Ang Mga Kasinungalingan sa Internet ay Muntikan ng Magdulot sa Akin Upang Mapalampas ang Pagbabalik ni Jesucristo
Ni Xiao Ling, Hong Kong
Tala ng Editor: Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6). Ang Diyos ang katotohanan, ang daan at ang buhay, at ang mga salita lamang ng Diyos ang maaaring magpakita sa atin ng daan pasulong at payagang malinawan tayo na makita ang mga bagay. At mayroon pa ring maraming mga kapatid na hindi nagsisiyasat sa tunay na daan sa liwanag ng mga salita ng Diyos, ngunit sa halip iniimbestigahan nila ito sa liwanag ng mga komentaryo na nakikita nila sa online. Ang ilan ay hindi na naglakas-loob na ipagpatuloy ang pag-iimbestiga nito dahil sa mga negatibong ulat na nabasa nila sa online, at ang ilan ay nalinlang ng mga kasinungalingan kaya muntik na nilang mapalampas ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw…. Si Kapatid Xiao Ling ay isa sa mga taong ito, ngunit sa pamamagitan ng paghahanap at pakikipagbahagian, nagkaroon siya ng pagkakilala sa mga kasinungalingan sa Internet, at tinanggap niya ang pagbabalik ng Panginoon. Nais mo bang malaman ang tungkol sa kanyang karanasan? Kung gayon ipagpatuloy natin ang pagbabasa …
Nakilala Ko ang Tinig ng Diyos at Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon
Noong Oktubre 2018, masuwerte akong nakarinig sa ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Matapos ang panahon ng paghahanap at pagsisiyasat, nagkaroon ako ng mga pagka-unawa sa anim na libong taon ng planong pamamahala upang mailigtas ang sangkatauhan, ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan dahil kay Satanas, at naiintindihan ko na sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, pagdanas ng paghatol at pagkastigo sa mga salita ng Diyos at sa pamamagitan ng pagbabago sa ating satanikong disposisyon at pagdadalisay ay maaaring maiangat tayo ng Diyos sa kaharian ng langit. Mula sa mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, nakatitiyak ako na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at masayang tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa mga sumunod na araw, masigla akong nagbabasa ng mga salita ng Diyos, dumalo ako sa mga pagtitipon at madalas na nakikipagbahagian sa aking mga kapatid, at naintindihan ko ang maraming mga katotohanan na hindi ko naiintindihan nung naniniwala pa lamang ako sa Panginoon noon. Nakaramdam ako ng isang hindi kapani-paniwalang tamis sa aking puso, at nadama ko ang pagpapalaya sa aking espiritu na hindi ko pa naramdaman dati.
Nakasumpong Ako ng mga Kasinungalingan sa Internet at Nagkaroon ng mga Pagdududa
Isang araw, makalipas ang dalawang buwan, hiniling ko sa aking anak na bilhan ako ng isang cellphone, upang mas mapadali ang pakikinig ko sa mga himno, mga pagbigkas ng mga salita ng Diyos, at mga pagbabahagian at sermon sa pagpasok sa buhay. Nangyari lamang na ang isang kaibigan ko ay nasa bahay nang araw na iyon, pati na ang aking anak na lalaki at ang aking kaibigan ay mausisa tungkol sa kung sa aling simbahan ako dumadalo, kaya sinabi ko sa kanila na dumadalo ako sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sinabi ng aking kaibigan na hindi pa niya naririnig ang tungkol sa simbahang iyan, kaya naghanap siya sa online para dito at pagkatapos ay nag-click sa isa sa mga webpage. Sa gulat ko, binasa ng aking kaibigan ang webpage at pagkatapos ay sinabi ng may pagkamangha, “Tingnan mo, sabi ng gobyernong CCP na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng isang taong nagngangalang Zhao at ito ay isang organisasyon ng tao. Paano mo nagagawang dumadalo sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?” Ang anak kong lalaki na nandoon din, ay kinakabahang nagsabi, “Ma, may alam ka bang kahit ano tungkol sa Iglesia’ng ito? Ang daming mga simbahan sa Hong Kong. Bakit kailangan mong dumalo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Pagkatapos marinig ang negatibong ulat na ginawa ng gobyernong CCP, ako ay nagalit, at balisang nagsabi, “Hindi ba’t gumagawa ang CCP ng mga maling balita sa loob ng maraming taon? Pinaniniwalaan mo ba talaga ang sinabi ng CCP? Huwag kang magsalita ng walang kabuluhan kung wala kang alam na kahit ano tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! Mayroon akong ugnayan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa sandaling mga panahon na ngayon, at kapag nagtitipon ang mga kapatiran, binabasa nila ang mga salita ng Diyos at nagbabahagian tungkol sa kanilang mga karanasan at pag-unawa, at natustusan ang aking espiritu at masaya ako sa pakikinig sa kanila. Maraming mga isyu na hindi ko naiintindihan habang ako’y naniniwala sa Panginoon pero ngayon ay nalutas na, at wala akong nakita o narinig na pagkakapareho sa mga sinasabi sa online….” Ang aking anak at aking kaibigan, gayunpaman, ay hindi na pinansin ang aking sinasabi, at sila ay naghanap sa Wikipedia. Malubha nilang sinabi sa akin, “Nakikita mo? Pareho din ang sinasabi sa Wikipedia! Lumayo ka sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang maiwasan mo ang malinlang!” Nahaharap sa biglaang pagbagsak ng negatibong impormasyon, sa sandaling ito ay wala akong ideya kung paano sasabihin ang katotohanan mula sa kabulaanan, at nagsimulang mag-alala na ako ay naligaw sa aking pananampalataya. Nagsimula akong magalit, kaya hiniling ko sa kanila na huwag nang magsalita pa.
Higit pang pansin: Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?
Nang gabing iyon, nagpadala ako ng isang mensahe sa isa sa sister sa simbahan, na nagsasabing, “Marami akong nakitang negatibong impormasyon online at nakakaramdam ako ng pagdududa. Hindi na ako dadalo sa mga pagtitipon sa simbahan.” Pagkatapos ay nagpadala ako ng sunud-sunod na mga negatibong ulat na ito sa kapatid, at mabilis siyang sumagot, na sinabi, “Sister Xiao Ling, lahat ng mga negatibong ulat na ito online ay kasinungalingan. Huwag kang mabilis na maniwala sa kanila. Pag-usapan natin ito kapag nagkita tayo, OK?” Naguguluhan ang puso ko noon at nais ko lang na huminahon, kaya’t tinanggihan ko ang alok niya.
Nang gabing iyon, nahiga ako sa kama ng pabali-balikwas at hindi makatulog ni pikit man. Sa isip ko, patuloy kong iniisip ang bawat maliliit na bahagi ng nakalipas na dalawang buwan ng aking pakikipag-ugnayan sa mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos: Ang kanilang pananamit at hitsura ay laging disente, sila ay matuwid at tapat sa salita at gawa, sila ay may mataas na katangian ng moralidad, matapat, nakakatulong sila sa bawat isa na may problema, ang mga bagay na kanilang binabahagi ay nakaka-liwanag at binuksan ang mga buhol ng pasakit na matagal nang nakabaluktot sa aking puso, at nararamdaman ko na ang mga bagay na sinasabi nila ay nagmula sa Diyos. Kaya bakit napakaraming negatibong publisidad online tungkol sa simbahang ito? Naligaw ba ako sa aking pananampalataya o hindi? Ang mga saloobin na ito ay paikot-ikot sa aking isipan, ngunit wala akong makitang mga sagot. Naramdaman ko na para akong pinahihirapan, kaya tumayo ako at nanalangin: “O Diyos! Pakiramdam ko ay naguguluhan ako ngayon. Sa panahong ito na nakikipag-ugnayan ako sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, talagang naintindihan ko ang maraming mga katotohanan at misteryo. Ngunit ngayon narinig ko ang napakaraming negatibong bagay, at kahit ang Wikipedia ay sinasabi na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang samahan ng tao. O Diyos! Ang aking puso ay naguguluhan at hindi ko alam kung paano pumili. Mangyaring bigyan mo ako ng karunungan upang maunawaan kung ano ang gagawin ko na naaayon sa Iyong kalooban.”
Kinabukasan, ang isang kapatid ay muling nagpadala sa akin ng isang mensahe na nag-anyaya sa akin na dumalo sa isang pagtitipon. Parang hinahatiako nang mabasa ko ang kanyang mensahe, at naisip: “Dapat ba akong pumunta o hindi? Kung hindi ako pupunta, hindi ko maiintindihan kung bakit napakaraming negatibong publisidad tungkol sa iglesia online. Mas makakabuti kung pupunta ako at makinig sa kung ano ang ibabahagi nila tungkol dito.” Pagkatapos ay sumambit ako ng isang panalangin sa Diyos sa aking puso, humiling sa Kanya na pakalmahin ako, at gabayan ako at pamunuan ako. Matapos akong manalangin, naging mas kalmado ako, at tinanggap ko ang paanyaya ng kapatid.
Matapos suriin ang mga kasinungalingan ng CCP, Lahat ay Naging Malinaw, at Nakaramdam ako ng Kapanatagan
Nang makarating ako sa lugar ng pagpupulong, sinabi ko sa kapatid sa simbahan ang tungkol sa aking mga pagdududa. “Kapatid, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ang mga pagbabahagi na ibinigay mo at ng iba pang mga kapatid ay nalutas ang karamihan sa aking nakaraang pagkalito at dinala ako sa pagkaintindi ng maraming mga katotohanan at misteryo. Ang hindi ko makuha, gayunpaman, ay hindi lamang kung bakit Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hinatulan ng CCP, ngunit gayundin kung bakit kahit na ang Wikipedia ay nagsasabi ng ilang mga negatibong bagay, na sinasabi na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng isang tao na nagngangalang Zhao at ito ay isang samahan ng tao.” Pinakinggan ako ng kapatid at pagkatapos ay sinabi, “Kapatid na Xiao Ling, naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman mo, ngunit dapat nating maunawaan na kung ang isang simbahan ay simbahan ng Diyos o hindi ay hindi dinedetermina ng sinumang tao, grupo, o pamahalaan ng estado, ngunit sa halip ay lubos na napagpasyahan ng pagpapakita at gawain ng Diyos. Halimbawa, ang Hudaismo ay nagmula mula sa gawain ni Jehova, ang Kristiyanismo at Katolisismo ay nagmula sa gawain ng Panginoong Jesus at, katulad din, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lumitaw mula sa pagpapakita at gawain ng nagbalik na Panginoong Jesus—ang Makapangyarihang Diyos—at ito ay isang iglesia na itinatag ng Diyos Mismo. Panoorin natin ang video, Ang Pinagmulan at Pag-unlad ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na tungkol sa isyung ito, at pagkatapos ay mas maiintindihan natin.”
——————————————————————
Buong Teksto: Ang Mga Kasinungalingan sa Internet ay Muntikan ng Magdulot sa Akin Upang Mapalampas ang Pagbabalik ni Jesucristo
※コメント投稿者のブログIDはブログ作成者のみに通知されます