Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Sabihin mo naman sa amin kung paano makatitiyak sa tinig ng Panginoon.

2020-02-22 15:55:21 | Tanong at Sagot ng Ebanghelyo



Tanong : Sabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig” (Juan 10:27). Ang Panginoon ay nagbabalik para bumigkas ng mga salita upang tawagin ang Kanyang mga tupa. Ang susi sa paghihintay sa Panginoon ay hangaring marinig ang Kanyang tinig. Pero ngayon, ang mahirap ay di namin alam kung paano pakikinggan ang Kanyang tinig. Di rin namin nakikilala ang tinig ng Diyos, at ang tinig ng tao. Sabihin mo naman sa amin kung paano makatitiyak sa tinig ng Panginoon.

Sagot: Paano natin maririnig ang tinig ng Diyos? Ang kataasan ng ating mga katangian o tagal ng ating karanasan ay hindi kabilang dito. Sa paniniwala kay Panginoong Jesus, ano ang nadarama natin sa pakikinig sa Kanyang salita? Kahit wala tayong alam o karanasan sa salita ng Panginoon, kapag narinig natin ito, dama nating totoo ito, na may kapangyarihan at awtoridad ito. Paano ito nadarama? Dahil ba sa ating karanasan? Epekto ito ng inspirasyon at intuwisyon. Sapat na patunay ito na nadarama ng taong may puso’t diwa na may kapangyarihan at awtridad ang salita ng Diyos; ito ang pagdinig sa tinig ng Diyos. At ang pinakamalaking pagkakaiba ng tinig ng Diyos at tinig ng tao ay ang tinig ng Diyos ang katotohanan at may kapangyarihan at awtoridad; agad natin itong nadarama. Kahit nailalarawan natin ito sa salita, damang-dama ito. Mas madaling makilala ang tinig ng tao; pagkarinig natin dito ay dama nating nauunawaan at nakakamit ito. Wala tayong nadaramang kapangyarihan o awtoridad sa salita ng tao, at ni di natin mapagtitibay na katotohanan nito. Ito ang malaking kaibhan ng salita ng Diyos at salita ng tao. Halimbawa, nakikita nating may kapangyarihan at awtoridad ang salita ng Panginoong Jesus; pagkarinig dito’y alam nating katotohanan ito, malalim at mahiwaga ang mga ito. Ngayon, ang salita naman ng mga apostol sa Biblia. Kahit karamihan ay mula sa liwanag na dulot ng Banal na Espiritu, wala itong awtoridad o kapangyarihan. Tama lang ang mga ito, mga salitang pakikinabangan ng tao. Talakayin din natin, mabibigkas ba ng tao ang mga salita ng Panginoong Jesus? Walang makagagawa nito. Ang salita ng Panginoong Jesus ang tinig ng Diyos. Sa ganitong paghahambing, di ba natin nakikita ang kaibhan ng tinig ng Diyos, at ng tinig ng tao?
Kaya panoorin naitn ang video ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Makinig tayo at tingnan kung katotohanan at tinig ng Makapangyarihang Diyos ang salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ginagawa Ko sa buong sansinukob ang Aking gawain, at sa Silangan, walang-katapusan ang paglabas ng dumadagundong na mga kalabog, yumayanig sa lahat ng mga taguri at mga sekta. Ang Aking tinig ang siyang nag-akay sa lahat ng tao tungo sa kasalukuyan. Sasanhiin Ko ang lahat ng tao na malupig ng Aking tinig, upang mangahulog sa batis na ito, at magpasakop sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at inilabas ito nang panibago sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw para sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi para sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi titingin sa kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking pinili, na magsalita pa ng higit na maraming salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay nagiging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay gayon na umaayaw ang tao na isuko ang mga ito at kasabay nito ay nasusumpungang hindi maarok ang mga iyon, nguni’t nagbubunyi sa mga iyon, nang lalong higit pa. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa takbuhan ng mga tao nang sa gayon ay lalapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatian na Aking pinasisinag at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa’t ang lahat ng mga tao ay lumalapit sa harapan Ko at makikita na kumikislap ang kidlat mula sa Silangan, at na nakábábâ na rin Ako sa ‘Bundok ng mga Olivo’ ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Hudyo bagkus ay bilang ang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay muli, at lumisan mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at nagpakitang muli sa gitna ng mga tao nang may luwalhati. Ako ay Siyang sinamba nang di-mabilang na mga kapanahunan noon, at Ako rin ang ‘sanggol’ na tinalikdan ng mga Israelita nang di-mabilang na mga kapanahunan noon. Higit pa rito, Ako ang lubos-na-maluwalhating Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ng kasalukuyang kapanahunan! Hayaan ang lahat na lumapit sa harapan ng Aking trono at makita ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at tumingin sa Aking mga gawa. Ito ay ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at ang rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaan ang bawa’t bansa ay sambahin Ako, kilalanin Ako ng bawa’t dila, bawa’t tao’y panatilihin ang pananampalataya sa Akin, at bawa’t tao ay magpasakop sa Akin!” (“Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Sa oras na Ako ay tumingin sa sansinukob upang magsalita, ang buong sangkatauhan ay maririnig ang Aking tinig, at sa gayon ay makikita ang lahat na mga gawa na Aking isinaboy sa buong sansinukob. Silang mga sumasalungat sa Aking kalooban, iyon ay upang sabihin, sa mga tututol sa Akin sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking kaparusahan. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa mga kalangitan at gagawin silang bago, at salamat sa Akin ang araw at ang buwan ay magiging bago—ang kalangitan ay hindi na gaya ng dati; ang hindi mabilang na mga bagay sa mundo ay magiging bago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang madaming mga bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahatiin at papalitan ng Aking bansa, upang ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay mawawala magpakailanman at maging isang bansa na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, ang lahat ng mga kasama sa diyablo ay pupuksain; lahat ng sumasamba kay Satanas ay ilalapag sa Aking lumiliyab na apoy— iyon ay, maliban sa mga nasa loob ng agos, ang lahat ay magiging abo. Kapag kinastigo Ko ang maraming tao, ang mga nasa relihiyosong mundo ay, sa magkakaibang antas, babalik sa Aking kaharian, nilupig ng Aking mga gawa, dahil makikita nila ang pagdating ng ang Isang Banal na nakasakay sa puting ulap. Ang lahat ng sangkatauhan ay susunod sa kanilang sariling uri, at makatatanggap ng parusa na naiiba sa kung ano ang kanilang ginawa. Yaong mga nanindigan laban sa Akin ay malilipol; para naman sa yaong hindi Ako isinama sa kanilang gawain sa lupa, sila’y, dahil sa kung paano nila pinalaya ang kanilang mga sarili, patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at ng Aking bayan. Ipapahayag Ko ang Aking sarili sa hindi mabilang na mga tao at sa hindi mabilang na mga bansa, tumutunog mula sa Aking sariling tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para sa buong sangkatauhan upang makita ng kanilang sariling mga mata.
... Nang ginawa Ko ang mundo, Aking pinaganda ang lahat ng bagay ayon sa kanilang uri, ginawa ang lahat nang may nakikitang anyo na nagtitipon ayon sa uri nito. Dahil sa malapit nang dumating ang pagtatapos ng Aking plano sa pamamahala, Aking ibabalik sa dating estado ng paglikha, Aking ibabalik ang lahat ng bagay sa orihinal, malalim na babaguhin ang lahat ng bagay, nang sa gayon ang lahat ng bagay ay bumalik sa pinagmulan ng Aking plano. Ang oras ay dumating na! Ang huling yugto ng Aking plano ay malapit nang matupad. Ah, maruming lumang mundo! Ikaw ay dapat nang bumagsak sa ilalim ng Aking mga salita! Ikaw ay dapat hindi na umiral ayon sa Aking plano! Ah, ang napakaraming mga bagay ng paglikha! Kayong lahat ay makakakuha ng bagong buhay sa loob ng Aking mga salita, kayo ngayon ay may Pinakamakapangyarihang Panginoon! Ah, dalisay at walang dungis na bagong mundo! Ikaw ay siguradong muling mabubuhay sa loob ng Aking kaluwalhatian! Ah, Bundok Zion! Huwag na muling manahimik. Ako’y nagbalik nang matagumpay! Mula sa gitna ng paglikha, sinisayat Kong mabuti ang buong mundo. Sa lupa, ang sangkatauhan ay nagsimula ng isang bagong buhay, nagkamit ng bagong pag-asa. Ah, ang Aking bayan! Paanong hindi kayo babalik sa buhay sa loob ng Aking liwanag? Paanong hindi kayo tatalon sa kagalakan sa ilalim ng Aking patnubay? Ang lupain ay humihiyaw sa kagalakan, ang tubig ay tahimik na may masayahing pagtawa! Ah, ang muling nabuhay na Israel! Paanong hindi ka makakaramdam ng karangalan sa halaga ng Aking paunang patutunguhan? Sino ang umiyak? Sino ang humagulgol? Ang Israel noong panahon ay huminto na, at ang Israel sa araw na ito ay bumangon, tumayo at tumitindig nang matayog, sa mundo, ay bumangon sa mga puso ng lahat ng sangkatauhan. Ngayon ang Israel ay tiyak na makukuha ang pinagmulan ng pag-iral sa pamamagitan ng Aking mga tao! Ah, nakamumuhing Ehipto! Tiyak hindi mo pa rin kayang manindigan laban sa Akin? Paano mo nagawang samantalahin ang Aking awa at sumubok na makatakas sa Aking kaparusahan? Paanong hindi ka iiral sa loob Aking kaparusahan? Ang lahat ng Aking iniibig ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at ang lahat ng mga taong lumaban sa Akin ay tiyak na paparusahan Ko nang walang hanggan. Sapagka’t ako’y ang naninibughong Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang ginawa. Babantayan ko ang buong lupa, at, magpapakita sa Silangan ng mundo nang may kabanalan, kamahalan, poot at kaparusahan, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!” (“Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Sa pagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos; dama nating nagsasalita Siya sa lahat ng tao. Bukod sa Diyos, sino ang makapagsasalita sa sangkatauhan? Sino ang makapagsasabi sa mga tao tungkol sa pakay Niyang iligtas ang mga tao? Sino ang makapagsasabi sa mga tao tungkol sa plano ng Diyos sa Kanyang gawain sa mga huling araw at sa resulta a t destinasyon ng tao? Sino ang makapagsasabi ng mga batas ng pamamahala ng Diyos? Wala, maliban sa Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagsasalita sa lahat ng tao at ipinadarama sa tao ang kapangyarihan at awtoridad ng salita ng Diyos; ang Kanyang salita ay direktang pahayag ng Diyos, ito ang tinig ng Diyos! Lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay parang ang Diyos ay nakatayo sa ikatlong langit at nagsasalita sa lahat, nagsasalita ang Makapangyarihang Diyos sa sangkatauhan bilang Manlilikha, ipinakikita sa tao ang Kanyang di nasasaktang disposisyon ng pagkamakatwiran at pagkamaharlika. Kapag naririnig ng tupa ng Diyos ang salita ng Makapangyarihang Diyos, kahit na di nila nauunawaan ang katotohanan nito sa simula, at kahit wala silang karanasan ukol dito, dama nila na bawat salita ng Makapangyarihang Diyos ay may kapangyarihan at awtoridad at natitiyak na ito ang tinig ng Diyos at ang direktang pagbigkas ng Espiritu ng Diyos. Kailangan lang marinig ng taong hinirang ng Diyos ang salita ng Diyos para matiyak na ito ay Kanyang tinig. Bakit kinokondena ng mga pastor at elder na iyon ang Makapangyarihang Diyos? Tungkol sa mga anticristo na di kumikilala sa pagkakatawang-tao ng Diyos, at di inaamin na kayang bigkasin ng Diyos ang katotohanan, kahit nakikita nila ng katotohanang binibigkas ng Diyos at damang may kapangyarihan at awtoridad ang Kanyang salita, di pa rin sila naniniwala na makapagsasalita ang Diyos sa ganitong paraan at hindi inaamin na lahat ng sinasabi ng Diyos ay totoo. Ano ang isyu dito? Alam ba ninyo? Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa huling araw ay nangungusap sa lahat, ngunit ilan ang nakaririnig sa tinig ng Diyos? Sa ngayon maraming relihiyon ang nakakakita na nagsasalita ang Makapangyarihang Diyos, pero di nila mahiwatigan na ito ang tinig ng Diyos; itinuturing pa nilang salita ng tao ang salita ng Diyos, at lumalayo pa na ginagamit ang mga pagkaintindi ng tao para hatulan, siraan at ikondena Siya. Ang mga tao bang ito'y may takot sa Diyos? Hindi ba sila katulad ng mga Fariseo noon? Galit silang lahat sa katotohanan at kinokondena ang Diyos. Ang salita ng Diyos ay may awtoridad, kapangyarihan, at di nila naririnig kahit kaunti na ito ang tinig ng Diyos. Ang ganito bang tao ay maaaring maging tupa ng Diyos? Ang bulag ang kanilang puso; kahit naririnig nila, hindi nila alam, at kahit nakikita nila, di nila nauunawaan. Paano magiging marapat man lang na madala ang gayong mga tao? Ang Diyos na nagkatawang-tao sa huling araw ay bumigkas ng katotohanan, at inilantad ang tao sa mga relihiyon: ang mga tunay na mananampalataya at ang huwad, ang mga nagmamahal sa katotohanan at ang mga nasusuklam dito, ang matatalino at mangmang na dalaga. Lahat ng tao ay nahahati, bawat isa sa kanilang mga uri. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Lahat ng masasama ay kakastiguhin ng mga salita sa bibig ng Diyos, ang lahat ng mabubuti ay pagpapalain ng mga salita sa Kanyang bibig …” (“Dumating na ang Milenyong Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Dahil dito, ang mga nakakarinig sa tinig ng Diyos ay nakasalubong sa ikalawang pagdating ng Panginoon, at dinala sa harapan ng trono ng Diyos at dumadalo sa hapunan ng kasal ng Cordero. Ang mga taong ito ang matatalinong dalaga, at ang pinaka-mapalad sa sangkatauhan.
Para marinig ang tinig ng Diyos dapat tayong makinig sa puso at diwa. Katulad ng mga kaisipan na madaling nauunawaan ng bawat isa. Ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, may kapangyarihan at awtoridad ang mga ito; ang mga may puso at diwa ay tiyak na madarama ito. Maraming tao, matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa loob lamang ng ilang araw, ay mapagtitibay na ito ang tinig ng Diyos at ang Kanyang mga pagbigkas. Sa tuwing nagkakatawang-tao ang Diyos dumarating Siya upang gawin ang isang yugto ng gawain; hindi tulad ng mga propeta na, sa pamamagitan ng mga utos ng Diyos, ay inihahatid ang kaunting salita sa isang partikular na konteksto. Kapag nagkakatawang-tao ang Diyos para gumawa, bumibigkas Siya ng maraming salita; ng maraming katotohanan, ibinbunyag ang mga hiwaga at propesiya. Kailangan ng maraming taon o mga dekada para makumpleto. Halimbawa, ang gawain ng pagtubos, unang sinabi ng Panginoong Jesus “Mangagsisi kayo: sapagkat ang kaharian ng langit ay narito na,” (Mateo 4:17) at tinuruan ang tao ng pagkumpisal, pagsisisi, pagpapatawad, pagtitiis at pagdurusa at pagpasan ng kanyang krus, at ng iba pang dapat sundin ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ipinakita Niya ang disposisyon ng pag-ibig at awa ng Diyos, at ibinunyag din ang hiwaga ng kaharian ng langit, at mga kondisyon kung paano tayo papasok dito; noon lang ipako Siya sa krus, nang muli Siyang mabuhay, at umakyat sa langit nakumpleto ang gawain ng pagtubos ng Diyos. Ang mga salita ng Panginoong Jesus ay lahat ng katotohanang bigay ng Diyos sa tao sa Kanyang gawain ng pagtubos. Ang Makapangyarihang Diyos ay dumating sa mga huling araw, at binigkas ang lahat ng katotohanan na naglilinis at nagliligtas sa tao. Ginawa Niya ang paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, at ibinunyag sa tao ang Kanyang likas na disposisyon at pagkamatuwid. Ibinunyag Niya ang lahat ng hiwaga ng Kanyang plano ng pamamahala na umabot ng anim na libong taon. Binuksan Niya ang Kapanahunan ng Kaharian at winakasan ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay likas na pagbuhos ng diwa ng buhay ng Diyos at pagpapahayag ng Kanyang disposisyon; ito ang buong gawain ng salita ng Diyos sa mga huling araw para lubusang linisin at iligtas ang tao. Basahin natin ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakinggan kung ito ang katotohanan at tinig ng Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahin sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa at sa gayon nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” (“Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
mula sa iskrip ng pelikulang Kumakatok sa Pintuan
Higit pang pansin: Ano ang mga palatandaan ng pagbabalik ni Cristo na nakapropesiya sa Bibliya? Paano ang mga ito matutupad? Basahin ang artikulong ito upang mas higit na matuto.



最新の画像もっと見る

コメントを投稿