Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

2020-05-13 10:41:38 | Salita ng Diyos

Ano na ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Ngayon ay alam na ninyong lahat na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng katawan at hindi rin upang mapayaman lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig sa Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng katawan o panandaliang kasiyahan, sa gayon kahit na, sa katapusan, umabot sa rurok ang iyong pag-ibig sa Diyos at walang anumang hilingin, ang hanap mong pag-ibig na ito ay isa pa ring hindi dalisay na pag-ibig at hindi kalugud-lugod sa Diyos. Ang mga gumagamit ng pag-ibig sa Diyos upang mapayaman ang kanilang nakakabagot na mga buhay at punan ang isang puwang sa kanilang puso ay ang mga naghahanap upang mamuhay sa kaluwagan, hindi mga tunay na naghahanap na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay laban sa kalooban ng sinuman, isang paghahangad ng madamdaming kasiyahan, at hindi kailangan ng Diyos ang ganitong uri ng pag-ibig. Anong uri, kung ganoon, ang pag-ibig na katulad ng sa iyo? Para ano at mahal mo ang Diyos? Gaano kalaki ang tunay na pag-ibig sa Diyos na mayroon ka ngayon? Ang pag-ibig ng karamihan sa inyo ay katulad ng dati nang nabanggit. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay mananatili lamang sa kasalukuyang kalagayan; hindi nito makakamit ang walang hanggang katapatan, ni hindi magkaka-ugat sa tao. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay isang bulaklak na walang bunga pagkaraan nitong namukadkad at natuyo pagkatapos. Sa ibang salita, pagkatapos mong mahalin ang Diyos ng isang beses sa ganitong paraan at walang sinuman na umakay sa iyo sa landas na hinaharap, kung gayon ikaw ay mahuhulog. Kung maiibig mo lamang ang Diyos sa mga oras ng pagmamahal sa Diyos at hindi ka gagawa ng mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay pagkatapos nito, kung gayon ay patuloy kang mababalot ng impluwensya ng kadiliman, hindi makatakas, at hindi pa rin magawang makawala mula sa pagkagapos at panloloko ni Satanas. Walang ganitong tao ang ganap na makakamit ng Diyos; sa katapusan, ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan ay pag-aari pa rin ni Satanas. Ito ay hindi mapag-aalinlangan. Lahat ng taong hindi ganap na makakamit ng Diyos ay babalik sa kanilang orihinal na lugar, iyon ay, pabalik kay Satanas, at sila ay mapupunta pababa sa lawa na nagniningas na apoy at asupre upang tanggapin ang susunod na hakbang ng kaparusahan mula sa Diyos. Yaong nakamit ng Diyos ay ang mga naghihimagsik laban kay Satanas at tumatakas mula sa kanyang sakop. Ang ganitong mga tao ay opisyal na mapapabilang sa mga bayan na nasa kaharian. Ito ang kung paano mapapabilang ang mga tao sa kaharian. Pumapayag ka ba na maging ganitong uri ng tao? Pumapayag ka ba na makamit ng Diyos? Pumapayag ka ba na tumakas mula sa sakop ni Satanas at manumbalik sa Diyos? Pag-aari ka na ba ni Satanas ngayon o ikaw ay nabibilang sa mga bayan na nasa kaharian? Dapat malinaw lahat ng ganitong bagay at hindi kinakailangan ang higit pang paliwanag.

Sa mga panahong nakaraan, maraming nagpatuloy sa ambisyon at mga pagkaunawa ng tao at alang-alang sa mga pag-asa ng tao. Ang mga bagay na ito ay hindi tatalakayin ngayon. Ang susi ay upang maghanap ng isang paraan ng pagsasagawa na magbibigay-daan sa bawat isa sa inyo upang mapanatili ang isang karaniwang kalagayan sa harap ng Diyos at upang unti-unting makawala sa mga kadena ng impluwensya ni Satanas, upang kayo ay maaaring makamit ng Diyos, at isabuhay sa mundo kung ano ang hinihiling sa inyo ng Diyos. Tanging ito ang maaaring makatupad sa hangad ng Diyos. Marami ang naniniwala sa Diyos, ngunit hindi alam kung ano ang hinahangad ng Diyos o kung ano ang hinahangad ni Satanas. Sila ay may kamangmangang naniniwala at pikit-matang sumusunod sa iba, at sa gayon ay hindi kailanman nagkaroon ng isang normal na buhay-Kristiyano; wala silang normal na pansariling mga relasyon, lalo na sa isang karaniwang relasyon na mayroon ang tao sa Diyos. Mula dito ay maaaring makita na marami ang mga problema at mga pagkakamali ng tao, at iba pang mga kadahilanan na maaaring humadlang sa kalooban ng Diyos. Ito ay sapat na upang patunayan na hindi itinakda ng tao ang kanyang sarili sa tamang landas o nakaranas ng tunay na buhay. Kaya ano itong pagtatakda sa tamang landas? Ang pagtatakda sa tamang landas ay nangangahulugan na maaari mong patahimikin ang iyong puso sa harap ng Diyos sa lahat ng oras at natural na makipagniig sa Diyos, unti-unting magkakaroon ng kaalaman tungkol sa kung ano ang kulang sa tao at dahan-dahang magkakamit ng mas malalim na kaalaman tungkol sa Diyos. Sa pamamagitan nito, araw-araw kang nagkakamit ng mga bagong pagmalas at kaliwanagan sa iyong espiritu; ang iyong pananabik ay lumalaki, at ikaw ay naghahangad na pumasok sa katotohanan. May bagong liwanag at bagong pag-unawa sa bawat araw. Sa pamamagitan ng daan na ito, ikaw ay unti-unting makakawala sa impluwensya ni Satanas, at ang iyong buhay ay lumalago nang mas malaki. Ang isang tao na katulad nito ay nakatakda sa tamang landas. Tasahan ang iyong sariling aktwal na mga karanasan at suriin ang iyong dinadaanang landas sa iyong paniniwala sa Diyos laban sa mga nasa itaas. Isa ka bang nakatakda sa tamang landas? Sa anong mga bagay-bagay ka na nakawala sa mga kadena ni Satanas at mula sa kanyang impluwensya? Kung hindi mo pa naitakda ang iyong sarili sa tamang landas, kailangan pang maputol ang iyong pagkakaugnay kay Satanas. Dahil dito, ang paghangad ba na ito sa pag-ibig ng Diyos ay magreresulta sa isang pag-ibig na tunay, nakatuon, at dalisay? Sinasabi mo na ang iyong pag-ibig para sa Diyos ay di-natitinag at taos-puso, ngunit hindi ka pa nakakawala sa mga kadena ni Satanas. Hindi mo ba ginagawang hangal ang Diyos? Kung nais mong matamo ang isang dalisay na pag-ibig para sa Diyos, maging ganap na makamit ng Diyos, at maging kabilang sa mga bayan na nasa kaharian, sa gayon ay kailangan mo munang itakda ang iyong sarili sa tamang landas.

————————————————————

Ang Salita ng Diyos ay buhay at mabisa. Narito ang mga piling teksto, mga audio, at mga video ng salita ng Diyos tungkol sa buhay upang matulungan kang matamo ang buhay mula sa Diyos.


Paano Nakilala ni Pedro si Jesus

2020-05-11 10:15:41 | Salita ng Diyos
[


Noong panahong si Pedro ay kasama ni Jesus, nakita niya ang maraming kaibig-ibig na katangian ni Jesus, maraming aspeto na karapat-dapat na tularan, at marami na nakapagtustos sa kanya. Bagaman nakita ni Pedro ang pagiging Diyos kay Jesus sa maraming paraan, at nakita ang maraming kaibig-ibig na mga katangian, sa simula hindi niya kilala si Jesus. Sinimulang sundan ni Pedro si Jesus noong siya ay 20 taong gulang, at nagpatuloy siya sa loob ng anim na taon. Sa panahong iyan, hindi niya kailanman nakilala si Jesus, nguni’t handang sundan Siya dahil lamang sa paghanga sa Kanya. Noong unang tinawag siya ni Jesus sa baybayin ng Dagat ng Galilea, itinanong Niya: “Simon, anak ni Jonas, susundan mo ba Ako?” Sinabi ni Pedro: “Dapat kong sundan siya na ipinadala ng Amang nasa langit. Dapat kong kilalanin siya na pinili ng Banal na Espiritu. Susundan Kita.” Sa panahong ito, narinig ni Pedro na sinabi ang hinggil sa isang lalaki na nagngangalang Jesus, ang pinakadakila sa mga propeta, ang minamahal na Anak ng Diyos, at si Pedro ay walang tigil na umaasang matagpuan Siya, umaasa ng pagkakataon na makita Siya (dahil iyan ang paraan noon kung paano siya ginabayan ng Banal na Espiritu). Bagaman hindi pa niya kailanman nakita Siya at narinig lamang ang mga sabi-sabi tungkol sa Kanya, unti-unting lumago ang pananabik at paghanga kay Jesus sa kanyang puso, at madalas niyang pinanabikan na isang araw ay makita si Jesus. At paano tinawag ni Jesus si Pedro? Narinig din Niya nang mabanggit ang tungkol sa isang lalaki na tinatawag na Pedro, at hindi ito sa paraan na tinagubilinan Siya ng Banal na Espiritu: “Pumunta Ka sa Dagat ng Galilea, kung saan may isang tinatawag na Simon, anak ni Jonas.” Narinig ni Jesus ang isa na nagsabing mayroong isa na tinatawag na Simon, anak ni Jonas, at na narinig ng mga tao ang kanyang pangangaral, na ipinangaral niya rin ang mabuting balita tungkol sa kaharian ng langit, at lahat ng mga taong nakarinig sa kanya ay naantig na lumuha. Pagkatapos marinig ito, sinundan ni Jesus ang taong iyan, at nagtungo sa Dagat ng Galilea; noong tinanggap ni Pedro ang tawag ni Jesus, sinundan niya Siya.
Noong panahong sinusundan niya si Jesus, napakarami niyang mga opinyon tungkol sa Kanya at palagi Siyang hinahatulan mula sa kanyang sariling pananaw. Bagaman mayroon siyang isang tiyak na antas ng pagkaunawa sa Espiritu, si Pedro ay hindi masyadong naliwanagan, kaya ganito ang mga salita na sinabi niya: “Dapat kong sundan siya na ipinadala ng Amang nasa langit. Dapat kong kilalanin siya na pinili ng Banal na Espiritu.” Hindi niya naunawaan ang mga bagay na ginawa ni Jesus at walang natanggap na pagliliwanag. Pagkatapos na sundan Siya sa loob ng ilang panahon lumago ang kanyang interes sa kung ano ang ginawa at sinabi Niya, at kay Jesus Mismo. Naramdaman na niya na pumupukaw si Jesus kapwa ng pagsuyo at paggalang; ninais niyang makasama Siya at manatiling katabi Niya, at ang pakikinig sa mga salita ni Jesus ang nagbigay sa kanya ng panustos at tulong. Sa loob ng panahong sinundan niya si Jesus, pinagmasdan at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at mga pagpapahayag. Natamo niya ang isang malalim na pagkaunawa na si Jesus ay hindi katulad ng mga karaniwang tao. Bagaman ang Kanyang itsura ay lubhang karaniwan, lipos Siya ng pag-ibig, malasakit, at pagpapaubaya sa tao. Lahat ng bagay na ginawa o sinabi Niya ay malaking tulong sa iba, at sa Kanyang tabi nakita at natuto ng mga bagay-bagay si Pedro na kailanman hindi pa niya nakita o nakamtan noong una. Nakita niya na kahit na walang mataas na tayog ni pambihirang pagkatao si Jesus, nagtataglay Siya ng tunay na pambihira at hindi-pangkaraniwang katangian. Bagaman hindi kayang ganap na maipaliwanag ito ni Pedro, nakita niya na kumilos si Jesus nang naiiba sa lahat, dahil gumawa Siya ng mga bagay-bagay na malayo sa ginagawa ng karaniwang tao. Mula sa panahon ng kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus, natanto rin ni Pedro na ang Kanyang karakter ay iba roon sa karaniwang tao. Palagi Siyang kumikilos nang matatag at hindi kailanman nagmamadali, hindi kailanman eksaherado ni minaliit ang isang paksa, at pinatakbo ang Kanyang buhay sa paraang kapwa karaniwan at kahanga-hanga. Sa pakikipag-usap, si Jesus ay elegante at kaaya-aya, hayag at masayahin ngunit panatag, at hindi kailanman nawala ang Kanyang dignidad sa pagsasagawa ng Kanyang gawain. Nakita ni Pedro si Jesus na paminsan-minsang walang-imik, nguni’t sa ibang pagkakataon ay walang-tigil sa pagsasalita. Paminsan-minsan siya ay napakasaya kaya nagiging maliksi at buhay na buhay tulad ng isang kalapati, at paminsan-minsan nama’y napakalungkot kaya hindi Siya nagsasalita, na para bang isang inang binagyo. Kung minsan Siya ay galit na galit, tulad ng isang matapang na sundalo na dadaluhong upang pumatay ng mga kaaway, at paminsan-minsan ay katulad ng umaatungal na leon. Paminsan-minsan ay tumatawa Siya; sa ibang pagkakataon ay nananalangin at umiiyak. Hindi alintana kung paano man kumilos si Jesus, lumago ang walang-hangganang pag-ibig at paggalang ni Pedro para sa Kanya. Ang pagtawa ni Jesus ay nagdulot sa kanya ng labis na kaligayahan, ang Kanyang kalungkutan ay nagsadlak sa kanya sa pighati, ang Kanyang galit ay tumakot sa kanya, habang ang Kanyang habag, pagpapatawad, at pagiging-mahigpit ay nagsanhing mahalin niyang tunay si Jesus, nagkaroon ng totoong paggalang at pananabik sa Kanya. Siyempre, unti-unting natanto lamang ni Pedro ang lahat ng ito nang namuhay siyang kasama ni Jesus sa loob ng ilang taon.
Si Pedro ay isang lubos na matinong tao, ipinanganak na may likas na katalinuhan, nguni’t gumawa siya ng maraming hangal na mga bagay noong sumusunod kay Jesus. Sa simula pa lamang, may ilang mga paniwala siya tungkol kay Jesus. Tinanong niya: “Sinasabi ng mga tao na Ikaw ay isang propeta, kaya noong Ikaw ay walong taon at nasa tamang edad na upang maunawaan ang mga bagay-bagay, alam Mo ba na Ikaw ay Diyos? Alam Mo ba na ipinaglihi Ka ng Banal na Espiritu?” Tumugon si Jesus: “Hindi, hindi ko alam! Hindi ba ako mukhang napakakaraniwang tao sa iyo? Ako ay katulad ng sinuman. Ang taong ipadadala ng Ama ay isang karaniwang tao, hindi isang pambihira. At bagaman ang gawaing ginagawa Ko ay kumakatawan sa Aking Amang nasa langit, hindi ganap na kumakatawan ang Aking imahe, ang Aking pagkatao, at ang Aking katawang-tao sa Aking Amang nasa langit, isang bahagi lamang Niya. Bagaman galing Ako sa Espiritu, Ako pa rin ay isang karaniwang tao, at ipinadala Ako ng Aking Ama sa lupa bilang isang karaniwang tao, hindi isang pambihira.” Pagkarinig ni Pedro rito ay saka lamang siya nagkaroon ng bahagyang pagkaunawa kay Jesus. At pagkatapos lamang na dumaan siya sa hindi mabilang na mga oras ng gawain ni Jesus, ng Kanyang pagtuturo, ng Kanyang pamamatnubay, at ng Kanyang pag-alalay, na natamo niya ang mas malalim na pagkaunawa. Sa Kanyang ika-30 taon, sinabi ni Jesus kay Pedro ang Kanyang papalapit na pagpapapako sa krus, na pumarito Siya upang tuparin ang gawain ng pagpapapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Sinabi Niya rin sa kanya na tatlong araw pagkatapos ng pagpapapako sa krus, ang Anak ng tao ay mabubuhay muli, at sa sandaling nabuhay muli ay magpapakita sa mga tao sa loob ng 40 araw. Nalungkot si Pedro pagkarinig sa mga salitang ito, nguni’t lalong napalapit kay Jesus habang isinasapuso niya ang Kanyang mga salita.
——————————————————————
Ang testimonya ni Job ng paggalang sa Diyos ay kahanga-hanga para sa maraming tao. Kaya, paano tayo magkakaroon ng pusong may takot sa Diyos?
——————————————————————
Pagkatapos maranasan sa loob ng ilang panahon, natanto ni Pedro na ang lahat ng bagay na ginawa ni Jesus ay mula sa pagka-Diyos, at naisip niya na si Jesus ay bukod-tanging kaibig-ibig. Noon lamang nagkaroon siya ng ganitong pagkaunawa saka siya niliwanagan ng Banal na Espiritu mula sa loob. Pagkatapos ay bumaling si Jesus sa Kanyang mga alagad at iba pang mga tagasunod at nagtanong: “Juan, sino ang ipinapalagay mong Ako?” Tumugon si Juan: “Kayo ay si Moises.” Pagkatapos ay bumaling Siya kay Lukas: “At ikaw, Lukas, sino ang ipinapalagay mong Ako?” Tumugon si Lukas: “Ikaw ang pinakadakila sa mga propeta.” Pagkatapos bumaling Siya sa isang kapatid na babae: “Sino ang ipinapalagay mong Ako?” Tumugon ang kapatid na babae: “Ikaw ang pinakadakila sa mga propeta na nagsasalita ng maraming salita mula sa walang-hanggan hanggang sa kawalang-hanggan. Walang propesiya ng sinuman ang kasindakila ng sa Iyo, ni ang karunungan ng sinuman ay mas malalim; Ikaw ay isang propeta.” Pagkatapos ay bumaling si Jesus kay Pedro at nagtanong: “Pedro, sino ang ipinapalagay mong Ako?” Tumugon si Pedro: “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng buhay na Diyos. Nagmula Ka sa langit, hindi Ka nagmula sa daigdig, hindi Ka katulad ng mga nilalang ng Diyos. Kami ay nasa daigdig at Ikaw ay narito kasama namin, nguni’t Ikaw ay mula sa langit, hindi Ka nagmula sa mundo, at hindi Ka nagmula sa daigdig.” Sa pamamagitan ng karanasan niyang ito ay niliwanagan siya ng Banal na Espiritu, na nagsanhi sa kanya na dumating sa ganitong pagkaunawa. Pagkatapos ng pagliliwanag na ito, lalo pa niyang hinangaan ang lahat ng bagay na nagawa ni Jesus, inisip na mas lalo pa Siyang kaibig-ibig, at palaging nasa puso niya na atubiling mapahiwalay kay Jesus. Kaya, sa unang pagkakataong ibinunyag ni Jesus ang Kanyang Sarili kay Pedro pagkatapos Niyang napako sa krus at nabuhay na muli umiyak si Pedro taglay ang labis na kaligayahan: “Panginoon! Muli Kang nabuhay!” Pagkatapos, humahagulgol, nakahuli siya ng napakalaking isda, niluto ito at inihain ito kay Jesus. Ngumiti si Jesus, nguni’t hindi nagsalita. Bagaman alam ni Pedro na nabuhay muli si Jesus, hindi niya naunawaan ang misteryo nito. Nang ibinigay niya kay Jesus ang isda upang kainin, hindi tumanggi at hindi nagsalita o umupo upang kumain si Jesus, nguni’t sa halip ay biglang nawala. Lubhang nagulat si Pedro, at noon lamang niya naunawaan na ang nabuhay-na-muling si Jesus ay iba sa dating si Jesus. Sa sandaling natanto niya ito, namighati si Pedro, nguni’t naaliw rin sa pagkakaalam na natapos na ng Panginoon ang Kanyang gawain. Alam niya na ganap nang natapos ni Jesus ang Kanyang gawain, na ang Kanyang panahon na kasama ng tao ay tapos na, at na ang tao ay dapat lumakad ng kanyang sariling daan mula noon. Minsan sinabi ni Jesus sa kanya: “Dapat uminom ka rin mula sa mapait na tasa na Aking ininuman (ito ang Kanyang sinabi pagkatapos ng pagkabuhay-na-muli), dapat mo ring lakaran ang daan na Aking nilakaran, dapat mong ialay ang buhay mo para sa Akin.” Hindi katulad ngayon, ang gawain noong panahong iyon ay hindi sa anyo ng harapang pag-uusap. Sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya, ang gawain ng Banal na Espiritu ay tagung-tago, at dumanas si Pedro ng maraming mga paghihirap, at paminsan-minsan ay umabot sa puntong napapabulalas: “Diyos! Walang-wala ako maliban sa buhay na ito. Bagaman hindi ito gaanong karapat-dapat sa Iyo, nais kong ihandog ito sa Iyo. Bagaman hindi karapat-dapat na magmahal sa Iyo ang mga tao, at ang kanilang pag-ibig at mga puso ay walang-silbi, naniniwala ako na nakikita Mo ang layon sa mga puso ng mga tao. At kahit na ang mga katawan ng mga tao ay hindi katanggap-tanggap sa Iyo, ninanais kong tanggapin Mo ang aking puso.” Sa pagbigkas sa mga panalanging ito nakakatanggap siya ng kalakasan, lalo na nang siya ay nanalangin: “Buo kong iaalay ang aking puso sa Diyos. Kahit na wala akong anumang bagay na magawa para sa Diyos, tapat kong bibigyang-kasiyahan ang Diyos at buong-pusong iuukol ang aking sarili sa Kanya. Naniniwala ako na dapat tumingin ang Diyos sa aking puso.” Sinabi niya: “Wala akong hinihiling sa buhay ko maliban na ang mga kaisipan ko ng pag-ibig sa Diyos at ang pagnanasa ng puso ko ay tanggapin ng Diyos. Napakatagal kong kasama ang Panginoong Jesus, nguni’t hindi ko kailanman inibig Siya, ito ang pinakamalaking pagkakautang ko. Kahit na nanatili akong kasama Niya, hindi ko Siya kilala, at nagsalita pa nang ilang hindi angkop na mga bagay sa likuran Niya. Kapag iniisip ko ang mga bagay na ito, ipinadarama nito na lalo akong may pagkakautang sa Panginoong Jesus.” Palagi siyang nananalangin sa ganitong paraan. Sinabi niya: “Ako ay mas mababa sa alikabok. Wala akong magagawa maliban ang ialay ang pusong tapat na ito sa Diyos.”
May rurok sa mga karanasan ni Pedro, nang ang kanyang katawan ay halos ganap na lupaypay, nguni’t nagbigay sa kanya ng lakas at pag-asa si Jesus sa kaloob-looban. At nagpakita Siya sa kanya nang minsan. Nang nasa matinding pagdurusa si Pedro at nabigo ang kanyang puso, tinagubilinan siya ni Jesus: “Ikaw ay kasama Ko sa daigdig, at ako’y naritong kasama mo. At bagaman magkasama tayong dalawa noon sa langit, ito, pagkatapos ng lahat, ay mula sa espirituwal na mundo. Ngayon ako ay nagbalik sa espirituwal na mundo, at ikaw ay nasa daigdig. Dahil hindi ako mula sa daigdig, at bagaman ikaw rin ay hindi mula sa daigdig, dapat mong tuparin ang iyong katungkulan sa daigdig. Yamang ikaw ay isang tagapaglingkod, dapat mong gawin ang iyong tungkulin sa abot ng iyong makakaya.” Naaliw si Pedro, pagkarinig na maaari siyang bumalik sa piling ng Diyos. Nang si Pedro ay nasa gayong katinding kalungkutan na halos nakaratay siya, nakaramdam siya ng pagsisisi hanggang sa punto na nagsasabing: “Ako ay lubhang masama, hindi ko kayang bigyang-kasiyahan ang Diyos.” Nagpakita si Jesus sa kanya at sinabi: “Pedro, maaari kayang nakalimutan mo na ang pagpapasya na iyong ginawa minsan sa harap Ko? Talaga bang nakalimutan mo na ang lahat ng bagay na sinabi Ko? Nakalimutan mo ba ang ginawa mong pagpapasya sa Akin?” Nakita ni Pedro na ito ay si Jesus at bumangon sa higaan, at inaliw siya ni Jesus: “Hindi ako mula sa daigdig, sinabi ko na sa iyo—dapat mong maunawaan ito, nguni’t nakalimutan mo ba ang isa pang bagay na sinabi Ko sa iyo? ‘Ikaw rin ay hindi mula sa daigdig, hindi mula sa mundo.’ Ngayon may gawain na kailangan mong gawin, hindi ka maaaring mamighati nang ganito, hindi ka maaaring magdusa nang ganito. Bagaman ang mga tao at ang Diyos ay hindi maaaring magkasamang umiral sa parehong mundo, mayroon Akong gawain at mayroon kang sa iyo, at isang araw kapag ang gawain mo ay tapos na, magkakasama tayo sa isang kinasasaklawan, at aakayin kita na kasama Ko magpakailanman.” Naaliw at muling nabigyan ng katiyakan si Pedro pagkatapos marinig ang mga salitang ito. Alam niyang ang pagdurusang ito ay isang bagay na dapat niyang tiisin at maranasan, at nagpanibagong-sigla mula noon. Espesyal na nagpapakita si Jesus sa kanya sa bawa’t mahalagang sandali, nagbibigay sa kanya ng espesyal na pagliliwanag at patnubay, at ginagawa ang maraming gawain sa loob niya. At ano ang pinanghihinayangan ni Pedro nang higit sa lahat? Tinanong ni Jesus si Pedro ng isa pang tanong (bagaman hindi ito nakatala sa Biblia sa ganitong paraan) hindi nagtagal pagkatapos sabihin ni Pedro ang “Ikaw ang Anak ng buhay na Diyos,” at ang tanong ay: “Pedro! Inibig mo ba Ako kahit minsan?” Naunawaan ni Pedro kung ano ang ibig Niyang sabihin, at sinabi: “Panginoon! Minsan kong inibig ang Amang nasa langit, nguni’t inaamin ko hindi Kita inibig kailanman.” Pagkatapos sinabi ni Jesus: “Kung hindi iniibig ng mga tao ang Ama sa langit, paano nilang iibigin ang Anak na nasa daigdig? At kung hindi iniibig ng mga tao ang Anak na ipinadala ng Diyos Ama, paano nilang iibigin ang Ama sa langit? Kung tunay na iniibig ng mga tao ang Anak sa daigdig, kung gayon tunay na iniibig nila ang Ama sa langit.” Nang marinig ni Pedro ang mga salitang ito natanto niya ang kanyang pagkukulang. Palagi niyang nadarama ang pagsisisi hanggang sa puntong luluha sa kanyang mga salitang “Minsan kong inibig ang Amang nasa langit, nguni’t hindi Kita inibig kailanman.” Pagkatapos ng muling-pagkabuhay at pag-akyat sa langit ni Jesus lalong nadama niya ang pagsisisi at pighati sa mga iyon. Inaalala ang kanyang nakaraang gawain at kasalukuyang tayog, madalas siyang nag-uukol ng panalangin kay Jesus, palaging nakadarama ng panghihinayang at pagkakautang dahil sa hindi niya nabigyang-kasiyahan ang ninanasa ng Diyos, at hindi makaabot sa mga pamantayan ng Diyos. Ang mga usaping ito ang naging pinakamalaking pasanin niya. Sinabi niya: “Isang araw iaalay ko sa Iyo ang lahat ng bagay na mayroon ako at lahat ng kung ano ako, ibibigay ko sa Iyo kung anuman ang pinakamahalaga.” Sinabi niya: “O Diyos! Mayroon lamang akong isang pananampalataya at isang pag-ibig. Walang katuturan ang aking buhay, at walang katuturan ang aking katawan. Mayroon lamang akong isang pananampalataya at isang pag-ibig. May pananampalataya ako sa Iyo sa isip at pag-ibig para sa Iyo sa aking puso; ang dalawang bagay na ito lamang ang mayroon ako na maibibigay ko sa Iyo at wala nang iba pa.” Lubhang nahikayat si Pedro ng mga salita ni Jesus, dahil bago naipako sa krus si Jesus sinabi Niya sa kanya: “Hindi ako mula sa mundong ito, at ikaw rin ay hindi mula sa mundong ito.” Kinalaunan, nang dumating si Pedro sa sandali ng matinding pasakit, pinaalalahanan siya ni Jesus: “Pedro, nakalimutan mo na ba? Hindi ako mula sa mundo, at dahil lamang sa gawain Ko kaya Ako ay lumisan nang mas maaga. Ikaw rin ay hindi mula sa mundo, nakalimutan mo na ba? Sinabi ko na sa iyo nang dalawang beses, hindi mo ba natatandaan?” Narinig Siya ni Pedro at sinabi: “Hindi ko nakalimutan!” Pagkatapos sinabi ni Jesus: “Minsan mo nang ginugol ang maligayang panahon na kasama Ako sa langit at ilang panahon sa Aking tabi. Nangungulila ka sa Akin, at nangungulila Ako sa iyo. Bagaman hindi karapat-dapat na banggitin ang mga nilalang sa Aking mga mata, paano Kong hindi iibigin ang isang inosente at kaibig-ibig? Nakalimutan mo ba ang pangako Ko? Dapat mong tanggapin ang Aking iniatang na gawain sa daigdig; dapat mong tuparin ang gawain na ipinagkatiwala ko sa iyo. Isang araw tiyak na aakayin kita patungo sa Aking tabi.” Pagkatapos marinig ito, mas nahikayat si Pedro, at tumanggap ng mas malaking inspirasyon, nang sa gayon nang siya ay nasa krus, kinaya niyang sabihin: “O Diyos! Hindi Kita maiibig nang sapat! Kahit na hilingin Mo akong mamatay, hindi pa rin Kita maiibig nang sapat! Saan Mo man ipadala ang aking kaluluwa, tuparin Mo man o hindi ang mga pangako Mo, anuman ang gawin Mo pagkatapos, Ikaw ay iniibig ko at naniniwala ako sa Iyo.” Ang kanyang pinanghawakan ay ang kanyang pananampalataya, at tunay pag-ibig.


————————————————————————
Maraming tao ang nagtitiwala na ang pagdurusa at pagbabayad, ang pagpapalaganap ng ebanghelyo, at pangangalaga sa simbahan ng Panginoon - lahat ng mga bagay na ito ay nangangahulugang ng pagsunod sa kalooban ng Diyos. Kapag ang Panginoon ay dumating, tayo ay madadala sa kaharian ng langit, ngunit ang katotohanan ba ang nangyari?

Ang Panginoong Jesus ba ay Diyos o ang Anak ng Diyos?

2020-05-10 08:48:53 | Salita ng Diyos


Ni: Xie Wen, Japan


Kamakailan, nang malapit ng matapos ang isang grupo sa pag-aaral ng Biblia, ang Kapatid na Li, isang manggagawa, ay nagtanong ng ganito: “Nakatala sa Biblia, ‘At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya; At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan’ (Mateo 3:16-17). At nang manalangin ang Panginoong Jesus, madalas Niyang sinasabi ‘Diyos Ama,’ kaya pinaniniwalaan natin sa ating mga puso na mayroong isang Diyos Ama sa langit at ang Panginoong Jesus ay ang Anak ng Diyos. Subalit sa aking mga pagpapanata ilang araw na ang nakalilipas, nakita ko na sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Ako at ang Ama ay iisa’ (Juan 10:30). At sa Banal na Kasulatan, hiniling ni Felipe sa Panginoon na ipakita sa kanila ang Ama. At ang tugon ng Panginoong Jesus ay, ‘Malaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin?’ (Juan 14:9-10). Makatuwirang isipin na ang Anak ay ang Anak at ang Ama ay ang Ama, kaya paanong Sila ay iisa? Ang Panginoong Jesus ba talaga ang Diyos Mismo o Siya ang Anak ng Diyos?” Ako at ang iba pang mga manggagawang naroroon ay napaisip nang husto sa mga siping ito, ngunit hindi namin tiyak kung ano ang sasabihin, kaya tinapos na namin ang pagtitipon.
Tinawagan ako ng Kapatid na Gao pagkaraan ng ilang araw. Siya ay naglalakbay para sa trabaho sa loob ng mahigit kalahating taon at kababalik lang, nais niyang magkasama-sama kami at magkaroon ng pagbabahagi. Naisip ko na siya ay isang mangangaral sa loob ng maraming taon at mayroon talagang dalisay na pagkaunawa sa Biblia, at sa panahong iyon siya ay nangangaral sa malayo kaya marami na siyang natutuhan. Naisip ko na maaari kong sabihin sa kanya ang kalituhang naiwan sa akin mula sa huling pag-aaral ng Biblia at makita kung anong uri ng pagkaunawa ang mayroon siya. Niyaya ko ang Kapatid na Song na samahan akong makipagkita kay Kapatid na Gao. Saglit kaming nagkamustahan, at pagkatapos ay sinabi ko ang tungkol sa mga alalahanin sa loob ng aking puso
Pagkarinig nito, ngumiti ang Kapatid na Gao at ibinahagi ang ganito sa amin: “Upang maunawaan ang usaping ito, kailangan muna nating maunawaan kung saan nanggaling ang pagtukoy na ‘ang Anak at ang Ama’. Ito ay hindi talaga lumitaw hanggang sa ang ating Panginoong Jesus ay nagkatawang-tao upang gawin ang gawain ng pagtubos. Sa panahong iyon, ang Diyos ay nag-anyong Anak ng tao upang magsalita at gumawa sa gitna ng sangkatauhan, inilulunsad ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Ang Banal na Espiritu ay nagbigay ng tuwirang patotoo na ang Panginoong Jesus ay ang sinisintang Anak ng Diyos nang Siya ay mabautismuhan, at tinawag din ng Panginoong Jesus ang Diyos sa langit bilang ‘Ama’. Sa ganitong paraan lumitaw ang ideya ng Anak at ng Ama. Ngunit makapaninindigan ba talaga ito? Ang Panginoong Jesus ba ay talagang Anak ng Diyos? Kung babalikan natin, sinabi ba ng Diyos sa Aklat ng Genesis na mayroon Siyang anak na lalaki? Sa Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan, sinabi ba talaga ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta na mayroon Siyang anak na lalaki? Hindi Niya kailanman sinabi, tama? Ipinakikita nito na mayroon lamang iisang Diyos at walang gayong bagay kagaya ng ‘ang Anak at ang Ama.’ Gayundin, kung ganoon iyon kagaya ng nauunawaan natin ito, at ang Panginoong Jesus ay Anak ng Diyos at ang Diyos sa langit ay ang Ama, kung gayon paano maipaliliwanag ang katunayan na malinaw na isinasaad ng Biblia na mayroon lamang iisang Diyos? Sa nakaraang 2000 taon kakaunting mga tao ang tunay na nakatanto na ang Panginoong Jesuscristo ang Diyos Mismo, at Siya ang anyo ng Diyos! Buksan natin ang ating mga Biblia sa Juan 14:18. Nang hindi pa kilala ni Philip ang Diyos, sinabi niya sa Panginoong Jesus, ‘Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama.’ Ano ang sagot ng Panginoong Jesus?”
Binuksan ng Kapatid na Song ang kanyang Biblia at binasa: “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa” (Juan 14:9-10).
Masiglang sinabi ng Kapatid na Gao, “Itinama ng Panginoong Jesus ang pagkakamali ni Felipe sa pagsasabing ‘ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama,’ at ‘ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin’ Makikita natin rito na ang Ama ay ang Anak, at ang Anak ay ang Ama—Sila ay iisa. Hindi kailanman sinabi ng Panginoong Jesus na Siya at ang Diyos ay mag-ama, ngunit sa halip malinaw na sinabi na Siya at ang Ama ay iisa. Mula sa mga salitang ito ng Panginoong Jesus, makukumpirma natin na Siya ang Diyos Mismo, na Siya ang pagpapahiwatig ng Diyos sa katawang-tao.”
Masayang sinabi ng Kapatid na Song, “Oo, ang mga salita ng Panginoong Jesus ay napakalinaw: ‘ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin’ at ‘ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama,’ Siya ang Diyos Mismo! Nababasa natin ang mga salitang ito mula sa Kanya ng napakaraming beses—bakit hindi pa natin talaga naunawaan ang mga ito?”
Habang nakikinig sa pagbabahagi ng Kapatid na Gao, naisip ko sa sarili ko, “Siyang tunay. Hindi kailanman sinabi ng Panginoong Jesus na Siya at ang Diyos ay mag-ama ngunit sinabi na Sila ay iisa. Nangangahulugan ito na Siya ang Diyos Mismo.” Gayunpaman, nakadama pa rin ako ng ilang pag-aalinlangan sa loob ng aking puso at nagtanong, “Yamang ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo, bakit sumaksi ang Banal na Espiritu na Siya ang sinisintang Anak pagkatapos ng Kanyang bautismo? At nang Siya ay manalangin, bakit Siya nanalangin sa Diyos Ama? Mayroong kaunting hiwaga sa loob nito, tama?”
Nangingiti, nagpatuloy ang Kapatid na Gao sa pagbabahagi. “Tama ka; may mga hiwaga talagang nilalaman sa loob nito. Nang ang Diyos ay nagkatawang-tao, ang Kanyang Espiritu ay nakatago sa katawang-tao, at hindi ito nadarama ng katawang-taong iyon sa anumang paraan, kagaya natin, mga tao, hindi nadarama ang ating mga kaluluwa sa loob natin. Bago simulan ng Panginoong Jesus ang paggawa at isakatuparan ang Kanyang misyon, Siya ay nabubuhay sa kalagayan ng isang normal na pagkatao. Wala Siyang ideya na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao sapagkat nang tumahan ang Banal na Espiritu sa katawang-tao upang gumawa, ang Kanyang paggawa ay hindi di-pangkaraniwan, bagkus ay ganap na normal. Kagaya lamang ng sinasabi ng Biblia, ‘Nguni’t tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam … kahit ang Anak, kundi ang Ama’ (Marcos 13:32). Nang opisyal na tinanggap ng Panginoong Jesus ang Kanyang posisyon, ang Banal na Espiritu ay bumigkas ng mga salita upang personal na magpatotoo na Siya ang Diyos na Nagkatawang-tao, at doon lamang nalaman ng Panginoong Jesus ang Kanyang tunay na pagkakakilanlan at na Siya ay dumating upang gawin ang gawain ng pagtubos. Ngunit bago Siya ipinako sa krus, Siya ay Anak ng tao pa lang, Siya si Cristo. Kaya likas sa Kanya na manalangin sa makalangit na Ama, at Siya ay nananalangin din sa Espiritu ng Diyos mula sa saloobin ng Kanyang pagkatao—ito ay isang lubos na likas na bagay. Nang ang Panginoong Jesus ay ipapako na sa krus nanalangin din Siya sa Diyos Ama, at sa pamamagitan nito makikita ang Kanyang kababaang-loob at pagkamasunurin.”
Pagkatapos marinig ang pagbabahagi ng Kapatid na Gao, Pareho kaming napabulalas ng Kapatid na Song, “Napakarami ng mga hiwaga na naktago sa likod ng pagsaksi ng Banal na Espiritu na ang Panginoong Jesus ang sinisintang Anak ng Diyos! Salamat sa Panginoon—kung hindi dahil sa pagbabahaging ito hindi namin kailanman mauunawaan ito!”
Inilabas ng Kapatid na Gao ang isang aklat sa kanyang bag na may nakasulat na “Ang Balumbon na Binuksan ng Kordero” sa pabalat. Masaya niyang sinabi, “May ilang sipi sa aklat na ito na sinasagot nang malinaw ang tanong na ito. Basahin natin ang mga ito!” Habang sinasabi ang ganito, binuksan niya ang aklat at binasa: “Nang tinawag ni Jesus sa pangalang Ama ang Diyos sa langit habang Siya ay nananalangin, ito ay ginawa lamang mula sa pananaw ng isang taong nilikha, dahil lamang sa dinamitan ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang Sarili bilang isang karaniwan at normal na tao at nagkaroon ng panlabas na panakip ng isang nilikhang pagkatao. Kahit na ang nasa loob Niya ay ang Espiritu ng Diyos, ang Kanyang panlabas na anyo ay nanatili pa ring yaong sa karaniwang tao; sa madaling salita, Siya ay naging ang “Anak ng tao” na sinabi ng lahat ng tao, kabilang si Jesus Mismo. Sabihin nang Siya ay tinawag na Anak ng tao, Siya ay tao (maging lalaki man o babae, sa alin mang kaso ay isa na may panlabas na pabalat ng isang tao) ipinanganak sa isang normal na sambahayan ng mga karaniwang tao. Samakatuwid, ang pagtawag ni Jesus sa Diyos sa langit sa pangalang Ama ay katulad lamang ng kung paano ninyo Siya tinawag na Ama noong una; ginawa Niya ang ganoon mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Natatandaan pa ba ninyo ang Panalangin ng Panginoon na itinuro ni Jesus sa inyo na kabisaduhin? ‘Ama namin na nasa langit….’ Hiniling Niya sa lahat ng tao na tawagin ang Diyos sa langit sa pangalang Ama. At yamang tinawag Niya rin Siyang Ama, Kanyang ginawa ang ganoon mula sa pananaw ng isang nasa katayuan na kagaya ng sa inyong lahat. Yamang tinawag ninyo ang Diyos sa langit sa pangalang Ama, ipinakikita nito na nakita ni Jesus ang Kanyang Sarili na kapantay ninyo, at bilang isang tao sa lupa na pinili ng Diyos (ibig sabihin, ang Anak ng Diyos). Kung tinatawag ninyo ang Diyos na ‘Ama,’ hindi ba ito ay dahil sa kayo ay taong nilikha? Gaano man kadakila ang awtoridad ni Jesus sa lupa, bago ang pagkakapako sa krus, Siya ay Anak lamang ng tao, pinamamahalaan ng Banal na Espiritu (ibig sabihin, ng Diyos), at isa sa mga nilikhang tao sa lupa, sapagkat hindi pa Niya nakukumpleto ang Kanyang gawain. Samakatuwid, ang pagtawag Niya ng Ama sa Diyos sa langit ay tanging Kanyang kababaang-loob at pagkamasunurin. Ang Kanyang pagtawag sa Diyos (ibig sabihin, ang Espiritu sa langit) sa gayong paraan, gayunman, ay hindi nagpapatunay na Siya ay ang Anak ng Espiritu ng Diyos sa langit. Sa halip, ito lamang ay dahil iba ang Kanyang pananaw” (Umiiral ba ang Trinidad?”).
“Mayroon pa rin yaong mga nagsasabi, “Hindi ba malinaw na sinabi ng Diyos na si Jesus ay ang Kanyang sinisintang Anak?” Si Jesus ang sinisintang Anak ng Diyos, na lubos Niyang kinalulugdan—tiyak na sinabi ito ng Diyos Mismo. Iyon ang Diyos na nagpapatotoo sa Sarili Niya mismo, ngunit mula lamang sa ibang pananaw, yaong sa Espiritu sa langit na sumasaksi sa Kanyang sariling pagkakatawang-tao. Si Jesus ay ang Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ang Kanyang Anak sa langit. Naiintindihan mo ba? Hindi ba ang mga salita ni Jesus na, “Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin,” ay nagpapahiwatig na Sila ay isang Espiritu? At hindi ba dahil sa pagkakatawang-tao kaya Sila ay nagkahiwalay sa pagitan ng langit at lupa? Sa katotohanan, Sila ay iisa pa rin; kahit ano pa, ito ay ang Diyos lamang na sumasaksi sa Sarili Niya. … Ngunit sa panahong iyon, sinabi lang ng Espiritu sa langit na Siya ang sinisintang Anak ng Diyos, at hindi binanggit ang Kanyang pagiging natatanging Anak ng Diyos. Hindi ito talaga nangyari. Paano nagkaroon ng iisang anak lamang ang Diyos? Kung gayon ang Diyos ay hindi maaaring maging tao? Sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao, Siya ay tinawag na sinisintang Anak ng Diyos, at, mula rito, dumating ang relasyon sa pagitan ng Ama at Anak. Ito ay dahil lamang sa paghihiwalay sa pag-itan ng langit at lupa” (“Umiiral ba ang Trinidad?”).
Pagkatapos niyang magbasa, ibinahagi ng Kapatid na Gao ang ganito: “Malinaw nating mauunawaan mula sa mga salitang ito na nang mabautismuhan ang Panginoong Jesus at nagpatotooo ang Banal na Espiritu na Siya ay ang sinisintang Anak ng Diyos, ang Diyos ang nagsasalita mula sa pananaw ng Espiritu. At nang ang Panginoong Jesus ay nananalangin at tinawag na ‘Ama’ ang Diyos sa langit, ang Panginoong Jesus ay nananalangin lamang sa Espiritu ng Diyos mula sa pananaw ng isang katawang-tao. Hindi nito pinatutunayan sa anumang paraan na ang Panginoong Jesus ay ang Anak ng Diyos sa langit. Ngunit dahil hindi malinaw sa atin ang aspetong ito ng katotohanan at hindi natin nauunawaan ang pananaw na pinagmumulan ng sinasabi ng Diyos, nanghawak tayo sa ating sariling mga haka-haka upang basta na lamang ipaliwanag ang mga salita ng Diyos. Kaya bigla tayong nagkaroon ng ganitong pagkaunawa na ang Panginoong Jesus ay ang Anak ng Diyos, ngunit malayo sa katotohanan at lalo ng hindi tumutugma sa mga katunayan. Maliwanag na, hindi natin kilala ang Diyos at hindi natin nauunawaan ang tunay na kahulugan sa likod ng mga salita ng Diyos. Umaasa lamang tayo sa ating sariling mga kathang-isip, nililimitahan at tinututulan Siya. Pagdating sa pagkilala sa Diyos, dapat talaga tayong maghangad gamit ang mapagkumbabang mga puso!”
________________________________________________

Sino si Kristo? Ang nagkatawang-tao na Diyos ay tinawag na Kristo. Siya ay may normal na katauhan at buong pagka-Diyos; Maaari Niyang simulan ang bagong kapanahunan at wakasan din ang lumang kapanahunan; Maaari Niyang gawin ang gawain ng Diyos Mismo at mailigtas ang buong sangkatauhan.
________________________________________________

Nakilos talaga ako pagkatapos marinig ang dalawang siping iyon at ang pagbabahagi ng Kapatid na Gao. Naisip ko, “Kaya lumilitaw na nang ang Banal na Espiritu ay sumaksi na ang Panginoong Jesus ay ang sinisintang Anak ng Diyos, Siya ay nagsasalita mula sa pananaw ng Espiritu, at nang tawaging ‘Ama’ ng Panginoong Jesus ang Diyos sa langit. Siya ay nagsasalita mula sa pananaw ng katawang-tao. Hindi natin nauunawaan ang mga hiwaga sa likod nito ngunit nasuri pa lang natin at nilimitahan ang Diyos ayon sa ating sariling mga pagkaunawa at mga kathang-isip. Napakahangal ng gayon, lubos na kakaiba!” Nakonsensya talaga ako nang husto, ngunit mayroon pa ring isang bagay ang nakapagpapalito sa akin. Nagpatuloy ako sa pagtatanong, “Bakit hindi tuwirang nagpapatotoo ang Diyos na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo? Tiyak lang na ang kahanga-hangang kalooban ng Diyos ang nasa gitna nito. Maaari bang magbahagi ka pa sa amin ng marami tungkol dito?”


________________________________________________

Ngayon ang mahalagang sandali para salubungin natin ang pagbabalik ng Panginoong Hesukristo sa mga huling araw. Dito ay ibinabahagi namin sa inyo ang 3 daan upang tulungan kayong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon.


Paano Maglingkod Nang Kaayon sa Kalooban ng Diyos

2020-05-02 12:10:49 | Salita ng Diyos


Ngayon, pangunahin nating tatalakayin kung paano dapat maglingkod ang mga tao sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Diyos, ano ang mga kundisyon na dapat matupad at kung ano ang dapat maunawaan ng mga naglilingkod sa Diyos, at ano ang mga paglihis sa inyong serbisyo. Dapat ninyong maunawaan ang lahat ng ito. Ang mga isyung ito ay humihipo sa inyong paniniwala sa Diyos, kung paano kayo naglalakad patungo sa landas ng pamamatnubay ng Banal na Espiritu, at kung paanong ang inyong lahat-lahat ay inaayos ng Diyos, at hahayaan kayo ng mga iyon na malaman ang bawa’t hakbang ng gawain ng Diyos sa inyo. Kapag naabot ninyo ang puntong iyon, inyong pahahalagahan ang pananampalataya sa Diyos, kung paano maniwala nang wasto sa Diyos, at kung ano ang dapat ninyong gawin upang kumilos nang kaayon sa kalooban ng Diyos. Gagawin kayo nitong ganap at lubos na masunurin sa gawain ng Diyos, at hindi kayo magrereklamo, hindi kayo hahatol, o magsusuri, at lalong hindi magsasaliksik. Dagdag pa rito, magagawa ninyong maging masunurin sa Diyos hanggang kamatayan, hinahayaan ang Diyos na igiya kayo at katayin na parang isang tupa, upang kayong lahat ay maaaring maging mga Pedro ng panahong 1990, at nagmamahal sa Diyos hanggang sa kasukdulan kahit na nasa krus, nang wala kahit kaunting reklamo. Doon lamang kayo maaaring mamuhay bilang mga Pedro ng panahong 1990.
Ang bawa’t isang nakapagpasya na ay maaaring maglingkod sa Diyos—subali’t kailangan na yaon lamang mga masusing nangangalaga sa kalooban ng Diyos at umuunawa sa kalooban ng Diyos ang siyang karapat-dapat at may karapatang maglingkod sa Diyos. Sa inyong mga karanasan, nakikita na maraming mga tao ang naniniwala na ang paglilingkod sa Diyos ay nangangahulugang maalab na pagpapalaganap ng ebanghelyo para sa Diyos, paghayo para sa Diyos, paggugol at pagsasakripisyo para sa Diyos, at iba pa; mas marami pang taong relihiyoso ang naniniwalang ang paglilingkod sa Diyos ay nangangahulugang paggala na may Biblia sa kanilang mga kamay, pinalalaganap ang ebanghelyo ng kaharian ng langit at nagliligtas ng mga tao sa pamamagitan ng pag-aakay sa kanila na magsisi at magkumpisal; maraming mga opisyal ng relihiyon ang nag-iisip na ang paglilingkod sa Diyos ay pangangaral sa kapilya matapos mag-aral sa seminaryo, pagtuturo sa mga tao sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga kabanata ng Biblia; maraming mga kapwa kapatiran ang naniniwala na ang paglilingkod sa Diyos ay nangangahulugang hindi pag-aasawa o pagbuo ng isang pamilya, at paglalaan ng kanilang buong katauhan sa Diyos; may mga tao rin sa mga naghihirap na rehiyon na naniniwalang ang paglilingkod sa Diyos ay ang pagpapagaling sa maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo, o pananalangin para sa mga kapatiran, o paglilingkod sa kanila; sa gitna ninyo, marami ang naniniwalang ang paglilingkod sa Diyos ay pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, at pananalangin sa Diyos araw-araw, at pagbisita sa mga iglesia kung saan-saan; gayundin, may mga tao na nagsasabing ang pamumuhay ng buhay ng iglesia ay paglilingkod sa Diyos. Nguni’t iilang mga tao lamang ang nakakaalam kung ano ang aktwal na kahulugan ng paglilingkod sa Diyos. Bagaman ang mga naglilingkod sa Diyos ay kasing-dami ng mga bituin sa kalangitan, ang bilang ng direktang nakakapaglingkod, at siyang may kakayahang maglingkod sa kalooban ng Diyos, ay kakaunti—napakaliit lamang. Bakit ko sinasabi ito? Sinasabi ko ito dahil hindi ninyo naiintindihan ang nilalaman ng pariralang “paglilingkod sa Diyos,” at napakababaw ang inyong pagkaunawa hinggil sa kung paano maglingkod sa kalooban ng Diyos. Ngayon, pangunahing tinatalakay natin kung paano maglingkod alinsunod sa kalooban ng Diyos, paano maglingkod upang mapasaya ang kalooban ng Diyos.
———————————————————————
Maraming tao ang nagtitiwala na ang pagdurusa at pagbabayad, ang pagpapalaganap ng ebanghelyo, at pangangalaga sa simbahan ng Panginoon - lahat ng mga bagay na ito ay nangangahulugang ng pagsunod sa kalooban ng Diyos. Kapag ang Panginoon ay dumating, tayo ay madadala sa kaharian ng langit, ngunit ang katotohanan ba ang nangyari?
———————————————————————
Kung nais ninyong maglingkod sa kalooban ng Diyos, dapat muna ninyong maunawaan kung anong uri ng mga tao ang minamahal ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang kinamumuhian ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang ginagawang perpekto ng Diyos, at kung anong uri ng mga tao ang karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Kahit ito man lamang ay dapat na naisangkap sa inyo. Dagdag pa rito, dapat ninyong malaman ang mga mithiin ng gawain ng Diyos, at ang gawain na gagawin ng Diyos ngayon dito. Matapos unawain ito, at sa pamamagitan ng paggabay ng mga salita ng Diyos, papasok muna kayo, at tatanggap muna ng utos ng Diyos. Kapag aktwal kayong nakakaranas batay sa mga salita ng Diyos, at kapag tunay ninyong alam ang gawa ng Diyos, kayo ay magiging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. At kapag kayo ay naglilingkod sa Kanya, iminumulat ng Diyos ang inyong espirituwal na mga mata, at tinutulutan kayo na magkaroon ng higit na pagkaunawa ng Kanyang gawa at mas malinaw itong makita. Kapag pumasok ka sa katotohanang ito, ang iyong mga karanasan ay magiging mas malalim at tunay, at ang lahat sa inyo na nagkaroon ng ganoong mga karanasan ay makakayang maglakad sa gitna ng mga iglesia at magkaloob sa inyong mga kapatiran, ang bawa’t isa ay humuhugot ng lakas sa iba upang punuan ang inyong sariling mga kakulangan, at nagtatamo ng isang mas mayamang kaalaman sa inyong mga espiritu. Matapos makamit ang epektong ito, saka lamang ninyo makakayang maglingkod sa kalooban ng Diyos at magawang perpekto ng Diyos sa pagdaan ng panahon ng inyong serbisyo.
Yaong mga naglilingkod sa Diyos ay dapat maging mga kaniig ng Diyos, sila ay dapat na minamahal ng Diyos, at may kakayanan ng sukdulang katapatan sa Diyos. ‘Di alintana kung ikaw ay kumikilos sa likod ng mga tao, o sa harap nila, ikaw ay makakatamo ng kagalakan ng Diyos sa harap ng Diyos, ikaw ay may kakayahang tumindig nang matatag sa harap ng Diyos, at paano ka man tratuhin ng ibang mga tao, lagi mong tinatahak ang sarili mong landas, at masusing nangangalaga sa pasanin ng Diyos. Tanging ito ang isang kaniig ng Diyos. Na nakakaya ng mga kaniig ng Diyos na direktang maglingkod sa Kanya ay dahil sila ay binigyan ng malaking utos ng Diyos, at pasanin ng Diyos, nagagawa nilang damahin ang puso ng Diyos bilang kanila, at ang pasanin ng Diyos bilang kanila, at hindi mahalaga sa kanila kung magkamit man sila o mawalan ng pagkakataon: Kahit na wala silang mga pagkakataon, at wala silang makukuha, sila ay palaging maniniwala sa Diyos na may mapagmahal na puso. At dahil dito, ang ganitong uri ng tao ay kaniig ng Diyos. Ang mga kaniig ng Diyos ay Kanya ring mga pinagkakatiwalaan; ang mga pinagkakatiwalaan lamang ng Diyos ang nakakagawang makibahagi sa Kanyang pagkabalisa, at sa Kanyang mga nais, at bagaman ang kanilang laman ay makirot at mahina, natitiis nila ang kirot at tinatalikdan yaong kanilang sariling kasiyahan upang mapasaya ang Diyos. Nagbibigay ang Diyos ng mas maraming pasanin sa nasabing mga tao, at kung ano ang gagawin ng Diyos ay ipinapahayag gamit ang mga taong ito. Kaya, ang mga taong ito ay minamahal ng Diyos, tagapaglingkod sila ng Diyos na ayon sa Kanyang sariling puso, at ang mga tao lamang na tulad nito ang maaaring mamuno kasama ng Diyos. Kapag ikaw ay tunay na nagiging kaniig ng Diyos ay talagang kung kailan ikaw ay mamumuno kasama ng Diyos.
Nagáwâ ni Jesus na tapusin ang utos ng Diyos—ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan—dahil ibinigay Niya ang masusing pangangalaga sa kalooban ng Diyos, nang walang pansariling mga plano at pagsasaalang-alang. Kaya, pati, Siya ay kaniig ng Diyos—ang Diyos Mismo, isang bagay na inyong nauunawaan nang napakaigi. (Sa katotohanan, Siya ang Diyos Mismo na pinatotohanan ng Diyos; binabanggit ko ito dito upang gamitin ang katunayan ni Jesus upang isalarawan ang usapin.) Nagawa Niyang ilagay ang planong pamamahala ng Diyos sa pinaka-gitna, at laging nananalangin sa Ama sa langit at hinahangad ang kalooban ng Ama sa langit. Nanalangin siya, at sinabi: “Diyos Ama! Ganapin yaong Iyong kalooban, at kumilos hindi ayon sa Aking mga intensyon; na Ikaw ay kumilos alinsunod sa Iyong plano. Maaaring mahina ang tao, nguni’t bakit Ka dapat mag-alala para sa kanya? Paano mangyayari na ang tao ang paksa ng Iyong pag-aalala, ang tao na tulad ng isang langgam sa Iyong kamay? Sa Aking puso, nais ko lamang na tuparin ang Iyong kalooban, at nais ko na Iyong nagagawa ang nais Mong gawin sa Akin ayon sa Iyong sariling mga hangarin.” Habang nasa daan patungong Jerusalem, nadama ni Jesus ang paghihirap, na para bang ang isang kutsilyo ay iniikot sa Kanyang puso, subali’t Siya ay walang bahagya mang intensyong talikuran ang Kanyang salita; palaging mayroong isang malakas na puwersang humihimok sa Kanya na sumulong kung saan Siya ay ipapako sa krus. Sa kahuli-hulihan, Siya ay ipinako sa krus at naging ka-anyo ng makasalanang laman, tinatapos ang gawaing iyon ng pagtubos sa sangkatauhan, at umiibabaw sa gapos ng kamatayan at ng Hades. Sa harap Niya, nawalan ng kapangyarihan ang kamatayan, impiyerno, at Hades, at nalupig Niya ang mga ito. Siya ay namuhay sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon, sa kabuuan nito palagi Niyang ginagawa ang Kanyang makakaya upang tuparin ang kalooban ng Diyos ayon sa gawain ng Diyos sa panahong iyon, hindi kailanman isinasaalang-alang ang Kanyang pansariling pakinabang o kawalan, at laging iniisip ang kalooban ng Diyos Ama. Kaya, matapos na Siya ay mabautismuhan, sinabi ng Diyos: “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.” Dahil sa Kanyang serbisyo sa harap ng Diyos na ayon sa kalooban ng Diyos, naglagay ang Diyos ng mabigat na pasanin ng pagtubos sa buong sangkatauhan sa Kanyang mga balikat at pinahayo Siya upang tuparin ito, at Siya ay kwalipikado at may karapatan upang tapusin ang mahalagang gawaing ito. Sa kabuuan ng Kanyang buhay, tiniis Niya ang di-masukat na kaparusahan para sa Diyos, at Siya ay tinukso ni Satanas nang hindi-mabilang na beses, nguni’t Siya ay hindi kailanman nawalan ng pag-asa. Binigyan Siya ng Diyos ng nasabing gawain dahil pinagkakatiwalaan Niya Siya, at minamahal Siya, at kaya’t personal na sinabi ng Diyos: “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.” Sa panahong iyon, si Jesus lamang ang maaaring tumupad sa utos na ito, at ito ay isang bahagi sa pagtatapos ng Diyos ng Kanyang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya.
Kung, katulad ni Jesus, may kakayahan kayo na masusing pangalagaan ang pasanin ng Diyos, at talikdan ang inyong laman, ipagkakatiwala sa inyo ng Diyos ang Kanyang mahahalagang gawain sa inyo, upang inyong matugunan ang mga kundisyon ng paglilingkod sa Diyos. Sa ilalim lamang ng nasabing mga pagkakataon mangangahas kayong sabihin na inyong ginagawa ang kalooban ng Diyos at tinatapos ang Kanyang utos, doon lamang kayo mangangahas na sabihing kayo ay tunay na naglilingkod sa Diyos. Kumpara sa halimbawa ni Jesus, nangangahas ka ba na sabihing ikaw ay kaniig ng Diyos? Nangangahas ka bang sabihin na ginagawa mo ang kalooban ng Diyos? Nangangahas ka ba na sabihing ikaw ay tunay na naglilingkod sa Diyos? Kung, ngayon, hindi mo nauunawaan ang nasabing serbisyo sa Diyos, ikaw ba ay nangangahas sabihing kaniig ka ng Diyos? Kung sinasabi mong ikaw ay naglilingkod sa Diyos, hindi mo ba Siya nilalapastangan? Pag-isipan ninyo ito: Ikaw ba ay naglilingkod sa Diyos, o sa iyong sarili? Nagsisilbi ka kay Satanas, nguni’t nagmamatigas ka na sabihing naglilingkod ka sa Diyos—hindi mo ba nilalapastangan ang Diyos sa ganito? Maraming tao sa Aking likuran ang nag-iimbot sa pagpapala ng estado, nagpapasasa sila sa pagkain, mahilig silang matulog at masusing pinangangalagaan ang laman, laging natatakot na walang paraan upang makaiwas sa laman. Hindi nila ginagampanan ang kanilang karaniwang tungkulin sa iglesia, at kumakain nang walang bayad, o kaya ay pinagsasabihan ang kanilang mga kapatiran gamit ang Aking mga salita, nagmamataas sila at pinaghaharian ang iba. Palaging sinasabi ng mga taong ito na ginagawa nila ang kalooban ng Diyos, lagi nilang sinasabi na sila ay mga kaniig ng Diyos—hindi ba ito katawa-tawa? Kung ikaw ay may matuwid na mga adhikain, nguni’t hindi napaglilingkuran ang kalooban ng Diyos, kung gayon ikaw ay nananatiling hangal; nguni’t kung ang iyong mga adhikain ay hindi tama, at sinasabi mo pa rin na ikaw ay naglilingkod sa Diyos, kung gayon ikaw ay isang taong sumasalungat sa Diyos, at marapat parusahan ng Diyos! Wala Akong simpatya sa mga naturang tao! Sa bahay ng Diyos kumakain sila nang libre, at laging hinahangad ang kaginhawahan ng laman, at walang pagsasaalang-alang sa mga interes ng Diyos; lagi nilang hinahanap kung ano ang mabuti para sa kanila, hindi nila pinapansin ang kalooban ng Diyos, ang lahat ng kanilang ginagawa ay hindi tinitingnan ng Espiritu ng Diyos, lagi silang nagmamaniobra at nagbabalak laban sa kanilang mga kapatiran, at balat-kayo, tulad ng isang soro na nagnanakaw ng ubas, at sumisira ng ubasan. Maaari bang maging mga kaniig ng Diyos ang gayong mga tao? Ikaw ba ay angkop upang matanggap ang mga pagpapala ng Diyos? Hindi mo kinukuha ang pananagutan sa iyong buhay at sa iglesia, ikaw ba ay angkop para tanggapin ang utos ng Diyos? Sino ang mangangahas na magtiwala sa isang katulad mo? Kapag ikaw ay naglilingkod nang ganito, maaari bang mangahas ang Diyos na magtiwala sa iyo ng mas mabigat na gawain? Hindi mo ba inaantala ang mga bagay-bagay?
Sinasabi ko ito upang inyong malaman kung anong mga kundisyon ang dapat matupad upang maglingkod nang kaayon sa kalooban ng Diyos. Kung hindi ninyo ibinibigay ang inyong puso sa Diyos, kung hindi ninyo ibinibigay ang masusing pangangalaga sa kalooban ng Diyos katulad ni Jesus, sa gayon kayo ay hindi mapagkakatiwalaan ng Diyos, at mauuwi sa pagiging hinahatulan ng Diyos. Marahil ngayon, sa iyong paglilingkod sa Diyos, palagi mong kinakandili ang intensyon na dayain ang Diyos—nguni’t tatandaan ka pa rin ng Diyos. Sa madaling salita, hindi alintana ang lahat ng iba pa, kung iyong dinadaya ang Diyos, walang-pusong paghatol ang darating sa iyo. Dapat ninyong samantalahin ang pagkakapasok sa tamang landas ng paglilingkod sa Diyos upang inyo munang ibigay ang inyong puso sa Diyos, nang walang nahahating katapatan. Hindi isinasaalang-alang kung ikaw man ay nasa harapan ng Diyos, o nasa harap ng ibang tao, ang iyong puso ay dapat laging nakaharap sa Diyos, at dapat mong panindigan na mahalin ang Diyos katulad ni Jesus. Sa paraang ito, gagawin kang perpekto ng Diyos, upang ikaw ay maging tagapaglingkod ng Diyos na kagaya ng Kanyang puso. Kung tunay na nais mong magawang perpekto ng Diyos, at para ang iyong serbisyo ay maging kaayon sa Kanyang kalooban, dapat mong palitan ang iyong mga dating pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, at baguhin ang paraan ng iyong paglilingkod sa Diyos, nang sa gayon ay higit ka pang nagagawang perpekto ng Diyos; sa paraang ito, hindi ka tatalikuran ng Diyos, at, katulad ni Pedro, pangungunahan mo yaong mga nagmamahal sa Diyos. Kung ikaw ay mananatiling walang-pagsisisi, makakamit mo ang katapusang katulad ng kay Judas. Ito ay dapat na maunawaan ng lahat ng mga taong naniniwala sa Diyos.
———————————————————————
Ang Salita ng Diyos ay buhay at mabisa. Narito ang mga piling teksto, mga audio, at mga video ng salita ng Diyos tungkol sa buhay upang matulungan kang matamo ang buhay mula sa Diyos.


Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos

2020-04-27 22:44:32 | Salita ng Diyos


Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo


Katulad ng daan-daang milyong ibang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa aral ng Panginoon. Maliwanag, kung gayon, na tayo rin sa ating sarili ay naniniwalang lumalakad sa landas ng pagsunod sa kagustuhan ng Ama sa langit. Nananabik tayo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, sa maluwalhating pagdating ng Panginoong Jesus, sa pagtatapos ng ating buhay dito sa lupa, sa pagpapakita ng kaharian, at sa lahat gaya ng nasasaad sa Aklat ng Pahayag: Ang Panginoon ay dumating, at may dalang sakuna, gagantimpalaan ang mabubuti at paparusahan ang masasama, isasama ang lahat ng sumusunod sa Kanya at malugod na tanggapin ang Kanyang pagbalik mula sa alapaap upang Siya ay salubungin. Tuwing ito’y ating maiisip, hindi natin mapigilang manaig ang ating damdamin. Tayo ay nagpapasalamat na tayo ay isinilang sa mga huling araw, at tayo ay mapalad na masaksihan ang pagdating ng Panginoon. Bagaman tayo ay nakaranas ng pag-uusig, ito naman ay para sa “lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan”; kay laking pagpapala nito! Ang lahat ng pananabik na ito at ang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon ay dinadala tayo sa mahinahong panalangin, at tayo ay pinagsasama-sama nang madalas. Maaari ay sa susunod na taon, maaaring bukas, o maaring sa lalong madali kung kailan hindi inaasahan ng tao, ang Panginoon ay biglaang darating, at tiyak na magpapakita sa gitna ng kalipunan ng mga taong masigasig na naghihintay sa Kanya. Lahat tayo ay nakikipagpaligsahan sa isa’t isa, walang nagnanais na maiwan, nang sa ganoon ay maging unang kalipunan na mamasdan ang pagpapakita ng Panginoon, na maging isa sa mga unang aagawin sa alapaap. Ibinigay natin ang lahat, hindi alintana ang kalalabasan, para sa pagdating ng araw na ito. Ang ilan ay isinuko ang kanilang mga trabaho, ang ilan ay iniwan ang kanilang mga pamilya, ang ilan ay tinalikuran ang kanilang mga buhay may asawa, at ang ilan ay ipinamigay na ang kanilang mga inipon. Anong walang pag-iimbot na debosyon! Ang gayong sinseridad at katapatan ay nalampasan kahit ang mga banal sa nakalipas na panahon! Habang ang Panginoon ay nagkakaloob ng biyaya sa kung sinumang Kanyang naisin, at habag sa sinumang Kanyang naisin, ang ating debosyon at pagpapagal, tayo ay naniniwala, ay nakita na rin ng Kanyang mga mata. Gayundin, ang ating taos-pusong mga panalangin ay naabot na rin ang Kanyang mga tainga, at tayo ay nagtitiwala na tayo ay gagantimpalaan ng Panginoon dahil sa ating debosyon. Bukod doon, ang Diyos ay nagmagandang-loob sa atin bago pa man Niya nilikha ang mundo, at walang sinuman ang makapag-aalis ng mga pagpapala at pangako ng Diyos sa atin. Tayong lahat ay nagpaplano para sa hinaharap, at ating nakikini-kinita na ang ating debosyon at pagpapagal ay ating inilalaan para sa ating pagsalubong sa ating Panginoon sa hangin. Higit sa lahat, wala ni katiting na pag-aatubili, inilalagay natin ang ating sarili sa trono sa hinaharap, pinamumunuan ang lahat ng mga bansa at mga tao, o mga namamahala bilang mga hari. Ang lahat ng ito ay inaakala nating ibinigay na, o isang bagay na maaasahan.
Tinutuya natin ang lahat ng laban sa Panginoong Jesus; sa katapusan, silang lahat ay pupuksain. Sino ang nagsabi sa kanila na huwag maniwalang Tagapagligtas ang Panginoong Jesus? Tiyak na may mga pagkakataong tayo ay natututo mula sa Panginoong Jesus at tayo ay mahabagin sa mundo, dahil hindi nila nauunawaan, at tayo ay nararapat na maging mapagparaya at mapagpatawad sa kanila. Ang lahat ng ating ginagawa ay alinsunod sa mga salita ng Biblia, dahil ang lahat ng hindi tumatalima sa Biblia ay maling pananampalataya, at isang masamang kulto. Ang mga ganoong paniniwala ay nakatanim nang malalim sa ating mga isipan. Ang ating Panginoon ay nasa Biblia, at kapag tayo ay hindi lalayo sa Biblia, tayo ay hindi rin malalayo sa Panginoon; kapag tayo ay sumunod sa mga alituntunin, tayo ay tiyak na maliligtas. Inuudyukan natin at inaalalayan ang bawat isa, at sa tuwing tayo ay magsasama-sama, inaasahan natin na ang lahat ng ating sinasabi at ginagawa ay alinsunod sa kalooban ng Panginoon, at maaaring tanggapin ng Panginoon. Sa kabila ng malubhang hamon ng ating kapaligiran, ang ating mga puso ay puno ng kasiyahan. Kapag ating iniisip ang mga pagpapala na madaling makamit, mayroon pa ba tayong hindi kayang talikuran? Mayroon pa ba tayong hindi kayang gawin upang maging bahagi nito? Ang lahat ng ito ay tiyak, at ang lahat ng ito ay pinagmamasdan ng mga mata ng Diyos. Tayo, isang dakot na mga nangangailangan na iniangat mula sa tambak ng dumi, ay walang pinagkaiba sa mga karaniwang tagasunod ng Panginoong Jesus: Tayo ay nangangarap ng pag-agaw sa alapaap, at pagiging-mapalad, at ng pamamahala sa mga bansa. Ang ating katiwalian ay nakalatag sa harap ng mga mata ng Diyos, at ang ating mga hangarin at kasakiman ay nahatulan sa mga mata ng Diyos. Gayunpaman, ang lahat ng ito ay pangkaraniwang nangyari, napakamakatuwiran, at wala sa atin ang nagtaka kung ang ating pananabik ay nararapat, wala rin sa atin ang nagduda tungkol sa katiyakan ng lahat ng ating pinanghahawakan. Sino ang maaaring makaalam ng kalooban ng Diyos? Hindi natin alam kung paano maghanap, o magsiyasat, o kahit maging abala sa landas na tinatahak ng tao. Dahil ang tanging inaalala natin ay kung kasama tayo sa mga sasalubong sa Panginoon, kung tayo ba ay pagpapalain, kung mayroon bang lugar para sa atin sa kaharian sa langit, at kung tayo ba ay may bahagi ng tubig mula sa ilog ng buhay at ang bunga mula sa puno ng buhay. Hindi ba tayo naniniwala sa Panginoon, at hindi ba tayo mga tagasunod ng Panginoon, para lamang sa kapakanan ng mga bagay na ito? Pinatawad na ang ating mga kasalanan, tayo ang nagsisi, ininom natin ang mapait na saro ng alak, at ating inilagay ang krus sa ating likuran. Sino ang makapagsasabi na ang ating pagdurusa ay hindi tatanggapin ng Panginoon? Sino ang makapagsasabi na tayo ay hindi nakapaghanda ng sapat na langis? Hindi natin nais na maging katulad ng mga birheng mangmang, o isa sa mga tinalikdan. Higit pa rito, tayo ay madalas nananalangin, at hinihingi sa Panginoon na tulungan tayo upang hindi malinlang ng mga bulaang Cristo, dahil ang sabi sa Biblia ay “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:23-24). Ating itinatak sa ating mga kaisipan ang mga bersikulo na ito ng Biblia, alam natin ang mga ito mula likod hanggang harap, at itinuturing natin itong mahalagang kayamanan, katulad ng buhay, at mga katibayan para sa ating pagkaligtas at pagsalubong sa Panginoon …
—————————————————————
Ipinaliliwanag ng bahaging Mga Propesiya sa Biblia ang mga propesiya tungkol sa mga kalamidad sa mga huling araw, ikalawang pagparito ni Jesus, mga pangalan ng Diyos, huling paghuhukom, at iba pa.
—————————————————————
Sa loob ng libu-libong taon, ang mga nabubuhay ay namatay na, dala-dala ang kanilang mga inaasam at mga pangarap, at walang tunay na nakakaalam kung sila ay napunta sa kaharian ng langit. Ang mga patay ay nagbalik, at kanilang nakalimutan ang mga kwento na minsang nangyari, at patuloy pa ring sinusunod ang mga turo at mga landas ng mga ninuno. At sa paglipas ng mga taon at pagdaan ng mga araw, walang nakakaalam kung ang ating Panginoong Jesus, ang ating Diyos, ay talagang tinatanggap ang ating mga ginagawa. Tiningnan lamang natin ang kalalabasan at nagpapapalagay kung ano ang mga maaaring mangyari. Ngunit, pinanatili ng Diyos ang Kanyang katahimikan, at hindi nagpakita sa atin, o nakipag-usap sa atin. At dahil doon, namimihasa tayong hinahatulan ang kalooban at disposisyon ng Diyos alinsunod sa Biblia at ang mga katibayan. Tayo ay nasanay sa katahimikan ng Diyos; tayo ay nasanay sa pagsukat ng mga tama at mali sa ating pag-uugali gamit ang ating sariling paraan ng pag-iisip; tayo ay nasanay sa paggamit ng ating kaalaman, pagkakaintindi, at pamantayang moral upang palitan ang mga kahilingan ng Diyos sa atin; tayo ay nasanay sa pagtamasa ng biyaya ng Diyos; tayo ay nasanay na ang Diyos ay nagbibigay ng tulong tuwing ito ay ating kailangan; tayo ay nasanay na inilalahad na lamang ang ating mga palad sa Diyos para sa lahat ng bagay, at inuutusan ang Diyos; tayo rin ay nasanay sa pagsunod sa mga doktrina, hindi binibigyang-pansin kung paano tayo pangunahan ng Banal na Espiritu; higit pa rito, tayo ay nasanay sa mga araw na ang ating sarili ang ating panginoon. Naniniwala tayo sa Diyos na ito, na hindi pa natin nakikita. Ang mga tanong katulad ng kung ano ang Kanyang disposisyon, ano ang Kanyang mga pag-aari at pagiging Siya, ano ang Kanyang imahe, kung makikilala ba natin Siya kapag Siya ay dumating, at marami pang iba—wala sa mga ito ang mahalaga. Ang mahalaga ay Siya ay nasa ating mga puso, na Siya ay ating hinihintay, at maaari nating isipin kung ano Siya. Pinahahalagahan natin ang ating paniniwala, at pinagyayaman ang ating espirituwalidad. Itinuturing nating dumi, at tinatapakan ang lahat ng nasa paanan. Dahil tayo ang mga tagasunod ng maluwalhating Panginoon, gaano man katagal at nakakapagod ang paglalakbay, anumang paghihirap at panganib ang ating sapitin, walang makapagpapahinto sa ating mga yapak habang tayo ay sumusunod sa Panginoon. “At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Diyos at ng Cordero, Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba’t ibang bunga, na namumunga sa bawa’t buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa. At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang luklukan ng Diyos at ng Cordero ay naroroon: at siya’y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin; At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo. At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila’y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka’t liliwanagan sila ng Panginoong Diyos: at sila’y maghahari magpakailan kailan man” (Pahayag 22:1-5). Sa tuwing aawitin natin ang mga salitang ito, ang mga puso natin ay napupuno ng kagalakan at kasiyahan, at ang mga luha ay tumutulo mula sa ating mga mata. Salamat sa Panginoon sa pagpili sa atin, salamat sa Panginoon sa Kanyang biyaya. Tayo ay binigyan Niya ng makasandaang ulit ngayon, tayo ay binigyan Niya ng buhay na walang hanggan sa mundong darating, at kapag hiningi Niya ang ating mga buhay, ito ay ibibigay natin sa Kanya nang walang daing. Panginoon! Pakiusap na dumating Ka na! Huwag ka nang maantala ng isang minuto, dahil kami ay labis na naghahangad sa Iyo, at aming kinalimutan ang lahat para sa Iyo.


——————————————————————

Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoon?

Ipinahayag noong Marso 23, 2010