Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Dumating na ang Panginoong Jesus, Kaya Paano Natin Iyon Malalaman?

2020-06-12 09:12:17 | Tanong at Sagot ng Ebanghelyo


Sabi mo nagbalik na ang Panginoong Jesus, pero bakit hindi pa natin Siya nakikita? Maniwala tayo kapag nakita natin Siya. Kung hindi pa natin Siya nakikita, ibig sabihin niyan, hindi pa Siya nakakabalik; maniniwala ako kapag nakita ko Siya. Sabi mo nagbalik na ang Panginoong Jesus, pero nasaan Siya ngayon? Anong gawain ang ginagawa Niya? Anong mga salita na ang nasabi ng Panginoon? Maniniwala ako kapag pinatotohanan mo nang malinaw ang mga bagay na ito.

Sagot:

Ang pagpapakita at gawain ng Diyos para sa mga huling araw ay katulad ng ipinropesiya ng Panginoong Jesus, na hinati sa lihim na pagdating at hayagang pagdating. Tinutukoy ng lihim na pagdating ang pagkakatawang-tao ng Diyos bilang Anak ng tao, sa gitna ng mga tao, upang ipahayag ang Kanyang tinig at ang Kanyang mga salita, gawin ang Kanyang gawain para sa mga huling araw, at ito ang lihim na pagdating. Para sa hayagang pagdating, darating ang Panginoon nang hayagan sa mga ulap, ibig sabihin, darating ang Panginoon kasama ang libu-libong santo, upang makita ng lahat ng bansa at ng lahat ng tao. Kapag tayo ay sumasaksi sa gawain ng paghatol ng Diyos para sa mga huling araw, maraming tao ang may pag-aalinlangan: “Sinasabi ninyo na nagpakita ang Diyos at Siya ay gumawa, paanong hindi namin ito nakita? Kailan ipinahayag ng Diyos ang Kanyang tinig? Paano ipinahayag ng Diyos ang Kanyang tinig? Mayroon bang nagtala kung ano ang sinabi ng Diyos nang sinasabi Niya ang mga ito? O direkta bang dinala ng Diyos ang mga salitang iyon sa atin? Bakit ipinahayag ng Diyos ang Kanyang tinig sa inyo? Paanong hindi namin narinig ang Kanyang tinig? Paanong hindi namin nakita?” Mabuti ba ang mga tanong na ito? Medyo mabuti ang mga tanong na ito. … Nagpakita ang Diyos sa China sa Silangan, ipinapahayag Niya ang Kanyang tinig at gumagawa sa imahe ng nagkatawang-tao na Anak ng tao, at walang kahima-himala. Nagpapakita ang Diyos bilang karaniwang laman, ang Kanyang hitsura ay tulad ng isang karaniwang tao, at ipinapahayag Niya ang Kanyang tinig at mga gawain sa atin. Mayroon bang anumang kahima-himala tungkol sa lahat ng ito? Walang kahit anong kahima-himala. Sinasabi ng isang tao: “Kung ito ay hindi man katiting na kahima-himala, Siya ba ay Diyos o hindi? Kung nagpapakita at gumagawa ang Diyos, dapat ay kahima-himala ang Kanyang pagpapakita at gawain.” Hayaan mong tanungin kita, ang Panginoong Jesus na pinaniniwalaan mo sa iyong relihiyon, Siya ba ay kahima-himala nang Siya ay gumawa? Nang Siya ay nakikipag-usap kay Pedro, nakita ba ng iba? Nakita ba ng mga tao na nasa kung saan? Nang Siya ay nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan sa isang lugar, nakikita ba ng ibang tao mula sa ibang mga lugar? Hindi. Bakit hindi nila nagawa? Dahil ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na nagkatawang tao bilang Anak ng tao, at ang Kanyang gawain at ang Kanyang mga salita ay hindi kahima-himala; bukod sa Kanyang mga pagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, walang kahit anong kahima-himala. Samakatuwid, walang sinuman mula sa ibang lugar ang nakarinig ng Kanyang mga salita at nakakita ng Kanyang gawa, habang tanging yaong mga nasa Kanyang tabi ang nakakita, nakarinig, at nakaranas ng mga ito. Ito ang tunay at karaniwang aspeto ng gawain ng Diyos. Nauunawaan na ba ninyo ngayon? Samakatuwid, hindi alam ng ibang mga relihiyon, ng ibang mga iglesia, at ng ibang mga sekta ang gawain ng Diyos na ginawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa China. Bakit hindi nila alam? Hindi gumagawa ang Diyos sa mga kahima-himalang paraan. Tanging yaong mga taong siyang ginawan Niya ng Kanyang gawain ang nakakita, ang nakarinig; yaong mga taong hindi Niya ginawan ng Kanyang gawain ay hindi nakarinig. Nang gawin ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa mga taong Hudyo, tayo ba, mga taong Intsik, ay nagawang makita, marinig? Ang mga Briton at mga Amerikano sa Kanluran ay nagawa bang makita at marinig? Hindi. Bakit ang mga taga-Kanluran at ang mga Oriental Chinese sa huli ay natanggap ang gawain ng Panginoong Jesus? Iyan ay dahil mayroong isang tao na sumaksi, mayroong isang tao na nagpalaganap ng ebanghelyo sa atin, at nagbigay sa atin ng Biblia na ito na nagtala ng mga salita ng Panginoong Jesus at ang gawain ng Panginoong Jesus. Nang magdasal tayo sa Panginoong Jesus, dapat gawin ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain, at dapat kasama natin ang Banal na Espiritu, at pagpalain tayo ng biyaya, sa gayon tayo ay naniwala na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos at ang Tagapagligtas. Hindi ba’t ganito kung paano tayo naniwala? Ganito kung paano tayo naniwala. Sinasabi ng mga taga-Kanluran na “Nagpakita at gumawa ang Diyos sa China, paanong hindi natin nalaman? Paanong hindi natin nakita at narinig?” Maipaliliwanag ba ang tanong na ito? Oo, maipaliliwanag ito.

Ipinropesiya ba ng Diyos ang gawain ng mga huling araw sa Biblia? Oo. Sinabi ito ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). “Kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran”, ano ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin nito na ang gawain ng Diyos ng mga huling araw ay tulad ng kidlat, na nagmumula sa Silangan, at pagkatapos na ang kidlat na ito ay lumabas mula sa Silangan, kaagad din itong nagliliwanag sa Kanluran, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Ano ang ibig sabihin ng “gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao”? Gaya ng kidlat, Siya ay gumagawa sa Silangan, binibigyang-daan ang mga taga-Silangan na makita muna ang pagpapakita ng dakilang liwanag, na makita ang pagpapakita ng tunay na liwanag, na makita ang pagpapakita ng Diyos, at pagkatapos kaagad na magliliwanag ang dakilang liwanag na ito sa Kanluran tulad ng kidlat. Ibig sabihin, pagkatapos na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay lumabas mula sa Silangan, nailathala ang mga ito sa online, kaya kumalat sa Kanluran. Kailan nailathala ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa online? Nailathala ito sa online, ang pinakabago, noong 2007, o mas maaga noong 2005. Maaaring naisalin ito sa Ingles noong 2010. Ang mga salita ng Diyos ay kumalat na sa online sa napakaraming taon, subalit ilang tao mula sa relihiyosong komunidad ang nagsiyasat na sa mga ito sa online? Hindi marami, napakakaunti ang nagsiyasat ng mga ito sa online. Ang paraan ng Diyos at ang mga salitang ipinahayag ng Diyos ay matagal nang nasa online. Nakikita ng ilan ngayon na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nasa online, subalit bakit yaong mga tinatawag na debotong tao na naniniwala sa Panginoong Jesus ay hindi sinisiyasat ang mga ito? Sabihin ninyo sa akin, ano ang problema rito? Ang paraan ng Diyos ay nasaksihan na ng lahat ng tao mula sa lahat ng bansa. Kung hindi pa rin sinisiyasat ng tao ang mga ito, sa gayon ay nababawasan at nalilipol, kaninong responsibilidad iyon? Kaninong pagkakamali ito? Ito ba ay pagkakamali ng Diyos o ng tao? Ito ay sa tao. Bakit ko sinasabi na ang pagkakamaling ito ay sa tao? Dahil matagal nang sinabi ng Panginoong Jesus, “Mangagpuyat nga kayo: sapagka’t hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon” (Mateo 24:42), “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6), “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig” (Juan 10:27). Sinabi rin nang maraming beses ng Panginoong Jesus ang mga naturang bagay: “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan” (Mateo 7:7; Lucas 11:9). Hindi ba may ganitong mga salita sa Biblia? “Magsihanap kayo at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan.” Ito ang pangako ng Diyos, at sinabi ng Panginoong Jesus ang mga bagay sa ganitong uri nang maraming beses. Ayon sa mga salita ng Panginoong Jesus, kung hindi kailanman hinanap ng tao ang Diyos, at hindi kailanman siniyasat nang marinig niya na may isang tao na sumasaksi sa pagbabalik ng Diyos, at sa halip ay walang taros na isinusumpa ang ganoong tao, sinasabi ang mga bagay tulad ng “Lahat yaong dumarating upang sumaksi sa pagdating ng Diyos ay mga maling pananampalataya, lahat sila ay masasamang kulto,” kaya ang mga ganoong tao, kapag hindi nila tinanggap ang gawain ng Diyos maging hanggang sa wakas, ay dapat mahuli sa malalaking kapahamakan at malipol ng mga kaparusahan na kanilang dinaranas. Sino ang dapat sisihin? Maraming tao mula sa relihiyosong komunidad ang nagdududa sa bagay na ito. Ano ang pinagdududahan nila? “Bakit hindi nagpapakita sa atin ang Diyos? Bakit nagtatago ang Diyos sa atin? Bakit hindi Niya ipinaaalam sa atin?” Sinabi na ba ng Diyos “Kapag lihim akong dumating para isagawa ang gawain, magpapakita Ako at magbibigay ng mga pagbubunyag sa lahat ng tao”? Ano ang sinabi ng Diyos? “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo” (Pahayag 3:3). Sinabi ito sa Pahayag. Samakatuwid, tungkol sa gawain ng Diyos para sa mga huling araw, kung tayo, yaong mga naniniwala sa Panginoon, ay marinig na nasaksihan ng isang tao na “dumating na ang kasintahang lalake, bumalik na ang Panginoon,” pero hindi tayo aktibong nagsisiyasat, at tayo ay inabot ng malalaking kapahamakan at nilipol ng mga kaparusahan na ating dinaranas, hindi natin dapat sisisihin ang Diyos. Dapat nating hanapin ang mga problema mula sa ating mga sarili, upang makita kung sa anong mga paraan tayo nagkulang. Patas lang ito. Sa paglingon sa nakaraan, kung walang sumaksi sa Panginoong Jesus para sa iyo, papaano mo natanggap ang Panginoon? Pumunta ba sa iyo ang Panginoong Jesus? Nagpakita ba sa iyo ang Panginoon? Ang paniniwala sa daan ay nagmumula sa pakikinig tungkol sa daan, habang ang pakikinig tungkol sa daan ay nagmumula sa mga salita ng Diyos. Ngayon may isang tao na nakasaksi sa ebanghelyong ito at ang katotohanang dumating ang Diyos upang isagawa ang gawain sa iyo, at ito ang pag-ibig ng Diyos, ito ang awa at malasakit ng Diyos sa iyo, kaya hindi mo ba tatanggapin ang mga iyon? Kaya dapat tanggapin ang mga iyon ng isang taong tapat. Samakatuwid, huwag maging mapagmataas sa harap ng Diyos, huwag mong isipin na masyadong mataas ang iyong sarili, huwag lamang isipin “Dapat munang magbigay ng mga pagbubunyag ang Diyos sa akin kapag Siya ay dumating. Kung darating Siya at hindi ito ipinakita sa akin, hindi Siya ang Diyos, at hindi ko Siya kikilalanin.” Mayroon bang ganoong mga tao? Oo, mayroon. At anong uri ng tao ang mga ito? Anong mga pagkakamali ang nagawa nila? May nakilala na akong ilang kagaya nito nang ako ay nagpapalaganap ng ebanghelyo, at sasabihin nila: “Dapat ipakita ito sa akin ng Diyos kapag Siya ay dumating. Dapat muna Niyang ipakita ito sa akin, o kung hindi ay hindi ko kikilalanin na Siya ay Diyos.” Sa ganito, sinabi ko: “Sigurado ka ba na dapat ipakita ito ng Diyos sa iyo kapag dumating Siya? Ano ang basehan na mayroon ka para rito? Sinabi ba sa iyo ng Diyos ‘Ipapakita Ko muna ito sa iyo kapag Ako ay dumating’? Sinabi ba Niya sa iyo ang mga ganoong salita? Sa palagay mo ba ikaw ay higit sa lahat sa mundo, na ikaw ang pinakamahalaga, na ikaw ang pinakanagmamahal sa Diyos? Higit ka ba sa kaninuman? Ikaw ba ay espesyal na nilikha ng Diyos? Madali bang maililigtas ang ganoong mga tao? Hindi, hindi maaari. Bakit kailangan ng Diyos na isagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Iyon ay dahil ang tiwaling sangkatauhan ay hindi nararapat na makita ang Diyos. Lahat ng tiwaling sangkatauhan ay may disposisyon ni Satanas; sila ay partikular na mapagmataas at palalo, lahat sila ay may labis na marangyang pagnanais para sa Diyos. Inilalagay nilang lahat ang kanilang mga sarili na mas mataas sa lahat, kaunti lang sa ibaba ng kalangitan, at higit na mataas sa tao, na parang sila ay napaboran ng Langit. Sa gayong tiwaling disposisyon ng tao, kung hindi niya natanggap ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, angkop ba siyang makita ang Diyos?

Makikita mo na maraming mga tao, kabilang ang mga relihiyosong pigura, ang nagsasabi: “Kung ang Diyos ay dumating, bakit hindi ko Siya nakita? Dahil hindi ko Siya nakita iyon ang nagpapatunay na ang Diyos ay hindi dumating.” Paano ang dating noon sayo? Ito ay katawa-tawa at balintuna. Nakikita mo ba Siya? Kung nakita mo ang totoong anyo ng Diyos ikaw ay patay na! Kaya, paano dumarating ang Diyos? Siya ay nagkakatawang-tao sa Sarili Niya sa anyo ng Anak ng tao, na nagsasalita upang iligtas ang sangkatauhan. Makakaya mo bang makilala ang Diyos na nagkatawang-tao kung makita mo Siya? Makakaya mo ba? (Hindi.) Hindi mo kaya. Noong Siya ay dumating bilang ang Panginoong Jesus, maraming mga tao ang nakakita sa Panginoong Jesus. Subalit, ilan sa kanila ang nakilala Siya bilang Cristo, ang Anak ng Diyos? Isang tao lamang: Si Pedro, at iyon ay dahil sa ang Banal na Espiritu ay niliwanagan siya. Ano ang pinatutunayan nito? Ito ay nagpapatunay na ang tiwaling sangkatauhan ay walang pagkakataon na makita ang espirituwal na katawan ng Diyos habang sila ay may mga pisikal na katawan. Kung makikita mo ang espirituwal na katawan ng Diyos ay mamamatay ka, kaya huwag isipin na makikita mo iyon kailanman. Para ang tiwaling sangkatauhan ay makita ang Diyos, ano ang maaari nilang makita? Kung maaari nilang marinig ang tinig ng Diyos, iyon ay medyo tagumpay na para sa kanila, tama? (Oo.) Noong ang Diyos ay gumawa sa Kapanahunan ng Kautusan, ilang tao ang maaring nakarinig sa tinig ng Diyos? Mayroon kayang isang dakot man lang na maaaring nakarinig sa tinig Niya? Wala, wala kahit man lang isang dakot. Alam natin na si Job ay narinig ang tinig ng Diyos, ngunit nakita ba niya ang Kaniyang mukha? Hindi, narinig lamang niya ang Diyos na Jehova na nagsasalita sa kaniya mula sa loob ng ipu-ipo, kaya maaari ba nating masabi na ang pakikinig sa tinig ng Diyos ay katumbas sa pagkatagpo sa Kaniya? (Oo, maaari.) Narinig ni Moises ang Diyos na tinatawag siya, ngunit nakita ba niya ang mukha ng Diyos? (Hindi, hindi niya nakita.) Kinalaunan ay nakita ni Moises ang likod ng Diyos, ngunit hindi ang Kaniyang mukha. Kaya kung marinig mo ang isang tao na magsabi: “Ang ilang mga tao ay sumasaksi sa pagdating ng Diyos. Sinasabi nila na ang Diyos ay dumating, ngunit paanong hindi ko Siya nakita? Paanong ito ay wala sa pambansang TV o radyo?” Ano naman ang ganitong uri ng pananalita? Ito ay labis na isip bata! Sino ang nakakita sa pagdating ng Panginoong Jesus? Ang mga Hudyo. Ang mga iyon na, sa salita ng Panginoong Jesus, narinig ang tinig ng Diyos at narinig ang awtoridad at kapangyarihan ay sumunod sa Kaniya. Ngunit sa wakas, ilan talaga ang naniwala sa Panginoong Jesus, talagang sumunod sa Kaniya? Sobrang kaunti, sa gitna ng sangkatauhan. Kaya kapag ang Diyos na nagkatawang-tao ay darating sa panahon ng mga huling araw bilang isang karaniwang tao, hindi natin kailangang makita ang mukha ng tao na ito upang makita ang mukha ng Diyos. Sa halip, kapag naririnig natin ang Kaniyang tinig at nakikita ang mga katotohanan na Kaniyang inihahayag, dapat natin tanggapin ang mga iyon, sundin ang mga iyon, at isagawa ang mga iyon. Ang mga tao na gumagawa nito ay matatamo ang katotohanan at buhay, at makakamit ang pagliligtas ng Diyos. Ang mga taong iyon na nagsasabi: “Kinakailangan kong makita ang mukha ni Cristo bago ko Siya tatanggapin,” sila ba ay may katuturan? (Hindi, sila ay walang katuturan.) Maaari bang ang nagkatawang-tao na larawan ng Diyos ay kumatawan sa espirituwal na katawan ng Diyos? Maaari ba na ang larawan ng Panginoong Jesus ay kumatawan sa totoong larawan ng Diyos? (Hindi.) Hindi ito maaari. Kaya ang larawan na kinuha ng nagkatawang-tao na laman ay pansamantala upang muling tiyakin sa mga tao na Siya ay isa lamang normal, ordinaryong tao. Para matanggap ng tao ang Diyos na nagkatawang-tao, ang pinakamahalagang bagay ay makinig sa Kaniyang mga salita at tanggapin lahat ang mga katotohanan na Kaniyang ipinapahayag. Ito ang daan upang makuha ang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos! Kung hindi ka makikinig sa Kaniyang mga salita at tatanggapin lahat ang mga katotohanan na Kaniyang ipinapahayag kung ganoon hindi ka magkakaroon ng relasyon sa Diyos, hindi mo matatamo kailanman ang komendasyon ng Diyos, tama? (Tama.) Kaya ang mga katotohanan na inihahayag ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ay mga katotohanan na maaaring magpadalisay at magligtas sa mga tao, at dahil dito, ang mga ito ang pinakamahalagang mga katotohanan. Ang mga taong hindi tumatanggap sa mga ito at isinasagawa ang mga ito ay tiyak na hindi makakamit kailanman ang pagliligtas ng Diyos.

______________________________________________

Alam mo ba kung kailan babalik si Jesus? Dadalhin sa iyo ng pahinang ito ang balita ng pagbabalik ni Jesucristo at gagabayan ka upang masalubong Siya. Mangyaring i-click at 

最新の画像もっと見る

コメントを投稿