Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?

2020-05-25 08:46:37 | Tanong at Sagot ng Ebanghelyo
Ang Sagot mula sa Salita ng Diyos:


Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas na nagpapasalamat sa Kanyang pangalan, ay naging desperado sa pag-asam sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sakay sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay naging desperado nang may matinding pagnanais sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong naging desperado sa pananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Hudyo. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay dumating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling mangmang sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mapagtagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na kinikikilan Siya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang paghahandog para sa kasalanan ay puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang idea na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.

mula sa “Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa ‘Puting Ulap’”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nagkatawang-tao ang Diyos sa lupalop ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob ng bansa. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagkat ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang nagtatrabaho at namumuhay sa laman, gayon pa man walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakikilala rito. Marahil ito ay mananatiling isang walang hanggang bugtong. Sa panahong ito ang pagdating ng Diyos sa laman ay hindi isang bagay na kahit sino ay may kakayahang mabatid. Gaano man kalaki at makapangyarihan ang gawain ng Espiritu, nananatiling buo ang Diyos, hindi kailanman ibibigay ang Sarili Niya palayo. Maaaring sabihin ng isa na ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay parang nagaganap sa makalangit na kaharian. Kahit na ito ay ganap na halata sa lahat ng tao, walang sinuman ang nakakikilala rito. Kapag tinapos ng Diyos ang yungtong ito ng Kanyang trabaho, magigising ang lahat sa kanilang mahabang panaginip at babaligtarin ang kanilang nakaraang mga ugali.[1] ... Sa pagliligtas ng tao sa krus, kinukumpleto lamang ni Jesus ang gawain ng pagtubos; Hindi Siya gumagawa ng perpektong gawain. Kaya kalahati lamang ng gawain ng Diyos ang natapos, ang pagtatapos ng gawain ng pagtubos ay kalahati lamang ng Kanyang buong plano. Sa pag-uumpisa ng bagong kapanahunan at ang luma ay paurong na, ang Diyos Ama ay nagsimulang pag-isipan ang ikalawang bahagi ng Kanyang gawain at nagsimulang paghandaan rito. Noong nakaraan, maaaring hindi nahulaan ang pagkakatawang-taong ito sa huling mga araw, at sa gayon naglatag ito ng isang pundasyon upang mas pataasin ang lihim na pumapalibot sa pagdating ngayon ng Diyos sa laman. Sa pagsapit ng bukang-liwayway, hindi nalalaman ng sinuman, naparito ang Diyos sa lupa at sinimulan ang Kanyang buhay sa laman. Hindi alam ng mga tao ang sandaling ito. Siguro lahat sila ay nahihimbing, marahil maraming maingat na gising ang naghihintay, at marahil marami ang nagdarasal nang tahimik sa Diyos sa langit. Gayon man sa gitna ng lahat ng maraming mga tao, wala ni isang nakakaalam na ang Diyos ay dumating na sa lupa. Gumawa ang Diyos nang tulad nito nang sa gayon mas maayos na maisagawa ang Kanyang gawain at makamit ang mas mahusay na mga resulta, at upang maiwasan din ang maraming mga tukso. Sa pagkagising ng tao sa tagsibol na pagkakaidlip, ang gawain ng Diyos ay matagal na sanang natapos at Siya’y aalis na, dadalhin sa pagtatapos ang Kanyang buhay nang paglilibot at pansamantalang pagtigil sa lupa. Dahil ang gawain ng Diyos ay nangangailangan na ang Diyos ay kumilos at magsalita ng personal, at dahil walang paraan ang tao upang makatulong, tiniis ng Diyos ang matinding sakit upang pumarito sa lupa at gawin Niya mismo ang gawain. Hindi kayang tumayo ng tao para sa gawain ng Diyos. Samakatuwid nakipagsapalaran sa mga panganib ang Diyos ng ilang libong beses na mas malaki kaysa sa Kapanahunan ng Biyaya upang bumaba sa kung saan ang malaking pulang dragon ay nananahan upang gawin ang Kanyang sariling gawain, upang ilagay ang lahat ng Kanyang pag-iisip at pag-aalaga sa pagtutubos sa grupo ng pinapaghirap na mga tao, pagtutubos sa grupong ito ng mga taong nasadlak sa tambak ng pataba.

mula sa “Gawa at Pagpasok (4)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ngayon, nagsimula ang bagong gawain ng Diyos, at ito rin ang simula ng bagong kapanahunan. Dinadala ng Diyos sa Kanyang tahanan ang mga tinubos upang masimulan ang Kanyang bagong gawain ng pagliligtas. Sa pagkakataong ito, ang gawain ng pagliligtas ay mas masusi kaysa nakaraan. Hindi ito gagawin ng Banal na Espiritu na kumikilos sa tao upang pahintulutan siyang magbago sa kanyang sarili, ni hindi rin ito gagawin sa pamamagitan ng katawan ni Jesus na nagpapakita sa gitna ng mga tao, at lalong hindi ito gagawin sa ibang paraan. Sa halip, ang gawain ay gagawin at papatnubayan ng Diyos Mismo na nagkatawang-tao. Ito ay ginagawa upang pangunahan ang tao patungo sa bagong gawain. Hindi ba ito isang dakilang bagay? Hindi ginagawa ng Diyos ang gawaing ito na kabahagi ang ilang mga tao o sa pamamagitan ng mga hula, kundi ng Diyos Mismo. …

Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, kundi ito rin ang katawan kung saan magbabalik ang Diyos. Ito ay isang napaka-ordinaryo katawang-tao. Sa Kanya, wala kang makikitang anumang kaiba kumpara sa iba, nguni’t maaari kang makatanggap mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi mo pa kailanman naririnig. Ang hamak na katawang-taong ito ay ang pagsasakatawan ng lahat ng mga salita ng katotohanan mula sa Diyos, na siyang pumapasan sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at isang pagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos para malaman ng tao. Hindi ba labis ang iyong pagnanais na makita ang Diyos sa langit? Hindi ba labis ang iyong pagnanais na maintindihan ang Diyos sa langit? Hindi ba labis ang iyong pagnanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim na ito na wala pang sinumang tao ang nakapagsabi sa iyo, at sasabihin pa Niya sa iyo ang mga katotohanan na hindi mo nauunawaan. Siya ang iyong pintuan patungo sa kaharian, at ang iyong gabay patungo sa bagong kapanahunan. Ang gayong karaniwang katawang-tao ay nagtataglay ng maraming hindi maarok na mga hiwaga. Ang Kanyang mga gawa ay maaaring hindi mo maabot, nguni’t ang tinutumbok ng lahat ng gawaing Kanyang ginagawa ay sapat upang iyong makita na hindi Siya isang simpleng katawang-tao gaya ng inaakala ng tao. Sapagka’t kinakatawan Niya ang kalooban ng Diyos gayundin ang pangangalaga na ipinakita ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kahit na hindi mo naririnig ang mga salitang Kanyang sinasabi na tila yumayanig sa langit at lupa, o nakikita ang Kanyang mga mata na tila mga naglalagablab na ningas, at kahit na hindi mo nararamdaman ang disiplina ng Kanyang bakal na pamalo, naririnig mo mula sa Kanyang mga salita ang galit ng Diyos at nalalaman na ang Diyos ay nagpapamalas ng pagkahabag sa sangkatauhan; nakikita mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang Kanyang karunungan, at higit sa lahat, natatanto ang pagmamalasakit at pag-aalaga ng Diyos sa buong sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita ang Diyos sa langit na namumuhay sa kalagitnaan ng mga tao sa lupa, at bigyang-kakayahan ang tao na makilala, sundin, igalang at ibigin ang Diyos. Ito ang kung bakit nagbalik na Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon.

mula sa “Alam Mo Ba? Nakágáwâ ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

_____________________________________________


Bakit ang Pag-aayuno at Pagdarasal ay Hindi Malulutas ang Isyu ng Pagpanglaw sa Iglesia

2020-05-15 00:59:33 | Tanong at Sagot ng Ebanghelyo


Ni Zheng Xin, Tsina


Sa mga nakaraang ilang taon, upang mapasigla ang simbahan at palakasin ang pananampalataya ng kanyang mga kapatid na lalaki at babae pati na rin ang kanyang sarili, si Lin Ke ay nag-ayuno at nanalangin nang maraming beses na hindi na niya mabilang. Sa kabila ng lahat ng ito ay hindi niya nadama ang pagkakaroon at gabay ng Panginoon sa buong oras na ito. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi nakikinig ang Diyos sa kanyang mga dalangin—dahil ba siya ay hindi pa sapat na taimtim sa kanyang pag-aayuno at panalangin?
Nakaupo si Lin Ke sa isang pampang ng lawa na nakatitig sa kawalan, naguguluhan sa isyung ito ng pag-aayuno at panalangin nang sinisigawan siya ng kanyang katrabaho na si Xiao Jing nang dalawang beses bago niya ito narinig.
Bilang tugon sa mga alalahanin na ipinahayag ni Xiao Jing, hindi mapigilang mapangiti si Lin Ke at sinabi, “Nitong mga huling taon, ang sitwasyon sa aking iglesia ay patuloy na lumalala, at ako mismo ay mahina. Sa huling oras na ito, nag-ayuno ako at nagdasal ng apat na araw! Sa kabila nito wala pa ring pag-unlad sa aming sitwasyon, at sa buong oras na ito ay hindi ko naramdaman ang presensya ng Diyos. Nagtataka ako kung hindi pa ba ako sapat na taimtim sa aking pag-aayuno, o kung sinusubukan ng Panginoon ang aking pananampalataya? Ang aking puso ay kasalukuyang mahina. Ako ay tunay na may utang na loob sa Panginoon!”
Sumagot si Xiao Jing: “Lin Ke, naisip mo ba kung bakit, kahit na tayo ay nag-aayuno at nananalangin at taimtim na humiling sa Diyos na pasiglahin ang iglesia, ang Diyos ay hindi nakikinig? Sa katunayan, may kalooban ang Diyos na dapat hanapin! Alam nating lahat na ang Diyos ay tapat, at hangga’t nananalangin tayo alinsunod sa kalooban ng Diyos at tinutupad ang mga atas ng Diyos, makikinig ang Diyos. Gayunpaman, ang kinakailangan ay dapat tayong manalangin alinsunod sa kalooban ng Panginoon. Kung hindi, hindi alintana kung paano tayo nag-aayuno at nananalangin, kahit na ang ating saloobin ay napaka-taimtim at kahit gaano man tayo magdusa, ang Diyos ay hindi makikinig. Ang kasalukuyang pagpanglaw sa iglesia ay hindi lamang nagaganap sa isa o dalawang iglesia. Sa halip, ito ay talagang pangkaraniwan sa lahat ng mga relihiyon sa buong mundo. Ipinapahiwatig nito na ang kalooban ng Diyos ay nasa loob nito. Ang nararapat nating gawin ay ang hanapin at kamtim ang kaliwanagan sa ugat ng pagpanglaw ng iglesia. Ano ang kalooban ng Diyos? Kung hindi natin nasasagot ang mga katanungang ito, kahit na hindi natin ihihinto ang pag-aayuno at pagdarasal, hindi natin malulutas ang isyung ito at magtatapos tayo sa paggutom sa ating mga sarili!”
Naguguluhang, nagtanong si Lin Ke, “Paano natin hahanapin ang kalooban ng Diyos hinggil sa pagpanglaw ng iglesia?”
Sumagot si Xiao Jing, “Patungkol dyan, habang ako ay nagbabasa ng Bibliya, natagpuan ko ang mga sumusunod na banal na kasulatang ito: ‘At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig’ (Mateo 24:12). ‘Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Jehova, na ako’y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ni Jehova’ (Amos 8:11). ‘At binigyan ko naman kayo ng kalinisan ng mga ngipin sa lahat ninyong mga bayan, at kakulangan ng tinapay sa lahat ninyong mga dako; gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ni Jehova. At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo’ (Amos 4:6-7). Ngayon, ang mga insidente ng kawalan ng batas tulad ng pagnanakaw at pangangalunya ay tumataas sa lahat ng oras. Kahit ang mga pastor, matatanda at tanyag na mangangaral ay hindi nakakasunod sa mga kautusan. Ang ginagawa lamang nila ay nangangaral tungkol sa kaalaman sa Bibliya upang itaas ang kanilang sarili. Pinatototohanan nila ang kanilang sarili upang ang mga kapatid ay sambahin sila—malayo sila sa pagtataas o pagpapatotoo sa Diyos. Nagpapanggap silang naglilingkod sa Diyos ngunit sa totoo lang, pasimpleng ginagamit lamang nila ang kanilang awtoridad sa ating mga kapatid. Sila’y lumayo sa paraan ng Panginoon matagal na panahon na ang nakalipas at sila ay tinanggihan ng Diyos. Sa ganitong mga taong naglilingkod sa Diyos, paanong ang iglesia ay hindi magiging mapanglaw? Higit pa riyan, tayo ay nasa mga huling araw. Ito ang pinakamahalagang oras kung saan babalik ang Panginoon. Posible na muling gumawa ng bagong gawain ang Diyos, na ang gawain ng Banal na Espiritu ay lumipat, at ito ay dahil lamang sa hindi natin sinunod ang mga yapak ng Diyos na naiwan tayo sa kadiliman. Katulad ito sa huling yugto ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang mga pinuno ng Hudaismo ay hindi sumunod sa mga batas ni Jehova at kulang sila ng pusong may paggalang sa Diyos. Ang lahat ng kanilang ginawa ay sumunod sa kung ano ang naipasa ng tao; tinalikuran nila kahit na ang mga kautusan ng Diyos at ganap na nalayo sa paraan ng Diyos. Ginawaran nila ang templo bilang isang ‘lungga ng mga magnanakaw’ kung saan sila bumibili at nagbebenta ng mga hayop at nagpapalitan ng pera. Bilang resulta, ang templo ay unti-unting pumanglaw. Ito ang pangunahing dahilan ng pagkawala ng gawain ng Banal na Espiritu. Higit pa, dumating si Jesus upang gumawa ng bagong gawain. Ang mga tao sa panahong iyon ay kailangang umalis sa templo at tumanggap ng gawain ni Jesus upang muling matamo ang gawain ng Banal na Espiritu at tamasahin ang kapayapaan, kagalakan at tamis ng gawa ng Banal na Espiritu.”
Nang may pagkamangha, sinabi ni Lin Ke, “Ang sinasabi mo ay ang kasalukuyang pagpanglaw ng mga iglesia ay katulad ng nangyari sa huling yugto ng Kapanahunan ng Kautusan. Simula ng ang mga pastor at matatanda ay lumihis mula sa paraan ng Panginoon, ang Diyos ay matagal na silang tinanggihan at nawala ang gawain ng Banal na Espiritu. At, posible bang bumalik na ang Diyos upang gumawa ng bagong gawain?”
Sinabi ni Xiao Jing, “Mmm, oo. Ito ay ganap na posible. Alam nating lahat ang kasalukuyang kalagayan ng iglesia. Tulad ng kung paano ang ating mga kapatid lamang ay walang anumang nakikipagdaldalan sa isa’t isa: Sa podium, ang mga sermon ng pastor ay palaging parehong mga lumang bagay; sa entablado, ang mga mananampalataya ay nag-tsitsismisan ng walang patid. ang mga kabataan ay patuloy na sinisipat ang kanilang mga orasan at ang matatanda ay naghihilikan hanggang makatulog. Ang mga pagtitipon ay naka-iskedyul sa 7 P.M., ngunit sa huli ang mga tao ay dumarating na 8 P.M. Pagsapit ng 9 P.M., mayroon pa ring mga taong dumarating at sa sandaling tapos na ang pagtitipon, nagmamadali silang tumakas sa abot ng kanilang makakaya. Kung ang Banal na Espiritu ay nasa pag-gawa pa rin sa loob ng iglesia, mangyayari ba ang ganitong uri ng sitwasyon? Ang mga pastor at matatanda ay naglalakad sa landas ng mga Fariseo—pinangungunahan nila ang mga kapatid sa landas ng paglaban sa Diyos. Sa huli, sila ay itataboy at aalisin ng Diyos. Kung ang Diyos ay hindi ginagawa ang Kanyang gawain, gaano man tayo nag-aayuno at manalangin, lahat ito ay hindi magiging kapaki-pakinabang!”
Pagkasabi ng lahat ng ito, binuksan ni Xiao Jing ang kanyang tablet at binasa ang sumusunod: “‘Tutuparin ng Diyos itong katunayan: Palalapitin Niya ang lahat ng sangkatauhan sa buong sansinukob sa Kanyang harapan, at sasambahin ang Diyos sa lupa, at ang Kanyang gawain sa ibang mga lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumukod sa kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga bagay na makakain. Upang maiwasan ang taggutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay daranas ng matinding taggutom, at tanging ang Diyos ng ngayon ang Siyang bukal ng buhay na tubig, na taglay ang palaging umaagos na bukas na inilaan para sa kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya’ (‘Nakarating na ang Milenyong Kaharian’). Mula sa talata na ito malinaw nating makikita na mayroong isang uri ng pagkagutom sa mga relihiyosong mundo ngayon. Ang kalooban ng Diyos ay upang masikap nating sinasaliksik ang kasalukuyang mga salita at gawa ng Diyos. Mula roon, mahahanap natin ang mapagkukunan ng buhay na tubig at sa ganitong paraan lamang na makakamit natin ang gawain ng Banal na Espiritu. Kasalukuyan tayong nasa gitna ng tagtuyot na binanggit sa mga propesiya. Ang ating kagyat na gawain ngayon ay ang paghahanap ng iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi, kung magpapatuloy tayo sa pagiging pasibo, talagang tayo ay matutuyot at mamamatay!”
Si Lin Ke ay bumuntong-hininga at nagsabi, “Hhmm, ang sinasabi mo ay naaayon sa Bibliya. Ito ay nagpapa-alala sa akin ng talata sa Aklat ng Pahayag na nagsasabing, ‘Ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon’ (Pahayag 14:4). Tila na ang pagpanglaw ng iglesia sa katunayan ay naglalaman ng kalooban ng Diyos sa loob nito. Sa kasalukuyan, sa labas ng mundo, ang mga bagay ay hindi mapakali at hindi matatag. Ang mga kalamidad ay lalong lumalawak at may mga palatandaan kung saan ay magkakapareho. Natupad na ang propesiya ng pagbabalik ng Panginoon. Kung ganito, ang dapat unahin ay ang aktibong maghanap at mag-imbestiga sa iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu. Gayunpaman, paano natin hahanapin ang mga yapak ng kordero?”
——————————————————————
Kasalukuyan ang mga sakuna ay nagaganap ng madalas. Alam mo ba kung ano ang tunay na Iglesia na mara-rapture bago ang malaking kapighatian? Paano natin ito mahahanap? Basahin ang artikulong ito upang makuha ang mga kasagutan.
——————————————————————
Sumagot si Xiao Jing, “Naalala mo ba ang talatang ito mula sa mga aklat ng Pahayag? ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios’ (Pahayag 2:7). ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating’ (Juan 16:12-13). Mula sa mga talatang ito, makikita natin na sa wakas, kapag bumalik ang Panginoon, magsasalita Siya sa mga iglesia at sasabihin sa atin ang lahat ng mga katotohanan para makamit natin ang kaligtasan at tulungan tayong makawala sa katiwalian. Ipapakita din Niya ang lahat ng mga misteryo, mga propesiya, pati na rin ang kahahantungan at panghuling patutunguhan ng lahi ng tao. Dapat nating hanapin ang mga yapak ng Diyos at tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon. Dapat nating hanapin ang lugar kung nasaan ang pinakabagong mga salita ng Banal na Espiritu at sumusunod sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Tanging sa gayon lamang natin matatamasa ang kasustansyahan ng mga katotohanan na ipinahahayag ng Diyos sa mga huling araw. Sa ganito malulutas ang ugat na sanhi ng pagpanglaw ng iglesia!”
Masayang sinabi ni Lin Ke: “Oh! Halos buong buhay ko ay binabasa ko ang Bibliya. Paano ko hindi kailanman nakita ang misteryong ito sa loob nito? Sa kinalabasan nito, matagal ng panahon na sinabi sa atin ng Diyos na kapag siya ay bumalik, magpapahayag siya ng higit pang mga katotohanan para sa ating pang-sustento. Hindi ba nito tinutupad ang sumusunod na mga propesiya na nakasulat sa Aklat ng Pahayag? ‘Sila’y hindi na magugutom pa, ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init: Sapagka’t ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang magiging pastor nila, at sila’y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at papahirin ng Dios ang bawa’t luha ng kanilang mga mata’ (Pahayag 7:16-17)? Tila na ang tubig lamang mula sa ilog ng buhay na dumadaloy mula sa trono ay ganap na lulutas sa kapanglawan ng iglesia . Ang ating espirituwal na kagutuman ay hindi malulutas sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno. Salamat sa Panginoon!
Sa wakas ay natagpuan ni Lin Ke ang paraan upang malutas ang kanyang alinlangan. Ang mga araw na iyon ay tapos na. Nagniningning ang takip-silim sa kanyang katawan at lahat ay maganda ang hitsura.
_____________________________________________

Paano Manalangin sa Pinakamabisang Paraan? Ngayon, maraming mga kapatid sa Panginoon ang hindi maramdaman ang gawain ng Banal na Espiritu Kapag nananalangin o makita ang mga pagpapala ng Diyos. Alam mo ba kung paano manalangin ng mabisa?


Alam mo ba kung ano ang Ugat ng Kapanglawan ng mga Simbahan?

2020-05-14 11:32:16 | Tanong at Sagot ng Ebanghelyo


Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako’y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon.


-Amos 8:11



Mga Saloobin na Talata sa Linggong ito…
Ang talatang ito ay nagsasabi sa atin kung bakit ang ating Espirituwal ay uhaw at gutom, at namumuhay sa estado ng pagka-negatibo at panghihina, at kung bakit ang simbahan ay naging mapanglaw. Ito ay dahil sa hindi natin hinahanap ang mga salita at gawain ng Diyos, lalong hindi tayo nakikinig sa Kanyang mga salita. Bilang resulta, nawalan tayo ng mga probisyon ng mga salita ng Diyos at dumaranas ng taggutom. Tulad lang ng pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, nang ang templo ay naging mapanglaw.. Ito ay dahil ang Diyos ay umalis mula sa templo at ang Panginoong Jesus ay nagpahayag ng mga salita at inilunsad ang gawain ng pagtubos sa labas ng templo. Sa sandaling nagsimula ang bagong gawain ng Diyos, ang Espiritu Santo ay hindi na nagtrabaho sa templo kundi ipinagtanggol ang gawain ng Panginoong Jesus. Ang mga sumunod sa Kanya ay nakamit ang pagkakaloob ng buhay mula sa tubig ng buhay, na mabigyan-kasiyahan sa espiritu at tinatamasa ang kapayapaan at kagalakan na dinala ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga saserdote, mga eskriba at mga Pariseo na naglingkod sa Diyos sa templo para sa mga henerasyon, at ang mga Judio lamang ang nakasalalay sa mga batas, sa halip na tanggapin ang mga salita at gawain ni Hesus, kaya hindi nila nakuha ang pagkakaloob ng buhay, nawala ang paggawa ng Banal na Espiritu, at nagdusa sa taggutom; ang templo ay naging isang yungib ng mga magnanakaw. Hindi lamang sa di nila sinunod ang Panginoong Jesus, kundi nilabanan din nila at hinatulan ang gawain ng Panginoong Jesus, at nilapastangan pa ang Panginoong Jesus, at sa huli ay sumali sa pwersa ng pamahalaan ng Romano upang ipako ang Panginoong Jesus, na ginawa ang gawaing pagtubos, sa krus ng buhay. Sila ay gumawa ng isang kasuklam-suklam na krimen at isinumpa ng Diyos.
Ngayon tingnan natin ang modernong relihiyon sa mundo. Ang mga pastor at mga matatanda at mga mangangaral lamang ang nagpapaliwanag ng kaalaman sa bibliya at teyolohiyang lohikal upang ipakita at patotohanan ang kanilang mga sarili, at upang magawang humanga ang iba sa kanila. Hindi nila sinusunod ang daan ng Panginoon o ipinakalat ang mga salita ng Panginoon, ni nagpapatotoo man o nagbubunyi sa Panginoon, mas hindi nila ginagabayan ang mga kapatid upang hanapin ang gawain at mga salita ng Banal na Espiritu. Dahil dito, hindi maaaring makuha ng mga kapatid ang suplay ng buhay na tubig ng buhay. Lahat sila ay karaniwang nakatira sa isang negatibong at mahina na estado, at ang kanilang pananampalataya at pag-ibig ay lumalamig. Marami sa kanila ang sumunod sa masasamang uso ng mundo, nagtataguyod ng pera, katanyagan at pakinabang, at mga kaligayahan sa laman, ay nahuhuli sa kasalanan at ang mga kasiyahan nito, ay nahulog sa kasalanan, at hindi maaaring palayain ang kanilang mga sarili mula sa pamumuhay sa kasalanan. Ang tanawin ng pagkaguho ng iglesia ay muling lumitaw. Hindi natin maiwasan kundi mag-isip: Ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay karaniwang natupad, kaya ito ay ang mahalagang sandali upang tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon. Gayunpaman, nawalan kami ng gawain ng Banal na Espiritu at hindi nararamdaman ang presensya ng Panginoon. Sa ganitong paraan, tayo ay aabandonahin ng Panginoon sa lalong madaling panahon. Kaya, paano tayo makakasunod sa mga bakas ng Panginoon, at makamit ang gawain ng Banal na Espiritu at ang suplay ng buhay na tubig ng buhay? Minsang sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6). “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27). Mula sa mga salita ng Panginoon, nalaman natin na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at ang mga tupa ng Diyos ay nakikinig sa tinig ng Diyos. Kung gusto nating sundan ang mga bakas ng Diyos at malugod na matanggap ang Kanyang pagpapakita, kailangan nating kunin ang mga aral mula sa kabiguan ng mga Pariseo na magkaroon ng pananampalataya sa Diyos. Dapat nating hanapin at imbestigahan ang mga salita at gawain ng nagbalik na Panginoon sa mga huling araw na may puso na may paggalang sa Diyos, at pakinggan ang tinig ng Diyos. Magkagayon lamang tayo magkakaroon ng pagkakataon na tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon at makuha ang pagtutubig at suplay ng buhay na tubig ng buhay. Tulad ng sabi ng Diyos,“Dahil hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagkat kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pagpapahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.”

——————————————————————

Kasalukuyan ang mga sakuna ay nagaganap ng madalas. Alam mo ba kung ano ang tunay na Iglesia na mara-rapture bago ang malaking kapighatian? Paano natin ito mahahanap? Basahin ang artikulong ito upang makuha ang mga kasagutan.

4 na Paraan Upang Mapanatili ang Isang Malapit na Relasyon sa Diyos

2020-05-12 11:05:30 | Tanong at Sagot ng Ebanghelyo


Sinasabi ng Bibliya, “Magsilapit kayo sa Dios, at siya’y lalapit sa inyo” (Santiago 4:8). Bilang mga Kristiyano, sa pamamagitan lamang ng paglapit sa Diyos at pagkakaroon ng isang tunay na pakikipag-ugnayan sa Kanya at saka natin mapananatili ang isang normal na relasyon sa Diyos at matamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Katulad lang ito ng dalawang taong nakikipag-ugnayan sa bawat isa, na mapananatili lamang nila ang kanilang malapit na relasyon sa mahabang panahon sa pamamagitan ng pagiging bukas sa isa’t isa, madalas na pakikipag-usap kapag nahaharap sila sa mga isyu, at sa pamamagitan ng pag-unawa at paggalang sa isa’t isa. Nguni’t sa panahong ito na ang lahat ay napakabilis, ang sobrang daming trabaho, kumplikadong mga relasyon at masasamang kalakarang panlipunan ang humahatak sa atin at madalas na sumasakop sa ating panahon. Ang ating mga puso ay madaling mabagabag ng mga tao, mga pangyayari at mga bagay sa sanlibutan, at pinipigilan tayong mapanatili ang normal na relasyon sa Diyos. Ito ang nagdadala sa atin palayo nang palayo sa Diyos, at kapag nahaharap tayo sa mga isyu, nagiging mas mahirap para sa atin na mapanatag ang ating mga sarili sa harapan ng Diyos, na lumapit sa Diyos at hanapin ang kaliwanagan at gabay ng Banal na Espiritu. Kapag gumagawa tayo ng mga bagay, kadalasan ginagawa natin ang mga ito nang walang ano mang tamang direksyon o layunin, at ang ating mga espiritu ay patuloy na nasa kalagayan ng kahungkagan at pagkabalisa. Kaya’t paano natin tiyak na mapananatili ang isang malapit na relasyon sa Diyos? Kailangan lang nating maunawaan ang apat na puntos sa ibaba, at ang ating relasyon sa Diyos ay siguradong mas magiging malapit.
1. Manalangin sa Diyos nang may Katapatan sa Puso at Hayaang Makilusan ng Banal na Espiritu
Ang panalangin ay daan kung paano tayo nakikipag-usap sa Diyos. Sa pamamagitan ng panalangin, mas magiging panatag ang ating mga puso sa harapan ng Diyos, upang pagnilayan ang salita ng Diyos, upang hanapin ang kalooban ng Diyos at magtatag ng isang normal na relasyon sa Diyos. Nguni’t sa buhay, dahil sa abala tayo sa trabaho o mga gawaing-bahay, kadalasan nananalangin lang tayo para lang gawin ito, at tinatrato natin ang Diyos na tila wala tayong interes sa pamamagitan ng pag-usal ng ilang mga salitang hindi pinag-isipan. Kapag abala agad tayo sa umaga, halimbawa, pagpunta sa trabaho o pagiging abala sa ibang mga bagay, nananalangin tayo nang madalian: “O Diyos! Ipinagkakatiwala ko sa Inyong mga kamay ang gawain ko ngayong araw, at ipinagkakatiwala ko sa Inyo ang aking mga anak at magulang. Ipinagkakatiwala ko ang lahat ng bagay sa Inyong mga kamay, at hinihiling ko na pagpalain at protektahan Mo ako. Amen!” Tinatrato natin ang Diyos nang ganun lang sa pamamagitan ng pag-usal ng ilang mga salita na walang tiyak na layunin. Walang katahimikan ang ating mga puso, gayun din at wala tayong tunay na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Minsan, umuusal tayo ng panalangin sa Diyos gamit ang mga salitang may tunog na nakalulugod, at ilang mga salitang hungkag, may pagmamataas, at hindi natin sinasabi sa Diyos kung ano ang nasa ating mga puso. O kung minsan, kapag tayo’y nananalangin, binibigkas natin ang ilang mga kabisadong salita, at inuusal natin iyong parehong lipas na at lumang mga salita, at ito ang nagiging isang ganap na relihiyosong ritwal na panalangin. Maraming mga ganitong panalangin ang naiusal natin sa ating mga buhay—mga panalanging nakakapit sa mga panuntunan, at mga panalangin kung saan hindi natin binubuksan ang ating mga puso o hinahanap ang kalooban ng Diyos. Namumuhi ang Diyos kapag nananalangin tayong wala naman talagang kahulugan sa atin, sapagka’t ang ganitong uri ng panalangin ay tumutukoy sa panlabas na anyo at relihiyosong ritwal, at walang tunay na pakikipag-ugnayan sa Diyos sa ating espiritu. Ang mga taong nananalangin nang ganito ay walang tunay na interes kung tratuhin ang Diyos at nililinlang ang Diyos. Kung kaya ang mga panalanging ito ay hindi dinidinig ng Diyos at napakahirap para sa mga taong ito na nananalangin sa ganitong paraan na makilusan ng Banal na Espiritu. Kapag nanalangin sila nang ganito, hindi nila nararamdaman ang presensiya ng Diyos, madilim at mahina ang kanilang mga espiritu, at palayo nang palayo ang kanilang relasyon sa Diyos.

————————————————————————
In Devotional Topics Tagalog section, rich resources will tell you the way to get close to God, enabling you to enjoy your spiritual life and have a closer relationship with God.
————————————————————————

Sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan” (Juan 4:24). Ang Diyos ang Lumikha na nagpupuno sa langit at lupa. Nasa tabi natin Siya sa lahat ng sandali, binabantayan ang ating bawat salita at kilos, ang ating bawat isipan at ideya. Ang Diyos ang kataas-taasan, lubos na marangal, at kapag nanalangin tayo sa Diyos, sinasamba natin ang Diyos, at dapat tayong lumapit sa Diyos na may tapat na puso. Kaya’t kapag nanalangin tayo sa Diyos, dapat tayong magkaroon ng pusong may takot sa Diyos, nagsasalita sa Diyos ng taos sa puso at matapat, dinadala sa harapan ng Diyos ang ating tunay na kalagayan, ang ating mga kahirapan at mga tiisin at inilalahad sa Kaniya ang tungkol dito, at kinakailangan nating hanapin ang kalooban ng Diyos at hanapin ang daan upang maipamuhay, sapagka’t sa ganitong paraan lamang aayon sa kalooban ng Diyos ang ating mga panalangin. Halimbawa, mahaharap tayo sa mga kahirapan sa buhay, o matatagpuan natin ang ating mga sarili sa isang sitwasyon kung saan palagi tayong nagkakasala at nangungumpisal, at nahihirapan tayo. At sa gayon, binubuksan natin ang ating mga puso sa Diyos, inilalahad sa Diyos ang tungkol sa ating mga problema at hinahanap ang kalooban ng Diyos, at makikita ng Diyos ang ating katapatan at pakikilusin Niya tayo. Bibigyan Niya tayo ng pananampalataya, o paliliwanagan Niya tayo upang maunawaan ang Kanyang kalooban. Sa ganitong paraan, mauunawaan natin ang katotohanan at magpapatuloy tayo. Halimbawa, kapag totoong nakilala natin na ang ating mga panalangin ay nakakapit lang sa mga panuntunan at inuusal lang bilang isang seremonya, o nagsasalita tayo nang may pagmamataas o kahungkagan, at wala naman tayong tunay na pakikipag-ugnayan sa Diyos, magiging ganito ang paraan ng ating panalangin: “O Diyos! Nang manalangin ako noon, wala akong interes sa Iyo. Lahat ng sinabi ko ay nasabi ko upang dayain Ka at nagsasalita ako nang walang katapatan; May pagkakautang ako sa Iyo. Mula sa araw na ito, nais kong manalangin mula sa aking puso. Sasabihin ko sa Iyo ang ano mang nasa aking puso, at sasambahin Kita nang tapat sa aking puso at hihingi ng Iyong paggabay.” Kapag naging bukas tayo sa Diyos katulad nito mula sa kaibuturan ng ating puso, makakaramdam ang ating mga puso. Makikita natin kung gayon kung gaano tayo naghimagsik laban sa Diyos, at hahangarin nating mas higit pa na magsisi nang tunay sa harapan ng Diyos at makipag-usap sa kanyang nang taos sa puso. Sa panahong ito, mararamdaman natin na ang relasyon sa Diyos ay labis na malapit, na tila nakaharap sa Kanya. Ito ang bunga ng pagbubukas ng ating puso sa Diyos.
Ang pagbubukas ng ating puso sa Diyos ay hindi nakasalalay sa kung gaano karami ang nais nating sabihin sa Kanya, o dili kaya’y gumamit tayo ng mga mabulaklak na salita o magarbong wika. Hangga’t binubuksan natin ang ating mga puso sa Diyos at sinasabi sa Kanya ang tunay nating katayuan, hanapin ang Kanyang paggabay at kaliwanagan, pakikinggan tayo ng Diyos kahit na kaunti at simpleng mga salita lamang ang ating sasabihin. Kapag lumapit tayo sa Diyos nang madalas sa ganitong paraan, sa pagtitipon man o maging sa panahon ng espirituwal na debosyon, o kapag tayo ay naglalakad sa kalye o nakaupo sa bus o sa trabaho, ang ating mga puso ay tahimik na magbubukas sa Diyos sa panalangin. Hindi na natin mamamalayan, ang mga puso natin ay mas magiging panatag sa harapan ng Diyos, mas mauunawaan natin ang kalooban ng Diyos, at kapag nahaharap tayo sa mga isyu, malalaman natin kung paano isasabuhay ang katotohanan upang masiyahan ang Diyos. Sa ganitong paraan, ang relasyon natin sa Diyos ay higit na mas magiging normal.
2. Kapag Nagbabasa ng mga Salita ng Diyos, Pagnilayan Mo ang mga Ito sa Iyong Puso at Mauunawaan Mo ang Kanilang Tunay na Kahulugan
Ginagawa ng mga Kristiyano ang espirituwal na debosyon at araw-araw na pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Paano tayo magbabasa ng salita ng Diyos sa paraang makakamit natin ang parehong magandang resulta at makatutulong upang maging mas malapit pa ang relasyon natin sa Diyos? Sinasabi ng salita ng Diyos: “Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pag-antig sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag nakikibahagi sa mga salita ng Diyos sa kanilang puso, sila sa gayon ay kinikilusan ng Espiritu ng Diyos” . Sinasabi sa atin ng salita ng Diyos, kapag nagbasa tayo ng Kanyang salita, kailangan nating magnilay-nilay at maghanap kasama ang ating mga puso, kailangan nating makamtan ang kaliwanagan at pagpapaliwanag ng Banal na Espiritu, at kailangan nating maunawaan ang kalooban ng Diyos at kung ano ang kinakailangan Niya sa atin. Sa pamamagitan lamang ng pagbabasa sa salita ng Diyos sa ganitong paraan magkakaroon ng bunga ang ating mga pagsisikap at mapapalapit tayo sa Diyos. Kapag nagbabasa tayo ng mga salita ng Diyos, kapag binigyan lamang natin ang mga ito ng sulyap at hindi pinagtuunan ng pansin, kapag nakatuon lang tayo sa pag-unawa sa ilang mga letra at doktrina upang magpasikat lang at hindi natin binibigyan ng atensyon upang maunawaan ang tunay na kahulugan ng mga salita ng Diyos, kung gayon gaano man karami ang mababasa nating mga salita Niya, hindi tayo makakaayon sa Kanyang kalooban, lalo na ang pagkakaroon ng kakayahang magtatag ng isang normal na relasyon sa Diyos.
Kaya’t kapag nagbasa tayo ng mga salita ng Diyos, kailangang panatag at gamitin natin ang ating mga puso upang pag-isipan kung bakit sinabi ng Diyos ang gayong mga bagay, kung ano ang kalooban ng Diyos at ano ang mga bunga na nais ng Diyos na makamit kasama natin sa pagsasabi ng mga gayong bagay. Sa pamamagitan lamang ng malalim na pagninilay-nilay sa Kanyang mga salita at saka natin mauunawaan ang kalooban ng Diyos at magiging mas higit na umayon sa Kanyang puso, at ang ating relasyon sa Diyos ay mas magiging normal. Halimbawa, nakikita natin na sinasabi ng Panginoong Jesus: “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3). Mauunawaan nating lahat ang mababaw na kahulugan ng pahayag na ito, na nais ng Diyos na tayo’y maging mga tapat na mga tao. Nguni’t ang mga isyu katulad ng kahalagahan ng pagiging tapat na mga tao, bakit mahal ng Diyos ang mga tapat na tao at paano ba talaga magiging tapat na mga tao, ay mga isyu na kailangan nating pagnilay-nilayan nang husto. Sa pamamagitan ng pabasang-panalangin at pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos, mauunawaan natin na ang likas na katangian ng Diyos ay pagiging matapat, at walang kasinungalingan o panlilinlang sa anomang bagay na sinasabi o ginagawa ng Diyos, at kung gayon mahal ng Diyos ang mga tapat na tao at kinamumuhian ang mga mapanlinlang na mga tao. Hinihingi ng Diyos na dapat tayong maging mga tapat na tao, dahil sa pamamagitan lamang ng pagiging matapat na tao ayon sa hinihingi ng Diyos maaari tayong pangunahan ng Diyos tungo sa Kanyang kaharian. Kaya’t paano ba talaga tayo magiging mga tapat na tao? Una, huwag tayong magsalita ng kasinungalingan, bagkus dapat tayong maging dalisay at bukas at sabihin kung ano ang nasa ating mga puso; ikalawa, huwag tayong kumilos nang may pandaraya, dapat nating talikuran ang ating mga sariling interes, at huwag maging mapanlinlang sa Diyos man o sa tao; ikatlo, dapat walang panlilinlang sa ating mga puso, dapat walang personal na motibo o pakay sa ating mga kilos, sa halip dapat kumilos lang tayo upang magsagawa ng katotohanan at masiyahan ang Diyos. Pagkatapos matanggap ang liwanag sa pamamagitan ng pagninilay-nilay, pagnilayan natin ang ating mga pagkilos at pag-uugali at makikita natin na nagtataglay pa rin tayo ng mga pagpapahayag na may panlilinlang: Kapag tayo’y nakikitungo sa ibang tao, kadalasan hindi natin napipigil ang ating mga sarili na magsinungaling at mandaya upang pangalagaan ang ating mga sariling interes, reputasyon at estado. Kapag ipinagamit natin ang ating mga sarili para sa Diyos, maaari nating sabihin sa panalangin na nais nating mahalin at pasayahin ang Diyos, nguni’t kapag dumating ang mga pagsubok, katulad ng pagkakasakit ng ating mga anak o pagkakasakit natin o kapag ang isang miyembro ng pamilya ay nawalan ng trabaho, mabilis tayong magreklamo sa Diyos, hanggang sa nais pa nating isuko ang ating gawain sa iglesya; sa ganito, makikita natin na ang pagpapagamit natin sa ating mga sarili para sa Diyos ay nadumihan, at parang nakikipagkasundo tayo sa Diyos. Ipinapagamit natin ang ating mga sarili sa Diyos upang makinabang tayo sa Diyos, at hindi lamang para magbigay kasiyahan sa Diyos. Ito ay ilan lamang sa mga halimbawa ng ating mga pagpapahayag ng panlilinlang. Mula sa mga pagpapahayag na ito, makikita natin na hindi talaga tayo mga tapat na tao. Kapag nakita na natin nang malinaw ang ating mga sariling kakulangan at kapintasan, magkakaroon tayo ng matibay na pagpapasya na mauhaw para sa katotohanan at maghahanap tayo upang maisagawa ang mga salita ng Diyos sa ating mga buhay. Ito ang bunga na makakamit natin mula sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos.
Siyempre, ang bungang ito ay hindi makakamit sa pamamagitan ng isang beses lang na pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos, at sa halip ay sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa Kanyang mga salita nang maraming beses. Dagdag dito, kailangang sadya nating isabuhay ang mga salita ng Diyos kapag nahaharap tayo sa mga isyu. Sa maikling salita, hangga’t hindi tayo tumitigil sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos sa ating mga puso sa ganitong paraan, sa gayon, matatamo natin ang kaliwanagan at paliwanag ng Banal na Espiritu. Isang araw, magkakamit tayo ng kaunting kaliwanagan, at sa susunod na araw mas madadagdagan ang kaliwanagan, at sa paglipas ng panahon, mas mauunawaan na natin ang katotohanan sa mga salita ng Diyos, ang daan sa pagsasabuhay ay mas magiging malinaw, unti-unting susulong ang ating mga buhay, at mas magiging malapit ang ating relasyon sa Diyos.


——————————————————————

Paano Manalangin sa Pinakamabisang Paraan? Ngayon, maraming mga kapatid sa Panginoon ang hindi maramdaman ang gawain ng Banal na Espiritu Kapag nananalangin o makita ang mga pagpapala ng Diyos. Alam mo ba kung paano manalangin ng mabisa?




Ang Sermon sa Bundok Ang mga Talinghaga ng Panginoong Jesus Ang mga Utos

2020-04-12 22:59:25 | Tanong at Sagot ng Ebanghelyo



1. Ang Sermon sa Bundok

Ang mga Pinagpala (Mat 5:3-12)

Asin at ang Ilaw (Mat 5:13-16)

Kautusan (Mat 5:17-20)

Galit (Mat 5:21-26)

Pangangalunya (Mat 5:27-30)

Diborsiyo (Mat 5:31-32)

Mga Pangako (Mat 5:33-37)

Mata sa Mata (Mat 5:38-42)

Mahalin Mo ang Iyong mga Kaaway (Mat 5:43-48)

Ang Tagubilin Tungkol sa Pag-aabuloy (Mat 6:1-4)

Panalangin (Mat 6:5-8)

2. Ang mga Talinghaga ng Panginoong Jesus

Ang Talinghaga Ukol sa Manghahasik (Mat 13:1-9)

Ang Talinghaga Ukol sa mga Panirang Damo (Mat 13:24-30)

Ang Talinghaga Ukol sa Binhi ng Mustasa (Mat 13:31-32)

Ang Talinghaga Ukol sa Lebadura (Mat 13:33)

Ang Talinghaga Ukol sa Mga Panirang Damo Ipinaliwanag (Mat 13:36-43)

Ang Talinghaga Ukol sa Kayamanan (Mat 13:44)

Ang Talinghaga Ukol sa Perlas (Mat 13:45-46)

Ang Talinghaga Ukol sa Lambat (Mat 13:47-50)

3. Ang mga Utos

Mateo 22:37–39 At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
Tingnan muna natin ang bawat bahagi ng “Ang Sermon sa Bundok.” Ano ang kaugnayan ng lahat ng ito? Maaaring masabi nang may katiyakan na ang lahat ng ito ay mas mataas, mas kongkreto, at mas malapit sa mga buhay ng mga tao kaysa sa mga alituntunin sa Kapanahunan ng Kautusan. Kung sasabihin sa makabagong mga pananalita, ito ay mas mahalaga sa mismong pagsasagawa ng mga tao.

Basahin natin ang tiyak na nilalaman ng mga sumusunod: Paano mo dapat unawain ang mga banal na pagpapala? Ano ang dapat mong malaman tungkol sa kautusan? Paano dapat bigyan ng kahulugan ang galit? Paano dapat makitungo sa mga mapakiapid? Ano ang binabanggit, anong uri ng mga patakaran mayroon tungkol sa diborsiyo, at sino ang makakukuha ng diborsiyo at sino ang hindi makakukuha ng diborsiyo? Paano naman ang mga pangako, mata para sa mata, ibigin mo ang iyong mga kaaway, ang tagubilin ukol sa pag-aabuloy? At iba pa. Ang lahat ng bagay na ito ay may kinalaman sa bawat aspeto ng kaugalian sa pananampalataya sa Diyos ng mga tao, at ng kanilang pagsunod sa Diyos. Ang ilan sa mga pagsasagawang ito ay naaangkop pa rin sa araw na ito, ngunit ang mga ito ay mas sinauna kaysa sa kasalukuyang mga kinakailangan sa mga tao. Ang mga ito ay maituturing na panimulang mga katotohanan na nasasagupa ng mga tao sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Mula sa panahon na nagsimulang gumawa ang Panginoong Jesus, nagsimula na Siyang gumawa sa disposisyon sa buhay ng mga tao, ngunit ito ay batay sa saligan ng mga kautusan. Ang mga patakaran at mga kasabihan sa mga paksang ito ay may kinalaman ba sa katotohanan? Mangyari pa mayroon! Ang lahat ng naunang mga alituntunin, mga prinsipyo, at ang sermon sa Kapanahunan ng Biyaya ay may kinalamang lahat sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, at mangyari pa sa katotohanan. Maging anuman ang ipahayag ng Diyos, sa alinmang paraan Niya ito ipinapahayag, o gamit ang anumang uri ng wika, ang saligan nito, ang pinagmulan nito, at ang pasimula nito ay nakabatay lahat sa mga prinsipyo ng Kanyang disposisyon at kung anong mayroon at kung ano Siya. Ito ay walang kamalian. Kaya kahit na ngayong ang mga bagay na ito na Kanyang sinabi ay parang medyo mababaw, hindi mo pa rin masasabi na hindi sila ang katotohanan, sapagkat sila ay mga bagay na kailangan para sa mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya nang upang malugod ang kalooban ng Diyos at upang makamit ang isang pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay. Maaari mo bang sabihin na ang alinman sa mga bagay na ito sa sermon ay hindi nakaugnay sa katotohanan? Hindi mo maaaring sabihin! Ang bawat isa sa mga ito ay ang katotohanan sapagkat ang lahat ng ito ay mga kinakailangan ng Diyos para sa sangkatauhan; ang lahat ng ito ay mga prinsipyo at isang saklaw na ibinigay ng Diyos para sa kung paano umasal ang sarili, at kinakatawan nila ang disposisyon ng Diyos. Gayunman, batay sa antas ng kanilang paglago sa buhay sa panahong iyon, nagawa lamang nila na tanggapin at maunawaan ang mga bagay na ito. Sapagkat ang kasalanan ng sangkatauhan ay hindi pa nalulunasan, maaari lamang ibigay ng Panginoong Jesus ang mga salitang ito, at maaari lamang Niyang gamitin ang gayong kasimpleng mga aral sa gitna ng ganitong saklaw upang sabihin sa mga tao sa panahong iyon kung paano sila dapat kumilos, ano ang dapat nilang gawin, sa gitna ng aling mga prinsipyo at saklaw nila dapat gawin ang mga bagay, at kung paano sila dapat maniwala sa Diyos at matugunan ang Kanyang mga kahilingan. Ang lahat ng ito ay napagpapasyahan batay sa tayog ng sangkatauhan sa panahong iyon. Hindi madali para sa mga taong nabubuhay sa ilalim ng kautusan na tanggapin ang mga aral na ito, kaya kung ano ang itinuro ng Panginoong Jesus ay kailangang manatili sa loob ng saklaw na ito.

Susunod, tingnan natin kung ano ang nasa “Ang mga Talinghaga ng Panginoong Jesus.”

Ang mga Talinghaga ng Panginoong JesusAng una ay ang talinghaga ukol sa manghahasik. Ito ay isang tunay na kawili-wiling talinghaga; ang paghahasik ng mga binhi ay isang karaniwang pangyayari sa buhay ng mga tao. Ang ikalawa ay ang talinghaga ukol sa mga panirang damo. Kung ang pag-uusapan natin ay ukol sa kung ano ang mga panirang damo, ang sinuman na nakakapagtanim ng mga halaman at ang mga matatanda ang makaaalam. Ang ikatlo ay ang talinghaga ukol sa buto ng mustasa. Alam ninyong lahat kung ano ang mustasa, tama? Kung hindi ninyo alam, maaari ninyong tingnan sa pamamagitan ng Biblia. Para sa ikaapat, ang talinghaga ukol sa lebadura, nalalaman ng karamihan sa mga tao na ang lebadura ay ginagamit sa pagbuburo; ito ay isang bagay na ginagamit ng mga tao sa kanilang mga pang-araw-araw na buhay. Ang lahat ng talinghaga sa ibaba, kasama na ang ikaanim, ang talinghaga ukol sa kayamanan, ang ikapito, ang talinghaga ukol sa perlas, at ang ikawalo, ang talinghaga ukol sa lambat, ay hinugot na lahat mula sa mga buhay ng mga tao; lahat ng iyon ay mula sa tunay na buhay ng mga tao. Anong uri ng larawan ang ipinipinta ng mga talinghagang ito? Ito ay isang larawan ng Diyos na nagiging isang normal na tao at namumuhay kasama ng sangkatauhan, gamit ang wika ng isang normal na buhay, gamit ang wika ng tao upang makipag-usap sa mga tao at upang ipagkaloob sa kanila kung ano ang kanilang kailangan. Noong naging katawang-tao ang Diyos at namuhay sa gitna ng sangkatauhan sa mahabang panahon, pagkatapos Niyang naranasan at nasaksihan ang iba’t ibang mga paraan ng pamumuhay ng mga tao, ang mga karanasang ito ay naging Kanyang batayang-aklat para sa pagbabagong-anyo ng Kanyang wika ng pagka-Diyos tungo sa wika ng tao. Mangyari pa, ang mga bagay na ito na Kanyang nakita at narinig sa buhay ay nagpayaman din sa karanasang pantao ng Anak ng tao. Kapag gusto Niyang maunawaan ng mga tao ang ilang katotohanan, ipaunawa sa kanila ang ilan sa kalooban ng Diyos, maaari Niyang gamitin ang mga talinghaga kagaya ng mga nasa itaas upang sabihin sa mga tao ang tungkol sa kalooban ng Diyos at ang Kanyang mga kinakailangan sa sangkatauhan. Ang mga talinghagang ito ay may kaugnayang lahat sa buhay ng mga tao; walang isa man ang malayo sa mga buhay ng tao. Nang ang Panginoong Jesus ay namuhay kasama ng sangkatauhan, nakita Niya ang mga magsasaka na inaasikaso ang kanilang mga bukirin, alam Niya kung ano ang mga panirang damo at kung ano ang lebadura; naiintindihan Niya na gusto ng mga tao ang kayamanan, kaya ginamit Niya pareho ang mga talinghaga ukol sa kayamanan at ukol sa perlas; malimit Niyang makita ang mga mangingisda na naghahagis ng kanilang mga lambat; at iba pa. Nakita ng Panginoong Jesus ang mga aktibidad na ito sa mga buhay ng sangkatauhan, at naranasan din Niya ang gayong uri ng buhay. Siya ay kagaya ng bawat iba pang normal na tao, nararanasan ang pagkain ng tatlong beses isang araw ng tao at mga pang-araw-araw na gawain. Personal Niyang naranasan ang buhay ng isang karaniwang tao, at nasaksihan Niya ang mga buhay ng iba. Noong nasaksihan Niya at personal na naranasan ang lahat ng ito, ang inisip Niya ay hindi kung paano magkaroon ng isang magandang buhay o kung paano Siya makapamumuhay nang mas malaya, mas may kaginhawahan. Noong nararanasan Niya ang tunay na buhay ng tao, nakita ng Panginoong Jesus ang paghihirap sa buhay ng mga tao, nakita Niya ang paghihirap, ang kaabahan, at ang kalungkutan ng mga tao sa ilalim ng pagtitiwali ni Satanas, namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at namumuhay sa kasalanan. Habang personal Niyang nararanasan ang buhay ng tao, naranasan din Niya kung gaano kahina ang mga tao na namumuhay sa kalagitnaan ng katiwalian, at nakita Niya at naranasan ang kahapisan ng mga namumuhay sa kasalanan, na nangaligaw sa pagpapahirap ni Satanas, ng masama. Noong nakita ng Panginoong Jesus ang mga bagay na ito, nakita ba Niya ang mga ito gamit ang Kanyang pagka-Diyos o ang Kanyang pagkatao? Ang Kanyang pagkatao ay talagang umiral—ito ay buháy na buháy—mararanasan Niya at makikita ang lahat ng ito, at mangyari pa, nakita rin Niya sa Kanyang kakanyahan, sa Kanyang pagka-Diyos. Iyon ay, si Cristo Mismo, nakita ito ng Panginoong Jesus ang tao, at ang lahat ng Kanyang nakita ang nakapagpadama sa Kanya ng kahalagahan at pangangailangan sa gawain na Kanyang tinanggap sa pagkakataong ito sa katawang-tao. Bagama’t nalalaman Niya sa Sarili Niya na ang pananagutan na kailangan Niyang tanggapin sa katawang-tao ay napakalawak, at kung gaano kalupit ang pagdurusa na Kanyang haharapin, nang Kanyang nakita na ang sangkatauhan ay mahina sa kasalanan, nang Kanyang nakita ang pagiging aba ng kanilang mga buhay at ang kanilang mahinang pagpupunyagi sa ilalim ng kautusan, nakadama Siya ng ibayong kadalamhatian, at lalo siyang naging alalang-alala na mailigtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Hindi alintana kung anumang uri ng mga paghihirap ang Kanyang haharapin o kung anumang uri ng pagkahapis ang Kanyang daranasin, lalo Siyang naging determinado na tubusin ang sangkatauhang namumuhay sa kasalanan. Sa panahon ng prosesong ito, masasabi mong nagsimulang maintindihan ng Panginoong Jesus nang lalong mas malinaw ang gawain na kinailangan Niyang gawin at kung ano ang naipagkatiwala sa Kanya. Lalo ring nadagdagan ang Kanyang kasabikan na tapusin ang gawain na Kanyang tatanggapin—upang akuin ang lahat ng kasalanan ng sangkatauhan, upang ipambayad-sala para sa sangkatauhan upang hindi na sila mamuhay sa pagkakasala at malilimutan ng Diyos ang kasalanan ng tao dahil sa handog para sa kasalanan, nagpapahintulot sa Kanya na ipagpatuloy pa ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Maaaring masabi na sa puso ng Panginoong Jesus, nakahanda Siyang ialay ang Sarili Niya para sa sangkatauhan, upang isakripisyo ang Sarili Niya. Nakahanda rin Siyang magsilbi bilang handog para sa kasalanan, magpapako sa krus, at sabik Siyang makumpleto ang gawaing ito. Nang nakita Niya ang miserableng kalagayan ng buhay ng mga tao, mas lalo Niyang ginusto na tuparin ang Kanyang misyon agad-agad hamgga’t maaari, nang walang pagkaantala kahit isang minuto o saglit. Nang nagkaroon Siya ng gayong pakiramdam ng pagmamadali, hindi Niya inisip kung gaano kalaki ang Kanyang magiging pasakit, ni inisip man Niya kung gaano katinding kahihiyan ang kakailanganin Niyang tiisin—mayroon lamang siyang pinanghahawakang isang paninindigan sa Kanyang puso: Hangga’t iniaalay Niya ang Kanyang Sarili, hangga’t Siya ay ipinapako sa krus bilang isang handog para sa kasalanan, ang kalooban ng Diyos ay maisasakatuparan at magagawa Niyang makapagpasimula ng panibagong gawain. Ang mga buhay ng sangkatauhan sa kasalanan, ang kanilang kalagayan ng pag-iral sa kasalanan ay lubos na mababago. Ang Kanyang paninindigan at kung ano ang pinagpasyahan Niyang gawin ay may kaugnayan sa pagliligtas sa tao, at mayroon lamang Siyang isang layunin: upang gawin ang kalooban ng Diyos, nang sa gayon ay matagumpay Niyang maumpisahan ang susunod na yugto sa Kanyang gawain. Ito ang kung ano ang nasa isip ng Panginoong Jesus sa panahong iyon.
————————————————————————
Ang mga propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay talagang natutupad na. Nais mo bang malaman kung paano sila natutupad? Maaari mong basahin ang artikulo. 
————————————————————————
Sa pamumuhay sa katawang-tao, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagtaglay ng normal na pagkatao; taglay Niya ang mga damdamin at ang pangangatwiran ng isang normal na tao. Alam Niya kung ano ang kaligayahan, kung ano ang pagdurusa, at nang nakita Niya ang sangkatauhan sa ganitong uri ng buhay, lubos Niyang nadama na ang pagbibigay lamang sa mga tao ng ilang aral, ang pagkakaloob lamang sa kanila ng isang bagay o ang pagtuturo sa kanila ng isang bagay ay hindi makakapaglabas sa kanila mula sa kasalanan. Ni ang mapapasunod lamang sila sa mga utos ay makatutubos sa kanila mula sa kasalanan—kung aakuin lamang Niya ang kasalanan ng sangkatauhan at naging kagaya ng makasalanang laman na magagawa Niyang ipagpalit ito para sa kalayaan ng sangkatauhan, at ipagpalit ito para sa kapatawaran ng Diyos sa sangkatauhan. Kaya pagkatapos naranasan at nasaksihan ng Panginoong Jesus ang buhay ng mga tao sa kasalanan, naroroon ang matinding pagnanasa na nahayag sa Kanyang puso—upang tulutan ang mga tao na alisin sa kanilang mga sarili ang kanilang buhay ng pakikipagbuno sa kasalanan. Ang pagnanasang ito ang lalong mas nagpadama sa Kanya na dapat Siyang mapunta sa krus at akuin ang mga kasalanan ng sangkatauhan sa lalong madaling panahon, agad-agad hangga’t maaari. Ito ang mga saloobin ng Panginoong Jesus sa panahong iyon, pagkatapos Niyang mamuhay kasama ng mga tao at nakita, narinig, at naramdaman ang paghihirap ng kanilang mga buhay sa kasalanan. Na ang Diyos na nagkatawang-tao ay maaaring magtaglay ng ganitong uri ng kalooban para sa sangkatauhan, na magagawa Niyang ipahayag at ibunyag ang ganitong uri ng disposisyon—ito ba ay isang bagay na maaaring taglayin ng isang karaniwang tao? Ano ang makikita ng isang karaniwang tao sa pamumuhay sa ganitong uri ng kapaligiran? Ano ang kanilang iisipin? Kung ang lahat ng ito ay haharapin ng isang karaniwang tao, titingnan ba nila ang mga suliranin mula sa isang mataas na pananaw? Siguradong hindi! Bagama’t ang kaanyuan ng Diyos na nagkatawang-tao ay eksaktong kagaya ng sa tao, natututuhan Niya ang kaalamang pantao at nagsasalita sa wika ng tao, at minsan ay ipinapahayag pa Niya ang Kanyang mga ideya sa pamamagitan ng mga pamamaraan o pagpapahayag ng sangkatauhan, ang paraan kung paano Niya nakikita ang mga tao, ang diwa ng mga bagay-bagay, at kung paaano nakikita ng mga tiwaling tao ang sangkatauhan at ang diwa ng mga bagay-bagay ay lubos na hindi magkapareho. Ang Kanyang pananaw at ang taas kung saan Siya nakatindig ay isang bagay na hindi matatamo para sa isang tiwaling tao. Ito ay dahil sa ang Diyos ay katotohanan, ang katawang-tao na Kanyang isinusuot ay nagtataglay din ng diwa ng Diyos, at ang Kanyang mga saloobin at yaong inihahayag ng Kanyang pagkatao ay katotohanan din. Para sa mga tiwaling tao, ang Kanyang ipinapahayag sa katawang-tao ay mga panustos ng katotohanan, at ng buhay. Ang mga panustos na ito ay hindi lamang para sa isang tao, kundi para sa buong sangkatauhan. Para sa sinumang tiwaling tao, sa kanyang puso ay mayroon lamang mangilan-ngilang tao na nakakasama niya. Mayroon lamang iilang tao ang pinahahalagahan niya, na pinagmamalasakitan niya. Kapag ang sakuna ay abot-tanaw na una niyang iniisip ang sarili niyang mga anak, asawa, o mga magulang, at ang isang higit na mapagkawanggawang tao ay mag-iisip lamang ng ilan sa mga kamag-anak o isang mabuting kaibigan; nag-iisip pa ba siya ng iba? Hindi kailanman! Sapagkat ang mga tao ay, kung tutuusin, mga tao, at makatitingin lamang sila sa lahat ng bagay mula sa pananaw at mula sa kinatatayuan ng isang tao. Gayunman, ang Diyos na nagkatawang-tao ay lubos na naiiba mula sa isang taong tiwali. Kahit gaano man kaordinaryo, gaano kanormal, gaano man kababa ang uri ng katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, o kahit pa gaano kababa ang tingin sa Kanya ng mga tao, ang Kanyang mga kaisipan at Kanyang saloobin tungo sa sangkatauhan ay mga bagay na hindi matataglay ng sinumang tao, at walang sinumang tao ang makagagaya. Palagi Niyang pagmamasdan ang sangkatauhan mula sa pananaw ng pagka-Diyos, mula sa taas ng Kanyang posisyon bilang ang Lumikha. Palagi Niyang makikita ang sangkatauhan sa pamamagitan ng diwa at ng pag-iisip ng Diyos. Tiyak na hindi Niya makikita ang sangkatauhan mula sa taas ng isang karaniwang tao, at mula sa pananaw ng isang taong tiwali. Kapag tinitingnan ng mga tao ang sangkatauhan, tumitingin sila gamit ang pananaw ng tao, at sila ay gumagamit ng mga bagay-bagay gaya ng kaalaman ng tao at mga patakaran at mga teorya ng tao bilang panukat. Ito ay nasa loob ng saklaw ng kung ano ang makikita ng mga tao gamit ang kanilang mga mata; ito ay nasa loob ng saklaw ng makakamit ng mga taong tiwali. Kapag tinitingnan ng Diyos ang sangkatauhan, tumitingin Siya gamit ang isang maka-Diyos na pananaw, at ginagamit Niya ang Kanyang diwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya bilang panukat. Kasama sa saklaw na ito ang mga bagay na hindi makikita ng mga tao, at ito ay kung saan ang Diyos na nagkatawang-tao at ang mga taong tiwali ay ganap na magkaiba. Ang pagkakaibang ito ay nalalaman sa pamamagitan ng magkaibang mga diwa ng tao at ng Diyos, at itong magkaibang mga diwang ito ang nagtitiyak ng kanilang mga pagkakakilanlan at mga kinatatayuan gayundin ang pananaw at taas mula sa kung saan nila nakikita ang mga bagay-bagay. Nakikita ba ninyo ang pagpapahayag at pagbubunyag ng Diyos Mismo na nasa Panginoong Jesus? Masasabi ninyo na kung ano ang ginawa at sinabi ng Panginoong Jesus ay may kinalaman sa Kanyang ministeryo at sa sariling gawaing pamamahala ng Diyos, na ang lahat ng ito ay pagpapahayag at pagbubunyag ng diwa ng Diyos. Bagama’t nagkaroon Siya ng pagpapakita bilang isang tao, ang kanyang banal na diwa at ang paghahayag ng Kanyang pagka-Diyos ay hindi maitatanggi. Ang pagpapakita bang ito bilang tao ay talagang isang pagpapakita ng pagkatao? Ang Kanyang pagpapakita bilang tao ay, sa Kanyang tunay na diwa, lubos na kaiba mula sa pantaong pagpapakita ng mga taong tiwali. Ang Panginoong Jesus ay Diyos na nagkatawang-tao, at kung Siya ay talagang naging isa sa karaniwan at tiwaling mga tao, makikita kaya Niya ang mga buhay ng sangkatauhan sa kasalanan mula sa isang banal na pananaw? Siguradong hindi! Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng Anak ng tao at ng karaniwang mga tao. Ang mga taong tiwali ay namumuhay lahat sa pagkakasala, at kapag ang sinuman ay nakakakita ng kasalanan, wala silang tiyak na damdamin ukol dito; silang lahat ay magkakatulad, gaya lamang ng isang baboy na naninirahan sa putik na ni hindi nakadarama ng pagkaasiwa, o ng pagiging marumi—kumakain ito nang mabuti, at nakakatulog nang mahimbing. Kapag nililinis ng sinuman ang kural, ang baboy ay hindi talaga mapapalagay ang loob, at hindi ito mananatiling malinis. Hindi magtatagal, muli itong magpapagulung-gulong sa putik, lubos na palagay ang loob, sapagkat ito ay isang maruming nilalang. Kapag nakakakita ng baboy ang mga tao, dama nila na ito ay marumi, at kung lilinisin mo ito, hindi nagiging maganda ang pakiramdam ng baboy—ito ang dahilan kung bakit hindi nag-aalaga ng baboy ang mga tao sa kanilang bahay. Ang pagtingin ng mga tao sa mga baboy ay magiging palaging kaiba mula sa kung ano ang nararamdaman ng mga baboy sa mga sarili nito, sapagkat ang mga tao at mga baboy ay hindi magkauri. At sapagkat ang nagkatawang-tao na Anak ng tao ay hindi kauri ng mga taong tiwali, ang Diyos na nagkatawang-tao lamang ang makatitindig mula sa isang banal na pananaw, at makatatayo mula sa taas ng Diyos upang makita ang sangkatauhan, upang makita ang lahat ng bagay.