Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Sumaakin ang Pag-ibig ng Diyos sa Madilim na Bilangguan ng Diyablo

2020-01-13 15:48:57 | Mga Patotoo



Yang Yi, Lalawigan ng Jiangsu


Ako ay isang Kristiyano sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Mahigit sampung taon na akong alagad ng Makapangyarihang Diyos. Sa loob ng panahong ito, ang isang bagay na hinding-hindi ko malilimutan ay ang kakila-kilabot na pagdurusa noong arestuhin ako ng mga pulis ng CCP isang dekada na ang nakaraan. Noon, sa kabila ng pagpapahirap at pagtapak sa akin ng masasamang demonyo, at halos mamatay ako nang ilang beses, ginamit ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang makapangyarihang kamay upang gabayan at pangalagaan ako, buhayin akong muli, at ibalik ako sa kaligtasan…. Sa pamamagitan nito, talagang nakita ko ang dakilang kapangyarihan ng buhay ng Diyos na higit pa sa normal, at natamo ko ang tanging yaman ng buhay na ipinagkaloob sa akin ng Diyos.
Iyon ay noong Enero 23, 2004 (ang ikalawang araw ng Chinese New Year). Kinailangan kong puntahan at bisitahin ang isang babaeng miyembro ng iglesia; may problema siya at kailangang-kailangan ng tulong. Dahil napakalayo ng bahay ko, kinailangan kong gumising nang maaga para sumakay ng taksi para makauwi rin ako sa araw na iyon. Umalis ako ng bahay na papasikat pa lang ang araw. Halos walang tao sa mga lansangan, mga tagakuha lang ng basura. Balisa akong naghanap ng taksi, pero wala ni isa sa paligid. Nagpunta ako sa pilahan ng taksi para maghintay, at lumakad ako sa daan para paparahin ang isa nang makita ko itong papalapit—pero sasakyan pala iyon na pag-aari ng Environmental Protection Bureau. Tinanong nila ako kung bakit ko sila pinapapara. “Paumanhin, nagkamali ako, akala ko taksi kayo,” sabi ko. “Palagay namin nagdidikit ka ng mga ilegal na poster,” sagot nila. “Nakita mo ba ako? Nasaan ang mga poster na idinidikit ko?” sabi ko. Ni hindi nila ako binigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili ko, lumapit silang tatlo at sapilitang hinalughog ang bag ko. Hinalungkat nila ang lahat ng nasa bag ko—isang kopya ng isang sermon, isang notepad, isang pitaka, isang cell phone at isang sirang beeper, at kung anu-ano pa. Pagkatapos ay tiningnan nilang maigi ang kopya ng sermon at ang notepad. Nang wala silang makitang mga poster sa bag ko, itinaas nila ang kopya ng sermon at sinabing: “Hindi ka nga siguro nagdidikit ng mga ilegal na poster, pero naniniwala ka sa Makapangyarihang Diyos.” Kasunod nito, tinawagan nila ang Religious Division ng National Security Brigade. Hindi nagtagal, apat na tao mula sa National Security Brigade ang dumating. Nalaman nila na naniniwala ako sa Makapangyarihang Diyos nang makita nila ang mga laman ng bag ko. Ni hindi nila ako hinayaang magsalita, isinama nila ako sa kanilang sasakyan, pagkatapos ay ikinandado nila ang pinto para hindi ako makatakbo.
Pagdating namin sa Public Security Bureau, isinama ako ng mga pulis sa isang kuwarto. Pinaglaruan ng isa sa kanila ang beeper at mobile phone ko, na naghahanap ng mga palatandaan. Binuksan niya ang phone pero nakita niyang lobat na ito, tapos ay sinabi niyang ubos na ang baterya. Subukan man niya nang husto, hindi niya ito mabuksan. Habang hawak ang cell phone, mukhang nag-aalala siya. Nagtaka rin ako—katatapos ko lang i-charge ang cell phone noong umagang iyon. Paano mawawalan ng karga iyong baterya? Bigla kong natanto na mahimala itong isinaayos ng Diyos para mapigil ang mga pulis sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa iba pang mga kapatid. Naunawaan ko rin ang mga salitang sinabi ng Diyos: “Anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay” (“Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Tunay nga, lahat ng bagay at lahat ng pangyayari ay nasa mga kamay ng Diyos. Maging buhay o patay man, lahat ng bagay ay sumasailalim sa pagbabago ayon sa mga kaisipan ng Diyos. Sa sandaling ito, nagbigay ito sa akin ng tunay na kaalaman tungkol sa dakilang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos sa lahat ng bagay, at napalakas nito ang aking pananampalataya upang harapin ang gagawing pagtatanong. Habang nakaturo sa mga bagay na nasa bag, nag-aakusang itinanong ng opisyal na pulis: “Ipinapakita ng mga ito na malinaw na hindi ka ordinaryong miyembro ng iglesia. Isa ka siguro sa mataas na pamunuan, isang importanteng tao. Dahil ang mga batang pinuno ay walang mga beeper o mobile phone. Tama ba ako?” “Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,” sagot ko. “Nagkukunwari kang hindi mo naiintindihan!” sigaw niya, pagkatapos ay inutusan akong tumingkayad nang magsalita ako. Nakikitang wala akong laban, pinaligiran nila ako at sinimulan akong buntalin at sipain—sapat para patayin ako. Duguan at maga ang mukha ko, napakasakit ng buong katawan ko, hinimatay ako sa sahig. Galit na galit ako. Gusto kong mangatwiran sa kanila, ipagtanggol ang kaso ko: Ano ang nagawa kong mali? Bakit ninyo ako binugbog nang ganoon? Pero wala akong paraan para makausap ko sila nang matino, dahil hindi matinong kausap ang pamahalaang CCP. Naguluhan ako, pero ayaw kong pagbigyan ang mga pambubugbog nila. Nang nalilito na ako, bigla kong naisip kung paano, dahil ang masasamang opisyal na ito ng pamahalaang CCP ay masyadong wala sa katwiran, dahil ayaw nila akong makapangatwiran, hindi ko kailangang sabihin sa kanila ang anuman. Mas mabuti pang tumahimik na lang ako—sa gayong paraan mawawalan ako ng silbi sa kanila. Nang maisip ko ito, hindi ko na pinakinggan ang sinasabi nila.
Nang makita nilang walang epekto ang pamamaraang ito sa akin, nagwala ang masasamang pulis at lalong naging malupit: Labis nila akong pinahirapan para magtapat ako. Ipinosas nila ako sa isang silyang bakal na nakaturnilyo sa sahig sa isang posisyon na hindi ako makatingkayad ni makatayo. Inilagay ng isa sa kanila ang kamay kong hindi nakaposas sa silya at pinagpapalo ito ng sapatos, at tumigil lang nang mangitim na ang kamay ko; pinipi ng isa pa ang mga daliri ko sa paa sa ilalim ng kanyang sapatos na yari sa balat. Noon ko lamang naranasan na ang sakit sa mga daliri sa kamay ay tumatagos hanggang sa puso. Pagkatapos niyon, naghalinhinan ang anim o pitong pulis sa pambubugbog sa akin. Isa sa kanila ang nagtuon sa mga kasu-kasuan ko, at inipit ang mga ito nang husto kaya isang buwan na ay hindi ko pa rin maibaluktot ang braso ko. Ang isa naman ay sinabunutan ako at ipinagwagwagan ang ulo ko, tapos hinila at itiningala ang ulo ko. “Tumingin ka sa langit at tingnan mo kung mayroong Diyos!” mabangis na sabi nito. Nagpatuloy sila hanggang sa gumabi. Nang makitang wala silang makukuhang anuman sa akin, at dahil Chinese New Year, itinuloy nila ako sa detention center.
Pagdating ko sa detention center, inutusan ng isang guwardiya ang isang babaeng bilanggo na hubarin ang lahat ng damit ko at itapon ang mga ito sa basurahan. Tapos pinagsuot nila ako ng marumi at mabahong uniporme ng bilanggo. Ipinasok ako ng mga guwardiya sa isang selda at nagsinungaling sa iba pang mga bilanggo, na sinasabing: “Pinagwatak-watak niyang lalo ang mga pamilya ng mga tao. Marami siyang winasak na pamilya. Sinungaling siya, nililinlang niya ang matatapat na tao, at ginugulo ang katahimikan ng publiko….” “Bakit mukha siyang utu-uto?” tanong ng isa sa mga bilanggo. Na sinagot ng mga guwardiya ng: “Nagkukunwari lang siya para hindi masentensyahan. Sino sa inyo ang gayon katuso? Sinumang nag-iisip na isa siyang tanga ay siyang pinakatanga sa lahat.” Dahil nalinlang nang gayon ng mga guwardiya, sinabi ng lahat ng iba pang bilanggo na pinaalpas ako nang napakadali, at na ang tanging mabuting bagay para sa isang taong kasingsama ko ay firing squad! Galit na galit ako nang marinig ko ito—pero wala akong magawa. Ang mga pagtatangka kong lumaban ay nawalan ng saysay, lalo lang nila akong pinahirapan at pinagmalupitan. Sa detention center, pinabigkas ng mga guwardiya sa mga bilanggo ang mga patakaran araw-araw: “Ipagtapat ang iyong mga krimen at sumuko sa batas. Ang pagbubuyo sa iba na gumawa ng krimen ay hindi pinapayagan. Ang pagbubuo ng mga gang ay hindi pinapayagan. Ang pag-aaway ay hindi pinapayagan. Ang pang-aapi ng iba ay hindi pinapayagan. Ang pagbibintang nang mali sa iba ay hindi pinapayagan. Ang pang-aagaw ng pagkain o mga pag-aari ng iba ay hindi pinapayagan. Ang panloloko sa iba ay hindi pinapayagan. Dapat pigilan ang mga nang-aapi sa bilangguan. Anumang paglabag sa mga patakaran ay dapat ipaalam kaagad sa mga superbisor o mga bantay. Hindi mo dapat pagtakpan ang mga pangyayari o subukang protektahan ang mga bilanggong lumabag sa regulasyon, at ang pagsubaybay ay dapat na maging makatao. …” Ang totoo, hinikayat ng mga guwardiya ang ibang mga bilanggo na pahirapan ako, pinapayagan silang lokohin ako araw-araw: Noong negatibong 8 o 9 na digri ang lamig, ibinabad nila ang sapatos ko; lihim nilang binuhusan ng tubig ang pagkain ko; sa gabi, habang tulog ako, binasa nila nang husto ang dyaket kong may cotton pad; pinatulog nila ako sa tabi ng kubeta, madalas nila akong alisan ng kumot sa gabi, sabunutan, hindi patulugin; inagaw nila ang tinapay ko; pinilit nila akong linisin ang kubeta, at pinilit nilang isubo ang tira-tira nilang gamot sa bibig ko, hindi nila ako hinayaang makaihi at makatae…. Kung hindi ko ginawa ang anumang ipinagawa nila, pagkakaisahan nila ako at bubugbugin—at madalas sa gayong mga pagkakataon nagpupulasan ang mga superbisor o mga bantay o nagkukunwaring wala silang nakita; kung minsan nagtatago pa sila sa malayo at nanonood. Kung ilang araw akong hindi pinahirapan ng mga bilanggo, sinasabihan sila ng mga superbisor at mga bantay: “Nakaalpas ang gagang iyan nitong nakaraang ilang araw, ha? Samantala, lumambot naman ang ulo ninyo. Sinumang makapagpabalik sa malay ng gagang iyan ay babawasan ang sentensya.” Napuno ako ng pagkamuhi sa mga guwardiya dahil sa malupit na pagpapahirap nila sa akin. Ngayon, kung hindi pa ito nakita ng sarili kong mga mata at personal itong naranasan, hinding-hindi ako maniniwala na ang pamahalaang CCP, na dapat ay puno ng kabaitan at moralidad, ay maaaring maging madilim, nakakasindak, at nakakatakot—hinding-hindi ko sana nakita ang tunay na mukha nito, isang mukha na madaya at traydor. Lahat ng sinasabi nitong “naglilingkod sa mga tao, bumubuo ng sibilisado at nagkakasundong lipunan”—mga kasinungalingan ito na may layon na linlangin at dayain ang mga tao, sila ay isang paraan, isang pakana, ng pagpapaganda sa sarili nito at pagtatamo ng papuri na hindi nararapat dito. Noong panahong iyon, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi na gaanong nakapagtataka, kung gayon, na nananatiling ganap na nakatago ang Diyos na nagkatawang-tao: Sa isang madilim na lipunang tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at hindi-makatao, paanong matitiis ng hari ng mga diyablo, na pumapatay ng mga tao sa isang kisap-mata, ang pag-iral ng isang Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at ipagsaya ang pagdating ng Diyos? Ang mga sunud-sunurang ito! Binabayaran nila ng poot ang kabaitan, matagal na nilang hinamak ang Diyos noon pa, inaabuso nila ang Diyos, sukdulan ang kanilang kalupitan, wala sila ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawalan na silang lubusan ng budhi, at wala kahit bakas ng kabaitan, at tinutukso nila ang walang-malay sa kahangalan. Mga ninuno ng sinauna? Minamahal na mga lider? Tinutulan nilang lahat ang Diyos! Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat sa silong ng langit sa isang kalagayan ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Kalayaang pang-relihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga pandarayang lahat para pagtakpan ang kasalanan!” (“Gawain at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nang ikumpara ko ang mga salita ng Diyos sa realidad, nakita ko ang maitim at masamang kademonyohan ng pamahalaang CCP nang napakalinaw. Para mapanatili ang maitim na pamamahala nito, patuloy nitong hinihigpitan ang mga tao, at hindi tumitigil sa panloloko at panlilinlang sa kanila. Sa tingin, layunin nitong maglaan ng kalayaang pangrelihiyon—pero lihim nitong inaaresto, inaapi, inuusig, at pinapatay ang mga tao sa buong bansa na naniniwala sa Diyos. Sinisikap pa nitong patayin silang lahat. Napakasama, napakalupit, at napaka-reaksiyonaryo naman ng diyablo! Nasaan ang kalayaan? Nasaan ang mga karapatang pantao? Hindi ba puro panloloko lang ang mga ito para linlangin ang mga tao? Makakasulyap ba ng anumang pag-asa o liwanag ang mga tao sa pamumuhay sa ilalim ng maitim na pamumuno nito? Paano sila magiging malayang maniwala sa Diyos at paano nila mahahanap ang katotohanan? Noon ko lamang natanto na pinayagan ng Diyos na usigin at pahirapan ako, na ginamit Niya ito para ipakita sa akin ang kasamaan at kalupitan ng pamahalaang CCP, para ipakita sa akin ang kademonyohan nito na pagkapoot sa katotohanan at galit sa Diyos, at para ipakita sa akin na ang mga pulis ng mga tao, na masiglang itinataguyod at ibinabanda ng pamahalaan na nagpaparusa sa masasama, nagtatanggol sa mabubuti, at nagtataguyod ng katarungan, ay mga kasabwat at kampon na pinangalagaan nitong maigi, isang pangkat ng mga berdugo na mukhang tao pero pusong-halimaw, at papatay sa isang kisap-mata. Para pilitin akong tanggihan at pagtaksilan ang Diyos at bumigay sa malupit na kapangyarihan nito, hindi tumigil ang pamahalaang CCP sa pagpapahirap at pagsira sa akin—subalit hindi alam nito na habang lalo akong pinahirapan nito, lalo kong malinaw na nakita na mukhang demonyo ito, at lalo kong kinamuhian at tinanggihan ito sa kaibuturan ng puso ko, kaya talagang nanabik ako sa Diyos at nagtiwala sa Diyos. Bukod pa riyan, dahil mismo sa pagpapahirap ng mga guwardiya, hindi ko sinadyang maunawaan kung ano ang tunay na kahulugan na mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kasuklaman ang kinasusuklaman ng Diyos, ano ang kahulugan ng talikuran si Satanas at ibaling ang puso sa Diyos, kung ano ang kahulugan nang maging malupit, kung ano ang mga puwersa ng kadiliman, at, bukod pa riyan, kung ano ang magkaroon ng masamang hangarin at maging traydor, at huwad at manloloko. Nagpasalamat ako sa Diyos sa pagtutulot sa akin na maranasan ang kapaligirang ito, sa pagpayag na makilala ko ang tama sa mali at matukoy ang tamang landas sa buhay na tatahakin. Ang puso ko—na napakatagal na nadaya ni Satanas—ay nagising din sa wakas ng pagmamahal ng Diyos. Nadama ko na may malaking kahulugan ang pagkakaroon ko na suwerteng maranasan ang kapighatian at pagsubok na ito, na talagang pinakitaan ako ng espesyal na pabor.
Matapos subukan ang lahat ng iba pa, nakaisip ng isa pang plano ang masamang pulis: Nakakita sila ng isang Judas na nagkanulo sa aking iglesia. Sinabi niya na naniwala ako sa Makapangyarihang Diyos at tinangka rin niyang patalikurin ako sa Diyos. Nang makita ko ang masamang lingkod na ito na nagsuplong sa maraming kapatid na nangangaral ng ebanghelyo, at marinig ko ang lahat ng masasamang salitang lumabas mula sa kanyang bibig—mga salitang umalipusta, nanirang-puri, at lumapastangan sa Diyos—napuno ng galit ang puso ko. Ninais kong sigawan siya, at tanungin kung bakit walang-galang niyang kinalaban ang Diyos. Bakit lubha naman siyang nagtamasa ng biyaya ng Diyos, pero sumapi siya sa mga puwersa ng masasamang demonyo para usigin ang mga hinirang ng Diyos? Sa puso ko, hindi ko mailarawan ang kalungkutan at sakit. Nakadama rin ako ng malaking pagsisisi at pagkakautang; talagang namuhi ako sa sarili ko kung paanong, noong araw, hindi ko sinikap na hanapin ang katotohanan, at wala ako kailanmang nalamang anuman kundi ang magtamasa ng biyaya at mga pagpapala ng Diyos na parang walang-malay na bata, na hindi iniisip ang sakit at panghihiyang tiniis ng Diyos alang-alang sa ating kaligtasan. Ngayong lubog na ako sa lungga ng mga hayop na ito, saka ko lamang nalaman kung gaano naghirap ang Diyos sa paggawa sa marumi at tiwaling bansang ito, at kung gaano kasakit ang Kanyang dinanas! Tunay, ang pagmamahal ng Diyos sa tao ay may kaakibat na malaking pasakit. Ginagawa Niya ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan samantalang tinitiis ang pagtataksil ng tao. Ang pagtataksil ng tao ay walang idinulot sa Kanya maliban sa kirot at sakit. Kaya pala sinabing minsan ng Diyos: “Kahit na pagkatapos lamang ng isang gabi, maaari silang magbago mula sa isang nakangiti at ‘mabait’ na tao tungo sa isang pangit at mabangis na mamamatay-tao, biglang itinuturing na mortal na kaaway ang kanilang tagapagpala kahapon nang walang pagkatugma o kadahilanan” (“Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ngayon, bagama’t nahulog ako sa mga kamay ng diyablo, hindi ko pagtataksilan ang Diyos anuman ang mangyari. Gaano man katindi ang hirap na dinanas ko, hindi ako magsasa-Judas para iligtas ang sarili ko, hindi ko dudulutan ng kirot at kalungkuran ang Diyos. Dahil ipinagbili ako ng Judas na iyon, pinatindi ng masasamang pulis ang kanilang pagpapahirap. Siya, samantala, ay nakatayo sa isang tabi at sinabi niya: “Hindi mo alam ang mabuti sa masama. Hindi ka nararapat dito! Hindi mo pinapahalagahan ang kabaitan ko. Nararapat kang pahirapan hanggang mamatay!” Nagalit ako nang marinig ko ang mapanira at masasamang salitang ito—pero nakadama rin ako ng di-maipaliwanag na kalungkutan. Ninais kong umiyak, pero alam kong hindi dapat; hindi ko ninais na hayaan si Satanas na makita ang kahinaan ko. Sa puso ko, lihim akong nagdasal: O Diyos! Sana’y makamit Mo ang puso ko. Bagama’t wala akong magagawa para sa Iyo sa sandaling ito, sana’y matagumpay akong magpatotoo sa Iyo sa harap ni Satanas at sa masamang taong ito, para lubos silang pahiyain, at sa pamamagitan nito ay mapanatag ang Iyong puso. O Diyos! Sana’y pangalagaan Mo ang puso ko, at higit akong palakasin. Kung may mga luha ako, nawa’y papasok itong tumulo—hindi ko maaaring ipakita sa kanila ang mga luha ko. Dapat akong maging masaya dahil nauunawaan ko ang katotohanan, sapagkat nilinis Mo ang aking mga mata, na nagbibigay sa akin ng kakayahang makita ang kaibhan, at malinaw na makita ang kalikasan at diwa ni Satanas, na kalabanin Ka, at pagtaksilan Ka. Sa gitna ng pagpipino, nakita ko rin kung paano isinasaayos ng Iyong matalinong kamay ang lahat. Nais kong umasa sa Iyo na maharap ang susunod na pagtatanong at talunin si Satanas, nang maaari Kang maluwalhati sa akin.” Matapos magdasal, nagkaroon ng lakas sa puso ko na huwag magpahinga hanggang sa makumpleto ko ang aking patotoo sa Diyos. Batid ko na bigay ito sa akin ng Diyos, na binigyan ako ng malaking proteksyon at labis akong inantig ng Diyos. Ginustong gamitin ng masasamang pulis ang masamang tao para akitin akong pagtaksilan ang Diyos, pero ang Diyos ay isang matalinong Diyos, at ginamit Niya ang masamang tao bilang katapat na halimbawa para ipakita sa akin ang mapanghimagsik na kalikasan ng tiwaling sangkatauhan, na nagpapasigla sa aking pagtitika at pananampalatayang bigyan ng kasiyahan ang Diyos. Bukod pa riyan, may kaunting kaalaman ako tungkol sa matalinong gawain ng Diyos, nakita ko na namumuno at minamaniobra ng Diyos ang lahat ng bagay sa paglilingkod sa paggawang perpekto ng mga tao ng Diyos. Ito ang matibay na katotohanan ng paggamit ng Diyos ng karunungan para talunin si Satanas.
Nakikita na hindi nila ako mapipilit na sabihin ang anumang gusto nila, ginawa nila ang lahat—sa mga tao man, o mga mapagkukunan ng materyal o salapi—paroo’t parito kahit saan na nagtatanong ng katibayan na ako ay naniniwala sa Diyos. Makalipas ang tatlong buwan, lahat ng ipinagmamadali nila ay nawalan ng saysay. Sa huli, inilahad na nila ang huling baraha: Nakakita sila ng dalubhasang tagapagtanong. Sinabi noon na lahat ng dinala sa kanya ay sumailalim sa kanyang tatlong klase ng pagpapahirap, at walang sinumang hindi nagtapat kailanman. Isang araw, dumating ang apat na opisyal na pulis at sinabi sa akin: “Ngayon ay dadalhin ka namin sa isang bagong tahanan.” Sumunod, itinulak nila ako sa isang sasakyan na naghahatid sa mga bilanggo, ipinosas ang mga kamay ko sa aking likuran, at tinalukbungan ang ulo ko. Sa sitwasyong ito naisip ko na ilalabas nila ako para lihim akong patayin. Sa puso ko, hindi ko naiwasang masindak. Pero pagkatapos ay naisip ko ang himnong madalas kong kantahin nang manalig ako kay Jesus: “Simula pa noong mga unang araw ng iglesia, kinailangang magbayad ng malaking halaga yaong mga sumusunod sa Panginoon. Sampu-sampung libong kamag-anak sa espiritu ang nagsakripisyo ng kanilang sarili para sa ebanghelyo, at sa gayon ay natamo nila ang buhay na walang-hanggan. Pagmamartir para sa Panginoon, handa akong mamatay na isang martir para sa Panginoon.” Noong araw na iyon, sa wakas ay naunawaan ko rin ang himno: Yaong mga sumusunod sa Panginoon ay kailangang magbayad ng malaking halaga. Ako man ay handang mamatay noon para sa Diyos. Sa gulat ko, matapos kunin ang sasakyan, hindi sinasadyang narinig ko ang pag-uusap ng masasamang pulis. Tila dadalhin nila ako sa isang lugar para tanungin. Ah! Hindi nila ako papatayin—at naghahanda pa naman akong mamatay na isang martir para sa Diyos! Habang iniisip ko ito, sa kung anong dahilan sinikipan ng isa sa mga pulis ang mga tali ng talukbong sa ulo ko. Hindi nagtagal, hindi na ako komportable—pakiramdam ko ay sinasakal ako. Inisip ko kung talagang pahihirapan nila ako hanggang sa mamatay. Sa sandaling iyon, inisip ko kung paano isinakripisyo ng mga disipulo ni Jesus ang kanilang sarili para ipangaral ang ebanghelyo. Hindi ako magpapakaduwag. Mamatay man ako, hindi ako magmamakaawa sa kanila na luwagan ito, ni aaminin kong talo na ako. Pero hindi ko napigil ang sarili ko: hinimatay ako at bumagsak sa harap nila. Nang makita ang nangyayari, agad niluwagan ng mga pulis ang talukbong. Nagsimulang bumula ang bibig ko, pagkatapos ay panay ang suka ko. Pakiramdam ko isusuka ko ang bituka ko. Nahilo ako, naliyo, at hindi ko maimulat ang mga mata ko. Walang lakas ang anumang bahagi ng katawan ko, na para bang paralisado ako. Pakiramdam ko may malagkit na bagay sa bibig ko na hindi ko kayang mailabas. Noon pa man ay mahina na ako, at matapos akong abusuhin nang ganito nadama kong nasa panganib ako, na baka tumigil ako sa paghinga anumang oras. Sa gitna ng sakit, nanalangin ako sa Diyos: “O Diyos! Nararamdaman kong hindi ko na kaya. Kung ang masamang pulis ay talagang gusto akong pahirapan hanggang kamatayan, masaya kong gagamitin ang aking kamatayan para bigyan Ka ng kasiyahan at tumayong saksi para sa Iyo. Bagama’t ang mga diyablong CCP ay mapapatay ang aking laman, hindi nila mapapatay ang aking kaluluwa. Tiwala ako na anuman ang gawin Mo, iyon ay matuwid, at gusto kong pangalagaan Mo ang puso ko, para makaayon ako sa lahat ng isinasaayos at inihahanda Mong gawin.” Kalaunan, dumating ang sasakyan sa isang hotel. Sa oras na iyon, hinang-hina ang buong katawan ko at hindi ko kayang maimulat ang mga mata ko. Binuhat nila ako papunta sa isang saradong silid. Ang maririnig ko lang ay ang ingay ng maraming tauhan ng pamahalaang CCP na nakatayo sa paligid at pinag-uusapan ako, na sinasabi na para nilang nakikita sa akin ang nangyari kay Liu Hulan. Naunawaan ko na, makabagbag-damdamin! Mas matapang pa siya kay Liu Hulan! Nang marinig ko ito, napuno ng katuwaan ang puso ko. Nakita ko na sa pamamagitan ng pagsandal sa pananampalataya at pag-asa sa Diyos ay tiyak na magkakaroon ng tagumpay laban kay Satanas, na natatakapan ng Diyos si Satanas! Pinasalamatan at pinuri ko ang Diyos. Sa sandaling ito, nalimutan ko ang sakit. Labis akong nasiyahang luwalhatiin ang Diyos.
Buong Teksto:



最新の画像もっと見る

コメントを投稿