Ano ang susi sa isang mabisang panalangin?
Mga kapatid:
Kapayapaan sa inyo sa Panginoon! Ang pananalangin ay isang mahalagang paraan para sa ating mga Kristiyano upang magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Lalung-lalo na na sa umaga at sa gabi. Kaya ang matuto kung paano manalangin ay napakahalaga. Gayunpaman, maraming mga kapatid ang nalilito: Araw-araw, nananalangin kami kapwa sa umaga at sa gabi; nananalangin din kami bago kumain at pagkatapos kumain gayundin kapag mayroon kaming mga pagtitipon; bukod diyan, sa bawat pagkakataong kami ay nananalangin, marami kaming sinasabi sa Panginoon at nananalangin nang matagal. Gayunpaman, palagi naming nadarama na parang ang Diyos ay wala roon; para bang nakikipag-usap lamang kami sa aming mga sarili kapag nananalangin kami, at ang aming espiritu ay hindi nakadadama ng kapayapaan at kagalakan. Bakit hindi nakikinig ang Diyos sa aming mga panalangin? Paano kami dapat manalangin para matanggap namin ang papuri ng Diyos?
Ang totoo, mayroong ilang mga dahilan kung bakit tila hindi nakikinig ang Diyos sa ating mga panalangin. Ibabahagi ko sa lahat ang aking sariling pagkaunawa ukol dito.
Una, nananalangin ba tayo sa Diyos na may tapat na puso?
Una, nananalangin ba tayo sa Diyos na may tapat na puso?
Sinabi ng Panginoong Jesus: “Na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at sa katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang gayon na maging mananamba sa kaniya” (Juan 4:23). Ipinakita sa atin ng mga salita ng Diyos kung paano tayo dapat manalangin upang sambahin ang Diyos alinsunod sa Kanyang mga layunin. Ang lubos na pinagtutuunan ng pansin ng Diyos ay ang kung mayroon tayong tapat na puso kapag tayo ay nasa harap Niya. Hangga’t mayroon tayong pusong gumagalang sa Diyos at mayroong isang puso na tapat kapag tayo ay nananalangin sa Diyos, ituturing ng Diyos na katanggap-tanggap ang ating mga panalangin. Gayunpaman, kapag tayo ay nananalangin sa Diyos, madalas nating hindi nagagawang maging payapa sa harap ng Diyos at hindi ginagamit ang isang tunay na puso upang manalangin sa Diyos. Ang ating mga labi ay gumagalaw ngunit iniisip ng ating puso ang tungkol sa ating pamilya o sa trabaho at puno ng balisang mga saloobin. Minsan, ang ating mga labi ay gumagalaw ngunit ang ating mga puso ay hindi gumagalaw. Wala tayong isang tapat na pag-uugali, at basta na lamang tayo nagpapatianod at pabalikbalik sa dati, basta na lamang ito ginagawa. Madalas pa tayong nagsasabi ng ilang mga salitang marangal, marangya at hungkag, mga salita na maganda lamang pakinggan, ilang mga salitang pinalabnaw upang dayain ang Diyos. Halimbawa, mahal natin ang ating mga magulang nang higit sa pagmamahal natin sa Panginoon o mahal natin ang ating karera nang higit sa pagmamahal natin sa Panginoon, gayunman kapag tayo ay nananalangin, sinasabi natin, “O Panginoon, iniibig kita! Nakahanda akong talikuran ang lahat at gumugol para sa iyo nang buong puso!” Kapag nakasasagupa ang ating mga pamilya ng hindi masayang mga pangyayari, ang ating mga puso ay nagiging negatibo at nagrereklamo tayo sa Panginoon. Gayunman, kapag tayo ay nananalangin, nagpapasalamat tayo sa Panginoon at nagsasabi ng mga salitang papuri sa Panginoon…. Kaya naman, sa mga pananalangin, kung ang isang tao ay hindi tapat at sumasabay lamang sa agos, ginagamit ang malaki at walang lamang mga salita, mga huwad na salita o kung nagpapanggap ang isang tao sa harap ng Diyos at sinasabi lamang ang mga salita na magandang pakinggan, dinadaya niya ang Diyos. Hindi makikinig ang Diyos sa mga panalangin na hindi tapat.
Ikalawa, nananalangin ba tayo sa Diyos na may pagkamaykatuwiran?
Ikalawa, nananalangin ba tayo sa Diyos na may pagkamaykatuwiran?
Kadalasan, kapag nananalangin tayo sa Diyos, basta na lang tayo humihiling ng mga bagay sa Diyos o mayroong tayo ng lahat ng mga uri ng maluluhong kahilingan para sa Diyos. Halimbawa: kung wala tayong trabaho, hinihiling natin sa Diyos na maglaan sa atin ng trabaho. Kung wala tayong anak, hinihiling natin sa Diyos na pagkalooban tayo ng anak. Kung may karamdaman tayo, hinihiling natin sa Diyos na lunasan ang ating karamdaman. Kung ang ating mga pamilya ay nagdadanas ng mga kahirapan, hinihiling natin sa Diyos na tulungan tayo. Ang mga negosyante ay nananalangin sa Diyos at hinihiling sa kanya na pagpalain sila upang kumita sila ng napakaraming salapi. Hinihiling ng mga mag-aaral sa Diyos na pagpalain sila ng talino at karunungan. Hinihiling ng matatanda sa Diyos na ingatan sila mula sa karamdaman at mga kalamidad upang magugol nila ang kanilang natitirang mga taon nang payapa. Sa buhay, anumang mga kahirapan at mga pagsubok ang ating masagupa, hindi natin kailanman nagagawang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos. Palagi tayong umaasa na ililigtas tayo ng Diyos sa ating mga bagabag upang huwag na tayong magdusa. Palagi nating hinihiling sa Diyos na ingatan tayo upang tayo ay maging masaya at payapa. Ang ganitong uri ng panalangin ay hindi isang panalangin sa Diyos mula sa isa sa mga nilalang ng Diyos. Sa halip, kinasasangkutan nito ang paghiling sa Diyos para sa mga bagay at paghiling sa Kanya na gumawa ng mga bagay alinsunod sa ating sariling mga saloobin. Kapag ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, umaasa sila na mapalugod ng Diyos ang lahat ng kanilang mga kahilingan at pagnanais. Ito ay pangunahin ng pagpasok sa isang pakikipagkalakalan sa Diyos at ang ganito ay wala ni kapirasong konsensya o pagkamaykatwiran. Ang ganitong uri ng mga tao ay walang tunay na pananampalataya at pag-ibig para sa Diyos ni tunay nilang sinsunod o iginagalang ang Diyos. Ginagamit nila sa halip ang Diyos upang matamo ang kanilang mga layunin. Katulad ito ng sinabi ng Diyos, “Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin” (Mateo 15:8). Kung gayon, ang Diyos ay hindi nakikinig sa mga panalangin na ginagawa ng mga tao na walang wastong mga layunin.
Ikatlo, taglay ba ng iglesia natin ang gawain ng Banal na Espiritu?
Ikatlo, taglay ba ng iglesia natin ang gawain ng Banal na Espiritu?
Muling balikan ang paunang yugto ng Kapanahunan ng Kautusan nang nilalaman ng templo ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nagkakasala ang mga tao, tinatanggap nila ang pagdidisiplina ng Banal na Espiritu. Kapag nilabag ng mga pari na naglilingkod sa Diyos ang kautusan, isang apoy ang bumababa mula sa langit at susunugin sila hanggang sa mamatay. Takut na takot ang mga tao at mayroon silang mga puso na gumagalang sa Diyos. Gayunpaman, sa huling yugto ng Kapanahunan ng Kautusan nang si Jesus ay nagpakita at gumawa, hindi napanatili ng mga Hudyo ang kautusan, ginamit ang templo bilang isang lugar ng palitan ng salapi at bentahan ng mga baka. Ang templo ay ginawa nilang isang lungga ng mga magnanakaw. Hindi na nito nilalaman ang pagdidisiplina ng Banal na Espiritu. Dahil iniwan na ng Banal na Espiritu ang templo upang ipagsanggalang ang gawain ni Jesus, ang mga taong namalagi sa templo na tumangging tanggapin ang pagliligtas ni Jesus ay inalis ng gawain ng Diyos, nahulog sa kadiliman. Bagamat nanalangin sila sa pangalan ni Jehovah, hindi nakinig ang Diyos. Lalo pang, hindi nila natamo ang gawain ng Banal na Espiritu.
Suriin natin ang ating iglesia sa kasalukuyan. Ang mga sermon ng mga pastor at ng matatanda ay mababaw. Walang bagong liwanag. Hindi tinatanggap ng mga kapatid ang panustos sa buhay, ang kanilang mga espiritu ay lalong naging lanta at madilim at hindi nadarama ang presensya ng Banal na Espiritu. Sisimulan pa nilang magnasa para sa laman at sa mga kasiyahan sa buhay gayundin ang maghangad ng katayuan at kapangyarihan. Ang mga pagtatalo ay babangon sa pagitan ng kapwa manggagawa. Madalas silang mapagtatagumpayan ng kanilang mga pagsalangsang at hindi nila madadama na mayroon silang utang na loob sa Diyos. Hindi sila sumusunod sa mga salita ng Panginoon, ni pinamamalagi nila ang Kanyang mga utos. Ganap nilang nilabag ang kalooban ng Diyos, naging mga tao na tumututol sa Diyos …. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng iglesiang ito at ng templo na umiral sa dakong huli ng Kapanahunan ng Kautusan? Ganap nitong tinutupad ang hula sa Biblia, “At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na: at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo’y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa ibang bayan upang magsiinom ng tubig, ngunit hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ni Jehova” (Amos 4:7–8). Ang totoo, iniwan ng Diyos ang iglesia ng Kapanahunan ng Biyaya. Maraming mga kapatid ang malinaw na nakadadama na hindi na taglay ng iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at ikinubli na ng Diyos ang Kanyang mukha sa atin. Kaya paanong naging posible na ang ating mga espiritu ay hindi pa nalanta? Paano makikinig ang Diyos sa ating mga panalangin?
Ang tatlong mga pangyayari na binaggit sa itaas ay ang pangunahing mga dahilan kung bakit hindi nakikinig ang Panginoon sa ating mga panalangin. Ang tangi nating magagawa ay ang lumapit sa harap ng Panginoon, hangarin ang Kanyang mga layunin at bulayin ang mga usaping ito. Dapat din nating hangarin kung paano manalangin sa Panginoon upang Siya ay makinig. Ito ay isang katotohanan na dapat nating pasukin kaagad. Ngayon, ibabahagi ko sa lahat ang tatlong mga pamamaraan ng pagpapatupad upang malaman ninyo kung paano manalangin alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Hangga’t naisasakatuparan natin ang mga ito at naisasagawa araw-araw gamit ang ating puso, naniniwala ako na ang Panginoon ay makikinig sa ating mga panalangin.

Buong Teksto:Ano ang susi sa isang mabisang panalangin?
—————————————————
Ang tamang paraan ng panalangin ay makatutulong sayo na agad makakuha ng tugon mula sa Diyos. Basahin itong napiling mga artikulo tungkol sa panalangin. Alamin kung paano ang tamang pananalangin sa Diyos nang matamo ang papuri ng Diyos.
※コメント投稿者のブログIDはブログ作成者のみに通知されます