Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Isang Pagtitipon ang Nagbigay sa Akin ng Bagong Pagkaunawa sa Biblia

7290-01-01 00:00:00 | Mga Patotoo
 
Ni Cai Hong, Malaysia

Ang Aking Espiritu ay Nanlupaypay sa Kadiliman, ngunit Nagkataon na Natagpuan Ko ang Isang Natatanging Klase ng Pag-aaral ng Biblia
“Inay, inay, bakit natutulog ka na naman?”

Nang gisingin ako ng aking anak, napagtanto ko na nakatulog na naman ako sa panahon ng mga pananalangin, at nakonsensya ako nang husto. Tinapik ko ang aking mga hita na namanhid sa pagluhod nang matagal, tumayo, at naglakad papunta sa bintana. Habang nakatunghay ako sa maaliwalas, maliwanag na buwan sa panggabing kalawakan, hindi ko maiwasang balikan ang mga alaala ng lumipas.

Nagsimula akong maniwala sa Panginoon nang ako ay bata, at ito ay 35 taon sa ngayon. Dahil sa pagkawili sa Biblia, ako ay naging tagapangasiwa para sa Asosasyon ng mga Kabataang Kristiyano ng aking iglesia, isa rin akong guro sa Panlinggong Paaralan, at palagi kong pinaglilingkuran ang Panginoon nang masigasig. Sa loob ng ilang taon, gayunpaman, dama ko na ang aking espiritu ay lalong naging tigang, hindi ko itinuturing ang Biblia bilang nagbibigay-liwanag, hindi ako magkaroon ng sapat na lakas kapag inaakay ang mga kapatid sa pag-aaral ng Biblia. Nasasabik ako na tustusan ako ng pastor ng kanyang mga sermon, ngunit palagi niyang ipinangangaral ang mga dating bagay nang walang anumang liwanag o anupaman. Hindi ako nasisiyahan sa aking narinig, at ang aking espiritu ay hindi natutustusan. Karamihan sa mananamplataya na dumating upang dinggin ang kanyang mga sermon ay nagsasagawa lamang ng relihiyosong seromya at nakikisabay lang sa nakararami. Wala halos ni isa mang sumasamba sa Diyos sa espiritu at sa katotohanan, at ang sitwasyon sa loob ng iglesia ay lumala nang lumala. Sa harap ng ganitong mga pangyayari, nagpatuloy ako sa pag-aaral ng Biblia na umaasa na makahanap ng landas upang mapanumbalik ang aking pananampalataya, ngunit nabigo pa rin ako. Sa panahong iyon, madalas kong isipin, “Ang aking espiritu ngayon ay nalugmok at nakakatulog pa ako sa panahon ng mga pananalangin. Mananampalataya pa rin ba ako ng Panginoon? Tatalikuran ba ako ng Panginoon?” Masyadong naligalig ang loob ko, at ang magagawa ko lang ay ang patuloy na tawagin ang Panginoon, hinihiling na gabayan Niya ako.
 
Isang araw noong Setyembre 2017, nakilala ko ang Kapatid na Wang at, pagkatapos, madalas naming talakayin ang aming pagkaunawa sa Mga Banal na Kasulatan. Ang kapatid na Wang ay mayroong dalisay na pagklaunawa ng Mga Banal na Kasulatan at nagbabahagi siya sa isang napakaliwanag na paraan. Nilutas niya ang maraming mga usapin na dati ay bumagabag sa akin, at kapag ako ay nakikinig sa kanya, dama ko na ang aking puso ay puno ng liwanag. Upang lalo pa akong mas makaunawa, ako ay nagkusa at hiniling na maanyayahan sa kanilang pag-aaral ng Biblia sa online. Sa loob ng mahigit sa isang buwan ng mga palitan sa online, nadama ng espiritu ko ang natustusan nang husto at naunawaan ko ang marami tungkol sa mga hula sa Biblia at sa kalooban ng Panginoon. Pinadalhan din nila ako ng ilang salita na parang bukal ng sariwang tubig na bumubuhos sa aking puso at dinidiligan ang aking tigang na espiritu; kinasabikan ko ang aming mga pagtitipon.
 
Mayroon pa bang Anumang Iba pang mga Bagong Pagbigkas Bukod Doon sa nasa Biblia?
 
Isang araw, nagsalang ang mga kapatid ng isang video para sa akin, sa kalagitnaan, napagtanto ko na ang lahat ng mga artista sa video ay humahawak ng libro. Ang libro ay hindi ang Biblia, gayunpaman, at wala akong magawa kundi ang mabigla. Naisip ko, “Bakit wala silang hawak na Biblia? Dapat basahin ng mga Kristiyano na naniniwala sa Panginoon ang Biblia sapagkat walang anumang mga salita maliban sa mga naroroon sa Biblia. Kung hindi nila binabasa ang Biblia, mangangahulugan ba iyon na sila ay naligaw?” Kaagad-agad, ang aking puso ay napuno ng mga pag-aalinlangan ngunit para hindi sila mapahiya, hindi na ako tumutol. Pagkatapos magwakas ng aming pagtitipon sa online nagpadala ako ng mensahe kay Kapatid na Wang na sinasabi sa kanya ang aking mga pag-aalinlangan, at nagpasya ako na hindi na ako dadalong muli sa pag-aaral na ito ng Biblia.
 
Sumagot ang Kapatid na Wang, na nagsasabi, “Kapatid, ang aklat na ito ay ang Ang Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian—Ang Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao. Wala itong nilalaman maliban sa mga bagong pagbigkas na ipinahayag ni Cristo ng mga huling araw, Makapangyarihang Diyos, at ‘ito ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia’ na hinulaan sa Pahayag. Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay nagpakita at tinupad ang Kanyang gawain, nagpahayag Siya ng milyong mga salita at inihayag Niya ang hiwaga ng anim na libong taon ng plano sa pamamahala ng Diyos gayundin ang maraming mga katotohanan na nasa loob ng Biblia. Ang mga katotohanang ito ay mga bagay na hindi natin kailanman naunawaan sa loob ng lahat ng mga taon ng ating paniniwala sa Panginoon.” Nang mabasa ko ang mensahe ng Kapatid na Wang, ako ay nalito nang husto, at naisip, “naniwala ako sa Panginoon sa loob ng 35 taon at wala akong narinig kailanman na mayroong mga salita ng Diyos maliban sa mga nasa Biblia. Gayunma’y sinasabi nila na ang aklat na ito, Ang Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao, ay walang anumang nilalaman maliban sa mga bagong pagbigkas ng Diyos. Paano nangyari ito?
 
Tamang-tama naman, nagpadala ang Kapatid na Wang ng isa pang mensahe, na nagsasabi, “Kapatid, inaabangan na namin ang pagbabalik ng Panginoon sa loob ng 30 taon, at ngayon ang Panginoong Jesus ay talagang nagbalik bilang ang Makapangyarihang Diyos. Sinasabi Niya ngayon ang kanyang mga salita sa buong mundo, kaya hindi ba tayo dapat maghanap at magsiyasat sa ganitong paraan? Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya’ (Mateo 25:6). Umaasa ang Panginoon na kapag nabalitaan natin ang Kanyang pagdating, magiging kagaya tayo ng matatalinong dalaga at aktibong hanapin Siya sapagkat sa paggawa lamang nito natin matatanggap ang Panginoon. Kapag nabalitaan natin ang pagbabalik ng Panginoon ngunit tumangging suriin ito sapagkat hindi umaayon sa sarili nating mga pagkaunawa, kung gayon malamang na mawawalan tayo ng pagkakataon na matanggap ang pagbabalik ng Panginoon, at hindi ba natin kung gayon mawawala ang pagliligtas ng Panginoon?”
 
Ginising ako ng mga salita ng kapatid, at naisip ko, “Oo! Naniwala ako sa Diyos sa loob ng napakaraming taon, at hindi ko pa nahihintay ang pagbabalik ng Panginoon sa panahong ito? Ngayong may nagpapatotoo na na ang Panginoon ay nagbalik at na muli Niyang sinasabi ang Kanyang mga salita, kaya tiyak na dapat ko munang pakinggan at siyasatin ito. Sa paggawa lamang nito ko matatanggap ang Panginoon!
 
Pagkatapos, muling nagpadala ng isa pang mensahe ang Kapatid na Wang, na nagsasabi, “Sa Juan 16:12-3, sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating’ Hinulaan din sa Pahayag sa magkakaibang lugar na ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia’ (Pahayag 2:29). Mula rito, makikita natin na, kapag ang Panginoonay nagbalik, magsasabi Siya ng bagong mga salita at sasabihin sa atin ang lahat ng mga katotohanan ay mga hiwaga na hindi pa natin kailanman naunawaan noong una. Ang mga katotohanang ito ay hindi nakatala sa Biblia—ang mga ito ay isasakatuparan at tutuparin pa lang sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw. Kung naniniwala tayo na hindi na magkakaroon ng mga salita at mga gawain ng Diyos maliban sa mga nasa Biblia, paano kung gayon matutupad ang mga hulang ito? Bakit ang mga pagbigkas ng Diyos sa mga huling araw ay lilitaw kaagad sa Biblia? Kung gayon, kung gusto nating tanggapin ang Panginoon, kung gayon dapat nating kalimutan ang ating sariling pagkaunawa at una sa lahat ay basahin ang mga pagbigkas ng Diyos na nagbalik sa mga huling araw, pakinggang mabuti ang tinig Diyos. Kung patuloy tayong nananalig sa Biblia at hindi tayo nakikinig sa sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, kung gayon malamang na mawawala natin ang ating pagkakataon na tanggapin ang Panginoon!”
 
Pagkabasa sa mensaheng ito, bigla kong nadama na ang pagkaunawa ay nagliwanag sa akin, at naisip ko, “Ah, nabasa ko na ang mga talatang ito nang maraming beses noong una, kaya bakit hindi ko kailanman nalaman ang kalooban ng Diyos? Sa pagsasabing ‘Ang may pakinig, ay makinig’ hindi ba nakikiusap ang Panginoon sa atin? Kapag nagbalik ang Panginoon, sasabihin Niya ang Kanyang mga salita sa atin, at sa pagtutuon lamang ng pansin sa pakikinig sa tinig ng Diyos batin matatanggap ang Panginoon at masusundan ang Kanyang mga hakbang!” Iniisip ito, kaagad kong hiniling sa Kapatid na Wang na padalhan pa niya ako ng mas maraming mga salita ng Makapangyarihang Diyos.
 
Sa gayon ay nagpadala ang Kapatid na Wang ng maraming mga kabanata ng mga salita na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, kabilang ang “Dapat Mong Malaman Kung Paano Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw” at “Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos” Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa sa gawain ng Diyos, nalaman ko ang pinagmulan ng pagiging hamak ng sangkatauhan, kung paano pinasasama ni Satanas ang tao at kung paano gumagawa ang Diyos upang iligtas ang sangkatauhan. Naunawaan ko rin na palagi nating nililimitahan ang gawain ng Diyos sa pananangan sa atin sariling mga pagkaunawa at mga kathang-isip, at na ito tayo na umaasal sa isang paraan na sumasalangsang sa Diyos. Habang binabasa ko ang mga salita ng Diyos, lalong nagliliwanag ang aking puso, at nadama ko na ang mga salita ng Diyos ay nagtataglay ng awtoridad at ng kapangyarihanm na parang ang mga ito talaga ang tinig ng Diyos, at nagpasya akong patuloy na siyasatin ito.
 
Ang Aking Pag-aalinlangan ay Napawi, at Nakarating Ako sa Isang Bagong Pagkaunawa sa Biblia
 
Sa sumunod naming pagtitipon, sinabi ko sa mga kapatid ang ukol sa aking pag-aalinlangan: Kapatid na Lin, Kapatid na Wang, sinasabi ninyo na tinutupad ng Diyos ang bagong gawain at nagpapahayag ng bagong mga salita. Ngunit magmula nang ako ay bata pa, naririnig ko ang aming pastor na nagsasabi na ang lahat ng mga salita ng Diyos ay matatagpuan sa loob ng Biblia at na ang mga Kristiyano ay hindi makahihiwalay sa Biblia sa kanilang paniniwala sa Diyos, sapagkat ang paggawa ng gayon ay mangangahulugan ng paglayo sa tunay na daan. Gusto kong malaman kung ano ang inyong opinyon sa usaping ito, kaya iniisip ko kung maibabahagi ninyo sa akin ang tungkol dito?” Ang kapatid na Lin sa gayon ay nagbahagi, na sinasabi, “Kapatid, sumasang-ayon kami sa mga pastor at sa mga nakatatanda ng relihiyosong mundo na ang lahat ng mga gawain at nga salita ng Diyos ay nasa loob ng Biblia at ang humiwalay mula sa Biblia ay paglayo sa tunay na daan. Ito ay isang paniniwala na pinanghawakan ng kabuuan ng relihiyosong mundo, subalit ang pananaw bang ito ay naaayon sa mga katunayan? Naayon ba ito sa mga salita ng Diyos? Ang Panginoong Jesus ay hindi kailanman nagsabi ng gayon at hindi kailanman sinabi ng Banal na Espiritu ang ganitong mga salita, kaya ano ang pinagbabatayan ng pananaw na ito? Hindi ba ito nagmumula sa ating sariling mga pagkaunawa at kathang-isip? Kagaya ng nalalaman nating lahat, ang Biblia ay isang tala lamang ng dalawang nagdaang mga yugto ng gawain ng Diyos at ito ay isang tala ng mga salita at gawain ng Diyos batay sa mga alaala ng ilang tagasunod ng Diyos sa sandaling natapos ng Diyos ang Kanyang gawain; masasabi ba natin, na naitala talaga ng mga taong ito ang lahat? Gayundin, nang ang Biblia ay isinasaayos, nagtalo ang mga patnugot at may mga nalaktawan, iyon ang dahilan kumbakit may isang bahagi ng mga salita ng Diyos na sinabi ang mga propeta na hindi naitala sa Lumang Tipan, bagkus ay pinagsama-sama sa mga aklat na deuterocanonico. Nangangahulugan ba ito na ang mga hula ng mga propeta na nilaktawan ay hindi mga salita ng Diyos? Malinaw na sinasabi sa Ebanghelyo ni Juan, 21:20 na, ‘At mayroon ding iba’t ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin.’ Ang Panginoong Jesus ay gumawa sa loob ng tatlo at kalahating taon, at pinangunahan Niya ang Kanyang mga disipulo upang mangaral at gumawa saanman sila magpunta, kaya ilan salita kaya ang Kanyang nasabi sa panahong iyon? Ilang gawain kaya ang Kanyang nagawa? Masasabi kung gayon na marami sa mga gawain at mga salita ng Panginoong Jesus na hindi naitala sa Biblia—ang mga salita ng Panginoong Jesus na naitala sa Biblia ay kakaunti lamang! Kaya paano masasabi ng mga pastor at ng mga nakatatanda sa relihiyosong mundo na ang lahat ng mga salita at mga gawain ng Diyos ay naitala sa Biblia? Hindi ba sumasalungat ang pagsasabi ng gayon sa mga katunayan? Kung paniniwalaan natin ang sinasabi ng mga pastor at ng mga nakatatanda, hindi ba natin kung gayon itatatwa ang mga salitang sinabi ng mga propeta na matatagpuan sa labas ng Biblia? Bukod rito, nang dumating ang Panginoong Jesus upang tuparin ang Kanyang gawain noong una, ang bagong Tipan ay hindi pa umiiral at ang daang ipinahayag ni Jesus na, ‘Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit’ (Mateo 4:17), ay hindi rin naitala sa Lumang Tipan. Masasabi kung gayon na ang mga salita at mga gawain ng Panginoong Jesus ay lumampas sa Biblia sa panahong iyon. Kaya, ang pagsasabi ng relihiyosong mundo na may pagkondena na anumang lumalampas sa Biblia ay paghiwalay mula sa tunay na daan, hindi rin ba nila kinokondena ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus?”
 
Sa pagsasabi nito, ipinadala ng Kapatid na Lin ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang lahat ng naitala sa loob ng Biblia ay limitado at hindi kayang kumatawan sa lahat ng gawain ng Diyos. Ang Apat na Ebanghelyo sa kabuuan ay may mas kaunti sa isang daang mga kabanata na kung saan ay nakasulat ang takdang bilang ng mga pangyayari, tulad ng pagsumpa ni Jesus sa puno ng igos, tatlong pagtanggi ni Pedro sa Panginoon, paglitaw ni Jesus sa mga alagad kasunod ng Kanyang pagkapako sa krus at muling pagkabuhay, pagtuturo tungkol sa pag-aayuno, pagtuturo tungkol sa panalangin, pagtuturo tungkol sa diborsiyo, ang kapanganakan at talaangkanan ni Jesus, paghirang ni Jesus sa mga alagad, at iba pa. Subali’t, pinahahalagahan ang mga ito ng tao bilang mga kayamanan, at pinatototohanan pa ang gawain sa ngayon laban sa kanila. Naniniwala pa nga sila na gumawa lamang nang gayon karami si Jesus sa panahon pagkatapos ng Kanyang kapanganakan. Parang naniniwala sila na gayon lamang karami ang kayang gawin ng Diyos, na wala nang maaaring karagdagang gawain. Hindi ba ito katawa-tawa?” (Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao)
 
Nagbigay pagkatapos ang Kapatid na Lin ng pagbabahagi, na sinasabi, “Ang nilalaman na nakatala sa Biblia ay talagang limitado. Ang itinala lamang ng Lumang Tipan ay isang bahagi ng gawain ng Diyos na si Jehovah, at ang itinala lamang ng Bagong Tipan ay isang bahagi ng gawain ng Panginoobng Jesus. Tungkol naman sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, ang Biblia ay naglalaman lang ng ilang hula tungkol dito at walang detalyadong tala na matatagpuan. Sa bawat Kapanahunan, ginagawa lamang ng Diyos ang gawain ng kapanahunang iyon at hindi tinutupad ang susunod na gawain nang patiuna, iyon ang dahilan kumbakit hindi kaagad-agad sinasabi ng Diyos sa atin ang tungkol sa Kanyang susunod na yugto ng gawain. Gaya halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, ang tao ay tinuruan lamang ng Diyos na si Jehovah na panatilihin ang mga utos at mga kautusan at iniutos Niya sa tao na sambahin ang Diyos. Hindi Niya ipinagpaunang sinabi sa mga tao sa panahong iyon ang tungkol sa gawain na Kanyang gagawin sa Kapanahunan ng Biyaya. Gayundin naman, ang Panginoong Jesus ay nagbalik na ngayon sa mga huling araw at, sa saligan ng gawain ng pagtubos ng Kapanahunan ng Biyaya, ipinahahayag Niya ang Kanyang mga salita, tinutupad ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, hinahatulan at nililinis ang ating masasamang disposisyon, at tinutulutan Niya tayong ganap na itakwil ang mga gapos ng kasalanan at linisin at iligtas ng Diyos. Ang mga detalye ng gawaing ito ay hindi maaaring naipagpaunang naitala sa mga pahina ng Biblia. Kung gayon, ang sinabi ng mga pastor at ng mga nakatatanda sa relihiyosong mundo, na “Ang lahat ng mga salita at gawain ng Diyos ay nasa Biblia, at ang lumayo mula sa Biblia ay ang humiwalay mula sa tunay na daan,” ay ganap na sumasalangsang sa mga katunayan ng gawain ng Diyos; galing ito sa mga pagkaunawa at mga kathang-isip ng tao, at ito ay isang kasinungalingan, isang kakaibang teorya, na ang nilalayon ay ang linlangin ang mga tao.”
 
Lubos akong nakumbinsi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ng pagbabahagi ng kapatid, at hindi ito mapasisinungalingan. Hindi ko maiwasang mag-isip, “Oo naman, sinasaklaw ng Diyos ang lahat ng mga bagay at ang Kanyang karunungan ay puspos at sagana, kaya papaanong ang Kanyang mga salita at mga gawa ay iyon lamang nasa Biblia? May karapatan ang Diyos na lumampas sa Biblia upang tuparin ang kanyang gawain, kaya ang ating dating pagkaunawa ay tiyak na mali!”
 
Ang kapatid na Wang ay nagpadala pagkatapos ng isang talata mula sa Biblia: “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40) Sa gayon ay sinabi niya, “Ang Biblia ay isa lamang makasaysayang tala at isang patotoo sa dalawang naunang nga yugto ng gawain ng Diyos. Ang Biblia ay hindi nagtataglay ng buhay na walang hanggan, ni ito ng pinagmumulan ng buhay. Sa paniniwala sa Biblia, hindi natin kailanman makakamtan ang katotohanan o buhay, ni matatamo natin ang gawain ng Banal na Espiritu, lalong mas hindi makakamit ang tunay na kaligtasan. Ang Diyos lamang ang katotohanan, ang daan at ang buhay at Siya lamang ang pinagmumulan ng ating mga buhay; kung gusto nating makamtan ang katotohanan at buhay sa ating paniniwala sa Diyos, dapat tayo kung gayon lumapit sa Diyos, tanggapin at sundin ang kasalukuyang gawain at mga salita ng Diyos at sundang mabuti ang mga hakbang ng Kordero, sapagkat sa gayon lamang natin makakamit ang pagliligtas ng Diyos.”
 
Pagkarinig sa pagbabahagi ng Kapatid na Wang, bigla kong nakita ang liwanag, at naisip ko, “Kapag binabasa ko ang talatang ito noong una, nauunawaan ko lang na ang Biblia ay nagsilbi bilang isang patotoo para sa Diyos at naniwala ako na kailangang mapanatili ng isang tao ang Biblia sa kanyang pananampalataya sa Diyos, ngunit hindi ko napansin ang katunayan na ang Diyos ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Ngayon ko lang nauunawaan na ang Biblia ay isang patotoo lamang sa nagdaang gawain ng Diyos at na hindi nito makakatawan ang Diyos, ni nagtataglay ito ng buhay sa gitna nito. Kung gusto kong magkamit ng katotohanan at ng buhay, kung gayon kailangan kong sundang mabuti ang mga hakbang ng Diyos, sapagkat sa gayon ko lamang tatamuhin ang pagliligtas ng Diyos. Oh, kapag iniisip ko ang aking pakikitungo sa bagong gawain ng Diyos, nang wala ni kapiraso ng isang naghahanap na puso, nananalig sa aking sariling mga pagkaunawa at itinatakwil ang gawain ng Diyos, nakikita ko ngayon kung gaano ako naging kabulag at kamangmang. Kung patuloy akong magmamatigas sa pananalig sa Biblia, hindi ko ba kung gayon itatakwil ang pagliligtas ng Diyos? Dapat kong siyasating masikap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.”
 
Nauunawan Ko ang Gawain ng Diyos at Tinatanggap Nang May Kagalakan ang Pagbabalik ng Panginoon
 
Pagkatapos, ipinakita sa amin ng Kapatid na Lin ang isang pelikula ng ebanghelyo na tinatawag na, Ang Paglabas ng Biblia, ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos at ang pagbabahagi ng isang kapatid na babae sa pelikula ang nag-akay sa akin. Sinasabi ng salita ng Diyos, “Yamang may bagong mga pagbigkas, at mas bagong gawa, bakit mamumuhay sa gitna ng lumang makasaysayang mga talaan? Ang mga bagong pagbigkas ay maaaring makapaglaan sa inyo, na nagpapatunay na ito ang bagong gawa; ang mga lumang talaan ay hindi magagawang pagsawain ka, o tutugon sa iyong kasalukuyang pangangailangan, na nagpapatunay na kasaysayan ang mga ito, at hindi gawa ng dito at ngayon. Ang pinakamataas na paraan ay ang pinakabagong gawa, at sa bagong gawa, kahit gaano pa kataas ang daan ng nakaraan, ito pa rin ay kasaysayan ng mga pagninilay ng mga tao, at kahit gaano pa ang halaga nito bilang sanggunian, ito pa rin ay lumang landas. Kahit na ito ay naitala sa “banal na aklat,” ang lumang landas ay kasaysayan; kahit na walang nakatala nito sa “banal na aklat,” ang bagong landas ay ang dito at ngayon. Ang ganitong paraan ang maaaring magligtas sa iyo, at maaari kang mabago ng ganitong paraan, dahil ito ay gawa ng Banal na Espiritu” (“Tungkol sa Biblia (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao). “Ang pagbanggit ngayon sa mga bagay na nakalipas ay gumagawa sa mga ito na kasaysayan, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi nagpapatungkol sa kasalukuyan. Sapagka’t ang Diyos ay hindi lumilingon sa kasaysayan! At kaya, kung iyo lamang nauunawaan ang Biblia, at walang naiintindihan sa gawain na nilalayong gawin ngayon ng Diyos, at kung naniniwala ka sa Diyos nguni’t hindi hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ay hindi mo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng hanapin ang Diyos. Kung binabasa mo ang Biblia upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga kalangitan at kalupaan, kung gayon ay hindi ka naniniwala sa Diyos. Nguni’t ngayon, dahil naniniwala ka sa Diyos, at hinahabol ang buhay, dahil hinahabol mo ang pagkakilala sa Diyos, at hindi hinahabol ang mga walang-buhay na titik at doktrina, o ang pagkaunawa ng kasaysayan, dapat mong hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon, at dapat mong hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang arkeologo maaari mong mabasa ang Biblia—nguni’t ikaw ay hindi, ikaw ang isa sa mga yaon na naniniwala sa Diyos, at pinakamainam na hanapin mo ang kalooban ng Diyos sa ngayon” (“Tungkol sa Biblia (4) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao).
 
Ibinahagi ng isang kapatid na babae sa pelikula, “kahit na ang Kanyang mga gawain sa huling araw ay inihula lang sa Bibliya, at walang aktwal na tala nito, naka-base pa rin ito sa aktwal na pangangailangan ng tao, At ang gawaing ito ay mas pinatayog at pinalalim base sa Bibliya. Tulad na lang ng dumating ang Panginoong Hesus, kahit hindi siya gumawa ng naaayon sa Lumang Tipan, gumawa Siya ayon sa pangangailangan ng sangkatauhan at naaayon sa sariling plano ng Diyos. Natapos Niya ang yugto ng gawain ng pagtubos, ayon sa pundasyon ng gawain ng kautusan, ibig sabihin, natapos Niya ang isang bago at matayog na yugto ng gawain sa pundasyon ng Lumang Tipan. Sa yugtong iyon, hindi Niya pinawalang-bisa ang lumang kautusan, kundi pinerpekto ito. at pati na rin sa mga huling araw ngayon, gumagawa ang Diyos ng mas matayog na gawain, sa pundasyon ng pagtubos ng Panginoong Hesus, base sa kung anong pangangailangan ng sangkatauhan, ayon sa plano, ng pamamahala ng ating Diyos, bumibigkas ng maraming salita na kayang luminis at magligtas sa sangkatauhan. Isinisiwalat Niya rin ang lahat ng misteryo ng plano ng pamamahala ng Diyos. Ito ang mga bagay na hindi kailanman sinabi ng Diyos sa Panahon ng Kautusan at Biyaya. Ito rin ang balumbon. ang pitong selyo na bubuksan ng- Diyos sa huling mga araw. Ito ang tutupad sa hula sa Aklat ng Pahayag: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:17) Nasusulat din ito sa Pahayag 5:1-5: ‘At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak. At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig, Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito? At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man. At ako’y umiyak na mainam, sapagka’t hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man: At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito.’ Ang mga hulang ito’y umiral matapos makumpleto ng Panginoong Hesus ang Kanyang gawain. Masasabi na, tunay ngang, ito ang mga gawain na ninanais isakatuparan ng Diyos, maging ang gawain ng pagliligtas na gagawin ng Diyos sa mga huling mga araw. Ngayon- nagkatawang tao ang Diyos, at bumigkas ng mga salita. Ginawa Niya ang yugto ng gawain ng paghatol at paglilinis, at bumigkas ng mga salita na makapagliligtas sa mga tao. Ang mga salitang ito’y wala sa Bibliya. Ang lahat ng ito ay hindi roon matatagpuan. Ang mayabong na mga salitang ito ng buhay ang daan ng buhay na bigay ng Diyos sa ‘tin sa mga huling araw, at ang tanging landas sa ikaliligtas ng tao. Kung tatanggihan natin ito, hindi tayo madidiligan ng buhay na tubig na galing sa buhay ng Diyos, hindi natin kailanman makakamtan ang katotohanan o buhay mula sa Diyos.”
 
 
_____________________________________
 
Alam mo ba kung paano ang pagbabasa ng Bibliya upang makakamit ng higit na kaliwanagan at gabay ng Diyos? Ang 3 pangunahing punto na ito ay magiging malaking tulong. Basahin na ngayon.
 
 

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Matapat na Tao

2020-02-27 00:18:37 | Mga Patotoo


Cheng Mingjie Lungsod ng Xi’an, Probinsiya ng Shaanxi


Itinuturing ko ang sarili ko na isang uri ng tao na mapagkaibigan at tapat magsalita. Nakikipag-usap ako sa mga tao sa paraan na tapat; anuman ang nais kong sabihin, sinasabi ko ito—hindi ako ang uri na nagpapaliguy-ligoy. Sa aking mga pakikipag-ugnayan sa mga tao may posibilidad akong maging medyo prangka. Madalas, nadaraya ako o kinukutya dahil sa madaling pagtitiwala sa iba. Pagkatapos lamang nang magsimula akong magpunta sa iglesia na naramdaman kong nakatagpo ako ng isang lugar na matatawag kong akin. Akala ko sa sarili ko: “Dati ang hindi ko pandaraya ay naglagay sa akin sa kawalan at ginawa akong mahina sa pandaraya ng iba; pero sa iglesia gusto ng Diyos ang matatapat na tao, kaya hindi ko na kailangang mag-alala tungkol sa pagiging sobrang hindi madaya.” Naramdaman kong lalo akong naaliw nang marinig kong mahal ng Diyos ang mga matapat at simple, at ang matapat lamang ang tatanggap ng pagliligtas ng Diyos. Nang makita ko kung paano naging balisa ang aking mga kapatid na babae at lalaki habang nagsimula silang makilala ang kanilang mapanlinlang na kalikasan ngunit hindi ito mababago, naramdaman kong mas maginhawa, sa pagiging matapat at prangka, na hindi ko kailangang tahakin ang gayong pagkabalisa. Gayunman, isang araw, pagkatapos na matanggap ang isang pagbubunyag mula sa Diyos, sa wakas ay natanto ko na hindi ako ang matapat na tao na sa akala ko ay ako.

Isang araw, narinig kong sinabi ng Diyos sa Kanyang pagbabahagi: “Ang mga taong matapat ay may taglay na katotohanan, hindi sila kaawa-awa, hamak, estupido, o walang-muwang. … Kaya, huwag ilagay ang koronang ito sa ulo mo, na iniisip na ikaw ay matapat dahil nagdurusa ka sa lipunan, tinatrato nang hindi-patas, at ipinagtutulakan at dinadaya ng lahat ng taong nakikilala mo. Ito ay talagang mali. … Ang pagiging tapat ay hindi katulad ng iniisip ng mga tao: Hindi tapat ang mga tao dahil lamang sa prangka sila at simpleng makiharap. Ang ilang tao ay maaaring likas na diretsahang magsalita, ngunit ang diretsahang pagsasalita ay hindi nangangahulugan na hindi sila nanlilinlang. Ang panlilinlang ay mga motibasyon at disposisyon ng mga tao. Kapag namumuhay ang mga tao sa mundong ito, kapag namumuhay sila sa ilalim ng impluwensya ng katiwalian ni Satanas, imposible silang maging matapat; mas lalo lamang silang magiging mapanlinlang” (“Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ang mga salita ng Diyos ay ganap na paglalarawan ng aking sitwasyon. Sa katunayan, palagi kong naisip na dahil hindi ako nagsasalita sa paraang paliguy-ligoy at madalas akong nadaraya ng iba, na ito kahit papaano ay nangangahulugan na wala sa aking pagkatao ang mapanlinlang o tuso. Bilang resulta, hindi ako kailanman naka-ugnay nang personal sa paglalantad ng Diyos sa kataksilan at katusuhan ng tao, sa halip ay pagpaparangal sa sarili ko bilang ganap na halimbawa ng katapatan. Akala ko na ang lahat ay mapanlinlang at ako kahit paano ay iba, na isinilang ako na may likas na katapatang ito. Namumuhi ang aking pag-iisip sa Diyos. Sa puntong ito, naalala ko ang isa pang sipi mula sa mga salita ng Diyos: “Ang ibig sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; huwag kailanman maging huwad sa Kanya sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng bagay, hindi kailanman nagtatago ng katotohanan; huwag kailanman gawin yaong nanlilinlang sa mga nakatataas at nagliligaw sa mga nasa ibaba; at huwag kailanman gawin yaong pagmamagaling lamang ng iyong sarili sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pag-iwas sa karumihan sa mga kilos at salita, at ang hindi manlinlang ng Diyos o tao. … Kung ang iyong mga salita ay puno ng mga pagdadahilan at walang-kabuluhang mga pangangatwiran, kung gayon sinasabi Ko na ikaw ay isa na lubhang nasusuklam na magsagawa ng katotohanan. Kung marami kang mga itinatago na atubili kang ibahagi, at kung ayaw na ayaw mong ilantad ang iyong mga lihim—ibig sabihin, ang iyong mga paghihirap—sa harap ng iba upang sa gayon ay hanapin ang daan ng liwanag, kung gayon ay sinasabi Ko na ikaw ay isa na hindi madaling makakatanggap ng kaligtasan at hindi kaagad makakaahon mula sa kadiliman. Kung ang paghahanap sa daan ng katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa na laging nananahan sa liwanag. Kung galak na galak kang maging isang tagapagsilbi sa tahanan ng Diyos, masipag at matapat na gumagawa nang nakakubli, laging nagbibigay at hindi kailanman kumukuha, kung gayon ay sinasabi Ko na ikaw ay isang tapat na banal, sapagkat hindi ka naghahanap ng gantimpala at isang matapat na tao lamang. Kung handa kang maging lantad, kung handa kang gugulin ang iyong lahat-lahat, kung kaya mong isakripisyo ang iyong buhay para sa Diyos at tumayong saksi, kung ikaw ay matapat hanggang sa punto na ang alam mo lamang ay bigyang-kasiyahan ang Diyos at hindi isaalang-alang ang iyong sarili o kumuha para sa sarili, kung gayon ay sinasabi Ko na ang mga taong ito ay yaong pinalulusog sa liwanag at siyang mabubuhay magpakailanman sa kaharian” (“Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Napagtanto ko sa pamamagitan ng salita ng Diyos na ang talagang ibig sabihin ng Diyos sa katapatan, ay isang tao na ibinibigay ang kanyang puso sa Diyos na walang iniisip sa kanyang personal na pagsulong o mga plano sa hinaharap. Walang ginagawang pangangalakal sa Diyos, walang hinihinging kabayaran: Ang taong matapat ay sukdulang matapat sa Diyos at hindi kailanman sinusubukang linlangin Siya. Sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sila ay masigasig at hindi kailanman sinusubukang dayain ang kanilang paraan sa mga bagay-bagay o gawin ang isang bagay nang madalian. Inilalantad ng matapat na tao ang lahat ng bagay sa harap ng Diyos, at nakahanda ring ibahagi ang kanilang mga pribadong usapin at mga personal na problema sa kanilang mga kapatid na babae at lalaki. Ang matatapat na tao ay hindi nagpapahayag ng hindi gaanong epektibong bersiyon ng kuwento, sinasabi nila ang katotohanan tungkol sa isang bagay. Pinanghahawakan ng matapat na tao ang katotohanan at makatao. Para sa akin, hindi ko lang nakuha kung ano ang ibig sabihin ng pagiging matapat na tao. Sa aking makamundong paghusga sa mga bagay-bagay, ang “matapat na tao” ng Diyos ay kung ano ang itinuturing natin sa hindi relihiyosong mundo bilang isang “taong hindi madaya.” Hindi ko alam na ang “matapat na tao” ng Diyos at ang aking “matapat na tao” ay katiting lang ang pagkakapareho. Naging mangmang ako, salungat sa katwiran!

Pinasama ni Satanas ang tao sa loob ng libo-libong taon: Lahat tayo ay lumaki sa isang kapaligiran na laganap ang pagkamuhi at kasamaan ni Satanas. Ang ating mga salita at pag-uugali, ang paraan kung paano tayo kumikilos sa lipunan, lahat ay sumasailalim sa pag-anyaya ni Satanas. “Mag-isip bago ka magsalita at pagkatapos magsalita nang may pasubali,” “Ang lahat ng tao ay para sa kanyang sarili at natatamo ng demonyo ang kadulu-duluhan,” “Nagsasalita mula sa magkabilang panig ng bibig,” ang mga pinakakilalang kasabihan na ito ni Satanas ay natanim na nang sama-sama na walang kamalayan sa tao: Mahalagang bahagi sila ng ating buhay habang hinihimok tayo sa kataksilan at katusuhan. Kung ganoong lahat ng sangkatauhan ay nagdurusa dahil sa kataksilan at katusuhan, bakit ko naisip na kahit papaano ako ay hindi tinatablan, o likas na matapat? Nagsasalita ako nang tapat at walang kasinungalingan dahil ako ay prangka at tahasang tao. Madalas akong nadaraya ng iba dahil ako ay mangmang at hangal, ngunit hindi ibig sabihin nito na ako ay talagang isang matapat na tao. Kapag inisip ko ang nakaraan, ilang beses ko bang ginamit ang panlilinlang at mga kasinungalingan para mapanatili ang aking reputasyon at katayuan? Ilang beses ba akong nalublob sa pagkabalisa dahil sa aking mga inaasahan sa hinaharap sa halip na maniwala sa Diyos na may malinis at tanging puso? Natakot ako na sa pagsusuko ng lahat ng bagay para sa Diyos, ay walang matitira sa akin, kaya lagi kong nais ang pangako mula sa Diyos, isang pangako na balang araw ako ay makakapasok sa Kanyang kaharian. Sa ganoong paraan lang ako makapaghahanap ng katotohanan nang buong puso at hindi nag-aalala. Ilang beses ba akong hindi naging tapat sa Diyos, naliligalig sa maliliit na nawala at natamo sa proseso ng pagtupad sa aking mga tungkulin? At ilang beses ba akong gumawa at nilabag ang mga pagtitika, nagsasalita ng “mga salitang parang mahalaga ngunit walang laman” upang ayusin ang biyaya ng Diyos? Ilang beses ko bang pinigilan ang sarili ko na buksan ang aking sarili sa aking mga kapatid na lalaki at babae at ibahagi ang aking mga personal na problema at pansariling kapakanan sa kanila dahil sa takot na hahamakin nila ako? Ilang beses ko bang sinabi kung ano ang pinaniniwalaan ko lang na magbibigay sa akin ng personal na pakinabang, nag-iingat at naghihinala sa iba? … Sa pagbabalik-tanaw, tila lahat ng aking mga saloobin, salita at kilos ay napuno ng kataksilan at pandaraya. Bilang resulta, ang pagkaunawa ko sa pananampalataya, ang aking mga kontribusyon, ang aking mga pakikipag-ugnayan sa ibang tao at sa Diyos at ang aking pagtupad sa aking mga tungkulin lahat ay nahawaan ng kataksilan. Maaari mong sabihin na nabubuhay ako sa bawat sandali ayon sa pinakadiwa ng kataksilan. Hindi ako malayong matapat na tao.

Salamat Diyos sa pagpapaliwanag mo sa akin, sa pagtuturo mo sa akin na ang matapat na tao ay hindi lamang basta prangkang magsalita at hindi madaya, ngunit sa halip ay mga nagtataglay ng katotohanan at pagkatao. Salamat din sa pagpapakita sa akin na hindi ako matapat ayon sa pakahulugan ng Diyos, subalit isang taong naliligalig ng mapanlinlang na kalikasan ni Satanas, isang kataksilan na inilatad ng Diyos. Mahal na Diyos, mula ngayon gugugulin ko ang sarili ko sa pagiging isang taong matapat. Hinihiling ko sa Iyo na ilantad mo ako at payagan ako na magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa aking sariling mapanlinlang na kalikasan, upang kamuhian ko ang aking sarili, tanggihan ang aking laman, at malapit nang maging isang taong matapat na taglay ang katotohanan at pagkatao.



Ibinabahagi sa inyo ng bahaging Kahulugan ng Buhay ang mga artikulo ng mga Kristiyano na natagpuan at naunawaan ang tunay na kahulugan ng buhay sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Diyos.


Ginugol ang Kabataan Nang Walang Pagsisisi 2018-06-22 89

2020-02-16 23:18:32 | Mga Patotoo



Xiaowen Lungsod ng Chongqing


Ang ‘pag-ibig’ ay tumutukoy sa isang damdamin na dalisay at walang kapintasan, kung saan ginagamit mo ang iyong puso upang magmahal, makaramdam, at maging maalalahanin. Sa pag-ibig walang mga kundisyon, walang mga balakid, at walang agwat. Sa pag-ibig walang paghihinala, walang pandaraya, at walang katusuhan. Sa pag-ibig walang agwat at walang karumihan” (“Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Itong himno ng salita ng Diyos ay minsang tinulungan akong malampasan ang sakit ng matagal at hindi matapos-tapos na buhay sa kulungan na tumagal ng 7 taon at 4 na buwan. Kahit pa ipinagkait sa akin ng gobyerno ng CCP ang pinakamagagandang taon ng aking kabataan, nakuha ko ang pinakamahalaga at tunay na katotohanan mula sa Makapangyarihang Diyos at samakatuwid wala akong mga reklamo o pagsisisi.

Noong 1996 tinanggap ko ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagtitipon sa pagbabahagi, nalaman ko na ang lahat ng sinabi ng Diyos ay katotohanan, na ganap na kabaligtaran ng lahat ng kaalaman at mga teorya ng masamang mundong ito. Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang pinakamataas na kasabihan para sa buhay. Ang mas nagpasabik pa sa akin ay maaari akong maging simple at bukas at malayang makipag-usap sa mga kapatid tungkol sa anumang bagay. Hindi ako nagkaroon ng kahit kaunting pangangailangan na protektahan ang aking sarili laban sa pamumuna o panlilinlang ng mga tao kapag nakisalamuha sa kanila. Nakaramdam ako ng kaginhawaan at kasiyahan na hindi ko kailanman naramdaman dati; talagang gusto ko ang pamilyang ito. Gayunpaman, hindi nagtagal bago ko narinig na hindi pinapahintulutan ng bansa ang mga tao na maniwala sa Makapangyarihang Diyos. Ang bagay na ito ay nagparamdam sa akin na lubos na hindi ko alam ang aking gagawin, dahil hinayaan ng Kanyang salita ang mga tao na sambahin ang Diyos at tahakin ang tamang landas ng buhay; hinayaan nito ang mga tao na maging tapat. Kung ang lahat ng tao ay naniwala sa Makapangyarihang Diyos, ang buong mundo ay magiging payapa. Hindi ko talaga naintindihan: Ang paniniwala sa Diyos ay ang pinakamatuwid na gawain; bakit gusto ng gobyerno ng CCP na magmalupit at salungatin ang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos hanggang sa punto na aarestuhin nila ang Kanyang mga mananampalataya? Inisip ko: Kahit gaano pa tayo pinapahirapan ng gobyerno ng CCP o gaano kalaki ang opinyon ng publiko sa lipunan, nalaman ko na ito ang tamang landas ng buhay at tiyak na tatahakin ko ito hanggang sa huli!

Matapos ito, sinimulan kong tuparin ang aking tungkulin sa iglesia na pamamahagi ng mga libro ng salita ng Diyos. Alam ko na ang pagtupad sa tungkuling ito sa bansang ito na tumututol sa Diyos ay lubhang mapanganib at maaari akong maaresto anumang oras. Ngunit alam ko rin na bilang bahagi ng lahat ng nilikha, misyon ko ito sa buhay na gugulin ang lahat ng bagay para sa Diyos at tuparin ang aking tungkulin; isa itong responsibilidad na hindi ko maaaring pabayaan. Habang ako’y nagsimulang makipagtulungan nang may kumpiyansa sa Diyos, isang araw ng Setyembre 2003, papunta ako para ibigay sa ilang mga kapatid ang mga libro ng salita ng Diyos nang naaresto ng mga tauhan mula sa Kawanihan ng Pambansang Seguridad ng lungsod.

Sa Kawanihan ng Pambansang Seguridad, paulit-ulit akong tinanong at hindi ko alam kung paano sumagot; agad akong umiyak sa Diyos: “O Makapangyarihang Diyos, humihingi ako sa Iyo na bigyan Mo ako ng Iyong karunungan, at bigyan mo ako ng mga salita na dapat kong sambitin para hindi Kita ipagkakanulo at maaari akong magpatotoo para sa Iyo.” Sa panahong iyon, araw-araw akong umiyak sa Diyos; hindi ako nangahas na iwan ang Diyos, hiningi ko lang sa Diyos na bigyan ako ng katalinuhan at karunungan para makakaya kong harapin ang masamang kapulisan. Purihin ang Diyos sa pagbabantay at pagprotekta sa akin; sa bawat oras na ako’y tinanong, ako’y dumudura, o walang tigil na sinisinok at hindi makapagsasalita. Habang nakikita ang kamangha-manghang gawain ng Diyos, naging matatag ako: Walang pagpipigil! Maaari nilang putulin ang ulo ko, maaari nila akong patayin, ngunit talagang hindi nila magagawang ipagkanulo ko ngayon ang Diyos! Nang buo na ang aking kapasyahan na mas gugustuhin kong isugal ang aking buhay kaysa ipagkanulo ang Diyos gaya ni Judas, ibinigay ng Diyos ang “pagsang-ayon” nang buong-buo: Sa bawat oras na ako’y tinanong, poprotektahan ako ng Diyos at hahayaan akong payapang malampasan ang pagsubok. Kahit na wala akong anumang bagay na sinabi, inakusahan ako ng gobyerno ng CCP ng “paggamit ng organisasyon ng Xie Jiao para sirain ang pagpapatupad ng batas” at sinentensiyahan ako hanggang 9 na taon sa kulungan! Nang marinig ko ang pasya ng korte, hindi ako nalungkot, salamat sa pagprotekta ng Diyos, at hindi rin ako natakot sa kanila; sa halip, kinamuhian ko sila. Nang iginawad ng mga taong iyon ang sentensiya, sinabi ko sa mababang tinig: “Ito ang ebidensiya na ang gobyerno ng CCP ay sinasalungat ang Diyos!” Kinalaunan, dumating ang mga opisyal ng pampublikong seguridad para lang mag-espiya sa kung ano ang naging asal ko, at kalmado kong sinabi sa kanila: “Ano ang siyam na taon? Kapag dumating ang oras na makalaya ako, magiging miyembro pa rin ako ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos; kung hindi kayo naniniwala sa akin, tignan ninyo at maghintay lang kayo! Ngunit kailangan ninyong tandaan, ang kasong ito ay minsang nasa inyong mga kamay!” Talagang nagulat sila sa aking asal; itinaas nila ang kanilang mga hinlalaki at paulit-ulit na sinabi: “Karapat-dapat kang purihin! Hinahangaan ka namin! Mas matibay ka kay Kapatid na Jiang! Magkita tayo pag labas mo, at ililibre ka namin!” Sa panahong iyon, pakiramdam kong natamo ng Diyos ang kaluwalhatian at nasiyahan ang aking puso. Nang masintensiyahan ako nang taong iyon, 31 taong gulang lang ako.

Ang mga kulungan sa Tsina ay impiyerno sa lupa, at ang pangmatagalang buhaykulungan ay lubusang nagpakita sa akin ng tunay na pagiging hindi makatao ni Satanas at ang malademonyo nitong diwa na naging kaaway ng Diyos. Ang pulis ng Tsina ay hindi sumusunod sa tuntunin ng batas, sa halip ay sumusunod sa tuntunin ng kasamaan. Sa kulungan, hindi personal na humaharap ang pulis sa mga tao, sa halip binubuyo nila ang mga preso sa karahasan para pangasiwaan ang ibang mga preso. Gumagamit din ang masamang kapulisan ng lahat ng uri ng paraan para pigilan ang mga kaisipan ng mga tao; halimbawa, ang bawat tao na pumapasok ay dapat isuot ang mga parehong uniporme ng preso na may espesyal na serial number, kailangan nilang gupitin ang kanilang buhok ayon sa mga kinakailangan ng preso, kailangan nilang magsuot ng mga sapatos na aprubado ng kulungan, kailangan nilang lakaran ang mga daan na pinahihintulutan ng kulungan na lakaran nila, at kailangan nilang magmartsa sa bilis na pinapahintulutan ng kulungan. Kahit pa ito’y tagsibol, tag-init, taglagas o taglamig, kahit na ito’y umulan o umaraw, o kahit na ito’y araw na napakalamig, kailangang gawin ng lahat ng mga preso kung ano ang iniuutos na gawin nila nang walang anumang pagpipilian. Sa bawat araw ay kailangan naming magtipon-tipon nang hindi bababa sa 15 beses para magbilang at kumanta ng mga papuri sa gobyerno ng CCP na hindi bababa sa limang beses; may mga politikal na gawain din kami, iyon ay, pinapaaral nila sa amin ang mga batas ng kulungan at ang konstitusyon, at pinapakuha kami ng pagsusulit kada anim na buwan. Ang layunin nito ay para baguhin ang aming paniniwala. Sapalaran ding susuriin ang aming kaalaman sa mga disiplina at patakaran ng kulungan. Ang pulis ng kulungan ay hindi lang kami pinahirapan sa kaisipan, pisikal din nila kaming winasak na talagang hindi makatao: Kinailangan kong magtrabaho nang matindi nang higit sa sampung oras kada araw, makipagsiksikan kasama ang ilang daang iba pang mga tao sa isang masikip na pagawaan na nagsasagawa ng mano-manong trabaho. Dahil napakaraming tao sa napakaliit na lugar, at dahil ang magulong ingay ng makinarya ay nasa lahat ng dako, kahit pa gaano kalusog ang tao, ang kanilang mga katawan ay magdurusa ng malubhang pinsala kapag nanatili sila doon sa loob ng ilang panahon. Sa likod ko ay isang makina na nagbubutas at araw-araw walang hinto itong nagbubutas. Hindi ko matiis ang dumadagundong na tunog nito at matapos ang ilang taon, nagdusa ako ng malubhang pagkawala ng pandinig. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako gumaling. Ang mas nakapinsala pa sa mga tao ay ang alikabok at polusyon sa pagawaan. Matapos masuri, maraming mga tao ang nalaman na dinapuan ng tuberculosis at pharyngitis. At saka, dahil sa mahabang panahon ng pag-upo sa mano-manong paggawa, imposibleng makapaglakad-lakad at maraming tao ang dinapuan ng malubhang almuranas. Itinuring ng gobyerno ng CCP ang mga preso tulad ng makinarya na ginagamit para gumawa ng pera; wala sila ni kaunting pakialam kung nabuhay o namatay ang isang tao. Maagang-maaga nila pinagtrabaho ang mga tao hanggang sa ginabi. Madalas akong pagod na pagod na pisikal na akong hindi makapagpapatuloy. Hindi lang ito, kailangan ko ring harapin ang lahat ng uri ng paiba-ibang eksamin na dagdag sa aking lingguhang politikal na gawain, mano-manong paggawa, mga pampublikong gawain, atbp. Samakatuwid, araw-araw akong nasa kalagayan ng mataas na antas ng pagkabahala; patuloy na nababatak ang aking kalagayang pangkaisipan, at matindi ang aking nerbiyos na hindi ako makahahabol kung hindi ako mag-iingat kahit kaunti, at sa gayo’y paparusahan ng mga pulis ng kulungan. Sa ganoong uri ng kapaligiran, para malampasan ang isang araw nang ligtas at malusog ay isang bagay na hindi madaling gawin.

Higit pang pansin: Bakit pinahihintulutan ng Diyos na dumating sa atin ang mga pagsubok ng buhay? Basahin ang mga kwentong ito kung paano nakakaranas ang mga Kristiyano ng mga pagsubok sa buhay at malalaman mo kung paano umasa sa Diyos sa mga pagsubok.

Ang Puwersa ng Buhay na Hindi Kailanman Mapapawi

2020-01-14 15:27:33 | Mga Patotoo



Dong Mei, Probinsya ng Henan


Isa akong ordinaryong tao. Hindi espesyal ang buhay na ipinamuhay ko. Tulad ng maraming naghahangad sa liwanag, sinubukan ko ang maraming paraan upang hanapin ang tunay na kahulugan ng pag-iral ng tao, sinisikap na bigyan ang aking buhay ng higit na kabuluhan. Sa huli, ang lahat ng aking mga pagsisikap ay walang kabuluhan. Ngunit pagkatapos kong mapalad na tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, nagkaroon ng mga mahimalang pagbabago sa aking buhay. Nagdala ito ng higit pang kulay sa aking buhay, at naunawaan ko na tanging ang Diyos ang tunay na Tagapagbigay sa mga espiritu at buhay ng mga tao, at tanging ang mga salita ng Diyos ang tunay na kahulugan ng buhay ng tao. Natuwa ako na sa wakas ay natagpuan ko ang tamang landas ng buhay. Gayunpaman, habang ginagawa ko ang aking tungkulin, dati akong ilegal na inaresto at malupit na pinahirapan ng gobyerno ng CCP. Mula dito, nakatamo ang paglalakbay ng aking buhay ng karanasan na hindi ko kailanman malilimutan …
Isang araw noong Disyembre 2011 mga alas-siyete ng umaga, ako at ang isa pang pinuno ng iglesia ay nagsasagawa ng imbentaryo sa mga ari-arian ng iglesia, nang higit sa sampung opisyal ng pulisya ang biglang bumulabog sa pintuan. Isa sa masasamang pulis na ito ang nagmadaling lumapit sa amin at nagsisigaw ng: “Huwag kikilos!” Nang makita ko kung ano ang nangyayari, nagsuray-suray ang aking ulo. Inisip ko, Masama ito—mawawalan ng maraming ari-arian ang iglesia. Nang sumunod, kinapkapan kami ng masasamang pulis na para bang mga bandidong nagsasagawa ng pagnanakaw. Hinalughog din nila ang bawat silid, ginugulo ang mga ito nang mabilis. Sa huli, nakita nila ang ilang ari-arian ng iglesia, tatlong kard ng bangko, mga resibo ng deposito, mga computer, mga cellphone, at iba pa. Kinumpiska nila ang lahat ng ito, at dinala kaming apat sa istasyon ng pulisya.
Sa bandang hapon, nagdala ang masasamang pulis ng tatlo pang mga kapatirang babae na kanilang inaresto. Ikinulong nila kaming pito sa isang silid at hindi kami hinayaang magsalita, ni hindi kami pinatulog nang sumapit ang gabi. Nang makita ko ang mga kapatirang babaeng ikinulong kasama ko, at iniisip kung gaano karaming pera ang nawala sa iglesia, naramdaman ko sa aking sarili ang pagkabalisa. Ang magagawa ko lamang ay manalangin agad sa Diyos: O Diyos! Sa pagharap sa suliranin na ito, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Pangalagaan po ang aking puso at pakalmahin ito. Pagkatapos manalangin, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Huwag matakot, kapag ang mga bagay na gaya nito ay nangyayari sa iglesia, lahat ng ito ay pinahintulutan Ko. Tumayo at maging Aking tinig. Manampalataya na ang lahat ng bagay at usapin ay pinahihintulutan ng Aking trono at ang lahat ay nagtataglay ng Aking mga hangarin sa loob ng mga ito” (“Kabanata 41” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Dapat mong malaman na lahat ng bagay sa iyong kapaligiran ay naroon dahil sa Aking pahintulot, Ako ang nagsasaayos nitong lahat. Tingnan mo nang malinaw at bigyang-kasiyahan ang Aking puso sa kapaligirang ibinigay Ko na sa iyo” (“Kabanata 41” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nasugpo ng mga salita ng Diyos ang takot sa aking puso. Natanto ko na, ngayon, sumapit sa akin ang suliraning ito nang may pahintulot ang Diyos, at dumating na ang oras ng paghingi sa akin ng Diyos na magpatotoo sa Kanya. Sa pagkaunawa ko sa kalooban ng Diyos, nanalangin ako sa Diyos at nagsabi: “O Diyos! Nais kong sundin ang Iyong mga pagsasaayos at plano, at panindigan ang aking patotoo sa Iyo—ngunit maliit ang aking tayog, at hinihiling kong bigyan Mo ako ng pananampalataya at lakas, at pangalagaan ako sa aking paninindigan.”
Kinabukasan, hinati nila kami at pinagtatanong kami. “Alam kong isa kang pinuno ng iglesia. Limang buwan na namin kayong sinusubaybayan,” ipinagmamalaking sinabi ng isa sa masasamang pulis. Nang marinig ko siyang inilarawan nang detalyado ang lahat ng bagay na ginawa nila upang subaybayan ako, nanginig ang aking gulugod. Inisip ko, maraming pagsisikap talaga ang ginawa ng pamahalaan ng CCP sa pag-aresto sa amin. Dahil alam na nilang isa akong pinuno ng iglesia, hindi na nila ako pakakawalan pa. Agad kong ibinigay ang aking pasiya sa harap ng Diyos: mas gugustuhin kong mamatay kaysa ipagkanulo ang Diyos at maging Judas. Sa pagkakita na walang naibubungang anumang resulta ang kanilang pagtatanong, nagtalaga sila ng isang tao upang bantayan ako at huwag akong patulugin.
Sa interogasyon ng ikatlong araw, ang pinuno ng masasamang pulis ay nagbukas ng computer at ipinabasa sa akin ang mga materyales na umaalipusta sa Diyos. Sa pagkakitang hindi ako naapektuhan, tinanong niya akong mabuti pagkatapos tungkol sa pananalapi ng iglesia. Lumingon ako sa isang panig at hindi ko siya pinansin. Ikinagalit niya ito nang sobra at nagsimula siyang magmura. “Hindi mahalaga kahit wala kang anumang sabihin—kaya ka naming ikulong nang walang hanggan, at papahirapan ka kahit kailan namin gusto,” nagbanta siya nang matindi. Sa kalagitnaan ng gabing iyon, sinimulan ng pulis ang kanilang pagpapahirap. Hinila nila ang isa sa aking mga bisig sa likod ng aking balikat at ang isa pa pataas mula sa aking likuran. Habang tinatapakan ng kanilang mga paa ang aking likuran, sapilitan nilang nilagyan ng posas ang pareho kong pulso nang magkasama. Sobrang sakit na napasigaw ako—ang mga buto at laman sa aking mga balikat ay parang mapuputol. Magagawa ko lamang lumuhod nang hindi gumagalaw habang ang aking ulo ay nasa sahig. Ang akala ko ay maaawa sila sa akin sa aking mga sigaw, ngunit sa halip ay naglagay sila ng tasa ng tsaa sa pagitan ng mga posas at ng aking likuran, na muling nagpadoble sa sakit. Ang mga buto sa aking itaas na bahagi ng katawan ay parang nahati sa dalawa. Sobra ang sakit na ni hindi ko nagawang huminga at bumuhos pababa sa aking mukha ang malamig na pawis. Nang hindi ko na kayang tiisin ang sakit, sinamantala ng isa sa masasamang pulis ang pagkakataong ito na sabihin sa akin: “Basta bigyan mo lang kami ng isang pangalan at palalayain ka namin agad.” Sa sandaling iyon, tumawag ako sa Diyos upang pangalagaan ang aking puso. Naisip ko agad ang isang himno: “Diyos sa katawang-tao’y nagdurusa, gaano pa kaya ako? Kung nagparaya ako sa kadiliman, paano ko makikita ang Diyos? Kapag iniisip ko ang mga salita Mo, mas lalo Kitang inaasam. Sa tuwing nakikita ko ang Iyong mukha, sa bagbag ng budhi ko, nagpupugay ako sa ’Yo. Pa’no Kita iiwan para hanapin ’di-umano’y kalayaan? Mas nais kong magdusa upang hilumin puso Mong nalulumbay” (“Naghihintay sa Mabuting Balita ng Diyos” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). “Oo,” naisip ko. “Si Cristo ang banal at matuwid na Diyos. Siya ay nagkatawang-tao at dumating sa lupa upang ihatid ang kaligtasan sa ganap na natiwaling sangkatauhan. Sa matagal ng panahon, Siya ay pinag-uusig at pinaghahanap ng pamahalaan ng CCP at nilalabanan at isinusumpa ng sangkatauhan. Hindi kailanman dapat na magdusa ang Diyos sa ganitong paraan, ngunit tahimik Niyang tinitiis ang lahat ng ito upang iligtas tayo.” Kaya, sa pagninilay-nilay, nakita ko na nagdurusa ako ngayon upang makatamo ng pagliligtas—dapat akong ilagay sa pagdurusang ito. Kung sumuko ako kay Satanas dahil hindi ko kayang matiis ang sakit, paano ko pa muling makakaharap ang Diyos? Sa pag-iisip nito ay nabigyan ako ng lakas, at hindi ako sumukong muli. Pinahirapan ako nang labis ng masasamang pulis nang halos isang oras. Nang inalis nila ang mga posas, paika-ikang bumagsak ang buo kong katawan sa lupa. “Kapag hindi ka nagsalita uulitin namin ito!” sigaw nila sa akin. Tiningnan ko sila at hindi ako umimik. Napuno ng poot ang aking puso sa masasamang pulis na ito. Lumapit ang isa sa masasamang pulis upang ibalik muli ang mga posas. Sa pag-iisip sa napakatinding sakit na kararanas ko lamang, patuloy akong nanalangin sa Diyos sa aking puso. Nagulat ako nang sinubukan niyang hilahin ang aking mga bisig sa aking likuran dahil hindi niya kayang magalaw ang mga ito. Hindi rin ito sumakit nang sobra. Puspusan niya itong sinusubukan na nabalutan na ng pawis ang kanyang buong ulo—ngunit hindi pa rin niya kayang maibalik ang mga posas. “Medyo malakas ka!” pagalit niyang sinabi. Alam kong ito ang Diyos na nag-aalaga sa akin, na binibigyan ako ng lakas ng Diyos. Salamat sa Diyos!
Ang makaraos hanggang sa madaling araw ay mahirap. May troma pa rin ako sa tuwing naalala ko kung paano ako pinahirapan ng masasamang pulis. Binantaan din nila ako, na sinasabi sa akin na kung wala akong sasabihin, kailangan nila akong dalhin sa liblib na kabundukan at papatayin nila ako. Pagkatapos, kapag inaresto nila ang iba pang mga mananampalataya, sasabihin nilang ipinagkanulo ko ang iglesia—sisiraan nila ang aking pangalan upang kamuhian ako ng iba pang mga kapatirang lalaki at babae sa iglesia. Habang iniisip iyon, nalubog ang aking puso sa mga alon ng kapanglawan at kawalang kakayahan. Naramdaman ko ang pagkapahiya at kahinaan. Inisip ko: mas mabuting mamatay na lang ako. Sa ganoong paraan ay hindi ako magiging isang Judas at ipagkakanulo ang Diyos, hindi rin ako itatakwil ng aking mga kapatid. Maiiwasan ko rin ang sakit ng pagpapahirap sa laman. Kaya naghintay ako hanggang sa hindi na nakatingin ang nagbabantay na masamang pulis at hinampas ko nang malakas ang aking ulo sa dingding—ngunit ang nangyari ay nahilo lamang ako; hindi ako namatay. Sa sandaling iyon, niliwanagan ako ng mga salita ng Diyos mula sa loob: “Kapag naipagkakamali ka ng iba, nagagawa mong manalangin sa Diyos at sinasabi: ‘O Diyos! Hindi ko hinihingi na pahintulutan ako ng iba o tratuhin ako nang maayos, ni ako ay maintindihan o sang-ayunan nila. Hinihiling ko lamang na magawa kong ibigin Ka sa aking puso, na ako ay makatitiyak sa aking puso, at na ang aking konsensiya ay malinis. Hindi ko hinihingi na purihin ako ng iba, o tingalain ako; hinahangad ko lamang na mapalugod Ka mula sa aking puso’” (“Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Ibigin Nang Tunay ng Tao ang Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Inalis ng mga salita ng Diyos ang kalungkutan mula sa aking puso. Oo. Nakikita ng Diyos ang kaloob-looban ng mga puso ng mga tao. Kung pararatangan ako ng mga pulis, kahit na itakwil at hindi ako talagang maunawaan ng iba pang mga kapatid dahil hindi nila alam kung ano ang totoong nangyari, nagtitiwala ako na mabuti ang mga intensyon ng Diyos; sinusubukan ng Diyos ang aking pananampalataya at pag-ibig sa Kanya, at dapat kong ipagpatuloy ang pagpapasaya sa Diyos. Nang makita ko ang mga tusong pakana ng diyablo, bigla akong napahiya at nahiya. Nakita kong napakaliit ng aking pananampalataya sa Diyos. Hindi ko nagawang matatag na tumindig matapos mahirapan sa kaunting sakit, at naisip na tumakas at iwasan ang mga pagsasaayos ng Diyos sa pamamagitan ng kamatayan. Layunin ng masasamang pulis sa pagsasalita ng mga banta ng pananakot na talikuran ko ang Diyos. At kung hindi dahil sa pangangalaga ng Diyos, mahuhulog na ako sa kanilang tusong pamamaraan. Habang pinag-iisipan ko ang mga salita ng Diyos, napuno ang aking puso ng liwanag. Hindi ko na nais pang mamatay, kundi ang mabuhay nang mabuti, at gamitin ang mismong pagsasabuhay ko upang magpatotoo sa Diyos at pahiyain si Satanas.
Ang dalawang masamang pulis na nakatalaga sa pagbabantay sa akin ay nagtanong kung bakit ko hinampas ang aking ulo sa dingding. Ang sabi ko ay dahil binugbog ako ng iba pang mga pulis. “Sibilisadong paraan ang aming pangunahing ginagawa. Huwag mag-alala—hindi ko hahayaang saktan ka nila ulit,” sabi ng isa sa kanila nang nakangiti. Nang marinig ko ang kanyang mga salita ng ginhawa, naisip ko: Hindi masama ang dalawang ito; simula nang ako ay naaresto medyo naging mabait sila sa akin. Dahil doon, ibinaba ko ang aking depensa. Ngunit sa sandaling iyon, biglang sumagi sa aking puso ang mga salita ng Diyos: “Sa lahat ng oras, ang Aking bayan ay dapat na nakabantay laban sa mga tusong pakana ni Satanas, pinangangalagaan ang pasukan ng Aking tahanan para sa Akin, … na pipigil sa inyo sa pagkahulog sa bitag ni Satanas, kung kailan magiging napakahuli na para sa mga pagsisisi” (“Kabanata 6” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nagbigay ng isang napapanahong paalala sa akin ang mga salita ng Diyos, ipinakikita sa akin na maraming tusong pakana ang diyablo, at dapat akong mag-ingat laban sa mga demonyong ito sa lahat ng oras. Lingid sa aking kaalaman na ibubunyag pala nila ang kanilang mga tunay na kulay. Ang isa sa masasamang pulis ay nagsimulang manirang-puri sa Diyos, habang ang isa ay umupo sa tabi ko na tinatapik ang aking binti, umiirap sa akin at tinatanong ang tungkol sa mga pananalapi ng iglesia. Sa gabi, sa pagkakita na inaantok ako, sinimulan niyang kapain ang aking dibdib. Nang makita kong ibinunyag nila ang kanilang mga tunay na mukha, napuno ako ng galit. Ngayon ko lamang nakita na ang mga naturingang pulis ng mamamayan ay walang iba kundi mga sanggano at maton. Ito ang mga kasuklam-suklam at pangit na bagay na kaya nilang gawin. Dahil dito, maaari lamang akong agarang manalangin sa Diyos upang pangalagaan ako mula sa kanilang pananakit.



Sumaakin ang Pag-ibig ng Diyos sa Madilim na Bilangguan ng Diyablo

2020-01-13 15:48:57 | Mga Patotoo



Yang Yi, Lalawigan ng Jiangsu


Ako ay isang Kristiyano sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Mahigit sampung taon na akong alagad ng Makapangyarihang Diyos. Sa loob ng panahong ito, ang isang bagay na hinding-hindi ko malilimutan ay ang kakila-kilabot na pagdurusa noong arestuhin ako ng mga pulis ng CCP isang dekada na ang nakaraan. Noon, sa kabila ng pagpapahirap at pagtapak sa akin ng masasamang demonyo, at halos mamatay ako nang ilang beses, ginamit ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang makapangyarihang kamay upang gabayan at pangalagaan ako, buhayin akong muli, at ibalik ako sa kaligtasan…. Sa pamamagitan nito, talagang nakita ko ang dakilang kapangyarihan ng buhay ng Diyos na higit pa sa normal, at natamo ko ang tanging yaman ng buhay na ipinagkaloob sa akin ng Diyos.
Iyon ay noong Enero 23, 2004 (ang ikalawang araw ng Chinese New Year). Kinailangan kong puntahan at bisitahin ang isang babaeng miyembro ng iglesia; may problema siya at kailangang-kailangan ng tulong. Dahil napakalayo ng bahay ko, kinailangan kong gumising nang maaga para sumakay ng taksi para makauwi rin ako sa araw na iyon. Umalis ako ng bahay na papasikat pa lang ang araw. Halos walang tao sa mga lansangan, mga tagakuha lang ng basura. Balisa akong naghanap ng taksi, pero wala ni isa sa paligid. Nagpunta ako sa pilahan ng taksi para maghintay, at lumakad ako sa daan para paparahin ang isa nang makita ko itong papalapit—pero sasakyan pala iyon na pag-aari ng Environmental Protection Bureau. Tinanong nila ako kung bakit ko sila pinapapara. “Paumanhin, nagkamali ako, akala ko taksi kayo,” sabi ko. “Palagay namin nagdidikit ka ng mga ilegal na poster,” sagot nila. “Nakita mo ba ako? Nasaan ang mga poster na idinidikit ko?” sabi ko. Ni hindi nila ako binigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili ko, lumapit silang tatlo at sapilitang hinalughog ang bag ko. Hinalungkat nila ang lahat ng nasa bag ko—isang kopya ng isang sermon, isang notepad, isang pitaka, isang cell phone at isang sirang beeper, at kung anu-ano pa. Pagkatapos ay tiningnan nilang maigi ang kopya ng sermon at ang notepad. Nang wala silang makitang mga poster sa bag ko, itinaas nila ang kopya ng sermon at sinabing: “Hindi ka nga siguro nagdidikit ng mga ilegal na poster, pero naniniwala ka sa Makapangyarihang Diyos.” Kasunod nito, tinawagan nila ang Religious Division ng National Security Brigade. Hindi nagtagal, apat na tao mula sa National Security Brigade ang dumating. Nalaman nila na naniniwala ako sa Makapangyarihang Diyos nang makita nila ang mga laman ng bag ko. Ni hindi nila ako hinayaang magsalita, isinama nila ako sa kanilang sasakyan, pagkatapos ay ikinandado nila ang pinto para hindi ako makatakbo.
Pagdating namin sa Public Security Bureau, isinama ako ng mga pulis sa isang kuwarto. Pinaglaruan ng isa sa kanila ang beeper at mobile phone ko, na naghahanap ng mga palatandaan. Binuksan niya ang phone pero nakita niyang lobat na ito, tapos ay sinabi niyang ubos na ang baterya. Subukan man niya nang husto, hindi niya ito mabuksan. Habang hawak ang cell phone, mukhang nag-aalala siya. Nagtaka rin ako—katatapos ko lang i-charge ang cell phone noong umagang iyon. Paano mawawalan ng karga iyong baterya? Bigla kong natanto na mahimala itong isinaayos ng Diyos para mapigil ang mga pulis sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa iba pang mga kapatid. Naunawaan ko rin ang mga salitang sinabi ng Diyos: “Anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay” (“Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Tunay nga, lahat ng bagay at lahat ng pangyayari ay nasa mga kamay ng Diyos. Maging buhay o patay man, lahat ng bagay ay sumasailalim sa pagbabago ayon sa mga kaisipan ng Diyos. Sa sandaling ito, nagbigay ito sa akin ng tunay na kaalaman tungkol sa dakilang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos sa lahat ng bagay, at napalakas nito ang aking pananampalataya upang harapin ang gagawing pagtatanong. Habang nakaturo sa mga bagay na nasa bag, nag-aakusang itinanong ng opisyal na pulis: “Ipinapakita ng mga ito na malinaw na hindi ka ordinaryong miyembro ng iglesia. Isa ka siguro sa mataas na pamunuan, isang importanteng tao. Dahil ang mga batang pinuno ay walang mga beeper o mobile phone. Tama ba ako?” “Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,” sagot ko. “Nagkukunwari kang hindi mo naiintindihan!” sigaw niya, pagkatapos ay inutusan akong tumingkayad nang magsalita ako. Nakikitang wala akong laban, pinaligiran nila ako at sinimulan akong buntalin at sipain—sapat para patayin ako. Duguan at maga ang mukha ko, napakasakit ng buong katawan ko, hinimatay ako sa sahig. Galit na galit ako. Gusto kong mangatwiran sa kanila, ipagtanggol ang kaso ko: Ano ang nagawa kong mali? Bakit ninyo ako binugbog nang ganoon? Pero wala akong paraan para makausap ko sila nang matino, dahil hindi matinong kausap ang pamahalaang CCP. Naguluhan ako, pero ayaw kong pagbigyan ang mga pambubugbog nila. Nang nalilito na ako, bigla kong naisip kung paano, dahil ang masasamang opisyal na ito ng pamahalaang CCP ay masyadong wala sa katwiran, dahil ayaw nila akong makapangatwiran, hindi ko kailangang sabihin sa kanila ang anuman. Mas mabuti pang tumahimik na lang ako—sa gayong paraan mawawalan ako ng silbi sa kanila. Nang maisip ko ito, hindi ko na pinakinggan ang sinasabi nila.
Nang makita nilang walang epekto ang pamamaraang ito sa akin, nagwala ang masasamang pulis at lalong naging malupit: Labis nila akong pinahirapan para magtapat ako. Ipinosas nila ako sa isang silyang bakal na nakaturnilyo sa sahig sa isang posisyon na hindi ako makatingkayad ni makatayo. Inilagay ng isa sa kanila ang kamay kong hindi nakaposas sa silya at pinagpapalo ito ng sapatos, at tumigil lang nang mangitim na ang kamay ko; pinipi ng isa pa ang mga daliri ko sa paa sa ilalim ng kanyang sapatos na yari sa balat. Noon ko lamang naranasan na ang sakit sa mga daliri sa kamay ay tumatagos hanggang sa puso. Pagkatapos niyon, naghalinhinan ang anim o pitong pulis sa pambubugbog sa akin. Isa sa kanila ang nagtuon sa mga kasu-kasuan ko, at inipit ang mga ito nang husto kaya isang buwan na ay hindi ko pa rin maibaluktot ang braso ko. Ang isa naman ay sinabunutan ako at ipinagwagwagan ang ulo ko, tapos hinila at itiningala ang ulo ko. “Tumingin ka sa langit at tingnan mo kung mayroong Diyos!” mabangis na sabi nito. Nagpatuloy sila hanggang sa gumabi. Nang makitang wala silang makukuhang anuman sa akin, at dahil Chinese New Year, itinuloy nila ako sa detention center.
Pagdating ko sa detention center, inutusan ng isang guwardiya ang isang babaeng bilanggo na hubarin ang lahat ng damit ko at itapon ang mga ito sa basurahan. Tapos pinagsuot nila ako ng marumi at mabahong uniporme ng bilanggo. Ipinasok ako ng mga guwardiya sa isang selda at nagsinungaling sa iba pang mga bilanggo, na sinasabing: “Pinagwatak-watak niyang lalo ang mga pamilya ng mga tao. Marami siyang winasak na pamilya. Sinungaling siya, nililinlang niya ang matatapat na tao, at ginugulo ang katahimikan ng publiko….” “Bakit mukha siyang utu-uto?” tanong ng isa sa mga bilanggo. Na sinagot ng mga guwardiya ng: “Nagkukunwari lang siya para hindi masentensyahan. Sino sa inyo ang gayon katuso? Sinumang nag-iisip na isa siyang tanga ay siyang pinakatanga sa lahat.” Dahil nalinlang nang gayon ng mga guwardiya, sinabi ng lahat ng iba pang bilanggo na pinaalpas ako nang napakadali, at na ang tanging mabuting bagay para sa isang taong kasingsama ko ay firing squad! Galit na galit ako nang marinig ko ito—pero wala akong magawa. Ang mga pagtatangka kong lumaban ay nawalan ng saysay, lalo lang nila akong pinahirapan at pinagmalupitan. Sa detention center, pinabigkas ng mga guwardiya sa mga bilanggo ang mga patakaran araw-araw: “Ipagtapat ang iyong mga krimen at sumuko sa batas. Ang pagbubuyo sa iba na gumawa ng krimen ay hindi pinapayagan. Ang pagbubuo ng mga gang ay hindi pinapayagan. Ang pag-aaway ay hindi pinapayagan. Ang pang-aapi ng iba ay hindi pinapayagan. Ang pagbibintang nang mali sa iba ay hindi pinapayagan. Ang pang-aagaw ng pagkain o mga pag-aari ng iba ay hindi pinapayagan. Ang panloloko sa iba ay hindi pinapayagan. Dapat pigilan ang mga nang-aapi sa bilangguan. Anumang paglabag sa mga patakaran ay dapat ipaalam kaagad sa mga superbisor o mga bantay. Hindi mo dapat pagtakpan ang mga pangyayari o subukang protektahan ang mga bilanggong lumabag sa regulasyon, at ang pagsubaybay ay dapat na maging makatao. …” Ang totoo, hinikayat ng mga guwardiya ang ibang mga bilanggo na pahirapan ako, pinapayagan silang lokohin ako araw-araw: Noong negatibong 8 o 9 na digri ang lamig, ibinabad nila ang sapatos ko; lihim nilang binuhusan ng tubig ang pagkain ko; sa gabi, habang tulog ako, binasa nila nang husto ang dyaket kong may cotton pad; pinatulog nila ako sa tabi ng kubeta, madalas nila akong alisan ng kumot sa gabi, sabunutan, hindi patulugin; inagaw nila ang tinapay ko; pinilit nila akong linisin ang kubeta, at pinilit nilang isubo ang tira-tira nilang gamot sa bibig ko, hindi nila ako hinayaang makaihi at makatae…. Kung hindi ko ginawa ang anumang ipinagawa nila, pagkakaisahan nila ako at bubugbugin—at madalas sa gayong mga pagkakataon nagpupulasan ang mga superbisor o mga bantay o nagkukunwaring wala silang nakita; kung minsan nagtatago pa sila sa malayo at nanonood. Kung ilang araw akong hindi pinahirapan ng mga bilanggo, sinasabihan sila ng mga superbisor at mga bantay: “Nakaalpas ang gagang iyan nitong nakaraang ilang araw, ha? Samantala, lumambot naman ang ulo ninyo. Sinumang makapagpabalik sa malay ng gagang iyan ay babawasan ang sentensya.” Napuno ako ng pagkamuhi sa mga guwardiya dahil sa malupit na pagpapahirap nila sa akin. Ngayon, kung hindi pa ito nakita ng sarili kong mga mata at personal itong naranasan, hinding-hindi ako maniniwala na ang pamahalaang CCP, na dapat ay puno ng kabaitan at moralidad, ay maaaring maging madilim, nakakasindak, at nakakatakot—hinding-hindi ko sana nakita ang tunay na mukha nito, isang mukha na madaya at traydor. Lahat ng sinasabi nitong “naglilingkod sa mga tao, bumubuo ng sibilisado at nagkakasundong lipunan”—mga kasinungalingan ito na may layon na linlangin at dayain ang mga tao, sila ay isang paraan, isang pakana, ng pagpapaganda sa sarili nito at pagtatamo ng papuri na hindi nararapat dito. Noong panahong iyon, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi na gaanong nakapagtataka, kung gayon, na nananatiling ganap na nakatago ang Diyos na nagkatawang-tao: Sa isang madilim na lipunang tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at hindi-makatao, paanong matitiis ng hari ng mga diyablo, na pumapatay ng mga tao sa isang kisap-mata, ang pag-iral ng isang Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at ipagsaya ang pagdating ng Diyos? Ang mga sunud-sunurang ito! Binabayaran nila ng poot ang kabaitan, matagal na nilang hinamak ang Diyos noon pa, inaabuso nila ang Diyos, sukdulan ang kanilang kalupitan, wala sila ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawalan na silang lubusan ng budhi, at wala kahit bakas ng kabaitan, at tinutukso nila ang walang-malay sa kahangalan. Mga ninuno ng sinauna? Minamahal na mga lider? Tinutulan nilang lahat ang Diyos! Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat sa silong ng langit sa isang kalagayan ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Kalayaang pang-relihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga pandarayang lahat para pagtakpan ang kasalanan!” (“Gawain at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nang ikumpara ko ang mga salita ng Diyos sa realidad, nakita ko ang maitim at masamang kademonyohan ng pamahalaang CCP nang napakalinaw. Para mapanatili ang maitim na pamamahala nito, patuloy nitong hinihigpitan ang mga tao, at hindi tumitigil sa panloloko at panlilinlang sa kanila. Sa tingin, layunin nitong maglaan ng kalayaang pangrelihiyon—pero lihim nitong inaaresto, inaapi, inuusig, at pinapatay ang mga tao sa buong bansa na naniniwala sa Diyos. Sinisikap pa nitong patayin silang lahat. Napakasama, napakalupit, at napaka-reaksiyonaryo naman ng diyablo! Nasaan ang kalayaan? Nasaan ang mga karapatang pantao? Hindi ba puro panloloko lang ang mga ito para linlangin ang mga tao? Makakasulyap ba ng anumang pag-asa o liwanag ang mga tao sa pamumuhay sa ilalim ng maitim na pamumuno nito? Paano sila magiging malayang maniwala sa Diyos at paano nila mahahanap ang katotohanan? Noon ko lamang natanto na pinayagan ng Diyos na usigin at pahirapan ako, na ginamit Niya ito para ipakita sa akin ang kasamaan at kalupitan ng pamahalaang CCP, para ipakita sa akin ang kademonyohan nito na pagkapoot sa katotohanan at galit sa Diyos, at para ipakita sa akin na ang mga pulis ng mga tao, na masiglang itinataguyod at ibinabanda ng pamahalaan na nagpaparusa sa masasama, nagtatanggol sa mabubuti, at nagtataguyod ng katarungan, ay mga kasabwat at kampon na pinangalagaan nitong maigi, isang pangkat ng mga berdugo na mukhang tao pero pusong-halimaw, at papatay sa isang kisap-mata. Para pilitin akong tanggihan at pagtaksilan ang Diyos at bumigay sa malupit na kapangyarihan nito, hindi tumigil ang pamahalaang CCP sa pagpapahirap at pagsira sa akin—subalit hindi alam nito na habang lalo akong pinahirapan nito, lalo kong malinaw na nakita na mukhang demonyo ito, at lalo kong kinamuhian at tinanggihan ito sa kaibuturan ng puso ko, kaya talagang nanabik ako sa Diyos at nagtiwala sa Diyos. Bukod pa riyan, dahil mismo sa pagpapahirap ng mga guwardiya, hindi ko sinadyang maunawaan kung ano ang tunay na kahulugan na mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kasuklaman ang kinasusuklaman ng Diyos, ano ang kahulugan ng talikuran si Satanas at ibaling ang puso sa Diyos, kung ano ang kahulugan nang maging malupit, kung ano ang mga puwersa ng kadiliman, at, bukod pa riyan, kung ano ang magkaroon ng masamang hangarin at maging traydor, at huwad at manloloko. Nagpasalamat ako sa Diyos sa pagtutulot sa akin na maranasan ang kapaligirang ito, sa pagpayag na makilala ko ang tama sa mali at matukoy ang tamang landas sa buhay na tatahakin. Ang puso ko—na napakatagal na nadaya ni Satanas—ay nagising din sa wakas ng pagmamahal ng Diyos. Nadama ko na may malaking kahulugan ang pagkakaroon ko na suwerteng maranasan ang kapighatian at pagsubok na ito, na talagang pinakitaan ako ng espesyal na pabor.
Matapos subukan ang lahat ng iba pa, nakaisip ng isa pang plano ang masamang pulis: Nakakita sila ng isang Judas na nagkanulo sa aking iglesia. Sinabi niya na naniwala ako sa Makapangyarihang Diyos at tinangka rin niyang patalikurin ako sa Diyos. Nang makita ko ang masamang lingkod na ito na nagsuplong sa maraming kapatid na nangangaral ng ebanghelyo, at marinig ko ang lahat ng masasamang salitang lumabas mula sa kanyang bibig—mga salitang umalipusta, nanirang-puri, at lumapastangan sa Diyos—napuno ng galit ang puso ko. Ninais kong sigawan siya, at tanungin kung bakit walang-galang niyang kinalaban ang Diyos. Bakit lubha naman siyang nagtamasa ng biyaya ng Diyos, pero sumapi siya sa mga puwersa ng masasamang demonyo para usigin ang mga hinirang ng Diyos? Sa puso ko, hindi ko mailarawan ang kalungkutan at sakit. Nakadama rin ako ng malaking pagsisisi at pagkakautang; talagang namuhi ako sa sarili ko kung paanong, noong araw, hindi ko sinikap na hanapin ang katotohanan, at wala ako kailanmang nalamang anuman kundi ang magtamasa ng biyaya at mga pagpapala ng Diyos na parang walang-malay na bata, na hindi iniisip ang sakit at panghihiyang tiniis ng Diyos alang-alang sa ating kaligtasan. Ngayong lubog na ako sa lungga ng mga hayop na ito, saka ko lamang nalaman kung gaano naghirap ang Diyos sa paggawa sa marumi at tiwaling bansang ito, at kung gaano kasakit ang Kanyang dinanas! Tunay, ang pagmamahal ng Diyos sa tao ay may kaakibat na malaking pasakit. Ginagawa Niya ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan samantalang tinitiis ang pagtataksil ng tao. Ang pagtataksil ng tao ay walang idinulot sa Kanya maliban sa kirot at sakit. Kaya pala sinabing minsan ng Diyos: “Kahit na pagkatapos lamang ng isang gabi, maaari silang magbago mula sa isang nakangiti at ‘mabait’ na tao tungo sa isang pangit at mabangis na mamamatay-tao, biglang itinuturing na mortal na kaaway ang kanilang tagapagpala kahapon nang walang pagkatugma o kadahilanan” (“Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ngayon, bagama’t nahulog ako sa mga kamay ng diyablo, hindi ko pagtataksilan ang Diyos anuman ang mangyari. Gaano man katindi ang hirap na dinanas ko, hindi ako magsasa-Judas para iligtas ang sarili ko, hindi ko dudulutan ng kirot at kalungkuran ang Diyos. Dahil ipinagbili ako ng Judas na iyon, pinatindi ng masasamang pulis ang kanilang pagpapahirap. Siya, samantala, ay nakatayo sa isang tabi at sinabi niya: “Hindi mo alam ang mabuti sa masama. Hindi ka nararapat dito! Hindi mo pinapahalagahan ang kabaitan ko. Nararapat kang pahirapan hanggang mamatay!” Nagalit ako nang marinig ko ang mapanira at masasamang salitang ito—pero nakadama rin ako ng di-maipaliwanag na kalungkutan. Ninais kong umiyak, pero alam kong hindi dapat; hindi ko ninais na hayaan si Satanas na makita ang kahinaan ko. Sa puso ko, lihim akong nagdasal: O Diyos! Sana’y makamit Mo ang puso ko. Bagama’t wala akong magagawa para sa Iyo sa sandaling ito, sana’y matagumpay akong magpatotoo sa Iyo sa harap ni Satanas at sa masamang taong ito, para lubos silang pahiyain, at sa pamamagitan nito ay mapanatag ang Iyong puso. O Diyos! Sana’y pangalagaan Mo ang puso ko, at higit akong palakasin. Kung may mga luha ako, nawa’y papasok itong tumulo—hindi ko maaaring ipakita sa kanila ang mga luha ko. Dapat akong maging masaya dahil nauunawaan ko ang katotohanan, sapagkat nilinis Mo ang aking mga mata, na nagbibigay sa akin ng kakayahang makita ang kaibhan, at malinaw na makita ang kalikasan at diwa ni Satanas, na kalabanin Ka, at pagtaksilan Ka. Sa gitna ng pagpipino, nakita ko rin kung paano isinasaayos ng Iyong matalinong kamay ang lahat. Nais kong umasa sa Iyo na maharap ang susunod na pagtatanong at talunin si Satanas, nang maaari Kang maluwalhati sa akin.” Matapos magdasal, nagkaroon ng lakas sa puso ko na huwag magpahinga hanggang sa makumpleto ko ang aking patotoo sa Diyos. Batid ko na bigay ito sa akin ng Diyos, na binigyan ako ng malaking proteksyon at labis akong inantig ng Diyos. Ginustong gamitin ng masasamang pulis ang masamang tao para akitin akong pagtaksilan ang Diyos, pero ang Diyos ay isang matalinong Diyos, at ginamit Niya ang masamang tao bilang katapat na halimbawa para ipakita sa akin ang mapanghimagsik na kalikasan ng tiwaling sangkatauhan, na nagpapasigla sa aking pagtitika at pananampalatayang bigyan ng kasiyahan ang Diyos. Bukod pa riyan, may kaunting kaalaman ako tungkol sa matalinong gawain ng Diyos, nakita ko na namumuno at minamaniobra ng Diyos ang lahat ng bagay sa paglilingkod sa paggawang perpekto ng mga tao ng Diyos. Ito ang matibay na katotohanan ng paggamit ng Diyos ng karunungan para talunin si Satanas.
Nakikita na hindi nila ako mapipilit na sabihin ang anumang gusto nila, ginawa nila ang lahat—sa mga tao man, o mga mapagkukunan ng materyal o salapi—paroo’t parito kahit saan na nagtatanong ng katibayan na ako ay naniniwala sa Diyos. Makalipas ang tatlong buwan, lahat ng ipinagmamadali nila ay nawalan ng saysay. Sa huli, inilahad na nila ang huling baraha: Nakakita sila ng dalubhasang tagapagtanong. Sinabi noon na lahat ng dinala sa kanya ay sumailalim sa kanyang tatlong klase ng pagpapahirap, at walang sinumang hindi nagtapat kailanman. Isang araw, dumating ang apat na opisyal na pulis at sinabi sa akin: “Ngayon ay dadalhin ka namin sa isang bagong tahanan.” Sumunod, itinulak nila ako sa isang sasakyan na naghahatid sa mga bilanggo, ipinosas ang mga kamay ko sa aking likuran, at tinalukbungan ang ulo ko. Sa sitwasyong ito naisip ko na ilalabas nila ako para lihim akong patayin. Sa puso ko, hindi ko naiwasang masindak. Pero pagkatapos ay naisip ko ang himnong madalas kong kantahin nang manalig ako kay Jesus: “Simula pa noong mga unang araw ng iglesia, kinailangang magbayad ng malaking halaga yaong mga sumusunod sa Panginoon. Sampu-sampung libong kamag-anak sa espiritu ang nagsakripisyo ng kanilang sarili para sa ebanghelyo, at sa gayon ay natamo nila ang buhay na walang-hanggan. Pagmamartir para sa Panginoon, handa akong mamatay na isang martir para sa Panginoon.” Noong araw na iyon, sa wakas ay naunawaan ko rin ang himno: Yaong mga sumusunod sa Panginoon ay kailangang magbayad ng malaking halaga. Ako man ay handang mamatay noon para sa Diyos. Sa gulat ko, matapos kunin ang sasakyan, hindi sinasadyang narinig ko ang pag-uusap ng masasamang pulis. Tila dadalhin nila ako sa isang lugar para tanungin. Ah! Hindi nila ako papatayin—at naghahanda pa naman akong mamatay na isang martir para sa Diyos! Habang iniisip ko ito, sa kung anong dahilan sinikipan ng isa sa mga pulis ang mga tali ng talukbong sa ulo ko. Hindi nagtagal, hindi na ako komportable—pakiramdam ko ay sinasakal ako. Inisip ko kung talagang pahihirapan nila ako hanggang sa mamatay. Sa sandaling iyon, inisip ko kung paano isinakripisyo ng mga disipulo ni Jesus ang kanilang sarili para ipangaral ang ebanghelyo. Hindi ako magpapakaduwag. Mamatay man ako, hindi ako magmamakaawa sa kanila na luwagan ito, ni aaminin kong talo na ako. Pero hindi ko napigil ang sarili ko: hinimatay ako at bumagsak sa harap nila. Nang makita ang nangyayari, agad niluwagan ng mga pulis ang talukbong. Nagsimulang bumula ang bibig ko, pagkatapos ay panay ang suka ko. Pakiramdam ko isusuka ko ang bituka ko. Nahilo ako, naliyo, at hindi ko maimulat ang mga mata ko. Walang lakas ang anumang bahagi ng katawan ko, na para bang paralisado ako. Pakiramdam ko may malagkit na bagay sa bibig ko na hindi ko kayang mailabas. Noon pa man ay mahina na ako, at matapos akong abusuhin nang ganito nadama kong nasa panganib ako, na baka tumigil ako sa paghinga anumang oras. Sa gitna ng sakit, nanalangin ako sa Diyos: “O Diyos! Nararamdaman kong hindi ko na kaya. Kung ang masamang pulis ay talagang gusto akong pahirapan hanggang kamatayan, masaya kong gagamitin ang aking kamatayan para bigyan Ka ng kasiyahan at tumayong saksi para sa Iyo. Bagama’t ang mga diyablong CCP ay mapapatay ang aking laman, hindi nila mapapatay ang aking kaluluwa. Tiwala ako na anuman ang gawin Mo, iyon ay matuwid, at gusto kong pangalagaan Mo ang puso ko, para makaayon ako sa lahat ng isinasaayos at inihahanda Mong gawin.” Kalaunan, dumating ang sasakyan sa isang hotel. Sa oras na iyon, hinang-hina ang buong katawan ko at hindi ko kayang maimulat ang mga mata ko. Binuhat nila ako papunta sa isang saradong silid. Ang maririnig ko lang ay ang ingay ng maraming tauhan ng pamahalaang CCP na nakatayo sa paligid at pinag-uusapan ako, na sinasabi na para nilang nakikita sa akin ang nangyari kay Liu Hulan. Naunawaan ko na, makabagbag-damdamin! Mas matapang pa siya kay Liu Hulan! Nang marinig ko ito, napuno ng katuwaan ang puso ko. Nakita ko na sa pamamagitan ng pagsandal sa pananampalataya at pag-asa sa Diyos ay tiyak na magkakaroon ng tagumpay laban kay Satanas, na natatakapan ng Diyos si Satanas! Pinasalamatan at pinuri ko ang Diyos. Sa sandaling ito, nalimutan ko ang sakit. Labis akong nasiyahang luwalhatiin ang Diyos.
Buong Teksto: