upang manalangin, binabasa ang Biblia at umaawit ng mg himno bilang papuri sa Panginoon nang wala ring natatamong malinaw na resulta. Ang iba pa nga ay nakakatulog habang nananalangin sila. Nanghilakbot ako nang husto dito: Sa mga nakalipas na taon ay isinasagawa ko ang aking espirituwal na debosyon gaya nang sinabi sa akin ng pastor, kaya bakit wala akong narating na anumang magandang resulta? Hindi ba kapuri-puri sa Panginoon ang ganitong paraan ng pagsasagawa ng espirituwal na debosyon? Ano na ba talaga ang kalooban ng Panginoon?
Ano ang Bumubuo sa Tunay na Espirituwal na Debosyon?
Isang araw, binisita ko si Sister Song sa kanyang tahanan para sa pag-aaral ng Biblia. Nang nagtanong ako kung paano isagawa ang espirituwal na debosyon upang matamo ang papuri ng Panginoon, inilabas ni Sister Song ang isang aklat na may titulong Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero, at binasa ang isang sipi mula doon: “Ang isang normal na buhay espiritwal ay hindi limitado sa panalangin, awit, buhay iglesia, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, at iba pang gayong mga pagsasagawa, nguni’t ito ay nangangahulugan na isabuhay ang isang buhay espiritwal na sariwa at masigla. Ito ay hindi tungkol sa pamamaraan, bagkus sa resulta. Iniisip ng karamihan sa mga tao na upang magkaroon ng isang normal na buhay espiritwal ang isa ay dapat manalangin, umawit, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o subukang unawain ang mga salita ng Diyos. Hindi alintana magkaroon man ng anumang resulta, o magkaroon man ng isang tunay na pagkaunawa, ang mga taong ito ay basta na lamang nagpopokus sa paggalaw sa labas—at hindi nagpopokus sa resulta—sila ang mga tao na nabubuhay sa loob ng mga ritwal ng relihiyon, at hindi mga taong nabubuhay sa loob ng iglesia, at lalong hindi sila mga tao ng kaharian. Ang ganitong uri ng mga panalangin at pagkanta ng tao, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay pagsunod lahat sa mga patakaran, sila ay inuudyukan na gawin ang mga ito, at ang mga ito ay ginagawa upang makisabay sa kalakaran; hindi sila ginagawa nang kusa o ginagawa mula sa puso. Hindi alintana gaano man ang idalangin o awitin ng mga taong ito, hindi magkakaroon ng anumang resulta, sapagka’t lahat ng kanilang isinasagawa ay mga relihiyosong patakaran at mga ritwal, at hindi nila isinasagawa ang salita ng Diyos. Sa pagpokus lamang sa pamamaraan, at pagturing sa mga salita ng Diyos bilang mga patakaran na susundin, ang ganitong uri ng tao ay hindi isinasagawa ang salita ng Diyos, nguni’t pinalulugod ang laman, at gumagawa ng mga bagay upang purihin ng iba. Ang ganitong uri ng relihiyosong ritwal at patakaran ay nagmumula sa tao, hindi mula sa Diyos. Ang Diyos ay hindi nagpapanatili ng mga patakaran, hindi sumusunod sa anumang mga kautusan; gumagawa Siya ng mga bagong bagay araw-araw at gumagawa Siya ng praktikal na gawain. … Kung ang mga tao ay nabubuhay sa loob ng mga patakaran, na ang kanilang mga puso ay buhos sa pagsasagawa, kung gayon ang Banal na Espiritu ay walang paraang gumawa ng gawain, sapagka’t ang puso ng mga tao ay abala sa mga patakaran, abala sa mga pagkaintindi ng mga tao; kung gayon ang Diyos ay walang paraan upang gumawa ng gawain; ang mga tao ay palagi na lamang mabubuhay sa ilalim ng pagkontrol ng kautusan, at ang ganitong uri ng tao ay hindi kailanman matatanggap ang papuri ng Diyos” (“May Kinalaman sa Isang Normal na Buhay Espiritwal”).
——————————————————————
In Devotional Topics Tagalog section, rich resources will tell you the way to get close to God, enabling you to enjoy your spiritual life and have a closer relationship with God.
——————————————————————
Nayanig ang puso ko sa sipi na binasa ni sister. Nag-aral ako ng teolohiya noon at nagbasa ng maraming espirituwal na aklat, parehong makaluma at moderno, Tsino at banyaga, at nakinig ako sa maraming recordings ng sermon ng mga sikat na mangangaral. Gayunman ay hindi ko kailanman nakita o narinig ang sinuman na magpaliwanag nang ganoon kalinaw kung ano ang bumubuo sa tunay na espirituwal na debosyon at ang mga resultang nakamit sa pagsasagawa ng espirituwal na debosyon. Idagdag pa, inilantad ng sipi kung ano ang naging kalagayan ng aming espirituwal na debosyon—ang ilang mga patakaran at paglilihis ay tunay ngang nakapaloob sa aming espirituwal na debosyon!
Kalaunan, naunawaan ko sa pamamagitan ng pagbabahagi ni sister na ang espirituwal na debosyon ay hindi nangangahulugang madalas na pagbabasa ng Biblia, pag-awit ng mga himno at pananalangin araw-araw. Dahil sa tunay na espirituwal na debosyon ay hindi mahalaga ang kung ano ang panlabas na pagsasagawa ng tao o kung gaano kagaling magsagawa ng mga relihiyosong ritwal ang isang tao, o kung gaano katagal magsagawa araw-araw ang isang tao. Sa halip, ang mahalaga ay ang resulta. Iyon ay, nakadepende sa kung sa pamamagitan ba ng espirituwal na debosyon ay nagagawa nating makamit ang higit na kaliwanagan at pagpapalinaw mula sa Banal na Espiritu. Kung nagagawa ba nito o hindi na magkaroon tayo ng higit na kaalaman tungkol sa kalooban ng Diyos at kung nagagawa ba nito o hindi na mailapit tayo sa Diyos. Halimbawa, hindi tayo umaawit ng mga himno para lang kumilos, ngunit sa halip ay upang isagawa ang pagpapatahimik ng ating mga puso sa harap ng Diyos. Kapag umaawit tayo ng mga himno, nagagawa nating makamit ang kaliwanagan at gabay ng Banal na Espiritu, at kaya naman nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Ang pananalangin ay hindi lamang basta pagbibigkas ng kaparehong mga salita nang paulit-ulit, araw-araw, taon-taon, o naniniwala na kapag mas mahaba at mas maraming sinasabi sa panalangin ang isang tao ay mas naaayon iyon sa kalooban ng Diyos. Sa halip, ang pananalangin ay pagbubukas ng puso at pagtatapat sa Diyos tungkol sa lahat ng mga bagay na nasa puso at lahat ng mga paghihirap ng isang tao. Ang panalangin ay pagpunta sa harap ng Diyos, paghahanap sa Kanyang kalooban, at paghahanap para sa daan upang magsagawa. Ang pagbabasa sa mga salita ng Panginoon ay hindi ginagawa para lamang maintindihan ang literal na kahulugan ng mga salita at upang bigyan ang ating mga sarili ng espirituwal na kaalaman at doktrina upang pagkatapos ay ipangaral natin iyon sa iba o lutasin ang mga problema ng ating mga kapatid. Sa halip, binabasa natin ang mga salita ng Panginoon upang mapagnilayan sila, upang maunawaan ang kalooban ng Panginoon at mga hinihingi sa atin, upang mas magawa ng maayos ang mga salita ng Panginoon at upang magsagawa nang naaayon sa kalooban ng Panginoon.
Kailanman ay hindi ako naghanap ng resulta sa aking espirituwal na debosyon, ngunit sa halip ay araw-araw iyong isinagawa na parang may tinatapos lang akong gawain. Kapag umaawit ako ng mga himno, umaawit ako nang walang patutunguhan. Kapag nananalangin ako, palaging iisa ang sinasabi ko, paulit-ulit na sinasabi ang kaparehong mga salita. Kapag nagbabasa ako ng Biblia, naiintindihan ko lamang ang ilang mga literal na kahulugan ng mga salita at aarmahan ang aking sarili ng kaunting espirituwal na teorya. Hindi ko kailanman pinag-isipan kung bakit sinabi ng Panginoon ang Kanyang sinabi, ano ang Kanyang kalooban at mga hinihingi sa likod ng mga bagay na sinabi Niya, at ang mga katotohanang naunawaan ko sa Kanyang mga salita, at iba pa. Ikinukumpara ang aking sarili sa sipi na binasa ni Sister Song, sa wakas ay nakita ko na ang espirituwal na debosyon ko ay pagsunod lamang sa mga tuntunin at pagsali sa relihiyosong ritwal—hindi iyon tunay na espirituwal na debosyon at walang kakayahan na matamo ang papuri ng Diyos. Taimtim kong pinagnilayan ang siping ito at nakita na hindi lamang nito basta inilalantad ang sanhi kung bakit wala tayong natatamo sa ating mga espirituwal na debosyon, ngunit ipinakita din nito sa atin ang daan upang isagawa. Ang siping ito ay tunay na nakakatulong at kapaki-pakinabang sa akin! Nais kong magbasa ng higit pa, kaya naman hiniram ko ang aklat mula kay Sister Song.
Paano Makamit ang Tunay na Espirituwal na Debosyon
Pagkauwi ko, sunud-sunod kong binasa ang ilang mga sipi. Isa sa mga sipi ang nagsasabing: “Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag taos-puso silang nakikiugnay sa mga salita ng Diyos, naaantig sila ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo na ang iyong buong puso sa Diyos saka mo lamang mapapaunlad nang unti-unti ang isang angkop na espirituwal na buhay. … Kung ang iyong puso ay maibubuhos sa Diyos at mananatiling payapa sa harap ng Diyos, kung gayon magkakaroon ka ng pagkakataon at ng mga kwalipikasyon upang kasangkapanin ng Banal na Espiritu, upang tanggapin ang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at higit pa, makakamtam mo ang pagkakataon para sa Banal na Espiritu na makabawi para sa iyong mga pagkukulang. Kapag ibinigay mo ang iyong puso sa Diyos, mas lalo kang makapapasok nang mas malalim sa positibong aspeto at mapupunta sa mas mataas na uri ng pananaw; sa negatibong aspeto, magkakaroon ka ng mas maraming pagkaunawa ukol sa iyong sariling mga pagkakamali at mga pagkukulang, magiging mas masigasig ka na hangaring mapalugod ang kalooban ng Diyos, at hindi ka magiging walang kibo, at aktibong makapapasok. Mangangahulugan ito na ikaw ay isang tamang tao” (“Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga”).
Habang pinagninilayan ko ang siping ito, naintindihan ko na kung nais kong magkaroon ng normal na espirituwal na buhay, kung ganoon ay kailangan ko munang bitawan ang lahat ng mga lumang tuntunin at pagsasagawa ng nakaraan, ilayo ang aking puso mula sa lahat ng tao, pangyayari at mga bagay sa mundo sa labas at patahimikin iyon sa harap ng Diyos, at upang manalangin sa Diyos, basahin ang mga salita ng Diyos at pagnilayan ang mga salita ng Diyos nang may tapat na puso. Sa kahit anong hindi ko maunawaan, alam ko na kailangan ko pang higit na manalangin at maghanap kasama ng Diyos—hindi maaaring basta ko na lamang sulyapan ang mga salita ng Diyos at lagpasan ang mga iyon. Tanging sa pamamagitan ng pagsasagawa sa ganitong paraan ko lamang matatamo ang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu at bubuo ng isang normal na relasyon sa Diyos. Kapag ibinubuhos natin ang ating mga puso sa mga salita ng Diyos, sa wakas ay malalaman natin na kung kikilos tayo ayon sa sarili natin mga kagustuhan sa mga bagay na makakasalubong natin sa ating mga buhay o kung magsasagawa tayo nang naaayon sa mga salita ng Diyos, madidiskubre natin na may ilang mga bagay na hindi natin isinasagawa ng buo nang naaayon sa kalooban ng Diyos. At madidiskubre natin na sa loob natin ay mayroon pa ring ilang pagbabago at kakulangan, at iba pa. Kapag nagninilay tayo sa mga bagay na ito, hinahanap natin ang daan upang magsagawa sa mga salita ng Diyos, pagkatapos ay ipinapasok natin iyon sa ating mga buhay, isinasagawa iyon at pumapasok doon upang malutas ang tunay nating mga problema. Tanging isang espirituwal na buhay lamang na nagtamo ng ganito uri ng mga resulta ang bumubuo sa tunay na espirituwal na debosyon. Nang maintindihan ko ito, nag-umpisa akong magsagawa at pumasok dito: Kapag nagsasagawa ako ng espirituwal na debosyon, nananalangin ako sa Panginoon tungkol sa lahat ng mga problema at paghihirap na nangyayari sa akin sa bawat araw at naghahanap ng daan upang magsagawa mula sa loob ng mga salita ng Panginoon. Kapag nanalangin ako, sinasabi ko sa Panginoon ang lahat nang nasa puso ko at tapat na nakikipag-usap sa Kanya, at ipinapaubaya ko sa Panginoon ang lahat ng paghihirap ko at hinihingi ang Kanyang tulong. Ang mga panalangin ko ay hindi na sumusunod sa mga panuntunan at sumasali sa relihiyosong ritwal o sinasabi ang kaparehong mga salita sa aking panalangin. Kapag binabasa ko ang mga salita ng Diyos, hindi na mahalaga kung gaano karami ang basahin ko o gaano karami ang kaya kong tandaan. Sa halip, nagtuon ako sa pagninilay at paghahanap sa kalooban ng Panginoon at mga hinihingi. Pinagninilayan ko kung nagagawa ko bang magsagawa ayon sa mga salita ng Panginoon o hindi kapag may nakakatagpo akong isyu at iba pa. Matapos magsagawa sa ganitong paraan nang ilang panahon, pakiramdam ko ay lalong nagiging normal ang relasyon ko sa Panginoon at madalas akong makaramdam ng kaliwanagan at gabay ng Banal na Espiritu kapag binabasa ko ang mga salita ng Panginoon. At kapag nananalangin ako, naaapektuhan ako at malinaw kong nararamdaman na nakikinig ang Panginoon sa mga panalangin ko. Salamat sa Panginoon!
Ang aklat na, Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero, ay nagbahagi din tungkol sa kung ano ang bumubuo sa tunay na espirituwal na buhay, kung paano bubuo ng isang normal na relasyon sa Diyos, kung ano ang bumubuo sa tunay na buhay-iglesia, at iba pa. Habang mas nagbabasa ako, lalong nagiging malinaw ang lahat at mas lalo akong natutuwa doon. Idagdag pa, maraming mga bagay ang ipinaliwanag ng aklat na ito na noon ay hindi ko kailanman naintindihan sa Biblia. Sa pamamagitan ng aklat na ito, maraming mga problema na nagpalito sa akin noon ang nalutas, at bigla kong nakita ang liwanag, na tila lumutang palayo ang mga ulap at inihantad ang liwanag ng Araw. Pakiramdam ko ay hindi maaaring isinulat ng sinumang ordinaryong tao ang aklat na ito, dahil masyado itong nagpapatunay, masyadong kapaki-pakinabang, at hindi ko mapigilang isipin ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). Malinaw na isinaad ng Panginoon na, kapag nagbalik Siya, magsasabi Siya ng maraming katotohanan na hindi pa natin naiintindihan. Malinaw na naipaliwanag ng aklat na ito ang lahat ng iyon—maaari kayang ang mga salita sa aklat na ito ay nagmula sa mga pagbigkas ng Banal na Espiritu? Maingat kong pinag-aralan ang aklat at binasa ang pamagat, Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero. Biglang huminto saglit ang tibok ng puso ko nang biglang kong maisip: Maaari kayang ang aklat na ito ay ang maliit na pergamino na iprinopesiya nang maraming beses sa Pahayag? Ngunit ang nakaselyong maliit na pergamino ay maaari lamang buksan ng Kordero…. Iniisip ang mga bagay na ito, hindi ako mapakali at, matapos kong manalangin sa Panginoon, kinuha ko ang aklat at mabilis na nagtungo sa tahanan ni Sister Song …


Paano magpapakita at gagawa ang Panginoon kapag Siya ay bumalik?

2020-06-20 08:51:37 | Mga Pagbasa
Kaugnay na mga Talata sa Biblia:

“Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25).

Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

“Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya’y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15).

“Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang panahon at pagtatapos ng isang panahon. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang simbolo, isang larawan, isang himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang prosesong pangrelihiyon. Ito ay isang tunay at makatotohanang kaalaman na maaaring hawakan at makita. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi upang sumunod lamang sa isang pamamaraan, o para sa isang panandaliang gawain; ito, sa halip, ay para sa kapakanan ng isang yugto sa gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makabuluhan, at laging kaugnay ng Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakitang ito ay lubos na naiiba sa pagpapakita ng patnubay ng Diyos, pamumuno, at pagliliwanag sa tao ng Diyos. Isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng dakilang gawain sa tuwing inihahayag Niya ang Sarili Niya. Ang gawaing ito ay naiiba sa anumang gawain sa alinmang ibang kapanahunan. Hindi ito maiisip ng tao… at hindi rin ito naranasan kailanman ng tao. Ito ay gawain na nagsisimula ng bagong kapanahunan at nagwawakas ng lumang panahon, at ito ay isang bago at pinahusay na anyo ng gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan; bukod dito, ito ay gawaing pagdadala sa sangkatauhan sa bagong kapanahunan. Iyan ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos.

Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis, ngunit nalalaman mo ba ang tunay na kahulugan ng Kanyang mga salita? Nasabi ba Niya talaga sa iyo? Nalalaman mo lamang na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis sa isang ulap ngunit nalalaman mo ba talaga kung paano ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain? Kung talagang nakikita mo, kung gayon paano maipaliliwanag ang mga salita ni Jesus? Sinabi Niya, “Kapag ang Anak ng tao ay dumating sa mga huling araw, hindi Niya malalaman sa ganang Kanyang Sarili, hindi malalaman ng mga anghel, hindi malalaman ng mga sugo sa langit, at hindi malalaman ng lahat ng mga tao. Tanging ang Ama ang makakaalam, iyon ay, ang Espiritu lamang ang makakaalam.” Kung may kakayahan kang makaalam at makakita, kung gayon hindi ba mga salitang hungkag ang mga ito? Hindi nalalaman maging ng Anak ng tao sa ganang Kanyang Sarili, ngunit nagagawa mong makita at malaman? Kung nakita mo gamit ang iyong sariling mga mata, ang mga salita bang iyon ay hindi sinabi nang walang kabuluhan? At ano ang sinabi ni Jesus ng panahong iyon? “Ngunit tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang. At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. … Mangagpuyat nga kayo: sapagkat hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.” Kapag dumating ang araw na yaon, hindi ‘yon malalaman ng Anak ng tao Mismo. Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa nagkatawang-taong laman ng Diyos, na magiging isang normal at karaniwang tao. Maging Siya Mismo ay hindi alam, kayo paano mo nalaman?

“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” … Napakaraming taong kakatwa na naniniwala na ang mga salita ng Banal na Espiritu ay dapat bumaba mula sa kalangitan patungo sa mga tainga ng tao. Sinuman ang nag-iisip ng ganito ay hindi kilala ang gawain ng Diyos. Sa katotohanan, ang mga pagbigkas na binanggit ng Banal na Espiritu ay ang mga binigkas ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi maaaring direktang magsalita ang Banal na Espiritu sa tao, at si Jehova ay hindi direktang nagsalita sa mga tao, kahit na sa Kapanahunan ng Kautusan. Hindi ba mukhang malamang na hindi Niya gagawin ito sa kapanahunan ngayon? Para magwika ang Diyos ng mga pagbigkas upang ipatupad ang gawain, dapat Siyang magkatawang-tao, kung hindi ang Kanyang gawain ay hindi makapagkakamit ng Kanyang hangarin. Yaong mga nagkakaila na ang nagkatawang-tao ang Diyos ay ang mga hindi kilala ang Espiritu o ang mga panuntunan kung paano gumagawa ang Diyos.

Ang Diyos ay walang imik, at hindi kailanman nagpakita sa atin, ngunit ang Kanyang gawain ay hindi huminto. Binabantayan Niya ang lahat ng lupain, at inuutusan ang lahat ng bagay, at pinagmamasdan ang lahat ng mga salita at gawa ng tao. Ang Kanyang pamamahala ay isinasagawa sa bawat hakbang at alinsunod sa Kanyang plano. Ito ay tahimik na nagpapatuloy, hindi masigabo, ngunit ang Kanyang mga yapak ay sumusulong nang palapit sa sangkatauhan, at ang Kanyang upuan sa paghatol ay lumawak hanggang pandaigdigan na kasing-bilis ng kidlat, kasunod nito ang pagpanaog ng Kanyang trono sa ating kalagitnaan. Isang makahari na tanawin yaon, isang marangal at taimtim na larawan. Katulad ng isang kalapati, at katulad ng umaatungal na leon, ang Espiritu at dumating sa ating kalagitnaan. Siya ay matalino, Siya ay matuwid at makahari, Siya ay tahimik na dumarating sa ating kalagitnaan na may angking awtoridad at puno ng pagmamahal at awa. Walang nakakaalam sa Kanyang pagdating, walang sumasalubong sa Kanyang pagdating, at higit sa lahat, walang nakakaalam sa lahat ng Kanyang gagawin. Ang buhay ng tao ay nananatiling hindi nagbabago; gayundin ang kanyang puso, at ang mga araw ay dadaan gaya ng dati. Ang Diyos ay namumuhay sa ating kalagitnaan katulad ng isang karaniwang tao, katulad ng isang hamak na tagasunod at karaniwang mananampalataya. Siya ay may sariling mga gawain, Kanyang sariling mga layunin, at higit sa lahat, Siya ay may pagka-Diyos na wala sa kahit na sinong karaniwang tao. Walang sinuman ang nakapansin sa Kanyang pagka-Diyos, at walang sinuman ang nakaramdam ng kaibahan ng Kanyang diwa at sa kung ano ang sa tao. Tayo ay namumuhay na kasama Siya, malaya at walang takot, dahil nakikita natin Siya bilang hindi hihigit sa isang hamak na mananampalataya.

Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Ako ay tinawag ding ang Mesias, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagka’t minahal at iginalang nila Ako. Subali’t ngayon hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon—Ako ang Diyos na bumalik sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa katapusan. Ako ang Diyos Mismo na tumatayo sa mga dulo ng mundo, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. Kailanman ay hindi nakikipag-ugnayan sa Akin ang mga tao, kailanma’y hindi Ako nakikilala, at palaging walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isang tao ang nakakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa panahon ng mga huling araw nguni’t nakatago sa gitna ng tao. Siya ay naninirahan kasama ng tao, tunay at totoo, tulad ng isang nagniningas na araw at lumalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Walang isa mang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng mga bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at madudurog din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng mga tao sa panahon ng mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan, at para sa tao Ako ay minsang ang alay sa kasalanan, subali’t sa mga huling araw Ako rin ay magiging ang mga ningas ng araw na sumusunog sa lahat ng mga bagay, gayundin ay ang Araw ng pagkamatuwid na nagbubunyag ng lahat ng mga bagay. Ganoon ang Aking gawain sa mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at angkin Ko ang disposisyong ito upang maaaring makita ng lahat ng mga tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay maaaring sumamba sa Akin, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos—Ako ang Diyos ng lahat ng mga nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan.

Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’s naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

________________________________________
"Ngayon na ang huling panahon ng mga huling araw. Yaong mga taimtim na nananampalataya sa Panginoon ay naghihintay lahat na bumalik ang Panginoon at ma-rapture sila sa makalangit na kaharian. Kung gayon kailan babalik si Jesus? Paano natin malalaman kung ang Panginoon ay nakabalik na?



Ang Kuwento ni Haring David: Bakit si Haring David ay Isang Tao na Ayon sa Puso ng Diyos

2020-06-17 10:21:29 | Mga Pagbasa
Ni Shuxun, Italya

Sa tuwing nababanggit si Haring David, ang aking isip ay sumasalamin sa imahe noong siya ay nasa kanyang pagbibinata at, sa pamamagitan ng pag-asa sa lakas ni Jehova, gumamit siya ng tirador upang patayin ang higanteng si Goliath gamit ang isang bato. Pagkaraan, nagpunta siya sa digmaan, nanalo ng maraming mga laban at gumawa ng maraming pagkabayani. Naitala din ito sa Bibliya, gayunpaman, noong si David ay naging hari ng Israel, pinapatay niya si Uria at pagkatapos ay kinuha ang kanyang asawa na si Bathsheba. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay dumating kay David at, sa pamamagitan ng propetang si Natan, ang Diyos ay nagsalita sa kanya, na sinasabi, “Ngayon nga’y ang tabak ay hindi hihiwalay kailan man sa iyong sangbahayan; sapagka’t iyong niwalan ng kabuluhan Ako, at iyong kinuha ang asawa ni Uria na Hetheo upang maging iyong asawa” (2 Samuel 12:10). Si Haring David ay nagkasala, at pinarusahan siya ng Diyos. Kaya bakit pagkatapos noon ay nalulugod ang Diyos kay David at sinabi na si David ay isang tao na ayon sa Kanyang sariling puso? Nakaramdam ako ng pagkalito ukol dito. Upang malaman ito, maraming beses akong naghanap at nanalangin sa Diyos, at nahanap ko ang maraming mga talata sa Bibliya. Sa pamamagitan ng paghahanap at pakikipagbahagian sa aking mga kapatid, sa wakas natagpuan ko ang sagot.

Tunay na Nagsisi si Haring David sa Diyos

Sa pamamagitan lamang ng pakikipagbahagian sa aking mga kapatid na naiintindihan ko na iyon, nang sinabi ng Diyos na si Haring David ay isang tao na ayon sa Kanyang sariling puso, ibig niyang sabihin na ang kakanyahan ni David ay naaayon sa kalooban ng Diyos. Bagaman nakagawa si David ng isang mapusok na paglabag, nagawa niyang tunay na magsisi. Naitala sa Bibliya na, nang magkasala si Haring David, nanalangin siya sa Diyos, na sinasabi, “Bumalik ka, Oh Jehova, palayain mo ang aking kaluluwa: iligtas Mo ako alangalang sa Iyong kagandahang-loob. … gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha” (Awit 6:4, 6). Dahil sa kanyang kasalanan, naramdaman ni Haring David ang labis na kalungkutan, at araw-araw ay nagsisisi siya at nagkumpisal, nag-ayuno at nanalangin sa harap ng Diyos, at ipinagdasal niya na maging maawain ang Diyos. Ang kanyang mga salita na binigkas sa panalangin, “gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha,” isinama ang lawak ng kanyang pagsisisi at kung gaano niya kinasusuklaman ang kanyang sarili.

Ito rin ay naitala sa Bibliya: “Si David na hari nga ay matanda at totoong magulang na; at kanilang tinakpan siya ng mga kumot, nguni’t siya’y hindi naiinitan. Kaya’t sinabi ng mga lingkod niya sa kaniya, Ihanap ang aking panginoon na hari ng isang dalaga: at patayuin siya sa harap ng hari, at libangin niya siya; at mahiga siya sa iyong sinapupunan, upang ang aking panginoon na hari ay mainitan. Sa gayo’y inihanap nila siya ng isang magandang dalaga sa lahat ng mga hangganan ng Israel, at nasumpungan si Abisag na Sunamita, at dinala sa hari. At ang dalaga ay totoong maganda: at kaniyang nilibang ang hari at nagaalaga sa kaniya; nguni’t hindi siya ginalaw ng hari” (1 Mga Hari 1:1–4). Sa kanyang mga huling taon, si Haring David ay hindi makatulog ng maayos, kaya’t inayos ng kanyang mga lingkod ang isang hindi kapani-paniwalang magandang dalaga upang makatulong na magpainit sa kanyang higaan, ngunit hindi siya hinawakan ni Haring David. Mula rito, makikita natin na, matapos matanto ni David ang kanyang sariling pagsalangsang, siya ay lubos na nagsisi at ganap na nagbago, upang hindi na niya muling gawin ang kaparehong kasalanan. Si David ay hindi ordinaryong Israelita; siya ang Hari ng Israel, nagmamay-ari ng parehong katayuan at kapangyarihan. Sa buong kabuuan ng kanyang buhay, gayunpaman, nagawa niya lamang iyong isang kilos na ang ipinagbabawal na sekswal na relasyon, at siya bilang kung sino siya, sa kanyang posisyon, marahil ay napakahirap para sa kanya na hindi makagawa ng higit pang mga pagkakasala kaysa lamang sa isang ito. Ipinakikita nito na si Haring David ay may pusong may takot sa Diyos. Matapos siya ay maparusahan ng Diyos, hindi na niya muling ipinangahas na tratuhin ang salita ng Diyos ng may pang-aalipusta o gumawa ng anumang bagay na maaaring makasakit sa disposisyon ng Diyos, mas lalo pa na gustuhin niyang magdala ng kahihiyan sa pangalan ng Diyos. Makikita natin mula sa saloobin ni Haring David patungkol sa kanyang pagsalangsang at ang antas ng kanyang pagsisisi na ang kanyang ipinagbabawal na pakikipagtalik kay Bathsheba ay isang panandaliang paglabag. Ang kanyang kakanyahan, gayunpaman, ay tungkol sa isang mabuting tao at, mula noong una hanggang sa kasalukuyan, masasabi na walang hari na kailanman ay lumampas kay David.

Mula sa mga karanasan ni Haring David, nagkaroon ako ng tunay na pag-unawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Magpapahayag man ang Diyos ng poot o awa at kagandahang-loob, ang asal, pag-uugali at saloobin ng tao para sa Diyos na nagmumula sa kalaliman ng kanyang puso ang magdidikta ng kung ano ang ipapahayag sa pamamagitan ng pahayag ng disposisyon ng Diyos” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II”). Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay malinaw at tunay. Nang kunin ni David ang asawa ni Uria at magkaroon ng ipinagbabawal na pakikipagtalik sa kanya, ang parusa ng Diyos ay dumating sa kanya, at ipinakikita nito sa atin na ang Diyos ay matuwid, banal at di-mapagpaparaya sa kasalanan; nang si David ay tunay na nagsisi sa kanyang mga gawa, ang Diyos ay nahabag sa kanya at nagpakita sa kanya ng pagka-maawain, at ang Diyos ay patuloy na ginabayan siya at sumasa-kanya.

Sa paghahambing ng aking sarili kay Haring David, napahiya ako. Nagawa lamang ni Haring David ang isang pagkaka-mali at pagkatapos ay nakapagsisisi sa gayong nakakabagbag-damdaming paraan. Bukod dito, hindi na siya muling gumawa ng kaparehong pagkakamali hangga’t nabubuhay siya. Naisip ko ang aking sarili, gayunpaman, at kung paano ako naniniwala sa Panginoon nang maraming taon at namuhay ako sa isang palagiang estado ng pagkakasala: Hindi ko tinalikuran ang mga bagay, ginugol ko ang aking sarili at nag-pagod at nagtrabaho ng mabuti para sa aking pag-ibig sa Panginoon o upang masiyahan ang Panginoon, ngunit sa halip ay ginawa ko ang lahat upang makakuha ng mga pagpapala at makapasok sa langit—lahat ay aking pakikipag-kasundo sa Diyos. Kapag nagtatrabaho ako at nangaral, madalas kong sinasabi kung gaano akong naghirap, gaano ako ka-abala at kung ano-ano ang nagawa ko, lahat upang ang aking mga katrabaho at ang aking mga kapatid ay igagalang ako at tingalain ako, ngunit walang lugar para sa Diyos sa kanilang puso. Tuwing tinatalakay ko ang gawaing pang-iglesia sa aking mga katrabaho, lagi kong nais na tanggapin nila ang aking mga pananaw at, kung hindi nila gagawin, nagiging mainit ang aking ulo at makikipagtalo sa kanila. Minsan, upang mapanatili ang aking prestihiyo at posisyon, nagsasabi ako ng mga kasinungalingan at niloloko ang ibang tao. Minsan, nang makita ko ang aking mga katrabaho na nagbibigay ng mas mahusay na mga sermon kaysa sa akin, at ang lahat ng mga kapatid ay nais makinig na makinig sa kanila, nakararamdam ako ng inggit sa aking puso, ang hinanakit ay ilalantad ang pangit na ulo nito, at manghuhusga pa ako, magpapahiya at subukang ibukod ang mga ito. Ilan lamang ang mga ito na halimbawa ng aking pag-uugali sa panahon ng aking paniniwala sa Panginoon. Matapos makagawa ng pagkakasala, nagdarasal ako sa Panginoon at nais na magsisi, at kung minsan ay kinapopootan ko pa ang aking sarili at umiiyak ng mapait na luha. Ngunit sa tuwing nakatatagpo ako ng katulad na sitwasyon muli, hindi ko mapigilan ang aking sarili na magkasala ulit at maghimagsik laban sa Diyos; Nabuhay ako sa loob ng isang mabisyo na siklo ng pagkakasala at pagtatapat na hindi ko matakasan. Ngayon, napagtanto ko na ang aking pagsisisi ay mga salita lamang, at hindi ito katulad ng pagsisisi ni Haring David. Sapagkat si David ay may paggalang at may takot sa Diyos, nagawa niyang tunay na mapoot sa kanyang sarili mula sa kailaliman ng kanyang puso, at ginamit niya ang kanyang buhay na katotohanan upang patunayan ang kanyang pagsisisi. Tila kung, kung hindi ako nagtataglay ng isang puso na taimtim na hinahangad ang Diyos, kung gayon hindi ko magagawang tunay na magsisi sa Kanya at sa gayon nga’y napakahirap para sa akin na makuha ang Kanyang papuri. Ang tunay na pagsisisi ni Haring David ay tiyak na isang bagay na dapat kong tularan.

Ang Buong-Buhay na Hinahangad ni Haring David ay Bumuo ng Templo para sa Diyos

Ang mga salitang binigkas ni Haring David sa mga tao ay nakatala sa Bibliya: “Ang gawain ay malaki; sapagka’t ang templo ay hindi ukol sa tao, kundi para kay Jehova na Dios. Akin ngang ipinaghanda ng aking buong kaya ang bahay ng aking Dios, ng ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at ng pilak na ukol sa mga bagay na pilak, at ng tanso na ukol sa mga bagay na tanso, ng bakal na ukol sa mga bagay na bakal, at ng kahoy na ukol sa mga bagay na kahoy; ng mga batong onix, at mga batong pangkalupkop, ng mga batong panggayak, at may sarisaring kulay, at ng lahat na sarisaring mahalagang bato, at ng mga batong marmol na sagana. Bukod din naman dito, sapagka’t aking inilagak ang aking loob sa bahay ng aking Dios, na yamang may tinatangkilik ako na aking sariling ginto at pilak, ay aking ibinibigay sa bahay ng aking Dios, bukod sa lahat na aking inihanda na ukol sa banal na bahay” (1 Paralipomeno 29:1–3). Pinuri ni David si Jehova sa harap ng bayan, na sinasabing, “Purihin ka, Oh Jehova, na Dios ng Israel na aking Ama, magpakailan kailan man” (1 Paralipomeno 29:10). Nariyan din ang awit na isinulat ni David, na nagsasabing: “Sapagka’t napuspos ako ng sikap sa iyong bahay; at ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin” (Awit 69:9).

Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain ng Diyos sa lupa ay ginawa upang magawa na madala ang tao sa harap Niya at sambahin Siya. Si Haring David ay ang pinaka-nakaunawa sa puso ng Diyos at na higit na umaalala sa Kanyang kalooban. Ang buong-buhay na pagnanais ni Haring David ay ang pagtatayo ng isang templo para kay Jehova, upang ang mga tao ay makalapit sa harap ng Diyos at sambahin Siya, at hindi na makagawa ng kasalanan sa pamamagitan ng pagsamba kay Satanas o mga idolo. Si Haring David ay may puso na parehong may takot at pagmamahal sa Diyos; inaalala niya ang kalooban ng Diyos, at nagawa niyang ituring bilang kagyat ang anumang itinuring ng Diyos bilang kagyat at nag-iisip tulad ng iniisip ng Diyos. Nagawa rin niyang magbayad ng totoong halaga at tapat sa Diyos. Mula sa mga Banal na Kasulatan, makikita natin na inilagay ni Haring David ang buong puso at lakas sa paghahanda ng lahat ng kailangan para sa pagtatayo ng templo, at inaalok niya ang lahat ng kayamanan na naipon niya. Bagaman hindi kailanman naitayo ni Haring David ang templong ito sa kanyang sariling buong-buhay, hinikayat niya ang kanyang anak na si Solomon na magpatuloy at makamit ang kanyang pangarap na hindi natanto habang siya ay nabubuhay, at ang templo ay naitayo sa wakas.

Paano hindi malulugod ang Diyos kay Haring David, isang tao na labis na nagmamalasakit sa kalooban ng Diyos at may isang lugar para sa Diyos sa kanyang puso? Kunin ang isang napaka-makatwirang bata na nakikita ang kanyang mga magulang na nagtatrabaho nang husto, bilang halimbawa. Sa kanyang puso iniisip niya: “Ano ang magagawa ko para sa aking mga magulang upang mapagaan ang kanilang pasanin?” Nang may ganitong isipin sa kanyang ulo, nagsisimula siyang gawin ang lahat ng hanggang sa abot ng kanyang makakayang gawin. At kapag nakita ng kanyang mga magulang na ang kanilang anak na lalaki ay nakapagpapakita ng pag-unawa at pagsasaalang-alang para sa kanila, at ginagawa niya ang inisyatiba upang balikatin ang ilan sa kanilang pasanin, tiyak na masisiyahan sila. Sa katulad na paraan, inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging mapagmalasakit sa Kanyang kalooban, magsagawa ng Kanyang mga komisyon at italaga ang ating lahat para sa kapakanan ng Kanyang gawain. Si Haring David ay tulad ng isang tao na ganito.

Salamat sa Diyos! Sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa aking mga kapatid, natagpuan ko ang ilang mga landas sa pagsasanay. Tahimik akong gumawa ng isang resolusyon: “Tiyak na tutularan ko si Haring David at maging isang taong may takot sa Diyos, at hindi sasadyaing gumawa ng anumang kasalanan o gumawa ng anumang bagay na lumalaban o humihiya sa Diyos; kapag ang aking mga aksyon ay hindi ayon sa puso ng Diyos, dapat kong bigyang pansin ang aking sariling mga pagkakasala, tunay na lumapit sa Diyos at magsisi, at ipagtapat ang aking mga kasalanan sa Diyos. Dapat din akong tumuon sa paghahanap ng landas ng pagsisisi at pagbabago, at gamitin ang aking buhay na katotohanan upang luwalhatiin ang Diyos at magpatotoo sa Diyos. Bukod dito, kailangan kong magkaroon ng tamang layunin na ipursige ang aking pananalig sa Diyos, dahil dito dapat kong ituwid ang aking sariling mga motibo, maging may malasakit sa kalooban ng Diyos at maipangaral ang ebanghelyo ng Diyos, upang mas maraming tao ang madadala sa harap ng Diyos.” Bukod dito, sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pakikipagbahagian, nalaman ko na ang Diyos ay tumitimbang at sinusuri ang isang tao depende kung ang kanilang kakanyahan ay tulad ng sa isang mabuting tao, kung tunay na naramdaman ba talaga nila ang pagsisisi at tunay na nagsisisi tuwing nakagagawa sila ng isang pagsalangsang, at maging isang taong may malasakit sa Diyos at maaaring mahalin ang Diyos. Tayo, gayunman, nakikita lamang natin ang mga panlabas na pag-uugali at pagpapahayag ng mga tao, at hindi natin nakikita ang kanilang kakanyahan. Ibinabase natin ang ating mga pagsusuri at paghuhusga ng mga tao sa ating sariling mga maling akala at mga haka-haka, at ang aking sariling pananaw sa mga bagay ay naging napakahibang! Ang sinumang kinalulugdan ng Diyos at kung sinuman ang Kanyang kinasusuklaman, ang kalooban ng Diyos ay nasa likuran nito. Sa tuwing makatagpo ako muli ng ganitong uri ng isyu sa hinaharap, dapat magkaroon ako ng pusong may takot sa Diyos, dapat hanapin ko ang kalooban ng Diyos ng higit, maunawaan kung ano ang hinihiling sa atin ng Diyos at dapat hinahangad kong matugunan ang mga kinakailangan ng Diyos sa buo kong lakas! Salamat sa pagliliwanag at gabay ng Diyos!

——————————————————————

Sa pamamagitan ng pag aaral ng biblia, maaari nating malaman ang higit pang mga hiwaga ng pagbabalik ng Panginoon, halimbawa, kung sa anong paraan darating ang Panginoon at kung paano natin masasalubong ang Panginoon upang makatagpo natin ang Panginoon sa lalong madaling panahon.


Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos

2020-06-14 10:37:54 | Mga Pagbasa


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao” Ang nilalaman ng video na ito:
Ang Tunay na Pagsisisi sa Puso ng mga Taga-Ninive ang Nagdulot sa Kanila ng Awa ng Diyos at Nagpabago sa Kanilang Sariling Kahihinatnan
Ang Awa at Pagpaparaya ng Diyos ay Hindi Bihira—Ang Totoong Pagsisisi ng Tao ang Ganoon

Ang Matuwid na Disposisyon ng Manlilikha ay Tunay at Malinaw
Ang Tapat na Damdamin ng Manlilikha sa Sangkatauhan
Ipinapahayag ng Manlilikha ang Kanyang Tunay na Nararamdaman sa Sangkatauhan

——————————————————————————

Gumagawa tayo ng mga panalangin ng pagsisisi sa kumpisal ng may luha, nguni madalas pa rin tayong nagkakasala. Ito ba ay tunay na pagsisisi sa Diyos?