Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Ginugol ang Kabataan Nang Walang Pagsisisi 2018-06-22 89

2020-02-16 23:18:32 | Mga Patotoo



Xiaowen Lungsod ng Chongqing


Ang ‘pag-ibig’ ay tumutukoy sa isang damdamin na dalisay at walang kapintasan, kung saan ginagamit mo ang iyong puso upang magmahal, makaramdam, at maging maalalahanin. Sa pag-ibig walang mga kundisyon, walang mga balakid, at walang agwat. Sa pag-ibig walang paghihinala, walang pandaraya, at walang katusuhan. Sa pag-ibig walang agwat at walang karumihan” (“Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Itong himno ng salita ng Diyos ay minsang tinulungan akong malampasan ang sakit ng matagal at hindi matapos-tapos na buhay sa kulungan na tumagal ng 7 taon at 4 na buwan. Kahit pa ipinagkait sa akin ng gobyerno ng CCP ang pinakamagagandang taon ng aking kabataan, nakuha ko ang pinakamahalaga at tunay na katotohanan mula sa Makapangyarihang Diyos at samakatuwid wala akong mga reklamo o pagsisisi.

Noong 1996 tinanggap ko ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagtitipon sa pagbabahagi, nalaman ko na ang lahat ng sinabi ng Diyos ay katotohanan, na ganap na kabaligtaran ng lahat ng kaalaman at mga teorya ng masamang mundong ito. Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang pinakamataas na kasabihan para sa buhay. Ang mas nagpasabik pa sa akin ay maaari akong maging simple at bukas at malayang makipag-usap sa mga kapatid tungkol sa anumang bagay. Hindi ako nagkaroon ng kahit kaunting pangangailangan na protektahan ang aking sarili laban sa pamumuna o panlilinlang ng mga tao kapag nakisalamuha sa kanila. Nakaramdam ako ng kaginhawaan at kasiyahan na hindi ko kailanman naramdaman dati; talagang gusto ko ang pamilyang ito. Gayunpaman, hindi nagtagal bago ko narinig na hindi pinapahintulutan ng bansa ang mga tao na maniwala sa Makapangyarihang Diyos. Ang bagay na ito ay nagparamdam sa akin na lubos na hindi ko alam ang aking gagawin, dahil hinayaan ng Kanyang salita ang mga tao na sambahin ang Diyos at tahakin ang tamang landas ng buhay; hinayaan nito ang mga tao na maging tapat. Kung ang lahat ng tao ay naniwala sa Makapangyarihang Diyos, ang buong mundo ay magiging payapa. Hindi ko talaga naintindihan: Ang paniniwala sa Diyos ay ang pinakamatuwid na gawain; bakit gusto ng gobyerno ng CCP na magmalupit at salungatin ang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos hanggang sa punto na aarestuhin nila ang Kanyang mga mananampalataya? Inisip ko: Kahit gaano pa tayo pinapahirapan ng gobyerno ng CCP o gaano kalaki ang opinyon ng publiko sa lipunan, nalaman ko na ito ang tamang landas ng buhay at tiyak na tatahakin ko ito hanggang sa huli!

Matapos ito, sinimulan kong tuparin ang aking tungkulin sa iglesia na pamamahagi ng mga libro ng salita ng Diyos. Alam ko na ang pagtupad sa tungkuling ito sa bansang ito na tumututol sa Diyos ay lubhang mapanganib at maaari akong maaresto anumang oras. Ngunit alam ko rin na bilang bahagi ng lahat ng nilikha, misyon ko ito sa buhay na gugulin ang lahat ng bagay para sa Diyos at tuparin ang aking tungkulin; isa itong responsibilidad na hindi ko maaaring pabayaan. Habang ako’y nagsimulang makipagtulungan nang may kumpiyansa sa Diyos, isang araw ng Setyembre 2003, papunta ako para ibigay sa ilang mga kapatid ang mga libro ng salita ng Diyos nang naaresto ng mga tauhan mula sa Kawanihan ng Pambansang Seguridad ng lungsod.

Sa Kawanihan ng Pambansang Seguridad, paulit-ulit akong tinanong at hindi ko alam kung paano sumagot; agad akong umiyak sa Diyos: “O Makapangyarihang Diyos, humihingi ako sa Iyo na bigyan Mo ako ng Iyong karunungan, at bigyan mo ako ng mga salita na dapat kong sambitin para hindi Kita ipagkakanulo at maaari akong magpatotoo para sa Iyo.” Sa panahong iyon, araw-araw akong umiyak sa Diyos; hindi ako nangahas na iwan ang Diyos, hiningi ko lang sa Diyos na bigyan ako ng katalinuhan at karunungan para makakaya kong harapin ang masamang kapulisan. Purihin ang Diyos sa pagbabantay at pagprotekta sa akin; sa bawat oras na ako’y tinanong, ako’y dumudura, o walang tigil na sinisinok at hindi makapagsasalita. Habang nakikita ang kamangha-manghang gawain ng Diyos, naging matatag ako: Walang pagpipigil! Maaari nilang putulin ang ulo ko, maaari nila akong patayin, ngunit talagang hindi nila magagawang ipagkanulo ko ngayon ang Diyos! Nang buo na ang aking kapasyahan na mas gugustuhin kong isugal ang aking buhay kaysa ipagkanulo ang Diyos gaya ni Judas, ibinigay ng Diyos ang “pagsang-ayon” nang buong-buo: Sa bawat oras na ako’y tinanong, poprotektahan ako ng Diyos at hahayaan akong payapang malampasan ang pagsubok. Kahit na wala akong anumang bagay na sinabi, inakusahan ako ng gobyerno ng CCP ng “paggamit ng organisasyon ng Xie Jiao para sirain ang pagpapatupad ng batas” at sinentensiyahan ako hanggang 9 na taon sa kulungan! Nang marinig ko ang pasya ng korte, hindi ako nalungkot, salamat sa pagprotekta ng Diyos, at hindi rin ako natakot sa kanila; sa halip, kinamuhian ko sila. Nang iginawad ng mga taong iyon ang sentensiya, sinabi ko sa mababang tinig: “Ito ang ebidensiya na ang gobyerno ng CCP ay sinasalungat ang Diyos!” Kinalaunan, dumating ang mga opisyal ng pampublikong seguridad para lang mag-espiya sa kung ano ang naging asal ko, at kalmado kong sinabi sa kanila: “Ano ang siyam na taon? Kapag dumating ang oras na makalaya ako, magiging miyembro pa rin ako ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos; kung hindi kayo naniniwala sa akin, tignan ninyo at maghintay lang kayo! Ngunit kailangan ninyong tandaan, ang kasong ito ay minsang nasa inyong mga kamay!” Talagang nagulat sila sa aking asal; itinaas nila ang kanilang mga hinlalaki at paulit-ulit na sinabi: “Karapat-dapat kang purihin! Hinahangaan ka namin! Mas matibay ka kay Kapatid na Jiang! Magkita tayo pag labas mo, at ililibre ka namin!” Sa panahong iyon, pakiramdam kong natamo ng Diyos ang kaluwalhatian at nasiyahan ang aking puso. Nang masintensiyahan ako nang taong iyon, 31 taong gulang lang ako.

Ang mga kulungan sa Tsina ay impiyerno sa lupa, at ang pangmatagalang buhaykulungan ay lubusang nagpakita sa akin ng tunay na pagiging hindi makatao ni Satanas at ang malademonyo nitong diwa na naging kaaway ng Diyos. Ang pulis ng Tsina ay hindi sumusunod sa tuntunin ng batas, sa halip ay sumusunod sa tuntunin ng kasamaan. Sa kulungan, hindi personal na humaharap ang pulis sa mga tao, sa halip binubuyo nila ang mga preso sa karahasan para pangasiwaan ang ibang mga preso. Gumagamit din ang masamang kapulisan ng lahat ng uri ng paraan para pigilan ang mga kaisipan ng mga tao; halimbawa, ang bawat tao na pumapasok ay dapat isuot ang mga parehong uniporme ng preso na may espesyal na serial number, kailangan nilang gupitin ang kanilang buhok ayon sa mga kinakailangan ng preso, kailangan nilang magsuot ng mga sapatos na aprubado ng kulungan, kailangan nilang lakaran ang mga daan na pinahihintulutan ng kulungan na lakaran nila, at kailangan nilang magmartsa sa bilis na pinapahintulutan ng kulungan. Kahit pa ito’y tagsibol, tag-init, taglagas o taglamig, kahit na ito’y umulan o umaraw, o kahit na ito’y araw na napakalamig, kailangang gawin ng lahat ng mga preso kung ano ang iniuutos na gawin nila nang walang anumang pagpipilian. Sa bawat araw ay kailangan naming magtipon-tipon nang hindi bababa sa 15 beses para magbilang at kumanta ng mga papuri sa gobyerno ng CCP na hindi bababa sa limang beses; may mga politikal na gawain din kami, iyon ay, pinapaaral nila sa amin ang mga batas ng kulungan at ang konstitusyon, at pinapakuha kami ng pagsusulit kada anim na buwan. Ang layunin nito ay para baguhin ang aming paniniwala. Sapalaran ding susuriin ang aming kaalaman sa mga disiplina at patakaran ng kulungan. Ang pulis ng kulungan ay hindi lang kami pinahirapan sa kaisipan, pisikal din nila kaming winasak na talagang hindi makatao: Kinailangan kong magtrabaho nang matindi nang higit sa sampung oras kada araw, makipagsiksikan kasama ang ilang daang iba pang mga tao sa isang masikip na pagawaan na nagsasagawa ng mano-manong trabaho. Dahil napakaraming tao sa napakaliit na lugar, at dahil ang magulong ingay ng makinarya ay nasa lahat ng dako, kahit pa gaano kalusog ang tao, ang kanilang mga katawan ay magdurusa ng malubhang pinsala kapag nanatili sila doon sa loob ng ilang panahon. Sa likod ko ay isang makina na nagbubutas at araw-araw walang hinto itong nagbubutas. Hindi ko matiis ang dumadagundong na tunog nito at matapos ang ilang taon, nagdusa ako ng malubhang pagkawala ng pandinig. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako gumaling. Ang mas nakapinsala pa sa mga tao ay ang alikabok at polusyon sa pagawaan. Matapos masuri, maraming mga tao ang nalaman na dinapuan ng tuberculosis at pharyngitis. At saka, dahil sa mahabang panahon ng pag-upo sa mano-manong paggawa, imposibleng makapaglakad-lakad at maraming tao ang dinapuan ng malubhang almuranas. Itinuring ng gobyerno ng CCP ang mga preso tulad ng makinarya na ginagamit para gumawa ng pera; wala sila ni kaunting pakialam kung nabuhay o namatay ang isang tao. Maagang-maaga nila pinagtrabaho ang mga tao hanggang sa ginabi. Madalas akong pagod na pagod na pisikal na akong hindi makapagpapatuloy. Hindi lang ito, kailangan ko ring harapin ang lahat ng uri ng paiba-ibang eksamin na dagdag sa aking lingguhang politikal na gawain, mano-manong paggawa, mga pampublikong gawain, atbp. Samakatuwid, araw-araw akong nasa kalagayan ng mataas na antas ng pagkabahala; patuloy na nababatak ang aking kalagayang pangkaisipan, at matindi ang aking nerbiyos na hindi ako makahahabol kung hindi ako mag-iingat kahit kaunti, at sa gayo’y paparusahan ng mga pulis ng kulungan. Sa ganoong uri ng kapaligiran, para malampasan ang isang araw nang ligtas at malusog ay isang bagay na hindi madaling gawin.

Higit pang pansin: Bakit pinahihintulutan ng Diyos na dumating sa atin ang mga pagsubok ng buhay? Basahin ang mga kwentong ito kung paano nakakaranas ang mga Kristiyano ng mga pagsubok sa buhay at malalaman mo kung paano umasa sa Diyos sa mga pagsubok.

最新の画像もっと見る

コメントを投稿