Makapangyarihang Diyos ay Ating Tagapagligtas

Makapangyarihang Diyos-Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Tanggalin ang Maskara, at Magsimula ng Panibagong Buhay

2020-01-07 10:48:53 | Mga Patotoo



Sa pagtatapos ng nakaraang taon, dahil hindi ko naumpisahan ang gawain ng ebanghelyo sa aking lugar, inilipat ng pamilya ng Diyos ang isang kapatid mula sa ibang lugar para pangasiwaan ang aking gawain. Bago nito, hindi ako nasabihan, kung hindi, nalaman ko lang sa pamamagitan ng isang kapatid na kasama ko sa gawain. Masyado akong nagalit. Naghinala ako na hindi ako sinabihan ng taong nangangasiwa dahil sa takot na hindi ko gustong iwanan ang aking katungkulan at ipaglalaban ko ito. Bilang resulta, nagkaroon ako ng hindi magandang opinyon sa kapatid na nangangasiwa. Hindi kalaunan, nagkita kami ng naturang kapatid at tinanong kung ano ang nararamdaman ko tungkol sa aking pagkakapalit—noong una ninais ko na sabihin ang nasa aking isip, ngunit nag-alala ako na magkakaroon siya ng masamang impresyon sa akin at isipin na ako ay naghahangad sa katungkulan. Kaya sa halip, sa malumay na pananalitang kaya ko, sinabi ko, “Hindi ito problema, hindi ako nakagawa ng maayos na gawain kaya makatwiran lamang na ako ay mapalitan. Wala akong anumang partikular na iniisip tungkol dito, kung anumang tungkulin ang ibigay sa akin ng pamilya ng Diyos na gagampanan ko ay malugod akong susunod.” Sa ganitong paraan, itinago ko ang tunay kong nararamdaman habang ipinapakita ang ilusyong bersyon ng aking sarili sa naturang kapatid. Pagkatapos, ipinadala ako ng pamilya ng Diyos na maging manggagawa. Sa unang pagtitipon naming mga magkakatrabaho, nagtapat ang aming bagong lipat na pinuno tungkol sa kanyang kalagayan. Isang partikular na talatang ginamit niya, “nawala lahat ang katungkulan at reputasyon” ang tumama sa akin na parang isang toneladang mga bato: Para bang ako ang kanyang tinutukoy. Nakaupo ako doong ramdam ang lubhang pagkagalit at pagkalungkot—nararamdaman kong namumuo ang mga luha sa aking mga mata, ngunit pinigilan ko ang mga ito sa takot na mapansin ito ng iba. Ginusto kong ipagtapat ang aking kalooban, ngunit nag-alala din ako na baka lumiit ang tingin sa akin ng aking mga katrabaho. Para mapagtakpan ang pagkapahiya, itinago ko ulit ang aking tunay na kalagayan, hindi hinayaan ang iba na makita kung hanggang saan ako napino na. Pinilit ko pang ngumiti para ipakita sa lahat kung gaano ka-normal ang aking kalagayan. Sa ganoon lang, dinala kong muli ang aking pagkanegatibo sa aking gawain, at sa kabila ng katotohanan na hindi ako nagpabaya at nagtrabaho ako araw-araw mula madaling-araw hanggang takipsilim, parang habang lalo akong nagtatrabaho mas lalo naman akong naging hindi epektibo at lumitaw ang lahat ng uri ng problema. Ang gawain ng ebanghelyo ay humihinto na at ang lider ng grupo ng ebanghelyo at ang iba sa kanyang mga kasapi ay inaresto na ng kapulisan ng CCP. Habang hinaharap ang lahat ng ito, naramdaman kong malapit na akong mahimatay at inisip lamang ang nalalapit kong pagkakapalit. Ganon pa man, tumanggi akong ipagtapat ang aking kalooban, ipinapakita kung gaano ako katatag at kadeterminado sa harapan ng aking mga kapatid.
Isang araw habang ginaganap ang makadiwang pagpapalago narinig ko ang mga sumusunod na sipi mula sa pagbabahagi ni Kristo, “Kapag nakikipag-ugnayan sa kanilang mga kapatid na lalaki at babae, ang ilang mga tao ay takot na takot na malalaman nila ang mga paghihirap na nasa kanilang mga puso, at na ang mga kapatid na lalaki at babae ay may masasabi tungkol sa kanila o hahamakin sila. Habang nagsasalita sila, lagi nilang ipinararamdam ang kanilang simbuyo ng damdamin, na talagang gusto nila ang Diyos, at masigasig sa pagsasagawa ng katotohanan, nguni’t sa katunayan, sa loob ng kanilang mga puso, sila ay masyadong mahina at walang-kibo. Nagkukunwari silang malakas, kaya’t walang nakakakita ng totoo. Ito rin ay panlilinlang. Sa kabuuan, anuman ang ginagawa mo—kung iyan man ay sa buhay, paglilingkod sa Diyos, o pagganap ng tungkulin mo—kung nagpapakita ka ng huwad na pagmumukha at ginagamit mo ito para linlangin ang mga tao, para tumaas ang tingin nila sa iyo o hindi ka nila hamakin, nagiging mapanlinlang ka!” (“Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Pagkatapos kong marinig ang sipi na ito, lubos akong hindi nakapagsalita. Ang paghahatol ni Kristo ay tumama sa akin sa kaibuturan ng aking pagkatao. Noong sinukat ko ang aking sariling mga kilos laban sa mga salitang ito, lumabas na ako ang mapanlinlang na tao na tinutukoy ng Diyos, isang tunay na hipokrito. Para palabasin sa aking lider at mga kapwa manggagawa ang impresyon na ako ay isang tao na handang iwanan ang estado at sumunod sa mga kasunduan na ihihanda ng pamilya ng Diyos para sa akin, pinagsikapan kong magbalatkayo at pagtakpan ang katotohanan, isinakripisyo ang gawain ng pamilya ng Diyos at mga buhay ng aking mga kapatid nang walang pag-aalinlangan. Hindi talaga ako naging handa na ibunyag sa kanila kung gaano naging negatibo ang aking kalagayan at asal pagkatapos akong mapalitan, kaya magmula noong inalis sa akin ang aking pagiging lider at naatasan bilang isang manggagawa, nagkunwari akong matatag at determinado kahit na sa loob ko ay negatibo at mahina ang nararamdaman ko. Nabubuhay ako sa panlilinlang ni Satanas. Nabubuhay ako sa maling pagkakaunawa at pagtalikod sa Diyos. Gayunpaman, hindi pa rin ako naging handang ipagtapat ang aking kalooban at hanapin ang katotohanan para malutas ang aking masamang disposisyon. Napaka-mapanlinlang ko! Subalit, kahit gaano pa ako kagaling na magbalatkayo at magtago ng aking tunay na nararamdaman, hindi ako nakaligtas sa pagsisiyasat ng Diyos. Ginamit ng Banal na Espiritu ang aking pagiging hindi epektibo sa aking gawain para ibunyag ang lahat. Kahit ano pang mangyari, hindi ako nakahandang iwanan ang aking estado, ngunit sa halip ay ginawa ang lahat ng aking magagawa para mapagtakpan ang aking pagkapahiya at panatilihin ang aking katayuan sa pamamagitan ng pagpapakita ng huwad na imahe ng aking sarili para lokohin at lituhin ang aking mga kapatid. Bakit hindi ko nalaman, na sa ginawa kong ito, hindi ko lamang binitag ang aking sarili, kung hindi, nagdulot din ako ng malaking pinsala sa gawain ng pamilya ng Diyos? Napakamapanganib pala ang paglaruan ang gawain ng pamilya ng Diyos at ang sariling kong buhay!
Sa puntong ito, hindi ko mapigilang tanungin ang aking sarili: Bakit palagi akong nagpapakita ng huwad na imahe ng aking sarili sa iba? Ito ba ay dahil inuutusan ako ng aking mapanlinlang na kalikasan para palaging pagtakpan ang aking pagkapahiya at protektahan ang aking estado? Sa pamamagitan ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu, nakilala ko kung paano lumala ang lason ni Satanas sa kalooban ko. Ang mga talatang, “Ang punongkahoy ay nabubuhay kasama ang kanyang balat, ang tao ay nabubuhay kasama ang kanyang mukha” at “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan kung saan siya nananatili, tulad ng isang gansa na nag-iiwan ng tinig kapag ito ay lumilipad” ay malalim nang nagkaugat sa aking kaluluwa kaya malalim ang impluwensiya at pagmamaniobra ng mga ito sa lahat ng aking mga ginagawa. Nagbalik-tanaw ako sa kung paano ito lumitaw sa nakaraan: Ilang beses na ba akong kumilos laban sa prinsipyo ng katotohanan sa pagganap sa aking mga tungkulin, itinatago ang katotohanan ng sitwasyon para pagtakpan ang aking pagkapahiya at dahil sa takot na, kung sasabihin ko ang aking iniisip, baka ako punahin ng iba? Ilang beses na ba akong nagdulot ng matinding pinsala sa aking buhay dahil, sa kabila ng masakit na kabatirang ang aking kalagayan ay masama at nababatid na dapat kong ipagtapat ang aking kalooban sa pakikitungo sa iba, sa halip ay pinili kong magdusa nang tahimik kaysa maging bukas at hanapin ang landas ng liwanag dahil sa takot na magiging mababa ang tingin sa akin? Sa diwa, sa tuwing nakataya ang aking mukha at reputasyon, madaya akong nagbabalatkayo at ipinapakita ang huwad na imahe para lokohin ang Diyos at lituhin ang iba. Kahit noong sinubukan ng Diyos na iligtas ako sa pamamagitan ng maraming pagbubunyag, inuutusan pa rin ako ng aking mapanlinlang na kalikasan na bumuo ng huwad na imahe, linlangin ang Diyos at lituhin ang iba. Sa ganitong paraan, paano magsasagawa ang Diyos sa pamamagitan ko? Kung magpapatuloy ako sa landas na ito, paano ako makakatanggap ng kaligtasan? Paano hindi pasisimulan ng lahat ng ito ang matinding galit ng Diyos? Dahil sa takot, ipinatirapa ko ang aking sarili sa harapan ng Diyos: Makapangyarihang Diyos, hindi ako karapat-dapat na tumayo sa harapan Mo! Ang aking mapanlinlang na kalikasan ay nagdulot ng malaking pinsala sa gawain ng pamilya ng Diyos, at binigyan mo pa ako ng pagkakataon para magbago. Hindi ko na hihilingin, ngayon, na kunsintihin Mo ako o na mataas ang pagtingin sa akin ng iba, ang hinihiling ko lamang ay manatili sa akin ang Iyong pagkastigo at paghahatol. Sa pamamagitan ng Iyong pagkastigo at paghahatol, hayaan mong makita ko ang Iyong matuwid na disposisyon at makamit ang lubusang pag-unawa sa aking mapanlinlang na kalikasan, para matanggal ko ang aking pagbabalatkayo at mabuhay nang matapat.
Pagkatapos, binasa ko ang mga sumusunod na sipi sa mga salita ng Diyos: “Ang ibig sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; huwag kailanman maging huwad sa Kanya sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng bagay, hindi kailanman nagtatago ng katotohanan; huwag kailanman gawin yaong nanlilinlang sa mga nakatataas at nagliligaw sa mga nasa ibaba; at huwag kailanman gawin yaong pagmamagaling lamang ng iyong sarili sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pag-iwas sa karumihan sa mga kilos at salita, at ang hindi manlinlang ng Diyos o tao. … Kung marami kang mga itinatago na atubili kang ibahagi, at kung ayaw na ayaw mong ilantad ang iyong mga lihim—ibig sabihin, ang iyong mga paghihirap—sa harap ng iba upang sa gayon ay hanapin ang daan ng liwanag, kung gayon ay sinasabi Ko na ikaw ay isa na hindi madaling makakatanggap ng kaligtasan at hindi kaagad makakaahon mula sa kadiliman. Kung ang paghahanap sa daan ng katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa na laging nananahan sa liwanag” (“Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na silang mga hindi handang ibahagi ang kanilang mga pananalig at ipagtapat ang kanilang mga paghihirap para hanapin ang katotohanan ay mga mapanlinlang. Dahil ang Diyos ay galit at nasusuklam sa mga mapanlinlang, ang mga taong mapanlinlang ay hindi taglay ang gawain ng Banal na Espiritu sa kanilang kalooban at kahit ilang taon pa nilang isa-gawa ang pananampalataya sa Diyos, hindi nila kailanman matatanggap ang pagliligtas ng Diyos at sa bandang huli ay tuluyang maaalis. Salamat sa pagliliwanag ng salita ng Diyos, napagtanto ko na ang dahilan ng aking pagkabigo sa pagsisilbi sa Diyos ay dahil sa aking sariling mapanlinlang na kalikasan. Hindi ako kailanman naging handang isuko ang aking puso sa Diyos, ipagtapat ang aking kalooban sa harapan ng Diyos o sa aking mga kapatid at tanggapin ang pagkastigpo at paghahatol ng Diyos para dalisayin ang aking sarili. Bilang resulta, nabubuhay ako sa loob ng hindi naaangkop na kalagayan, nawala ang gawain ng Banal na Espiritu at nahulog sa kadiliman. Kung sana ay ibinahagi ko ang tungkol sa tunay na kalagayan ko kapag nakikipagsamahan ako sa aking kapatid na nangangasiwa, tiyak na inihayag sana niya ang katotohanan sa akin at kaagad sanang bumuti ang aking kalagayan. Kung sana ay palagi kong ipinagtapat ang aking kalooban, naging normal sana ang aking relasyon sa Diyos at hindi sana ako nagkimkim ng pagtatangi laban sa kanya o nagdulot ng malaking pinsala sa gawain ng pamilya ng Diyos. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagbubunyag sa akin ng Kanyang matuwid na disposisyon. Sa pamamagitan ng salita ng Diyos, ako ay naibunyag at nahatulan at sa gayon napagtanto ko ang aking mapanlinlang na kalikasan at ang pinaka-ugat ng aking mga pagkabigo. Ipinakita rin sa akin ng pagbubunyag at paghahatol ng Diyos ang landas na isasa-gawa: Kahit gaano pa karaming paghihirap ang aking haharapin, o gaano kalala ang aking kalagayan, tanging sa pagtatapat ng aking kalooban at paggamit sa katotohanan para magkaroon ng resolusyon at pagsunod sa salita ng Diyos ko matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu. Tanging sa pagtatanggal sa aking balatkayo at pagkilos nang matapat ko matatamo ang pagliligtas ng Diyos.
Sa mga salita ng Diyos natagpuan ko ang pag-asa at malalim ang pagkakaantig ng aking puso. Kahit na ang aking mga kilos ay nagdulot ng lubhang pasakit sa Diyos, hindi Niya ako iniwanan, ngunit palagi Siyang nandoon, tahimik na isinasagawa ang Kanyang pagliligtas. Sa kabila nitong parang mahigpit na pagkastigo at paghahatol, ang marubdob na pagsasaalang-alang ng Diyos ay ganap na kapansin-pansin. Tunay kong naranasan kung ano ang ibig sabihin ng, “pagmamahal na kasing-lalim ng ipinapamalas sa pagpapayo ng ama sa kanyang anak.” Ang diwa ng Diyos ay hindi lamang pagkamatapat, kung hindi, kagandahan at kabaitan. Ang lahat na Kanyang inihahayag ay katotohanan at dapat lamang na pahalagahan ng lahat ng tao, dahil walang miyembro ng masamang sanlibutan ang nagtataglay nitong MakaDiyos na diwa. Bagama’t ang aking tunay na kalikasan ay mapanlinlang at kasuklam-suklam at ang lahat ng aking nagawa ay taliwas sa katotohanan, isinusumpa ko na babalik sa Diyos at gagawin ang lahat sa abot ng aking makakaya para hanapin ang katotohanan, sikaping baguhin ang aking disposisyon at hindi na kailanman magbabalatkayo para lamang maprotektahan ang aking walang silbing estado at pagmumukha. Balang araw, kahit ano pang mga kahirapan o masamang kalagayan ang kakaharapin ko, isinusumpa ko na ipagtatapat ko ang aking kalooban sa iba sa paghahanap ng katotohanan at mabubuhay nang matapat para pasayahin ang puso ng Diyos!


最新の画像もっと見る

コメントを投稿