Dapat Paghandaan ng mga Mananampalataya sa Diyos ang Kanilang Hantungan nang May Sapat na Mabubuting Gawa
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang Aking awa ay nahahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatakwil ng kanilang mga sarili. At ang kaparusahang sumapit sa masama ay tiyak na patunay ng Aking matuwid na disposisyon at, higit pa, patotoo sa Aking poot. Kapag dumarating ang sakuna, ang taggutom at salot ang sasapitin ng lahat niyaong sumasalungat sa Akin at sila ay tatangis. Silang nakagawa na ng lahat ng paraan ng kasamaan, subali’t nakasunod na sa Akin ng maraming taon, ay hindi makakatakas sa pagbabayad ng kanilang mga kasalanan; sila man, na nahuhulog sa sakuna, na ang katulad ay bihirang nakita na sa milyon-milyong taon, ay darating sa pamumuhay sa palagiang kalagayan ng sindak at takot. At yaon lamang Aking mga tagasunod na nakapagpakita na ng katapatan sa Akin ang magagalak at magpupuri sa Aking kapangyarihan. Mararanasan nila ang di-mailarawang kapanatagan at mabubuhay sa isang kagalakan na kailanman ay hindi Ko pa naipagkaloob sa sangkatauhan. Dahil itinuturing Kong kayamanan ang mabubuting gawa ng mga tao at kinasusuklaman ang kanilang masasamang gawa. Mula nang una Kong sinimulang pangunahan ang sangkatauhan, umasa Ako nang husto na makamit ang isang grupo ng mga taong may kaisipang katulad ng sa Akin. Hindi Ko kailanman nalimutan yaong mga hindi Ko kaisa sa pag-iisip; nasuklam na Ako sa kanila sa Aking puso, naghihintay lamang ng pagkakataon para gantihan Ko sila, at matutuwa Kong makita iyon. Ang araw Ko ay dumating na ngayon sa wakas, at hindi Ko na kailangan pang maghintay!
Ang huling gawain Ko ay hindi lamang para parusahan ang tao kundi para din sa kapakanan ng pagsasaayos ng hantungan ng tao. Higit pa rito, ito ay para sa kapakanan ng pagtanggap ng pagkilala mula sa lahat para sa lahat ng nagawa Ko. Nais Kong makita ng bawat isang tao na ang lahat ng nagawa Ko na ay tama, at ang lahat ng nagawa Ko na ay kapahayagan ng Aking disposisyon; hindi ito gawain ng tao, lalong hindi ng buong kalikasan, na nagbunga ng sangkatauhan. Bagkus, Ako ang nag-aalaga sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa sangnilikha. Kung wala Ako, mapapahamak lamang ang sangkatauhan at sasailalim sa hampas ng kalamidad. Walang taong makakakitang muli kahit kailan ng magandang araw at buwan o ng luntiang mundo; ang mararanasan lamang ng sangkatauhan ay ang maginaw na gabi at hindi natitinag na lambak ng anino ng kamatayan. Ako lamang ang kaligtasan ng sangkatauhan. Ako ang tanging pag-asa ng sangkatauhan at, lalo na, Ako ang Siyang dahilan kung bakit umiiral ang buong sangkatauhan. Kung wala Ako, ang sangkatauhan ay agad na darating sa ganap na pagtigil. Kung wala Ako, ang sangkatauhan ay daranas ng malawakang kapahamakan at tatapakan ng lahat ng uri ng mga multo, kahit na walang nakikinig sa Akin. Nakagawa na Ako ng gawaing walang sinuman ang makagagawa, ang tangi Kong pag-asa ay mababayaran Ako ng tao ng ilang mabubuting gawa. Kahit na yaong makakabayad sa Akin ay napakaunti, tatapusin Ko pa rin ang Aking paglalakbay sa mundo ng tao at uumpisahan ang susunod na hakbang ng Aking gawaing nalalantad, dahil lahat ng Aking pagmamadaling pagparoo’t parito sa gitna ng tao nitong maraming taon ay naging mabunga, at lubos Akong nasisiyahan. Ang Aking iniintindi ay hindi ang bilang ng mga tao bagkus ang kanilang mabubuting gawa. Gayon pa man, umaasa Ako na naghahanda kayo ng sapat na mabubuting gawa para sa inyong hantungan. Saka Ako masisiyahan; kung hindi, wala sa inyo ang makatatakas sa sakunang darating sa inyo. Ang sakuna ay nagmumula sa Akin at mangyari pa ay isinasaayos Ko. Kung hindi kayo makapagpapakita bilang mabuti sa Aking mga mata, kung gayon hindi ninyo matatakasan ang paghihirap ng sakuna. Sa gitna ng kapighatian, ang inyong mga pagkilos at mga gawa ay hindi itinuring na lubusang karapat-dapat, dahil ang inyong pananampalataya at pag-ibig ay hungkag, at ipinakita lamang ninyo ang inyong mga sarili na alinman sa duwag o matigas. Tungkol dito, gagawa lamang Ako ng paghatol ng mabuti o masama. Ang Aking patuloy na pinahahalagahan ay ang paraan kung saan bawat isa sa inyo ay kumikilos at inihahayag ang kanyang sarili, ang batayan kung saan pagpapasyahan Ko ang inyong wakas. Datapwa’t, kailangang gawin Ko itong malinaw: hindi na Ako magbibigay ng awa sa mga hindi nagbigay sa Akin kahit katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, sapagka’t ang awa Ko ay hanggang doon lamang. Bukod diyan, wala Akong pagkagusto kaninuman na minsan na Akong naipagkanulo, lalong hindi Ko gusto na makisama roon sa mga nagkakanulo ng mga hinahangad ng kanilang mga kaibigan. Ito ang disposisyon Ko, sinuman ang taong iyan. Kailangang sabihin Ko ito sa inyo: Sinumang dumudurog sa Aking puso ay hindi tatanggap ng kaawaan mula sa Akin sa ikalawang pagkakataon, at sinumang naging matapat sa Akin ay mananatili sa puso Ko magpakailanman.
—mula sa “Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Umaasa lamang Ako na sa huling yugto ng Aking gawain, makagaganap kayo nang buong husay, lubos ang pamimintuho at hindi na kayo mananamlay. Mangyari pa, umaasa rin Ako na lahat kayo ay magkaroon ng isang magandang hantungan. Gayon pa man, mayroon pa rin Akong sariling itinakdang hinihingi, at ito ay ang makagawa kayo ng pinakamahusay na pasya na ihandog sa Akin ang inyong natatangi at huling pamimintuho. Kung may isang tao na walang ganyang natatanging pamimintuho, tiyak na magiging napakahalaga kay Satanas ng taong iyan, at hindi Ko na ipagpapatuloy ang paggamit sa kanya. Pauuwiin Ko siya para alagaan ng kanyang mga magulang.
—mula sa “Hinggil sa Patutunguhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kailangan ninyong gawin ang inyong tungkulin hanggang sa inyong makakayanan nang bukas at matuwid ang inyong mga puso, at kailangang handa kayong gawin ang anumang kinakailangan. Gaya nga ng sinabi ninyo, pagdating ng araw na iyon, hindi pakikitunguhan nang masama ng Diyos ang sinumang nagdusa o nagbayad nang malaki para sa Kanya. May halaga ang pagkapit sa ganitong uri ng paniniwala, at hindi ninyo ito kailanman dapat kalimutan. Sa ganitong paraan Ko lamang mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo. Kung hindi, hindi Ko kailanman mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo, at magpakailanman kayong magiging mga layon ng Aking kapaitan. Kung masusunod ninyong lahat ang inyong konsiyensya, at ibibigay ang lahat para sa Akin, walang hindi pagsusumikapan para sa Aking gawain, at mag-uukol ng buong buhay ng pagsusumikap sa Aking gawain ng ebanghelyo, hindi ba’t laging lulukso sa tuwa ang Aking puso para sa inyo? Hindi ba’t lubos Kong mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo?
—mula sa “Hinggil sa Patutunguhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung ang paghahanap sa daan ng katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa na laging nananahan sa liwanag. Kung galak na galak kang maging isang tagapagsilbi sa tahanan ng masipag at matapat na gumagawa nang nakakubli, laging nagbibigay at hindi kailanman Diyos,kumukuha, kung gayon ay sinasabi Ko na ikaw ay isang tapat na banal, sapagkat hindi ka naghahanap ng gantimpala at isang matapat na tao lamang. Kung handa kang maging lantad, kung handa kang gugulin ang iyong lahat-lahat, kung kaya mong isakripisyo ang iyong buhay para sa Diyos at tumayong saksi, kung ikaw ay matapat hanggang sa punto na ang alam mo lamang ay bigyang-kasiyahan ang Diyos at hindi isaalang-alang ang iyong sarili o kumuha para sa sarili, kung gayon ay sinasabi Ko na ang mga taong ito ay yaong pinalulusog sa liwanag at siyang mabubuhay magpakailanman sa kaharian.
—mula sa “Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:
Sa isang banda ang mabubuting gawa ay isang patotoo sa ating kaligtasan, at sa kabila naman ay isang pagpapakita ng ating pagpasok sa katotohanan at ang katotohanan ng salita ng Diyos. Ganoon din, kung naghahanda tayo ng maraming mabubuting gawa, ipinapakita din nito na tayo ay naipanganak na muli sa harap ng Diyos at tayo ay may tunay na patotoo ng pagiging isang tao. Ang ating mabubuting gawa ang pinakamabuting pagpapakita na tunay na nagsisi tayo at naging bagong mga tao. Kung tayo ay may maraming mabubuting gawa, nagpapatunay ito na tayo ay kawangis ng isang tunay na tao. Kung naniwala kayo sa Diyos sa loob ng maraming taon pero wala kang ginawang maraming mabubuting gawa, kung gayon, nagtataglay ng anyo ng tao? May konsensya at pakiramdam ba kayo? Kayo ba ay taong nagsusukli sa pag-ibig ng Diyos? Nasaan ang inyong tunay na pananampalataya? Nasaan ang inyong pag-ibig sa Diyos? Nasaan ang inyong pagkamasunurin sa Diyos? Nasaan ang katotohanan na inyong pinasok? Wala kayo ng alinman sa mga ito. Samakatwid, ang isang taong walang ginagawang mabubuting gawa ay isang taong walang natatanggap, isang taong hindi makakuha ng kaligtasan mula sa Diyos, isang taong ang kasamaan ay malalim at hindi man lang nabago kahit kaunti. Kaya nga ang mabubuting gawa ang pinakanaglalantad sa isang tao.
—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay
Ano ang kahulugan ng gumawa ng sapat na mabubuting gawa? Anumang tungkuling magagampanan ng tao sa kanyang karanasan sa gawain ng Diyos, anumang tungkuling dapat niyang gampanan o anumang ipinagagawa ng Diyos sa tao, kung magagawa ito ng tao at mabibigyang-kasiyahan niya ang Diyos, masasabing mabuting gawa iyan. Kung mabibigyang-kasiyahan mo ang mga hinihingi ng Diyos, ibig sabihin mabuting gawa iyan. Kung may debosyon ka sa Diyos habang ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin, ibig sabihin mabuting gawa iyan. Kung ang mga bagay na ginagagawa mo ay kapaki-pakinabang sa mga piniling tao ng Diyos at iniisip ng lahat na ang ginagawa mo ay mabuti, ibig sabihin mabuting gawa iyan. Lahat ng bagay na pinaniniwalaan ng konsensya at diwa ng tao na alinsunod sa mga layunin ng Diyos ay mabubuting gawa. Ang mga bagay na makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos at kapaki-pakinabang sa mga piniling tao ng Diyos ay mabubuting gawa rin. Kung magagawa ng tao ang ilang mabubuting gawang ito na katatapos lang nating pag-usapan, kung nagagawa niya ang lahat sa pagsasagawa ng mga ito, ibig sabihi’y sapat ang naisagawa niyang mabubuting gawa. … Bawat tao ngayon ay naghahangad na magampanan ang kanilang tungkulin at makamit ang kaligtasan, ngunit hindi sapat na magkaroon lamang ng kapasiyahan at pagnanais. Dapat magpakita ng mga praktikal na pag-uugali at gumawa ng mga praktikal na aksyon. Anong mga tungkulin ang nagawa mo na para makapasok sa buhay ng mga taong pinili ng Diyos? Ano ang iyong nagawa at ano ang halagang iyong binayaran para makaabot sa mga pamantayan ng Diyos? Ano ang iyong nagawa para makalugod sa Diyos at masuklian ang Kaniyang pagmamahal. Ito ang lahat ng bagay na dapat mong pag-isipan. Kapag marami ka nang nagawa at labis na nagsakripisyo para lamang makatugon sa mga kahilingan ng Diyos at para sa kapakanan ng pagpasok sa buhay at pag-unlad ng mga taong pinili ng Diyos, saka lang masasabi na nakapaghanda ka ng sapat na mabubuting gawa.
—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay
Sa pinakamababa, ang pagtupad sa ilang tungkulin ay halos hindi pa sapat para makabuo ng sapat na dami ng mabubuting gawa. Sa ibang salita, ang pagsasagawa lamang ng bahagi ng iyong tungkulin ay talagang hindi maituturing na sapat na mabubuting gawa. Ang sapat na mabubuting gawa ay tiyak na hindi kasing simple ng inaakala ng tao. Ang paghahanda ng sapat na dami ng mabubuting gawa ay nangangailangan ng ganap na paggugol ng sarili sa Diyos. Higit pa rito, ito ay nangangailangan ng pagsasakripisyo at pagiging tapat sa mga utos ng Diyos mula sa simula hanggang sa katapusan na may mabuting pananampalataya; ito ang tanging paraan para makaabot sa mga pamantayan ng Diyos.
Sa pagsasakatuparan ng kanilang tungkulin ay may mga tao na talagang nagsakripisyo, gumawa ng mga bagay na pinuri ng Diyos, na nagsagawa ng kanilang tungkulin sa mga paraan na katangi-tangi, pambihira, kahanga-hanga at kapuri-puri hanggang sa puntong itinuturing na silang nagsakatuparan ng mabubuting gawa. Ang ilan sa mga kapatid ay nakulong dahil sa pagsasagawa ng kanilang tungkulin, na nakaranas ng maraming pagdurusa nang hindi nagpapasakop kay Satanas, at tumayong saksi. Pagkatapos ay may mga tao na nangahas na humarap sa panganib nang hindi isinaalang-alang ang personal na kaligtasan o kapakinabangan, na nakatuon sa paggawa ng mga mapanganib na tungkulin sa diwa ng matapang na paggawa ng matuwid. At may mga kapatid na nagawang ilaan ang kanilang sarili sa gawain ng ebanghelyo, at nagawa nilang tiisin ang kahihiyan sa pangangaral ng ebanghelyo para iligtas ang mga tao. Mayroon ding mga masigasig sa gawain ng ebanghelyo, na tinitiis ang mga paghihirap nang walang reklamo, na isinasantabi ang mga personal at pampamilyang usapin habang abala sa pag-iisip kung paano maipapalaganap ang ebanghelyo para mapalapit ang mas maraming tao sa Diyos at makalugod sa kalooban ng Diyos. Ang lahat ng tapat at ganap na iginugol ang kanilang sarili para makalugod sa Diyos ay mga taong nakapagsagawa na ng mabubuting gawa. Gayunpaman, sila ay medyo malayo pa mula sa “sapat na mabubuting gawa” na hinihingi ng Diyos. Karamihan sa mga tao ay naghanda lamang ng ilang mabubuting gawa at hindi ganap na nakaabot sa mga pamantayan ng Diyos. Hinihiling nito sa atin na tuklasin pa ang ating potensyal para maisakatuparan ang ating tungkulin at maging masigasig na makapaloob sa katotohanan para makagawa ng sapat na mabubuting gawa. Hinihingi nito na hangarin nating makamit ang pinakamagagandang resulta para makalugod sa puso ng Diyos, anuman ang tungkuling isinasakatuparan natin. Lalo na sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, gaano man kalaki ang kahihiyan na ating pinagdudusahan, o gaano karaming pagdurusa ang ating tinitiis, hangga’t mas marami tayong taong nadadala para maligtas, dapat natin itong gawin bilang tungkulin anuman ang personal na kapalit. Ito lamang ang pagsasagawa ng pinakamabuting gawa. Kung ang mga tao ay makagagawa ng mas maraming mabubuting gawang tulad nito, ito ay maituturing na sapat na mabubuting gawa. Ito ang nagdudulot ng lubos na kaligayahan at kagalakan sa Diyos, at tiyak na matatanggap ng gayong mga tao ang papuri ng Diyos. Bukod dito, sa pagsasakatuparan ng ating tungkulin ay dapat tayong maging matapat at maingat, na laging naghahanap ng makakapagpabuti sa sarili, at hindi hinahayaan na mawalan ng sigasig. Para maigugol ang ating sarili sa Diyos, dapat tayong magkaroon ng tapat na debosyon bago tayo lubos na makalugod sa kalooban ng Diyos.
※コメント投稿者のブログIDはブログ作成者のみに通知されます