Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos

2020-05-20 10:06:12 | Koro ng Ebanghelyo



Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba Siya?!” Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang, humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba. Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?

———————————————————————

Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus?


Tawag ng Diyos | Dramang Musikal "Koro ng Ebanghelyong Tsino Ika-9 Pagganap"

2020-01-28 15:24:13 | Koro ng Ebanghelyo


Tawag ng Diyos | Dramang Musikal "Koro ng Ebanghelyong Tsino Ika-9 Pagganap"

Ang Kalungkutan ng Tiwaling Sangkatauhan
Ang tao'y naglakad kasama ang D'yos sa paglipas ng mga taon,
ngunit di alam ng tao na hawak ng Diyos ang tadhana ng lahat ng bagay.
Lalong di alam papaano magsaayos ang Diyos, mamahala sa lahat ng bagay.
Gayong bagay ang di alam ng tao noon hanggang ngayon
di dahil mailap ang mga gawa ng Diyos,
o plano Niya'y di pa naisakatuparan,
nguni't dahil puso't espiritu ng tao, napakalayo sa D'yos.
Kahit tao'y sumusunod sa Diyos.
Walang malay siyang nagsisilbi kay Satanas.
Walang aktibong humahanap sa bakas ng D'yos.
Walang sinumang aktibong naghahanap sa pagpapakita ng D'yos,
at wala ring nais mabuhay sa pag-aruga't pag-iingat ng D'yos.
Mas gusto nilang umasa sa kaagnasan ni Satanas
upang umangkop sa masasamang tuntunin ng buhay ng tao.
Di namalayan na sa proseso, puso't espiritu N'ya'y isinakripisyo kay Satanas
at ng kasamaan.
Bukod dito, puso't espiritu ng tao'y nagiging tahanan ni Satanas at kanyang palaruan.
Sa paraang ito,
di namamalayang 'di na maunawaan ng tao ang mga prinsipyo ng pagiging tao,
at halaga at layunin ng pag-iral ng tao.
Mga batas mula sa D'yos at ang tipan N'ya sa tao
dahan-dahang kumupas sa puso ng tao
at di na n'ya hinahanap ni pakinggan man ang Diyos.
at di na n'ya hinahanap ni pakinggan man ang Diyos.
Sa paglipas ng panahon tao'y di na makaintindi kung bakit s'ya'y nilikha ng D'yos,
di maintindihan mga salita ng Diyos
di matanto na lahat ay nanggagaling sa D'yos.
Nagsisimulang labanan ng tao mga batas at kautusang itinakda ng D'yos;
puso't espiritu niya'y naging patay.
Nawala ng Diyos ang orihinal na tao.
Nawala ng tao ang kanyang pinagmulan.
Ito ay ang lungkot ng sangkatauhang ito.
Ito ay ang lumbay ng sangkatauhang ito.


Bagong Langit at Bagong Lupa | Dula-dulaan sa Entablado "Koro ng Ebanghelyong Tsino Ika-13 Pagganap"

2020-01-12 16:08:07 | Koro ng Ebanghelyo


Bagong Langit at Bagong Lupa | Dula-dulaan sa Entablado "Koro ng Ebanghelyong Tsino Ika-13 Pagganap"

Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos

I
Ngayon, sa tuwa, kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos
ay lumalaganap sa sansinukob at dinadakila sa gitna ng lahat ng sangkatauhan.
Siyudad ng kalangita’y tumatawa, sumasayaw kaharian sa lupa.
Sinong di magagalak? Sinong di maluluha?
Mga tao'y walang alitan; hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.

II
Ang lupa ay sa langit, langit at lupa’y nagkaisa.
Tao’y nagiging bigkis ng langit at lupa.
Salamat sa kabanalan at pagbabago ng tao,
di na nakubli ang langit sa lupa, at lupa’y kinikibo na ang langit.
Mga tao'y walang alitan; hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.
Mga tao'y walang alitan; hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.

III
Araw ay matingkad, hangi’y masigla, kapal ng hamog wala na.
Araw ay matingkad, hangi’y masigla, kapal ng hamog wala na.
Araw ay matingkad, hangi’y masigla, kapal ng hamog wala na.
Araw ay matingkad, hangi’y masigla, kapal ng hamog wala na.
Mga mukha ng sangkatauha’y nakangiting panay.
Nakatago sa puso nila’y tamis na walang-hanggan.
Mga tao'y walang alitan; hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.
Mga tao'y walang alitan; hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya,
mapayapang magkasama, mapayapang magkasama.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


"Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo" | Tagalog Worship and Praise Song

2020-01-11 15:57:12 | Koro ng Ebanghelyo


Narinig na ang nakakaantig na awit ng kaharian, na ipinababatid ang pagdating ng Diyos sa piling ng mga tao sa buong sansinukob! Dumating na ang kaharian ng Diyos! Nagbubunyi ang lahat ng tao, nagagalak ang lahat ng bagay! Lahat ng bagay sa buong kalangitan ay puspos ng kasayahan. Anong kabigha-bighaning mga tagpo ng kagalakan ang mga ito?
Sa mga tao, na nabubuhay sa pasakit at nagtiis na ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, sino ang hindi umaasam—hindi nananabik—sa pagdating ng Diyos? Ilang mananampalataya at alagad ng Diyos sa paglipas ng mga panahon ang nagtiis, sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, ng pagdurusa at paghihirap, pag-uusig at pagkawalay? Sino ang hindi umaasa na dumating na sana ang kaharian ng Diyos sa lalong madaling panahon? Nang matikman ang mga kagalakan at kalungkutan ng sangkatauhan, sino sa sangkatauhan ang hindi naghahangad na manaig ang katotohanan at kabutihan sa mga tao?
Pagdating ng kaharian ng Diyos, ang araw na labis na inasam ng lahat ng bansa at tao ay dumating na rin sa wakas! Sa panahong ito, ano ang magiging mga tagpo ng lahat ng bagay sa langit at lupa? Gaano kaganda ang magiging buhay sa kaharian? Sa “Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo,” magkakatotoo ang mga panalangin ng mga milenyo!